CHINESE NATIONAL KULONG SA KINUPIT NA P1-M

(NI KOI HIPOLITO)

ARESTADO ang isang Chinese national matapos itong ireklamo ng pagnanakaw na umaabot sa P1 milyon sa pinapasukan na kompanya sa Star Cruise New Port City, Pasay City, Lunes ng gabi.

Nakilala ang supek na si Zheng Jiabin, 24, customer service sa Rivendell Global Support Inc., residente ng Cluster 3 9D Sarasota Condominium ng nasabing lugar sa Pasay City.

Base sa report na ipinadala ng Villamor Police Community Precinct sa tanggapan ni Pasay City acting-chief of police PCol. Bernard Yang, inireklamo ni Yow Hong Peng na isang Malaysian national, 26, admininistration staff ng nabanggit na kumpanya bandang alas-8:00 ng gabi ang suspek na si Jiabin dahil sa iligal nitong pagsasagawa ng money transfer na nagkakahalaga ng 150.000 RenMinBi (RM) o may katumbas na P1 milyon na pera ng kompanya.

Pansamantala ngayon nasa kustodiya ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) sa Pasay City Police Station ang suspek habang iniimbestigahan ang isasampang kaso na qualified theft.

Please follow and like us:
Read More