LOVI POE BALIK-PINAS NA AFTER NG ACTING CLASS ABROAD

loviepoe12

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

PAGKATAPOS  na mag-take ng acting classes sa America, balik Pilipinas na muli si Lovi Poe.

Isa si Lovi sa mahusay na aktres na natin ngayon, pero humingi pa rin ng time-off mula sa network at nag-pursue pa ng acting class. Supportive naman ang GMA sa mga ganitong desire ng mga artists nila na gusto pang i-enhance ang talento na meron sila.

Tulad ni Lovi, si Rhian Ramos ay nag-aaral din ng impromptu comedy sa New York habang si Glaiza de Castro naman ay paalis naman para mag-aral din.

Ang Mega Equality Ball ang unang ganap ni Lovi sa pag-uwi niya at usual, naging kapansin-pansin si Lovi sa kanyang very stylist ruffles and sequins dress.

Ang tagal din niyang nawala na kung hindi kami nagkakamali, January pa yata. So ngayong balik Pinas na nga siya, siguradong may inihahanda na rin ang GMA na bago niyang teleserye.

Sabi ni Lovi, gusto raw niyang may maipakitang bago sa mga manonood. Feeling niya, umiyak na siya ng balde-balde sa mga roles. Nagpaka-daring na rin siya, pero more than that, gusto raw niyang may maipakita pa.

Gusto rin subukan ni Lovi ang magsulat ng script at mailabas ang artistic side naman niya sa pagsusulat.

Binigyan ng pa-welcome ng pamilya niya si Lovi na pinost nito sa Instagram. Sabi nga niya, “This is actually me just coming home on a normal day after work. My family just really loves me.”

Kahit ilang buwan lang din na nawala, hindi itinanggi ni Lovi na namiss niya ang lutong bahay at lutong Pinoy kaya ipinost din niya ang mga niluto ng mommy niya, ang dating aktres na si Rowena Moran at may hashstag itong sinigang is life.

IWAS-PUYAT SI JOSE

Dinadaan sa biro ni Jose Manalo ang pagigiong council/judge niya ngayon sa sa StarStruck dahil pareho raw sosyal at inglisera ang mga kasama niya na sina Cherie Gil at Heart Evangelista.

Pero sabi naman ni Jose, ayos at maganda naman daw ang batuhan nilang tatlo.

“Maganda naman yung rapport namin, nakikita ko.May kanya-kanya kaming ginagawa.”

Although, madalas daw na magkasundo sina Cherie. at Heart sa desisyon ng mga ito, siya naman ang kontrapelo

“Madalas, madalas, lalo na kapag nag-uusap sila. Huy, kinuha rin ako rito, kayo lang ang nag-uusap. Kasi, alam naman nilang hindi ko naiintindihan,” natawa niyang sabi.

Kung tutuusin, pang-balanse nga si Jose sa dalawang sosyal. Siya naman yung masa talaga. Kaya kapag medyo sumososyal na raw ang dalawa, mapapalingon sa kanya at saka maaalalang may jologs pala silang kasama.

“Ha ha ha! Pero hindi, hindi naman, mababait yung dalawa.”

May kanya-kanya raw silang forte.

Sey pa niya, “Si Heart nga, puwedeng magtayo ng sariling portion dito sa StarStruck. Taga-bigay ng payo. Gusto niya, kapag nagbigay siya ng comment o advice, talagang advice sa buhay.

“Si Cherie naman, gusto niya, dire-diretso siya. Ako naman yung medyo kumakalma, pero kailangan may laman din ang sasabihin ko, hindi puro patawa lang.”

Bilang isa sa mga council, ang pinaka-mahirap daw sa kanya kapag nagkuwento na ng mga buhay-buhay nila na suprtado pa ng mga video. Dun daw talaga lumalambot ang puso niya.

Sa history ng StarStruck, parang siya ang sumusunod sa yapak ni Joey de Leon na naging StarStruck council din.

Iwas puyat na rin naman pala si Jose dahil matagal-tagal na rin daw siyang hindi nagsu-show kada-gabi sa mga comedy bar. Kaya naman okay siya na may bagong show tulad ng StarStruck at everyday naman siya sa Eat Bulaga.

Ngayong Sabado at Linggo na ang pilot ng StarStruck 7 sa GMA-7.

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

WE ARE PAID TO WAIT –EDDIE GARCIA

eddie12

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

DITO mo talaga nakikita kung gaano kamahal ang isang tao, kapag marami
ang nagdarasal para sa yo.

Talagang dagsa ang post ng mga taga-showbiz na ipagdasal si Eddie Garcia.

Nakikita mo talagang well-loved siya dahil ang daming nag-aalala sa kanya nang napabalita ang nangyari sa kanya sa taping ng bagong drama series ng GMA 7 na Rosang Agimat.

Kasali pa naman diyan ang alaga kong sina Tonton Gutierrez at Amy Austria.

Alam ko si Manoy Eddie ang ama diyan ni Tonton. Marami silang mga eksena, pero nung nakaraang Sabado hindi kasali si Tonton sa taping.

Dapat meron silang taping ngayong Lunes, pero sinabihan na kaming mapa-pack up munat humihingi pa ng dagdag na dasal para sa agarang paggaling ni Manoy.

Sa totoo lang, hindi naman kailangan ni Manoy na magtrabaho eh.

Sabi nga ng mga staff, hindi raw sa pera yan para kumita.

Gusto lang talaga niyang magtrabaho dahil iyun ang nagpapalakas sa
kanya.

Silang dalawa ni Gloria Romero ang hindi pa talaga tumitigil sa trabaho kaya nakakabilib din ang lakas nila talaga.

Nakatutuwa pa nga ang professionalism nilang dalawa. Kay Manoy Eddie ko nga narinig yang linyang “we are paid to wait”. Kaya hindi siya nagrereklamo kapag naghihintay siya sa taping o shooting.

Sa ngayon ay marami pa rin ang nag-aabang sa latest update kay Manoy Eddie, at naglabas na nga ng statement ang pamilya. May mga nagkakalat na kasi ng kung anu-anong balita tungkol sa kanya.

Hindi rin ganun kalinaw kung heart attack ba talaga o aksidenteng napatid siya sa sa kable dun sa set. Kasi kumalat naman yung video ng eksenang kinukunan nang natumba siya.

Hintayin na lang siguro natin ang statement mula sa GMA 7 kung ano talaga ang totoong nangyari doon sa set ng Rosang Agimat.

Sana malagpasan ito ni Manoy Eddie dahil sinasabi niya yan noon pa sa mga interviews na gusto pa niya talaga magtrabaho.

     INSIDE STARSTRUCK STARTS TODAY WITH KYLINE AS HOSTESS

Sa June 15 na pala magsisimula ang Starstruck at marami na ang nag-aabang dahil bago ang line-up ng mga judges na sina Heart Evangelista, Cherie Gil at Jose Manalo.

Pero ngayong araw ay magsisimula na ang online show ito na tinawag nilang Inside Starstruck.
Si Kyline Alcantara ang host nito at tuwang-tuwa nga ang young actress dahil sa kanya raw ito ipinagkatiwala.
Dito sa Inside Starstruck nyo mapapanood ang mga auditons at mga interview ng mga Starstruck hopefuls.

Mapapanood ito sa official You Tube channel ng naturang programa.

Dito mapapanood ang mga behind the scenes at highlights ng talent-reality search na ito.
Kaya mag-subscribe na kayo sa You Tube channel nitong Starstruck para masubaybayan nyo ito.

Bongga naman ang mga nag-audition, lalo na yung mga natirang finalists kaya abangan nyo na yan.

Ngayong araw ang mediacon ng Starstruck, pero ang mga hosts na sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado, pati mga judges ang haharap. Hindi pa yata yung mga finalists.

Abangan na lang!

 

Please follow and like us:
Read More

JAKE ZYRUS KINALIMUTAN NA ANG PAMILYA

TULUYAN na nga ba talagang binura ni Jake Zyrus o Charice Pempengco ang pamilya sa buhay niya?

Isang avid listener sa DZRH na kapitbahay ni Mommy Raquel Pempengco ang nagkuwento sa aming dinala na raw sa Lucban ang lola nitong si Tess Pineda.

Pagkalabas daw ng hospital, dinala na raw ni Mommy Raquel si Lola Tess sa Lucban, Quezon para doon na raw ito magpagaling.

Ang alam daw nila, tuluyan nang nabulag ang isang mata ni Lola Tess, hindi lang alam kung kaliwa o kanang mata.

Ang nakakalungkot lang daw, hindi man lang daw nakasilip si Jake sa lola niya.

Hindi lang daw nila alam kung nagpadala ng tulong, pero ang pagkakaalam daw nila deadma na raw talaga si Jake sa pamilya niya.

Sinubukan naming tawagan si Mommy Raquel, pero hindi ito sumasagot.

Nung huli kasi naming nakausap ang ina ni Jake, sinasabi niyang ayaw na raw niyang magsalita tungkol sa isyu nilang mag-ina.

Kaya ewan ko lang kung nagkausap ba sila o talagang tuluyan na silang kinalimutan ni Jake o Charice.

STARTRUCK AUDITION, SIMULA NA

Sa January 21 pa pala ang simula ng audition ng Starstruck pero may ilang talent management group na nagsisimula nang mag-audition ngayon para isali nila sa naturang talent-reality show.

Ilan sa nasagap naming tsika tungkol sa Starstruck, ibang-iba raw ang konsepto ngayon na kung saan talagang mahasa nang husto ang makakapasok na finalists.

Sa audition pa lang ay dadaan na raw sa mahirap na stages ang mga bata.

Tatlong stages ang pagdaanan nila, kaya hindi lang ito basta-bastang audition.

Pati raw ang mga kinuhang panel of judges at kakaiba talaga.

Meron daw silang isasaling judge na napakakontrabida. Hindi lang nila masabi sa ngayon dahil papirmahin daw muna nila ng kontrata.

Pati sa mga hosts ay pinagpilian nang husto. Ang tiyak lang naming maghu-host ay si Dingdong Dantes. Siya naman talaga ang mukha ng Starstruck noon pa.

Pero ang latest na narinig namin, hanggang January 15 na lang ang kontrata ni Dingdong sa GMA 7. Kaya pag-uusapan pa ang renewal nito.

Hindi naman siguro pakakawalan ng Kapuso network si Dingdong at hindi naman maatim ng Kapuso Primetime King na iwan ang sarili niyang network.

Abangan na lang natin ang update.

Siyanga pala, ang tawag daw nila ngayon sa bagong Starstruck na sisimulan ay The Starstruck Experience.

                                                                      

Please follow and like us:
Read More