DALAGITA, KALABOSO SA PANANAKSAK NG 13-ANYOS

(NI CHERK BALAGTAS)

KALABOSO ang isang 16-anyos na dalagita matapos saksakin ang 13-anyos na lalaki sa loob ng internet shop sa Malabon City, Linggo ng gabi.

Sa ulat ni Malabon City Police Chief P/Col. Jessie Tamayo, ganap umanong alas – 11:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng isang Piso net sa Block 9 Hiwas Street, Barangay Longos.

Base sa imbestigasyon Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) P/SSgt. Romirosa Mallari, naglalaro sa nasabing establisimyento ang biktimang itinago sa pangalang Boy, nang dumating ang suspek na itinago rin sa pangalang Angie, kasama ang kanyang tiyuhin at agad na kinumpronta ang biktima hinggil umano sa dati nang alitan ng dalawa.

Doon na nagkabulyawan ang dalawa na agad namang inawat ng tiyuhin ng suspek ngunit bigla na lamang bumunot ng patalim ang dalagita saka itinarak sa likod ng biktima sabay mabilis na tumakas.

Agad namang nasaklolohan ng kanilang barangay ang biktima at mabilis na naisugod sa Tondo Medical Center na ngayon ay kasalukuyan pa ring nagpapagaling.

Isinuko rin naman kalaunan ng tiyuhin ng suspek ang dalagita na ngayon ay nasa kustodiya na ng WCPD.

Please follow and like us:
Read More

BABAE BINURDAHAN NG SAKSAK SA KATAWAN

(NI LILY REYES)

LABINLIMANG tama ng saksak  sa  iba’t ibang parte ng katawan  ang  tumapos sa buhay   ng isang hindi kilalang babae, Linggo ng gabi sa Quezon City.

Ayon sa isang saksi, bigla na lang umanong  nagtatakbo ang biktimang nakilala lang sa pangalang  ‘Apple’    palabas galing sa looban ng Agham Road at humingi   ng tulong pasado alas- 9:00 ng  Linggo ng gabi.

Sumakay umano ang babae  at naupo  sa isang nakaparadang  pedicab  makalipas ang ilang saglit ay  nawalan ng malay  ang babae  at bumagsak doon din.

Karamihaan umano ng tama ng saksak ng biktima ay sa likurang bahagi ng kanyang katawan.

Bakas pa ang dugo sa eskinita sa Sitio San Roque kung saan sinasabing nanggaling ang biktima nang dumating ang mga   imbestigador ng Quezon City Police District.

Napag-alamang tatlong araw pa lang umanong  umuupa doon si ‘Apple’ kasama ang asawa na suma-sideline bilang jeepney driver.

Ayon sa may-ari ng paupahan, nakausap pa niya ang asawa ng biktima para sabihin ang nangyari.

Tumanggi raw itong puntahan ang kanyang asawa at baka madamay at patayin din daw siya.

Hinahanap ngayon ng mga pulis  ang asawa ng biktima para makakuha ng karagdagang detalye.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

ATE PATAY SA SAKSAK NI UTOL 

stab

(NI ANNIE PINEDA)

BUMULWAK ang dugo sa tiyan ng isang ate makaraan pagsaksakin ito ng kanyang kapatid na lalaking lango sa alak, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Iloilo City.

Kinilala ang biktimang si Heidi Concepcion Adorable, 61, habang nadakip naman ang suspek at kapatid nitong si Romeo Concepcion, 52, at kapwa residente ng Zone 1 Calumpang, Molo, Iloilo City.

Batay sa report ng Molo Police station, naganap ang insidente sa bahay ng isang Myla Gangje, kapitbahay ng magkapatid sa nasabing lugar.

Kuwento ni Gangje, malapit na kaibigan ni Adorable, nag-iinuman ang suspek at asawa nito nang dumating ang biktima nagulat na lamang sila nang tumayo si Romeo at pinagsasaksak sa tiyan ang kanyang ate .

Tinangka naman umawat ang mag-asawang Gangje, pero maging sila ay sinubukan rin saksakin ni Concepcion, kaya humingi na sila ng tulong sa mga kapitbahay.

Kaagad naman dinala sa ospital ang biktima pero nalagutan na rin ito ng hininga.

Mabilis naman naaresto ang suspek ng mga rumespondeng pulis sa lugar ng pinangyarihan ng insidente at nakuha kay Concepcion ang kutsilyo na ginamit nito sa pagpatay.

Sa himpilan ng pulisya, labis naman ang pagsisisi ng suspek sa ginawa at sinabing hindi niya alam na napatay niya ang kanyang ate.

Iniimbestigahan na ng pulisya kung gumagamit ng droga ang suspek.

Nahaharap ngayon sa kasong pagpatay si Concepcion.

 

Please follow and like us:
Read More

NANAY IPINAKULONG ANG ANAK VS SINAKSAK NA LOVER

arrested

(NI DAVE MEDINA)

IDINIIN ng ina ang sariling anak sa krimen ng pananaksak, Martes ng gabi sa Muntinlupa City matapos mag-away ang dalawa at saksakin ng anak ang lover ng nanay.

Ang sugatang  basurero  na lover ng ina ng suspek ay kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Muntinlupa sanhi ng saksak sa katawan ay nakilalang si Roldan Tagnipis, 30, nakatira sa Santos Compound, Muntinlupa City.

Nakakulong naman ngayon sa Muntinlupa City Police detention facility ang suspek na si Robert Panganiban, 21, na nakatira rin sa nabanggit na lugar.

Ayon sa report ng Muntinlupa City Police, base sa pahayag ng live-in partner ng biktima na si Lanie Panganiban,  naganap ang insidente dakong alas-7:45 kamakalawa ng gabi sa harapan ng Sunbay Apartelle sa National Road, Brgy. Putatan, Muntinlupa City.

Ayon kay Lanie,  bago ang insidente ay nakita niyang nagtatalo ang  kanyang anak at live-in partner.

Sinabi ng ginang na siya ay pumagitna sa pagtatalo ng dalawa at inaawat ang mga ito subalit nagulat na lamang siya nang bumunot ng patalim ang kanyang anak at sinaksak ang kinakasama niya.

Kaagad nilang dinala ang sugatang biktima sa nabanggit na ospital at ang suspek naman ay ipinadakip ng nanay sa mga kagawad ng Muntinlupa City Police.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng insidente.

Please follow and like us:
Read More

BEBOT INAWAY, LALAKI PATAY SA RESBAK NG UTOL

crime34

(NI ANNIE PINEDA)

HINATAW ng bote ng alak, tinarakan sa dibdib ang inabot ng isang tricycle driver nang pagtulungan patayin ng grupo ng nakaaway ng kanyang kapatid na babae sa loob ng bar, iniulat kaninang madaling-araw sa probinsya ng Digos City.

Kinilala ang biktimang si Gerald Generalo, ng nasabing lungsod.

Arestado naman ang dalawa sa limang suspek na kinilalangsi Kim Charlie Pomperada Catian, at isang menor de edad habang tinutugis naman ang tatlo pa nilang kasama na nakatakas matapos ang insidente.

Batay sa report ng Digos City Police, dakong ala 1:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Rizal Street, ng nasabing lungsod.

Lumabas sa pagsisiyasat, nag-inuman ang grupo ng kapatid ng biktima na si alyas Anna sa isang bar, nang magkaroon ng hindi pagkakaunawan ang grupo ni Catian at grupo naman ni Ana.

Kuwento ni Ana, siya ang napagbuntunan ng galit nina Catian, kaya nagsumbong siya sa kanyang kuya na si Gerald dahilan para respondehan ito.

Pagdating sa lugar, sinalubong ang biktima ng mga suspek na hataw ng basag na bote sa ulo at pinagsasaksak sa iba’t ibang parte ng katawan na agad nitong ikinamatay.

Tumakas naman ang mga suspek matapos ang insidente, pero sa nakuhanan ang mga ito sa CCTV footage at sa tulong na rin ng mga saksi nadakip sina Catian at nakatakdang sampahan ng kasong pagpatay.

 

Please follow and like us:
Read More

3 BABAE PINATAY SA SAKSAK SA BOARDING HOUSE

crime34

(NI JESSE KABEL)

PATAY ang tatlong babae nang lusubin ng kalive-in ng isa sa mga biktima ang boarding house ng mga ito at pagsasaksakin, Miyerkoles ng umaga sa Davao City.

Ayon sa inisyal na ulat ng Davao City Police Office, naka hospital arrest naman ang suspek na kinilalang si Daryl Aguilar na nagtangkang mag suicide matapos ang  pananaksak  sa tatlong babae sa loob ng boarding house sa Sunrise Village, Barangay Matina sa nabangit na siyudad.

Kinilala ang pinaslang na  magkapatid na sina Jessa May at Jesybell Abitona at ang nakitulog lamang na kaibigan na si Caryl Jiff Salianon  na  pawang nagtamo ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng  katawan.

Nabatid na mismong   si Aguilar na suspek sa pamamaslang, live-in partner ni Jessa May, ang nagpatawag ng mga pulis para ipaalam ang ginawa niyang krimen.

Hinala ng mga pulis ay nasa isip ng salarin na hindi na rin siya aabutin pa ng buhay dahil sa plano nitong pagpapatiwakal matapos ang krimen.

Lumitaw sa pagsisiyasat, base sa salaysay ng  kasamahan ng mga biktima sa bahay, bandang  ala-1 ng madaling araw nang dumating ang suspek at hinahanap umano ang kanyang pantalon.

Subalit kasunod nito ay nakarinig sila ng kalabugan at sigawan sa silid ng mga biktima.

Narekover mula sa crime scene ang isang kitchen knife at sling bag na may lamang baril habang duguan din ang suspek na itinakbo sa pagamutan matapos nitong saksakin ang kanyang sarili.

Mahigpit ang ginagawang pagbabantay kay Daryl ng mga awtoridad habang nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon sa motibo nito para patayin ang tatlong babae.

Please follow and like us:
Read More

GRADE 10 STUDENT PATAY SA SAKSAK

stab

WALA nang buhay sa tinamong saksak sa katawan nang madatnan ang isang 18-anyos na babaeng estudyante sa La Trinidad, Payatas sa Quezon City, Biyernes ng hapon.

Sinabi ni Police Lt. Col. Joel Villanueva, hepe ng Quezon City Police District Station 6, huling nakita ang biktima noong Biyernes ng tanghali.

Ang biktima, isang grade10 student ay mag-isang nakatira sa kanyang bahay dahil kapwa nasa ibang bansa ang mga magulang nito.

Magulo ang kabahayan ng biktima at ayon sa mga pulis ay posibleng natutulog ito nang pasukin ng salarin at nanlaban.

Inaalam pa kung napagsamantalahan ang biktima o ninakawan lamang bago pinaslang.

 

Please follow and like us:
Read More

BF SINAKSAK NG UTOL NG GF

stab

(NI MAC CABREROS)

HINDI sukat inakala ng isang lalaki na ang pagsundo nito sa bahay ng girlfriend ang maglalagay sa kanya sa kritikal na kondisyon nang saksakin ng kapatid na lalaki ng kanyang syota sa Marikina City.

Matamang binabantayan ang kalagayan sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sanhi ng tama ng patalim sa likod si Julius Lovendico, 24, gas attendant, habang nakakulong ang suspek na si Jayson Gonzales, 29, residente ng Angel Santos St., Brgy. Tumana ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinundo ni Lovendicio ang kanyang girlfriend sa bahay nito para sa isang date alas-5:00 ng hapon ng Sabado.

Sa hindi pa malamang kadahilanan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang
biktima at suspek hanggang sa kumuha ng kutsilyo ang suspek at sinaksak sa likod ang biktima.

Agad namang naaresto ng nagrespondeng awtoridad ang suspek  at nakatakdang sampahan ng kaso.

Samantala,  nakaratay din sa ARMMC si Malbert Baguio, 21, construction worker, nang saksakin ng nakainumang sina Joel Aquino Jr., 20 at Gerald Aquino, 24, na pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad.

Ayon sa pulisya, nag-inuman ang biktima at dalawang suspek alas-8:00 ng gabi nitong Sabado sa Lot 11 Block 73 Katipunan St., Brgy. Concepcion Dos nang saksakin ni Aquino ang biktima. Nagtamo ng saksak sa dibdib ang biktima at inoobserbahan sa pagamutan.

Please follow and like us:
Read More

BUHAY KAPALIT NG KINAIN NA BALUT

stab100

(NI MAC CABREROS)

NASAWI ang isang lalaki nang saksakin ng balut vendor matapos ang hindi pagkakaunawaan sa kinain nitong balut sa Pasig City.

Nalagutan ng hininga  pagdating sa Taytay Emergency Hospital sanhi ng ilang tama ng patalim sa katawan si Rodrigo Commendador Jr, 32, ng Brgy. Pinagbuhatan.

Pinaghahanap naman ng awtoridad ang suspek na si Renato Buco, balut vendor.

Sa imbestigasyon, nagtalo ang dalawa dahil sa kinaing balut ng biktima. Biglang naglabas ng patalim ang suspek at inundayan ng ilang beses na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng biktima bago ito tumakas dala ang patalim.

Samantala, iniimbestigahan at pinagsisikapan ng Mandaluyong City Police na makilala ang babaeng nasawi nang mahulog sa canopy ng isang mall sa EDSA sa Brgy. Wack-Wack, umaga ng Lunes.

Please follow and like us:
Read More

LOLO TINAWAG NA MANYAK NANAKSAK

stab

(NI JG TUMBADO)

KRITIKAL sa pagamutan ang isang 45 anyos na ginang makaraang pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay na tinawag nitong ‘manyak’ sa Iligan City, Isabela.

Tatlong malalalim na tama ng saksak sa katawan ang tinamo ni Analyn Paduala mula sa 60-anyos na suspek na si Recarter Elew, ilang sandal matapos magkainitan ang mga ito.

Ayon sa imbestigasyon ni Police Master Sergeant Margel Dayday ng Iligan City police, nangyari ang insidente sa labas ng bahay ng suspek sa Purok 2 Barangay Dalipuga nitong araw ng Huwebes dakong alas 8:00 ng umaga.

Sinugod umano ng matanda ang ginang makaraang ipagsigawan nito sa kanilang mga kapitbahay na isa itong ‘manyak’ na labis namang ikinapikon ng una hanggang humantong na sa pananaksak.

Pero nabatid kay Dayday na matagal na umanong may matinding alitan sa pagitan ng dalawa na nauwi pa sa demandahan.

Agad namang sumuko sa pulisya si Elew matapos ang ginawa nitong pananaksak kay Paduala.

Sa kulungan inihayag ni Elew na nagawa nya lamang ang krimen dahil na rin sa pag uudyok ng biktima.

Matagal na umano siyang nanahimik sa ginagawang pangungutya sa kanya ni Paduala hanggang mangyari na ang insidente.

Pero sa kuwento naman ng kaanak ng biktima, bigla na lamang nanaksak si Elew sa hindi malamang dahilan.

Naglalakad lamang umano ang biktima kasama ang ilang kaibigan nang matapat sa bahay ng suspek.

Inakala umano ng matanda na siya ang pinag-uusapan at pinagtatawanan ng grupo ni Paduala na bumansag sa kanya na manyak.

Kasong frustrated homicide ang ikinakaharap na kaso ngayon ni Elew makaraan itong sampahan sa  City Prosecutors Office nitong Biyernes.

Please follow and like us:
Read More

MAG-INA PATAY, KAANAK SUGATAN SA SAKSAK SA LOOB NG BAHAY

stab100

NAMATAY noon din ang nanay at ang kanyang 16-anyos na dalagitang anak habang kritikal ang isa pang kaanak nang pagsasaksakin ng manugang ng nanay sa San Jose, Nueva Ecija, nitong Miyerkoles Santo.

Sa loob mismo ng bahay nalagutan ng hininga si Gina Garcia, 39, matapos itong saksakin ng kanyang manugang na kinilalalng si Edmer Balimbi, 37, sa  Barangay Malasin.

Sugatan naman nang  magkunwang patay si Karen Rosete.

Ayon sa imbestigasyon ng Philippine National Police, dumating sa bahay ng mga biktima ang suspek at hinanap ang kaniyang anak.

Sinabi ni San Jose City police chief Lt. Col. Heryl Bruno na nagkaroon ng pagtatalo si Rosete at ang suspect nang hanapin ng suspect ang kanyang anak.

Galit umano itong humarap kay Rosete at pinagsasaksak.

Nasa ikalawang palapag ang mag-inang namatay nang marinig ang komosyon sa sala kaya’t bumaba ang mga ito subalit sila man ay sinalubong ng saksak ng suspect.

Agad namatay ang mag-ina habang nagpapagaling naman sa ospital si Rosete.

Patuloy na hinaihanap ng mga pulis ang suspect na agad tumakas matapos ang krimen.

Please follow and like us:
Read More

BUNTIS KINATAY NG EX-BF SA SELOS

davao

(NI KIKO CUETO)

SANTA CRUZ, Davao del Sur-  Patay sa pananaksak ang isang babae nang magselos ang kanyang dating kinakasama habang nasa loob ng tricycle sa Rizal Street, sa bayang ito.

Kinilala ng pulis ang biktima na si Roann Sapliago.

Ayon sa mga nakasaksi, hindi namalayan ni Sapliago na nakasakay ang suspek na si Ramil Eblacas sa likod ng tricycle.

Bigla na lamang umano itong nanaksak.

Hindi pa nakontento, muli pang pinagsasaksak ng suspek ang biktima nang nakalabas ito sa sinasakyang tricycle.

Nagbalak pang tumakas si Eblacas pero nahuli ito ng mga residente.

Ayon sa suspek, selos ang dahilan ng krimen dahil nalaman nitong may iba nang kinakasama ang dating nobya at buntis pa umano ito.

Gusto rin umano niyang makipagbalikan pero hindi pumapayag ang biktima kaya sinaksak ang dating kinakasama.

Kinasuhan na ang suspek ng kasong murder.

Please follow and like us:
Read More

MISTER PATAY, STEPDAUGHTER SUGATAN SA SAKSAK

stab100

(NI ROSE PULGAR)

PATAY ang isang mister habang sugatan naman ang stepdaughter nito nang pagsasaksakin ng kanilang kapitbahay dahil sa dati nilang alitan, Miyerkoles ng umaga sa Parañaque City.

Namatay noon din ang biktimang si Danilo Roda, 52, sanhi ng mga tinamong tama ng saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Habang nilalapatan naman ng lunas sa Las Piñas Doctor’s Hospital sanhi ng saksak sa katawan ang anak-anakan nito na si Julia Leopoldo, 21, kapwa residente ng Alcantara Compound, Sitio Nazareth, Valley 6, Barangay San Isidro ng nasabing lunsod.

Samantala nakakulong naman sa detention cell ng Paranaque City Police ang nadakip na suspect na si Roberto Francisco, 56, nakatira din sa nasabing lugar.

Sa report na natanggap ni Police Col. Jojo Rosales, hepe ng Paranaque City Police, dakong alas-6:30 ng umaga nang maganap ang pananaksak sa nasabing compound.

Bago ang insidente, nabatid na may dati nang away sina Roda at Francisco sa hindi mabatid na dahilan, kung saan pinalalabas ng bahay at hinahamon ng suspect ang biktima.

Nang lumabas si Roda ay dito na siya pinagsasaksak ni Francisco,  na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Umawat ang anak-anakan ni Roda na si Leopoldo, ngunit inundayan din ito ng saksak ng suspect.

Si Francisco ay naaresto ng mga kagawad ng Police Community Precinct (PCP) 4, Paranaque City Police sa isang hot pursuit operation.

 

Please follow and like us:
Read More

LOLO BINASTED; NILILIGAWAN SINAKSAK

stabbing1

(NI DAVE MEDINA)

KULUNGAN  ang kinabagsakan ng isang lolo makaraang pagsasaksakin ang nililigawan sa Paranaque City, nitong Miyerkoles. Kinilala ang suspek na si Zenas Cañete, 70, bantay ng isang bilyaran sa Bgy. San Dionisio, Parañaque City.

Sa record ng pulisya, nagalit ang suspect nang bastedin ng nililigawang dalaga sa San Dionisio kaya’t pinagsasaksak niya ang biktima na ikinasugat nito.

Kwento ng biktimang si Michelle Santos, makailang beses na umano siyang pinadadalhan ng inspiring messages ni Cañete at nagpaparamdam na may gusto sa kanya sa pamamagitan ng text.

Nung una ay inakala umano ni Santos na nagbibiro si Lolo Boy pero kinalaunan ay hindi na inspiring messages kundi malalaswang text messages na ang ipinadadala ng inirereklamo.

Sinikap pa umano ni Santos na igalang ang matanda sa kabila nito pero nang sineryoso ng suspek na manligaw, binasted na niya ito, dahilan para magalit ang suspek.

Kagabi ay nagkausap pa umano sila ni Lolo Boy habang lasing ito na nauwi sa mainitang pagtatalo. Tinanggihan umano ng biktima ang panliligaw dahilan para saksakin siya ng suspect.

Hindi man inaasahan ni Michelle na magagawa sa kanya ng manliligaw na sasaksakin siya, pero maagap din niyang nasalag ng kaliwang kamay ang pagsaksak sa kanya ng suspek ng kutsilyo, bago ay sumigaw siya sa paghingi ng saklolo.

Umamin naman si Cañete na nagkakatext sila ni Santos pero itinangging nanliligaw siya dahil hindi naman umano niya gusto ang biktima dahil hindi siya maganda.

Lalo namang nagdesisyon si Santos na hindi iurong ang reklamo laban sa matanda sa takot na bweltahan pa siya ng suspek .

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI NAGSAKSAK SA SARILI MATAPOS SAKSAKIN ANG PARTNER

crime08

(NI KEVIN COLLANTES)

TINARAKAN muna ng isang mister ng dalawang ulit ang kanyang live-in partner bago pinagsasaksak ang sarili, sa kainitan ng kanilang pag-aaway sa Barangay Tumana, Marikina City, Sabado ng gabi.

Bigo naman ang mga doktor ng Amang Rodriguez Medical Center na isalba pa ang buhay ni Rogelio Bulalaque, 40, habang sugatan naman at under observation pa sa Quirino Memorial Medical ang kanyang live-in partner na si Christine Servidad, 39.

Batay sa ulat ng Marikina City Police, sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nabatid na dakong 10:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa loob mismo ng tahanan ng mag-live in partner sa Block 5, Singkamas Street, sa Barangay Tumana.

Nabatid na bago ang krimen ay lasing na umuwi ang suspek at sa di pa malamang dahilan ay nagkaroon sila ng mainitang argumento ng kanyang kinakasama.

Sa kainitan ng argumento, bigla na lang nagtungo sa kusina ang suspek at kumuha ng kutsilyo.

Kaagad na tinarakan ng suspek ng dalawang ulit ang biktima sa katawan.

Nang inakalang napuruhan ang kinakasama, pinagsasaksak rin ng suspek ang kanyang sarili.

Isinugod ng ilang kaanak sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktima ngunit binawian na rin ng buhay ang suspek dakong 3:13 ng madaling araw habang inilipat naman ang biktima sa Quirino Memorial Medical Center upang doon lapatan ng lunas.

Please follow and like us:
Read More

LADY LAWYER PINATAY SA SAKSAK

crime200

(NI LYSSA VILLAROMAN)

ISANG  dalagang abogada na umano’y naghihintay sa kanyang kakatagpuin na textmate ang pinatay sa saksak ng hindi pa nakikilalang suspect, Miyerkoles ng madaling araw sa Las Pinas City.

Ang biktima na nagtamo ng ilang saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Atty. Charmaine Mejia, 31.

Ayon sa pulisya, si Mejia ay namatay habang ginagamot sa Las Pinas Medical Center.

Lumalabas sa report na natanggap ng hepe ng Las Pinas City Police na si Sr. Supt. Simnar Gran,  ang insidente ay naganap dakong 3:30 ng madaling araw sa harap ng FDJ Apartelle sa Marcos Alvarez Avenue, Barangay Talon 5 ng naturang lungsod.

Nabatid na may katatagpuin sana ang biktima sa naturang lugar subalit hindi nito akalain na ang naghihintay pala sa kanya ay ang isang  hindi kilalang lalaki at pagbaba pa lamang nito ng kanyang Nissan Sedan ay kaagad umano itong pinagsasaksak  ng suspect.

Pagkatapos ng pananaksak  ay mabilis na   tumakas  ang suspect sakay ng isang kulay pulang motorsiklo na walang plaka.

Nakatawag pa ang biktima sa cellphone ng kanyang kapatid na isa ring abogada at sinabi nito na  sinaksak siya.

Ang duguan namang biktima ay isinugod ng ilang taong nagmalasakit sa naturang lugar subalit nalagutan din ito ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Ayon kay Sr. Supt. Gran, inaalam na nila kung ang textmate ng biktima ang responsable sa pagpatay at sa ngayon ay nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon sa insidente.

Please follow and like us:
Read More

MAG-ASAWA TINARAKAN NG SAKSAK NG PINSAN

stabbing1

(NI SIGFRED ADSUARA)

SUGATAN ang isang 47-anyos na ginang at mister nito  matapos na pagsasaksakin sa ulo ng kanilang pinsan  na nagalit matapos na sabihang magsamba sa Mendez, Cavite.

Inoobserbahan pa sa Intensive Care Unit (ICU) ng Tagaytay City Medical Center si Noralyn Mendoza dahil sa saksak sa ulo at likod habang nasa maayos ng kalagayan ang mister nitong si Sony Mendoza, 42, isang jeepney driver at kapwa residente ng Bgry Asis 1 Mendez, Cavite.

Arestado naman ang suspek na si Vergel Ibarra, 27, binata, pinsan at kapisan sa bahay ng mag-asawa, sa Brgy Asis 1 Mendez, Cavite.

Sa ulat ni PO1 Gilbert Opulencia ng Mendez Municipal Police Station, sinabihan umano ni Sonny ang suspek na  magbihis na at sabay-saby na silang magsamba dakong alas-7:30 Miyerkoles ng gabi.

Sumunod naman umano ang suspek at nagbihis subalit sagit  lang ay nagpalit din ng damit at nagtungo sa kusina at kumuha ng patalim at sinugod si Noralyn at sinaksak sa ulo at likod.

Tinangkang awatin ni Sonny   ang kanyang pinsan subalit siya naman ang binalingan at sinaksak naman sa kaliwang balikat.

Please follow and like us:
Read More

AMOK: 1 PATAY; LIVE-IN PARTNER, 3 KAANAK SUGATAN

stab20

(NI KEVIN COLLANTES)

ISANG vendor ang arestado matapos na mag-amok at pagsasaksakin ang kanyang live-in partner at tatlong kaanak nito, sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Barangay Malanday, Marikina  City, Miyerkoles ng umaga.

Patay ang isa sa mga biktima na si Alvin Siasat, 53; habang sugatan naman ang kanyang mga kaanak na sina Edwin Carlos, 58; Merlina Carlos, 55; at Arianne Kimberly Carlos, 30.

Samantala, naaresto naman ng mga rumespondeng awtoridad ang suspek na si Peter Jovannie  de Leon, 31, live-in partner ni Arianne Kimberly.

Batay sa ulat ni Marikina City Police chief, P/Senior Supt. Roger Quesada, kay Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Bernabe Balba, dakong 11:40 ng umaga nang maganap ang krimen sa loob ng tahanan ng mga biktima, sa #1 Lucia Street, Sta. Teresita Vil. Lamuan, sa Barangay Malanday.

Sa imbestigasyon, nabatid na bago ang krimen ay nagluluto ng tanghalian si Merlina sa kusina nang lapitan ng suspek at walang sabi-sabing binuhusan ng mainit na tubig na nasa kaserola.

Hindi pa nasiyahan, kumuha ng kutsilyo ang suspek at pinagsasaksak si Merlina.

Nakita naman nina Alvin, Edwin at Arianne Kimberly, ang insidente kaya’t tinangka nilang awatin ang suspek.

Sa halip namang magpaawat, sila naman ang binalingan nito at sunud-sunod ring inundayan ng saksak.

Kahit sugatan, nagawa ng mga biktima na lumabas ng bahay at nanghingi ng tulong sa kapitbahay.

Mabuti na lamang at papadaan sa lugar ang isang personnel ng City Veterinary office kaya’t kaagad na tumawag sa Marikina Rescue 161 at inireport ang pangyayari.

Rumesponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct 4 (PCP 4) at Special Weapons and Tactics (SWAT) team ng Marikina City Police, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Isinugod sa pagamutan ang mga biktima, ngunit binawian din ng buhay si Alvin.

Narekober ng mga awtoridad sa crime scene ang isang kutsilyo, isang butcher knife at isang Swiss knife, na pinaniniwalaang siyang ginamit ng suspek sa krimen.

Si de Leon ay nakadetine sa Marikina City Police at sasampahan ng kasong murder at tatlong bilang ng kasong bigong pagpatay.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI NA-PRANING, NANAKSAK NG ESTUDYANTE

aRREST18

(NI ALAIN AJERO)

ARESTADO ang isang na-praning na serbidor ng mamihan na nanaksak ng isang 19-anyos na estudyante dahil maghapon na umanong walang nakukuhang tip sa Caloocan City

Kulong sa selda ang suspek na si Arjay Agcaoili, 19, ng Phase 10A, Package 2, Amscaler Association, Barangay 171, Bagumbong at nahaharap sa kasong frustrated homicide at malicious mischief samantalang nananatiling nasa kritikal na kalagayan sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sanhi ng saksaksa dibdib ang biktimang si Joven Tacleon ng Lot 581 Brgy. 171 Bagumbong.

Ayon sa saksing si  Antonio Hellares, 44, dakong alas-9 ng gabi, unang nanapak ng tambay sa Amscaler Association ang suspek bago tinadyakan ang kanyang motorsiklong nakaparada sa harap ng Visaya Sari-Sari Store kaya nawasak ang headlight at side mirror nito.

Panghuli ay bumunot ng patalim ang suspek saka nilapitan si Tacleon na nakatayo sa harap ng nasabing tindahan at ibinaon ito sa dibdib ng biktima saka tumalilis habang itinakbo ang biktim sa naturang ospital ay humingi ng tulong si Hellares sa mga puilis at sa isinagawang follow-up operation ay naaresto ang suspek.

Please follow and like us:
Read More

KELOT TINODAS NG TIBONG SINULOT

crime9

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

INARARO ng saksak hanggang sa mapatay ng isang tomboy ang kainumang obrero nang maispatan ng suspek na naglalampungan at magkaakbay ang biktima at kanyang kinakasama, sa Malabon City Biyernes ng madaling araw.

Agad nagkikisay Rex Vinetora, alyas “Jerald,” 27, ng Bulacan sanhi ng mga saksak habang ikinarsel ang suspek na nakilalang si Emily Fano, 30, ng 121 Garden Ville, Brgy. Panghulo na naaresto ng mga awtoridad sa follow-up operation sa Bagong Silang, Caloocan City alas-5 ng umaga.

Naganap ang pamamaslang ala-1:50 sa loob ng compound ng Eon Bulk Handling Services sa Brgy. Panghulo kung saan nagtatrabaho ang biktima.

Unang nag-inuman ang biktima at suspek kasama ang kanyang live-in partner ng tomboy na si Liezl Marcos, 28, sa loob ng bahay nina Fano hanggang sa makatulog ito.

Nang magising ito ay napansin ni Fano na wala sa kanyang tabi si Marcos kaya hinanap niya ito sa labas hanggang sa makita niya ito na kaakbay si Vinetora habang naglalakad patungong sa tinutuluyan ng biktima.

Dahil sa matinding selos kumuha ng patalim ang suspek at agad pinagsasaksak ang biktima hanggang mamatay.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

DALAGA PATAY SA KA-LIVE IN

knife

(NI SAMANTHA MENDOZA)

PINAGSASAKSAK hanggang sa mapatay ng isang 62-anyos na matanda ang kanyang 38-anyos na dating kinakasama nang tumangging makipagbalikan, Sabado ng hapon sa Tondo, Maynila.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Tondo, ang biktimang si Janet Santos, ng 783 Int. 31,Ma.Guizon St. Daang Bakal, Tondo, Maynila dahil sa mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Pinaghahanap naman ang suspek na si Patrick Francisco Ramos, 62, ng Laong Nasa St. Tondo, Maynila na mabilis na tumakas matapos isagawa ang krimen.

Ayon kay  SPO1 Jorlan Taluban, imbestigador ng Manila Police District -homicide section, naganap ang insidente dakong ala 1 ng hapon habang naglalaba ang biktima sa kanyang bahay. Nalaman na dumating ang suspek sa bahay ng biktima at hinimok ito makipagbalikan sa kanya pero tumanggi ito at nang talikuran ang suspek, bumunot ito ng patalim at sinaksak ang biktima sa likurang bahagi ng katawan.

Tinangka umanong salagin ng biktima ang mga saksak pero patuloy itong inatake hanggang bumagsak. Tumakas ang suspek bitbit ang patalim. Patuloy naman ang follow up operation para madakip ang suspek.

Please follow and like us:
Read More