DRIVER NALAGLAG SA CISTERN TANK, PATAY

(NI HARVEY PEREZ)

WALA nang buhay nang matagpuan sa ibaba ng cistern tank, ang isang driver na hinihinalang nalaglag sa isang 10 talampakan na  cistern tank at nagkaroon ng matinding pinsala sa ulo, Biyernes ng umaga sa Sta.Cruz, Maynila.

Kinilala ni PMSG Jonathan Bautista, ng Manila Police District-Homicide section, ang biktimang si   Pablo Bustano,47, driver, at residente ng 125 Alley F. Telecom Company  Compound Sta. Cruz, Maynila.

Dakong alas 8:00 ng umaga nang madiskubre ng kanyang amo na si Angel Tiu ang biktima sa ibaba ng 10 talampakang cistern tank sa 1711 Alvarez St., sa Sta. Cruz, Maynila.

Si Bustano umano ang pinagkakatiwalaang maglinis ng tangke ng kanyang among si Angel Tiu, na isang beses lamang sa isang taon.
Sinabi ng pulisya na posibleng nadulas habang bumababa sa hagdanan , kaya ito nagtuluy-tuloy na nahulog.

Gayunman, inaalam din kung inatake sa puso ang biktima habang naglilinis na nagresulta mg kanyang kamatayan.

Nabatid na na may  limang taon nang nangangamuhan si Bustano bilang driver ng pamilya Tiu at inuutusan itong maglinis ng cistern tank.

Inaalam din  ng pulisya  kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

Please follow and like us:
Read More

BABAE NAHATI ANG KATAWAN, RIDER SUGATAN SA TRAK

quiapo12

(NI HARVEY PEREZ)

KALUNUS-LUNOS ang sinapit ng isang babaeng backrider matapos mahati sa gitna ang katawan nito, habang sugatan naman ang kasama niyang rider matapos masagi ng isang kotse at sumemplang ang motorsiklo at masagasaan pa ng parating na truck, Miyerkoles ng umaga sa boundary ng Quiapo at Sta.Cruz sa Maynila.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang  si Ederlyn Buclares, habang sugatan naman ang rider na si Julius Tevar, at  residente ng 2000 A Katamanan Street, Tondo, Maynila. Isinugod ng sumaklolong Binondo Rescue team sa pagamutan ang rider.

Habang naaresto naman at nasa kustodiya  ng Manila District Traffic Enforcement Unit(MDTEU), ang  suspek na si Reynan Fajardo, truck driver at residente ng Nueva Ecija.

Nabatid sa ulat ng  Manila Police District-Police Station 3, Sta. Cruz Police Station (PS-3) , naganap ang insidente  dakong alas- 5:41 ng umaga nang maganap ang aksidente sa Quezon Boulevard, sa Quiapo.

Binabagtas umano ng mga biktima ang Quezon Boulevard sakay ng isang kulay orange na Honda Click 125 motorcycle,  nang masagi ng isang kotse dahilan para sumemplang ang dalawa.

Nagkataon na bumagsak ang dalawa  sa direksiyong daraanan ng 14 -wheeler truck, na may plate number na WLQ 197, at minamaneho ni Fajardo, dahilan upang masagasaan ang mga biktima.

Patuloy naman inaalam ng pulisya ang  pagkakilanlan ng tumakas na driver.

Please follow and like us:
Read More

GRADE 5 PUPIL DINUKOT, NAKATAKAS; SUSPECT ARESTADO

arested12

(NI HARVEY PEREZ)

HULI ang isang lalaki  ng mga barangay tanod na   nagtangkang dumukot sa isang 11- anyos na  Grade 5 pupil nang makaalpas at  agad na  nakapagsumbong sa kanyang ama  noong Biyernes ng umaga sa Sta.Cruz, Maynila.

Sinampahan ng  kasong abduction in relation to Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law, ang  suspek na si Rodennis Garcia, 49, jobless, at residente ng Block 12, Lot 22, Phase 3, E1 Dagat-dagatan, Caloocan City.

Base sa  naantalang report  ng Manila Police District-Police Station 3, nangyari ang pagdukot sa biktimang si Elsie, alas  9:00 ng umaga noong  Hunyo 14 sa Rizal Avenue, kanto ng Yuseco Street, sa Sta. Cruz.

Nalaman na  inutusan umano ang bata ng  kanyang mga magulang  na bumili ng pagkain sa  Anacleto Street.
Papunta na sa lugar ang dalagita nang tawagin ng suspek .

“Halika, may ibibigay ako sayo, ibigay mo sa tatay mo, sumama ka sa akin.”

Tumanggi naman ang dalagita pero puwersahan itong  isinakay ng suspek sa bisikleta  at dinala sa M. Ponce Elementary School.

Nang, bumaba ang suspek ng bisikleta, sinabayan naman ng karipas ng takbo ng biktima pauwi sa kanilang bahay at nagsumbong sa kanyang ama.

Humingi naman ng tulong sa barangay ang ama ng biktima na kaagad bumalik sa paaralan.

Inabutan naman ang suspek na noon ay paalis na at saka binitbit sa Alvarez Police Community Precinct (PCP).

 

Please follow and like us:
Read More

PERA ‘NADISPALKO’; BABAE NAGBIGTI SA HIYA

suicide

(NI JULIE DUIGAN)

PROBLEMADO kung papaano ibabalik ang benta ng panindang produkto, nagdesisyon ang 24-anyos na babae na wakasan ang buhay dahil sa kahihiyang aabutin matapos magastos ang pera sa bakasyon.

Natagpuan ang bangkay ni Jonafe Masucol, sa inuupahang kwarto sa 1697 Cadena de Amor St. LRC Compound, Sta. Cruz, Maynila.  Nagbigti ito bandang alas-6:15 ng gabi malapit sa banyo ng ikalawang palapag ng bahay, ayon sa kaibigang si Well Rose.

Napansin umano nilang tila walang kibo at problemado ang biktima ilang linggo bago ang suicide. Isang kaibigan din ang nagsabing nagastos ng biktima ang napagbentahan ng produkto at hindi umano nito alam ang gagawin kung paano maisasauli ang pera.

Please follow and like us:
Read More

MIYEMBRO NG NAVY NAGBARIL SA SARILI

gun15

(NI JULIE DUIGAN)

PATAY ang isang miyembro ng Philippine Navy (PN) matapos ang lover’s quarrel sa kanyang kinakasama, Biyernes ng madaling araw  sa loob ng kanilang silid sa Sta.Cruz, Maynila.

Nakilala ang biktimang si Cpl. Michael Arceo, 26 , miyembro ng Phil.Navy at resident e ng  1774 Malabon St., Brgy 338.

Batay sa report ni Det. Marlon San Pedro, ng Manila Police District-Homicide Section ,naganap umano ang insidente ng alas-3:20 ng madaling araw sa loob ng kuwarto ng biktima.

Isang  Sushmita Tayo, umano’y kinakasama ng biktima ang nagsabing nakita niyang nililinis ng biktima ang kanyang baril.

Ilang minuto pa ay bumaba na siya para asikasuhin ang mga kustomer sa kanilang bar na SMC Videoke Bar at makalipas ang ilang minuto  ay may narinig siyang putok sa kanilang kuwarto  na nasa ikalawang palapag kaya agad siyang umakyat.

Nakita niya ang biktima na nakahandusay sa sahig  at may lumalabas na dugo sa likurang bahagi ng ulo.

Kaagad umano siyang humingi ng tulong sa kanilang mga empleyado at dinala ang biktima sa  University of Santo Tomas Hospital .

Gayunman, idineklarang patay ang biktima ng dakong alas- 4:17 ng madaling araw dahil sa tama ng bala sa baba.

Lumitaw sa ulat ng pulisya , hindi umano aksidenteng nabaril ng biktima ang sarili habang naglilinis ng baril na unang lumabas sa imbestigasyon.

Inamin umano ni Tayo na nag-away sila ng biktima pero hindi na idinetalye  ang dahilan ng pag -aaway ng dalawa.

Dito na umano nagbanta ang biktima na nagpapakamatay.

Patuloy naman iniimbestigahan ng MPD-hs ang kaso para alamin kung may naganap na foul play sa pagkamatay ni  Arceo.

 

Please follow and like us:
Read More