‘AYOKO NA SA ‘YO!’

crime34

(NI ANNIE PINEDA)

PUMUSLIT ang dugo ng isang babae makaraan masaksak ito sa leeg ng kanyang kinakasama matapos ang hindi pagkakaunawaan nang umano’y magkasawaan, iniulat kaninang umaga sa probinsya sa Naga City.

Kinilala ang biktimang si Arlyn Bornasal, 30, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Jonathan Buenaflor, 28-anyos ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng pulisya, habang nasa kasagsagan ng kapistahan ng Peñafrancia sa lungsod , bigla na lamang nagtalo ang dalawa loob ng kanilang bahay.

Nabatid na madalas umanong nagtatalo sina Borsanal at Buenaflor at tila nagkakasawaan na sa kanilang relasyon.

Hanggang sa dumating ang puntong kumuha ng kutsilyo ang suspek at nasaksak sa leeg si Borsanal na agad nitong ikinamatay.

Rumesponde naman ang mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng insidente at nadakip ang suspek sa ginawang follow-up operation.

Nahaharap ngayon sa kasong murder ang suspek.

 

 

Please follow and like us:
Read More

MISIS TUMANGGI SA ‘KALABIT’ NI MISTER, TINODAS 

(NI JG TUMBADO)

NAPATAY sa saksak ng mister ang kanyang sariling maybahay sa pagtangging makipag talik sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital ang biktima na si Juvilyn Lozon, bunsod ng tinamong tatlong tama ng saksak sa kanyang katawan.

Agad namang nadakip ng rumespondeng mga tauhan ng Sto. Tomas City police ang asawa at suspek na nakilalang si Rodrigo dahil na rin sa sumbong ng kanilang anak sa barangay.

Ayon sa ulat ng pulisya, sinaksak mismo ng suspek ang kanyang asawa sa harap ng isa sa kanilang apat na anak sa loob ng kanilang bahay sa Barangay San Roque pasado alas 9 ng gabi ng Miyerkoles.

Bago umano nangyari ang krimen, napag-alaman na nais makipagtalik ni mister kay misis bagay na tinanggihan nito.

Sa himpilan na ng pulisya inamin ni Lozon ang pangyayari at sinabing sa sobrang selos niya sa asawa at naghihinalang may ka relasyon na iba kaya nagawa nito ang krimen sa kanyang asawa.

 

 

Please follow and like us:
Read More

11-ANYOS TEPOK SA TATAY NA MAY TOPAK

crime34

(NI ANNIE PINEDA)

MAAGANG binawian ng buhay ang isang batang babae makaraan pagsasaksakin ito ng kanyang ama na may problema sa pag-iisip habang nagsaksak din sa sarili ang suspek, sa Iloilo City.

Kinilala ang biktima na si Mauren Danggaran, 11-anyos, habang nadakip naman ang suspek at ama nitong si Jonathan Danggaran, 51, kapwa residente ng Barangay Nazuni, Dingle, Iloilo.

Batay sa report ng Dingle PNP, bago ang insidente, bigla na lamang umanong nanlilisik ang mata ng suspek at sinasabing hinahabol siya ng dalawang platoon na sundalo at gusto siyang patayin.

Walang kaabog-abog, bigla na lamang siyang kumuha ng kutsilyo at pinagsasaksak sa dibdib ang anak saka naman sinaksak din nito ang sarili ng tatlong beses.

Kaagad naman dinala sa Iloilo Provincial Hospital, Pototan ang mag-ama pero idineklara na rin patay si Mauren sanhin ng saksak sa tiyan.

Ginagamot naman sa ospital ang suspek at hihintay na lamang ang desisyon ng pamilya sa pagsasampa ng kaso.

Ayon sa pamilya, may nervous breakdown ang suspek at posibleng sinumpong ito ng sakit kaya napatay ang sariling anak.

 

Please follow and like us:
Read More

2 PATAY SA LALAKING NABURYONG; SUSPECT NAPATAY NG MGA PULIS

(NI ROSE PULGAR/PHOTO BY DANNY BACOLOD)

TATLO katao ang nasawi, kabilang ang suspect, nang maburyong at pagsasaksakin ang kanyang pamangkin at kapitbahay habang ito ay pinagbabaril ng mga nagrespondeng pulis, Lunes ng hapon sa Barangay CAA Las Pinas City.

Kinilala ni Police Col. Simran Gran, hepe ng Las Pinas City Police, ang mga nasawi na sina Dancecil Bilog, 35, negosyante, na nagtamo ng ilang saksak sa katawan nito at ang suspect na si Renan Fulgencio, security guard na nagtamo ng maraming tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan at  kapwa hindi na umabot nang buhay sa Las Pinas District Hospital.

Namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente ang pamangkin ng suspect na si Reniel Nonato, 16, matapos magtamo din ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Base sa report ni Gran , dakong alas-2:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa CAA Balikatan, ng nasabing lungsod

Lumabas sa imbestigasyon, pumasok sa loob ng kanilang bahay ang suspect na umanoy lango sa alak na kung saan naabutan nito ang kanyang pamangkin na nasa sala ng bahay na walang sabi-sabi na hinatak nito at sabay na pinagsasaksak sa ibat ibang parte ng katawan.

Nang mapatay na ng suspect ang kanyang pamangkin, lumabas ito ng bahay at sabay naman hinatak ang kanyang kapitbahay na negosyante na si Bilog na sinaksak din nito sa katawan.

Nagawa pang makatakbo ni Bilog ngunit hinabol pa rin siya ng suspect hanggang sa muli na naman siyang sinaksak.

Agad naman naisugod ng mga kapitbahay ang biktima sa nasabing pagamutan.

Inireport ng mga kapitbahay ang insidente sa pulisya at agad nagresponde ang mga tauhan ng Las Pinas City Police sa pangunguna ni Police Col. Gran.

Nagtago sa isang bahay ang suspect matapos nitong masaksak ang kanyang pamangkin at kapitbahay na halos isang oras naman tumagal ang pakikipag negosasyon ng mga pulis para pasukuin ito.

Gayunman, nang lumabas ito at tangkain manlaban sa mga pulis ay dito na napilitan barilin ang suspect.

Isinugod sa nasabing pagamutan ang suspect subalit hindi na ito umabot nang buhay sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad selos ang isa sa tinitingnan na motibo sa pagwawala at pamamaslang sa mga biktima.

Base naman sa pahayag ng mga kapitbahay, umaga pa lamang ay umiinom na ng alak ang suspect sa kanilang lugar.

Nabatid na umalis ng bahay ang asawa ng suspect na nakilalang si Maricel Fulgancio na sinasabing umuwi ng probinsiya sa Cebu na umanoy isa sa ikinagalit ng suspect.

Samantala, sinabi naman ni Angeline Andaya, kapatid ni Maricel, inihatid pa aniya ng suspect ang asawa sa airport dahil magbabakasyon sa kanilang probinsiya.

Nilinaw naman ni Gran na walang naganap na hostage drama sa insidente kung saan pananaksak ang nangyari.

 

Please follow and like us:
Read More

HULING AWIT 

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI inakala ng isang lalaki na huling kanta na pala nito nang dumalo sa isang birthday party ng kanilang kapitbahay nang tarakan ng kainuman dahil umano sa pang-aagaw ng kanta, sa Isabela.

Kinilala ang biktimang si Rey Borja, 43, magsasaka, habang tugis naman ang suspek na kinilalang si Jun Ramirez, 32, kapwa residente ng Barangay Aurora, bayan ng Quezon, Isabela.

Batay sa report ng Quezon Police Station, dakong alas 10:20 Sabado ng gabi nang maganap ang insidente sa bahay ng isang Marissa Laggui, na siyang may kaarawan at bisita nito ang dalawa.

Habang nagkakasiyahan sa inuman, bigla na lamang umanong kinanta ng biktima ang nakasalang na awit na umano’y isinalang ng suspek.

Pilit umanong kinukuha ng suspek ang mikropono sa biktima pero hindi umano pinagbigyan, dahilan para kumuha ito ng kutsilyo at tinarakan sa dibdib si Borja saka mabilis na tumakas.

Isinugod naman sa Quezon Community Hospital ang biktima ngunit wala na rin itong buhay nang idating.

Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong homicide.

 

Please follow and like us:
Read More

CONSTRUCTION WORKER KINATAY SA BAHAY

(NI TJ DELOS REYES/PHOTO BY EDD CASTRO )

INAALAM na ng pulisya kung sino ang responsable sa pananaksak sa isang construction worker na natagpuan na naliligo sa sarili nitong dugo sa loob ng kanyang tirahan sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si si Ronald Sepida Valdez Jr., 26, construction worker at residente ng No. 141 Blessing St., Area 6, Brgy. Bagong Silangan, QC.

Base sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga nang matuklasan ang duguang katawan ng biktima ng nobya nito na si Jeraldine Tolentino na  nakahandusay at tadtad ng saksak sa  leeg   loob ng bahay.

Ayon kay Tolentino, nagpupunta lamang siya sa tahanan ni Valdez tuwing weekend at kung may freetime siya kaya wala siyang nalalaman kung sino ang may kagagawan ng krimen.

Nagulantang na lamang siya nang buksan nito ang pintuan at tumambad sa kanya ang wala nang buhay na katawan ng nobyo.

Agad naman ipinagbigay alam ni Tolentino ang pangyayari sa mga barangay officials ng Brgy. Bagong Silanganan na siya naman tumawag sa kapulisan.

Patuloy ang pagsisisayat ng mga otoridad sa nangyari krimen at kung ano ang motibo sa pamamaslang kay Valdez.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI SINAKSAK NG FLAT SCREW, PATAY

(NI ANNIE PINEDA)

TIGOK ang isang lalaking tauhan ng munisipyo makaraan saksakin ito ng flat screw ng kanyang kaaway, iniulat kaninang umaga sa probisnya ng Leyte.

Kinilala ang biktimang si Jimuel Tado, 28,  job order employee ng Sta. Fe Municipal, at ng Barangay Zone 3, Sta Fe, Leyte.

Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Donaldo Quero, kalugar ng biktima .

Batay sa report ng Sta. Fe Police Station, bumili ang biktima ng gamot sa isang tindahan sa kanilang lugar nang bigla na lamang dumating ang suspek at walang babalang pinagsasaksak ang biktima gamit ang flat screw.

Agad dinala sa ospital ang biktima pero wala na rin itong buhay nang idating.

Tumakas ang suspek pero nadakip din ng mga awtoridad sa ginawang follow-up operation.

Lumabas sa imbestigasyon, matagal na alitan ang motibo sa krimen.

Nakakulong ngayon sa Sta. Fe Police Station ang suspek at naharap sa kasong pagpatay.

Please follow and like us:
Read More

UTOL PINATAY SA SAKSAK NI KUYA

crime34

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Kamatayan ang sinapit ng isang 39-anyos na lalaki makaraang pagsasaksakin mismo ng kanyang nakatatandang kapatid matapos mag-away ang mga ito sa Sitio Bato, Barangay San Mateo, Aleosan, North Cotabato, Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Randy Calambro, 39, may asawa, habang ang suspek na kanyang nakatatandang kapatid na si Leonard Calambro, 44.

Sa imbestigasyon, alas 9:15 ng gabi nitong Huwebes, lango sa alak ang suspek nang nagkaroon ng mainit na pagtatalo hanggang sa pinagsasaksak nito ang kanyang kapatid gamit ang kutsilyo.

Mabilis na isinugod ang biktima sa pagamutan pero kalauna’y binawian ng buhay habang boluntaryo namang sumuko ang suspek sa PNP.

Sa ngayon, nasa kostudiya na ng Aleosan PNP ang suspek habang nakatakda itong sasampahan ng kasong homicide sa korte.

 

Please follow and like us:
Read More

GATECRASHER LUMUSOB SA PARTY, NANAKSAK, 1 PATAY

stab

(NI ANNIE PINEDA)

PATAY ang isang lalaki makaraan pagsasaksakin ito ng kanyang kapitbahay na hindi umano naimbitahan sa birthday party sa Surigao del Norte.

Kinilala ang biktimang si Resty Balderan habang ang suspek ay kinilalang si Marion Poliran, kapwa residente ng Gigaquit Surigao del Norte.

Batay sa report ng pulisya, nagkakasiyahan ang biktima sa isang birthday party sa kanilang lugar nang bigla na lamang itong sugurin ng suspek na lango sa alak at pinagsasaksak ng apat na beses.

Kaagad naman dinala sa ospital ang biktima pero nalagutan din ito ng hininga sanhi ng mga sa saksak dibdib at katawan.

Matapos ang pananaksak, tumakas ang suspek pero kalaunan ay nadakip din ng mga awtoridad sa hot pursuit operation.

Please follow and like us:
Read More

BABAENG CHINESE SINAKSAK SA CONDO

crime34

(NI KOI HIPOLITO)

NAUWI sa pananaksak ang mainitang pagtatalo ng dalawang magkababayan na mga babaeng Chinese nationals sa loob ng kanilang pansamantalang tinitirhan, Lunes ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Li Tian, 36, at kinilala naman ang suspek na si Yi Fei, 25, na tumakas matapos ang insidente.

Base sa natanggap na report ni Pasay City Police chief PCol. Bernard Yang, bandang 1:50 ng madaling araw nitong Lunes nang makatanggap ng tawag ang Moa Police Community Precint (PCP) galing sa security guard ng nasabing condominium tungkol sa insidente ng pananaksak sa sa Unit 1505 Tower D, Shore Residences Condominium sa MOA Complex sa Lungsod ng Pasay City.

Ayon sa salaysay ni Huang Youi-an roommate ng dalawa, wala umano siya nang mangyari ang insidente at nang dumating siya sa kanilang tinutuluyan ay nakita  umano niya ang kaibigan na si  Tian na duguan.

Sinabi umano nito na nagkaroon sila ng argumento ng suspek na si Fei dahil sa kanilang trabaho na ikinapikon nito hanggang sa kumuha ng isang kitchen knife at sinaksak umano siya sa kaliwang tagiliran.

Isinugod ng security guard sa San Juan De Dios Hospital ang biktima na ngayon ay nasa mabuti nang kondisyon at naglatag na ng isang follow up operation ang mga otoridad para madakip at mapanagot ang suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

14-ANYOS DALAGITA SINAKSAK NG KAAWAY SA MUKHA

stab

(NI CHERK BALAGTAS)

NASA kritikal na kalagayan ngayon ang isang 14 anyos na dalagita matapos na saksakin sa mukha ng kanyang nakaaway sa tapat ng isang convenience store sa Caloocan City, Miyerkoles ng gabi.

Sa ulat ng Caloocan City Police Community Precinct 1, ganap umanong alas – 7:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa tapat ng 7/11 convenience store sa kahabaan ng Malolos Avenue, Barangay 164, Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Pauwi na ang biktimang itinago sa pangalang Jewerlyn, grade 9, kasama ang isa niyang kaibigang babaeng menor de edad din mula sa nasabing convenience store nang lapitan sila ng mga suspek na itinago rin sa mga pangalang Jan Pauleen,13, , grade 8 at Journey, 14, grade 8.

Doon na kinumpronta ng mga ito ang biktima sa hindi na nalaman pang usapin, nagkapalitan ng maaanghang na salita sa pagitan ng dalawang panig hanggang bumunot ng patalim si Jan Pauleen at biglang tinarakan sa kanang bahagi ng kanyang mukha ang biktima.

Matapos ang insidente ay agad ding nagsitakas ang mga suspek habang mabilis din namang ipinagbigay alam ng kanyang kaibigan sa ina ng biktimang si Jocelyn Ramos ang insidente na siyang nagsugod dito sa Manila Central University Hospital na ngayon ay patuloy na inoobserbahan ang kalagayan.

Nagsagawa ng follow -p operation ang mga awtoridad na nauwi sa agarang pagkakaaresto sa mga suspek na pawang mga nasa pangangalaga na ngayon ng City Social Welfare.

 

Please follow and like us:
Read More

KUSINERO NANAKSAK SA CONVENIENCE STORE

crime34

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

ARESTADO ang isang kusinero matapos manaksak sa loob ng  convenience store dahil sa magdamag umanong pagluluto nang walang kain sa Caloocan City, Miyerkoles ng gabi,

Kinilala ang suspek na si  Christopher Combo, 21, kusinero sa Chill Bar at residente ng 1516 Sampaguita St.,  Malaria, Brgy. 135, Caloocan City.

Nagkasugat-sugat naman ang mga kamay ng kasasalag ng mga biktimang sina Nico Torno, 34, ng 1179 Sampaguita St., Brgy. 185, Malaria, Caloocan City; at John Michael Custodio, 23, ng Brgy. 185, Malaria, Caloocan. City.

Naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi sa isang convenience store sa Quirino Highway, Sampaguita St. Bumibili ng pagkain ang mga biktima nang komprontahin ng suspek si Torno at nagsimulang magtalo ang dalawa.

Umalis ang suspek at nang bumalik ay armado na ng patalim at hinalihaw ang mga biktima na pinagsasalag ang patalim gamit ang kanilang mga kamay.

Isang residente ang humingi ng tulong sa mga tanod ng barangay at dinakip ang suspek at pagkakakumpsika ng isang kitchen knife na 13 pulgada ang haba.

Dinala ang mga biktima sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital para magamot ang mga sugat kasama ang suspek para sa medical examination at inilipat sa kostodiya ng pulisya alas-2:30 ng madaling-araw.

Nabatid na napraning ang suspek sa pagkatakam sa kanyang mga niluluto ngunit hindi naman makuhang kumain dahil sa dami ng kanilang customer.

 

Please follow and like us:
Read More

PUMATAY NG PAMANGKIN NA PASLIT, TODAS SA PRESINTO

crime

(NI HARVEY PEREZ)

HINDI na sinikatan ng araw ang isang  lalaking pumatay sa kanyang apat na anyos pamangkin nang mang-agaw ng baril sa isang pulis-Maynila sa loob ng Manila Police District-Police Station 2, habang iniimbestigahan, Lunes ng gabi sa Moriones,Tondo, Maynila.

Hindi na umabot nang buhay sa Mary Johnston Hospital ang suspek na si Edmundo Perucho, 51, pedicab driver at ng Gate 10 Parola Compound,Tondo, Maynila dahil sa  tama  ng bala sa kanang bahagi ng ulo mula sa service firearm ni PSSG Luigi Tan.

Ayon kay PCpl Rodel Benitez, imbestigador ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente dakong alas  8:28 n gabi sa loob ng MPD-Police Station 2, kung saan iniimbestigahan ang suspek sa pagpatay sa biktimang si  Larz Genesis Dela Cruz, 4 na binurdahan nito ng saksak dakong ala- 1:15 ng hapon.

Nagpaalam umanong iihi ang suspect na sinamahan  ni PSSG Alfred  Luigi Tan, gayunman, pagdating sa comfort room at tinanggalan ng posas, kaagad nitong inagaw ang baril ng pulis.

Sa puntong ito, nag-agawan umano ang dalawa sa baril  habang nagsasalita ang suspek ng “Wala ng kwenta tong buhay ko. Damay-damay na tayo,” nang  pumutok ang baril at duguang bumagsak ang suspek.

Nalaman  na pinagbalingan umano ng galit ng suspek  ang paslit matapos nitong makipagsuntukan sa ama ng bata na si Gener  habang nag-iinuman sila.

Nagdududa  umano ang suspek na may kalaguyo ang kanyang asawa na kapatid ng ama ng bata at kinukunsinti ito ng mga kaanak ng kanyang misis.

Base sa kuha ng CCTV camera sa lugar, lumilitaw na dakong 1 ng hapon ay makikita pa ang biktima na naglalaro sa kalsada sa labas lamang ng eskinita na papasok sa kanilang tahanan, ngunit pagsapit ng 1:12 ng hapon ay nakita umano itong pumasok na sa eskinita, matapos na tawagin ng suspek upang utusang bumili ng yelo sa tindahan pero sa halip na  pabilhin ng yelo ay isinagawa na ng suspek ang pagpatay sa biktima.

Sa testimonya ng testigo na si Jennifer Matibag, dakong 1:40 ng hapon nang makita niyang nag-aamok ang suspek, at nagsisigaw habang palabas ng eskinita at sinasabing dapat na siyang patayin dahil pumatay siya ng bata.

“Patayin nyo na ako! Pumatay ako ng bata!” sigaw pa umano nito, habang iwinawasiwas ang dalang duguang kutsilyo, na may habang 15 pulgada.

Naisugod pa sa ospital ang bata ngunit namatay din.

Please follow and like us:
Read More

4-ANYOS SINAKSAK NG 18 BESES NG TIYUHIN

crime34

(NI JULIE DUIGAN)

NAGTAMO ng 18 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang madiskubre ng kapitbahay ang duguang paslit sa Tondo, Manila, ngayong Lunes ng hapon.

Nakilala ang biktimang si Larz Genesis Dela Cruz, 4, ng Gate 10 Area -B Parola Compound sa Tondo, Manila

Hawak hawak pa ang may 12 pulgadang patalim at duguan ang kamay nang bitbitin ng awtoridad ang suspek na nakilalang si Edmundo Perucho, nasa 50 hanggang 55 anyos, trike driver, tiyuhin ng paslit ng nasabing lugar.

Batay sa ulat ni Det. Roderick Magpale na isinumite kay P/Capt.Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, alas 2:00 ng hapon, nang maganap ang pananaksak sa loob ng bahay ng pamilya Dela Cruz.

Salaysay ni Joan Cantuba,24, kapitbahay ng biktima, una umano niyang nakita ang biktima na nakatihaya at naliligo sa sariling dugo na tadtad ng saksak.

Hanggang sa makita nila si Perucho na armado ng patalim at duguan ang kamay.

Inamin naman nito na nakapatay siya ng bata pero walang nakakita sa krimen.

Gayunman, nang rumesponde ang mga tauhan ng MPD -Delpan PCP, dito nakita si Perucho na hawak-hawak pa ang patalim.

Patuloy na iniimbestigahan ang insidente gayundin kung lango sa droga ang suspek nang isagawa nito ang krimen.

 

 

Please follow and like us:
Read More

CP ITINAPON NG MISIS; MISTER NAPIKON NANAKSAK

stab

(NI SIGFRED ADSUARA)

DAHIL sa selos, nasa malubhang kalagayan ngayon ang isang 23-anyos na misis nang mapuruhan ni mister nang magalit sa itinapon na cellphone sa Naic, Cavite.

Ginagamot ngayon sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Jennelyn Origenes, isang service crew sa Bente Meal at residente ng Block 19 Lot 4 Phase 5 Ciudad Nuevo, Brgy Timalan, Balsahan, Naic, Cavite.

Nagtamo ito ng malalim na tama ng saksak sa kanyang katawan mula sa kanyang mister na si Grantray Origenes, 22, courier ng KNT Express.

Sa ulat ni PCMSgt Emelita Laurente, ng Naic Municipal Police Station, matutulog na sana ang mag-asawa dakong alas-12:30 ng madaling araw nang  biglang may nag-text kay Grantray.

Tinanong ni Jennelyn kung sino ang nag-text pero hindi sumagot ang kanyang mister kaya inagaw nito ang cellphone at itinapon dahilan upang magalit ang lalaki  na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Sa galit ni mister, kumuha ito ng kutsilsyo at  pinagsasaksak  ang kanyang misis.

Unang isinugod sa Naic Doctors Hospital pero dahil sa malubhang lagay nito ay inilipat siya sa ibang ospital.

Sa tulong ng kanilang ninang sa kasal, nakahingi ito ng saklolo sa presidente ng Homeowners Association na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

MISIS PINUGUTAN NG MISTER DAHIL SA SELOS

(NI TJ DELOS REYES)

LABIS na selos ang tinuturong dahilan ng isang mister kung bakit nito nagawang barilin, pagsasaksakin saka pinugutan ang kanyang live-partner, Miyerkoles ng hapon sa Quezon City.

Nakilala ang suspek na si Alejandro Baltazar Llano, 34, walang trabaho, residente ng Arba St. corner Munoz St, Barangay Batasan Hills, ng nasabing lungsod habang nakilala naman ang biktima na si Maricel Alejo, kinasakasama ng una.

Ayon kay Batasan Police Station 6 Commander P/Lt. Col Joel Villanueva, dakong ala-1:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa mismong tahanan ng mag-asawa.

Lumalabas na isang tawag ang natanggap ng kapuilisan mula sa barangay kung saan mayroon isang lalaki na armado ng baril na naglalakad sa kalsada.

Agad na nagresponde sa lugar ang mga kapulisan subalit nagawa pang i-hostage ni Llano ang anak nito na tatlong taon gulang.

Sumisigaw naman na humihingi ng tulong ang anak na babae habang nasa sa loob ng bahay at sinasabi na patay na ang kanyang ina.

Ilang minuto rin ang tumagal ang negosasyon bago tuluyang sumuko ang suspek sa pulisya.

Nang inspeksyunin ang tahanan, nakita ang katawan ni Alejo sa loob ng banyo na nagtamo pa ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan habang ang ulo naman nito ay nakita sa kusina.

Kasalukuyan nasa pangangalaga ng ng Police Station 10 si Llano at nakatakdang sumailalim sa drug test.

 

Please follow and like us:
Read More

MISTER ‘DI UMUWI, SINALUBONG NG SAKSAK NI MISIS

stab

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Kritikal ang kondisyon ngayon ng isang mister makaraang magtamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan nang pagsasaksakin siya ng kanyang misis sa loob mismo ng kanilang bahay sa Malagapas, Barangay Rosary Heights 10, Cotabato City, iniulat kahapon.

Nakilala ang biktima na si Alvin Pagilidan, 45, habang ang suspek na misis nito ay kinilala namang si ‘Belle’.

Sa report ng City PNP, pasado alas-5:00 ng hapon ng Martes nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa dahil sa ilang araw umanong hindi pag-uwi ni Alvin sa kanilang bahay.

Sa sobrang galit ni ‘Belle’ ay kumuha ito ng patalim at inundayan ng saksak si Alvin.

Nagtamo ng malalim na mga sugat sa likod at kanang balikat si Alvin na agad din namang isinugod sa pagamutan.

Please follow and like us:
Read More

MISIS TINANGKANG HALAYIN SA TABI NG MISTER

(NI SIGFRED ADSUARA)

SUGATAN ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) at asawa nito nang pagsasaksakin ng dalawang kalalakihan na pumasok sa kanilang bahay at tangkang halayin ang babae  sa Maragondon, Cavite.

Ginagamot ngayon sa San Lorenzo Ruiz Hospital ang biktimang si Jun Jun Martal, 30, at asawa nitong si Maylin, 24, kapwa residente ng Brgy. Layong Mabilog, Maragondon, Cavite dahil sa saksak sa katawan.

Arestado naman ang isa sa suspek na si Mark  Camacho, alias Undo, 31, residente ng Caloocan City, habang pinaghahanap pa ng pulisya ang kasama nito na si  Wilfredo Abata, 20, ng Brgy. Layong Nabilog, Maragondon, Cavite, kapwa electrician at nagtatrabaho sa  harapan ng bahay ng mag-asawa.

Sa ulat ni Pat. Juviel De Leon, ng Maragondon Municipal Police Station, mahimbing na natutulog ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay nang naalimpungatan si Jun Jun  dakong alas-2:00 ng madaling araw ng Biyernes at nakita ang mga suspek na walang damit pang-itaas  habang  nakaibabaw sa kanyang asawa si Camacho.

Nang nagising si Jun Jun, agad na pinagsasaksak  ng mga suspek subalit nakipambuno ito habang ang asawa nito ay nagsisigaw kaya maging siya rin ay pinagsasaksak ng mga suspek.

Ayon kay De Leon, hindi alam ng mga suspek na dumating si Jun Jun na destino sa labas ng Maynila nang pasukin nila ang bahay ng mag-asawa.

Inamin din umano ng mga suspek na nagawa nila ang krimen dahil sa sobang kalasingan.

Tinangkang tumakas ang mga suspek  at naaresto ng  mga sumaklolong kapitbahay  si Camacho habang si Abata ay nakatakas.

 

Please follow and like us:
Read More

MAGSASAKA TINAGA SA LEEG

(NI JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – Isang magsasaka na nakatulog sa kalasingan ang pinagtataga sa leeg na parang manok hanggang sa mapatay sa Lucena City noong Huwebes.

Sa report ng pulisya, pagkatapos nang matagal na inuman sa Barangay Dalahican ay nakatulog ang langung-lango na si Julio Estimo, 56, residente ng Barangay 7 sa siyudad na ito.

Nang malasing ang biktimang dayo sa nasabing barangay ay nakatulog na lang ang biktima sa lamesang pinag-iinuman, bandang ala-1:30 ng madaling araw.

Ayon sa mga nakasaksi, habang nasa kasarapan ng tulog ang biktima dulot na rin ng malamig na simoy ng hangin mula sa Tayabas Bay ay bigla na lang itong sunud-sunod na tinaga sa leeg ng mangingisdang si Efren Orquia.

Dead on the spot ang duguang biktima. Tumakas ang suspek at hinahanting ngayon ng pulisya.

Nagsasagawa rin ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang alamin ang posibleng motibo ng suspek sa ginawang walang habas na pagtataga sa biktima.

Please follow and like us:
Read More

DUDANG MAY LOVER; MISIS NA OFW KINATAY NI MISTER

crime34

(NI JG TUMBADO)

DAHIL sa tindi ng galit bunsod ng sobrang selos, nagawang pagsasaksakin ng isang mister ang kanyang misis na isang overseas Filipino worker (OFW) sa Lebak, Suldan Kudarat.

Namatay habang isinusugod sa pagamutan ang 39-anyos na biktima na si Daisy Villar, domestic worker sa United Arab Emirates (UAE), bunsod ng tinamong mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Habang ang suspek naman na si Anjo Villar ay nasa kostudiya na ng pulisya nang sumuko dalawang oras matapos ang krimen.

Ayon sa report ng Sultan Kudarat Provincial Police Office, nangyari ang karumal-dumal na krimen sa bahay ng mag-asawang Villar sa Barangay Poblacion Uno pasado alas-4:00 ng hapon nitong Lunes.

Ayon sa ulat, nagkaroon umano ng matinding pagtatalo ang mag-asawa bago nangyari ang pananaksak.

Naririnig pa umano ng ilang mga kapitbahay ang sigawan at komosyon sa loob ng bahay ng mag-asawa kung kaya’t agad silang tumawag sa pulisya.

Nadatnan na lamang ng mga awtoridad na naliligo sa sariling dugo ang biktima at nakahandusay malapit sa kanilang sala kung saan ay sinubukan pang dalhin sa ospital para isalba ang kanyang buhay.Lumalabas sa imbestigasyon na naghihinala ang suspek na may ibang lalaki ang biktima sa UAE na dahilan ng krimen.

Napag-alaman na nitong araw lamang ng Sabado, Hunyo 22, dumating ng Pilipinas si Daisy mula UAE.

Please follow and like us:
Read More

MISTER VS LOVER NI MISIS: KAPWA SUGATAN SA SAKSAKAN

stab100

(NI KOI HIPOLITO)

NAUWI sa madugong saksakan ang pagtatalo ng dating mag-asawa nang saklolohan ng kinakasam ng babae ang pananakit ng mister sa Pasay City, Linggo ng gabi.

Nabatid na nagtungo si Rodley Warren Delos Reyes, 26, sa bahay ng dating asawang si Rochelle, para paalagaan ang iniwan na anak sa De Guzman St., Malibay, Pasay, bandang alas-10:00 ng gabi.

Habang nag-uusap umano ang dating mag-asawa ay napunta ang usapin sa kanilang relasyon na mahigpit namang tinutulan ni Rochelle.

Doon na umano naging bayolente si delos Reyes at sinakal sa Rochelle.

Humingi ng saklolo ang mga bata sa bagong kinakasama ng babae na si si Brix Alcantara, 21, at doon ay siya ang pinabalingan ng galit ni delos Reyes.

Bumunot ng patalim si Alcantara at nagpambuno ang dalawa dahilan upang kapwa sila nagtamo ng saksak sa katawan.

Isinugod ang mga ito sa ospital at patuloy na inoobserbahan.

Please follow and like us:
Read More

SENIOR CITIZEN BINURDAHAN NG SAKSAK NG MAGKA-LIVE IN

stab

(NI JULIE DUIGAN)

HINDI na nagawang maisalba ng mga manggagamot sa Tondo General Hospital ang isang 60-anyos na street sweeper, makaraang pagtulungang patayin  sa saksak ng mag–live in sa Tondo, Manila , Huwebes ng gabi.

Sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ni P/Lt.Col. Reynaldo Magdaluyo , Station Commander ng Manila Police District-Raxabago Police Station 1, nadakip ang suspek na nakilalang si Ferdinand Nedrosa habang patuloy ang pagtugis sa tumakas na umano’y  kinakasama ni Nedrosa na  si Rochelle Dumag , kapwa residente ng 107 Roxas St., sa Brgy.100 Zone 8, Tondo.

Nakilala naman ang biktimang si Ernesto Calanoc.

Base sa ulat na isinumite ni Det. Richard Escarlan , kay P/Capt. Henry Navarro , hepe ng MPD-Homicide Section , bandang alas-8:45 ng gabi, nang maganap ang krimen sa Trinidad St., malapit sa panulukan ng Lacson St., sa Tondo.

Ayon sa isang Jeyson Aparato, 44 , pauwi na umano ito at habang naglalakad sa kahabaan ng Trinidad St., nang makita nitong nakakubabaw na pinag-uundayan ng saksak si Calanoc, habang ang kinakasama naman nito ay nakasakal sa leeg. Nang makitang wala ng malay ang biktima, nagkanya-kanya na umanong takas papalayo ang dalawa, habang isinugod sa nasabing pagamutan si Calanoc.

Hinalang may kaugnayan sa shabu ang pinag-ugatan ng krimen ngunit patuloy pa itong iniimbestigahan.

 

Please follow and like us:
Read More

NAPIKON SA SELOS NG BF; BEBOT NANAKSAK

crime85

(NI ALAIN AJERO)

SAKSAK ang isinukli ng isang lasing na bebot sa bintang ng kanyang lasing ding kinakasama  na nakikipag-sex siya sa ibang lalaki, sa Malabon City Linggo ng hapon.

Nananatiling nakaratay sa Ospital ng Malabon sanhi ng  saksak sa likod si Jonathan Gamba, 43, habang dinampot naman ang suspek na nakilalang si Marissa Parawan, 37.

Alas-2:24 pa lamang ng hapon ay matutulog na sana ang dalawa dala ng kalasingan sa loob ng kanilang bahay sa 129 Sitio, Sto. Niño, Brgy. Concepcion.

Mula sa kawalan ay kinompronta ni Gamba si Parawan ukol sa umano’y palihim na pakikipagtagpo nito sa isang alyas “Junior.”

Dito na napikon ang suspect sa tila hindi matapos-tapos na akusasyon ng biktima.

Kumuha ang suspect ng kitchen knife saka inundayan ng isang saksak sa likod ang biktima.

Bagama’t may saksak ay nakalabas ng bahay ang biktima at nakahingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay na nagsugod sa kanya sa naturang pagamutan.

Kusa namang sumuko sa pulisya si Parawan at isinuko rin ang ginamit na patalim.

Please follow and like us:
Read More

LALAKI SINAKSAK NG DATING ASAWA NG LOVER

stab

(NI KEVIN COLLANTES)

ISANG mister ang nasugatan nang pagsasaksakin ng dating asawa ng kanyang kinakasama, na dati na umanong kaalitan sa Barangay Mauway, Mandaluyong nitong Linggo.

Nilapatan na ng lunas ngunit inoobserbahan pa sa Mandaluyong City Medical Center ang biktimang si Victor Domingo, 42, habang nakatakas naman ang suspek na si Ronnel Ehiga, dating miyembro ng Bantay Bayan at residente rin ng naturang lugar.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Mandaluyong City Police, dakong alas-5:10 ng hapon nang maganap ang insidente habang nakaupo si Domingo sa harapan ng kanilang tahanan sa Block 5, Barangay Mauway.

Bigla umanong dumating ang suspect saka bumunot ng isang ‘Rambo knife’ at ilang ulit na pinagsasaksak ang nabiglang biktima.

Dalawang saksak sa dibdib ang tinamo ng biktima.

Matapos ang pananaksak ay tumakas ang suspek habang isinugod naman ang biktima ng kanyang mga kaanak sa pagamutan.

Nang makapanayam naman ng mga imbestigador ang biktima sa emergency room ng pagamutan,  sinabi nito  na ang suspek ay dating asawa ng kanyang live-in partner.

Dati na umano silang may alitan ng suspek dahil sa kasong kriminal na isinampa niya laban dito, ngunit hindi naman na tinukoy ang pinag-ugatan ng naturang kaso.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek upang panagutin sa krimen.

 

 

Please follow and like us:
Read More