MISSING NA DALAGITA, SINAKO, PINAANOD SA ILOG

(NI BONG PAULO) ISINILID sa sako bago pinaanod sa ilog ang bangkay ng isang 16-anyos na dalagita na una nang inireport na nawawala noong Disyembre 2 at pinaanod umano sa ilog ang bangkay nang biktima at sumabit sa footbridge sa Purok Bagong Silang, Barangay Punong Grande, Banga sa lalawigan ng South Cotabato kung saan ito natuklasan nitong Martes. Kinilala ang biktima na si Barbie Bernardido Inocencio, 16, estudyante ng Notre Dame of Banga. Ayon sa sa isang residente sa lugar, nakita ang bangkay ng estudyante na nakasilid sa sako, nakagapos…

Read More

BABAE’T LALAKI PINATAY, ITINAPON SA LOOB NG LOTTO OUTLET

crime1000

(NI JESSE KABEL) KAPWA duguan nakatali at wala nang buhay ang isang babae at kasama nitong lalaki na itinambak sa loob ng isang PCSO lotto and STL outlet sa  Purok Maharlika Alabel, Sarangani Province. Ayon kay Police Major Rey Salgado, hepe ng Alabel Police Station, kasalukuyan pa nilang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang natagpuang patay sa Purok Maharlika. Una rito, itinawag sa himpilan ng pulisya Sabado ng umaga ang nadiskubreng bangkay na hinihinalang biktima ng summary execution sa loob ng STL outlet. Agad na rumesponde ang mga pulis para kumpirmahin ang…

Read More

BADING BINARIL, ITINAPON  

south cotabato12

(NI ANNIE PINEDA) PALAISIPAN ngayon sa mga awtoridad ang pagbaril at pagpatay sa isang bading na natagpuang may mga tama ng bala, Miyerkoles ng hapon sa South Cotabato. Kinilala ang biktimang si Ariel Malayon, 31 ng Brgy. Lampitak, Tampakan, Sumala, South Cotabato. Batay sa report ng Tantangan Police Station, dakong alas 2:00 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa Brgy. Tinungkop, ng nasabing bayan. Tatlong tama ng bala sa katawan ang tinamo ng biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. Ayon sa ina ng biktima at mga…

Read More

LALAKI SA CLEARING OPS NABAGSAKAN NG PUNO, PATAY

south cotabato12

(NI ANNIE PINEDA) PARA sana maiwasan ang aksidente kaya ginawa ang clearing operation, siya naman ang ikinamatay ng isang lalaki nang mabagsakan ng malaking puno habang naglilinis, sa South Cotabato. Kinilala ang biktimang si Romulo Besorio Enisario, 57, laborer residente ng Prk. Mainuswagon, Bgy. Pobalicaion, Talampakan, South Cotabato. Batay sa report ng pulisya, dakong alas 12:30 ng tanghali nitong Huwebes  nang maganap ang insidente sa Alsona Residence sa Prk. San Roque, Brgy. Poblacion, ng nasabing bayan . Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, inireklamo ng kapitbahay ang Alsona Residence hinggil sa…

Read More

CARETAKER BINAUNAN NG ITAK SA ULO 

crimebolo123

(NI ANNIE PINEDA) NAKABAON pa ang itak sa ulo ng isang caretaker makaraan tagain ito ng hindi pa kilalang suspek habang natutulog sa tinutuluyan nitong bunk house sa probinsya ng South Cotabato. Kinilala ang biktimang si Joel Eleuterio, 32, caretaker ng Templonuevo Quarrying Site , nanunulyan sa Barangay San Vicente, Surallah, South Cotabato. Batay sa report ng pulisya, dakong alas 8:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima ng kanyang mga kasamahan sa loob ng bunk house na naliligo sa sariling dugo at nakabaon pa ang itak sa ulo…

Read More

LALAKING GINILITAN, NATAGPUAN

south cotabato12

(NI RHODERICK BENEZ) KALUNUS-LUNOS na kamatayan ang sinapit ng isang lalaking ginilitan at itinapon sa National Highway ng Purok Pag-asa, Barangay Silway 8,  sa bayan ng Polomolok, South Cotabato Huwebes ng umaga. Sa impormasiyon mula kay Police Major Johnny Rick Felongco Medel, Deputy Chief ng Polomolok PNP, alas-5:30 ng umaga nang matagpuan ng mga residente sa lugar ang biktima. Hanggang sa sinusulat ang balitang ito ay hindi pa nakilala ang biktima. Batay sa ulat, halos maputol ang leeg ng biktima. Nakasuot ng stripe na kulay asul at puti ang biktima…

Read More

AKALA’Y BABOY-RAMO, PAMANGKIN PATAY SA TIYUHIN

south cotabato12

(NI BONG PAULO) NORTH COTABATO – Nabaril at napatay ang isang 26-anyos na babae ng mismong tiyuhin nito makaraang mapagkamalang baboy-ramo nang magsagawa ng ‘animal hunting’ ang suspek sa Sitio Alyong, Barangay Danlag, Tampakan, South Cotabato,  Sabado ng umaga. Kinilala ang biktima na si Lenza Dayanton Dialang, magsasaka na nabaril umano ng tiyuhin gamit ang 12 gauge shot gun. Sa report ng Tampakan PNP, pumunta umano ang biktima kasama ang tiyuhin nitong si Ciano Dayanton Dialang at iba pang kamag-anak sa bulubunduking bahagi ng Sitio Alyong upang mangaso. Dahil iba-iba ang…

Read More

MISIS BINARIL NG MISTER

crimeshooting12

(NI BONG PAULO) NORTH COTABATO – Patay ang isang 55-anyos na misis makaraang barilin ng mismong asawa nito makaraang hindi pumayag ang una na iatras ng kanyang anak ang reklamo laban sa mister sa Barangay Datal Bob, T’boli, South Cotabato, Miyerkoles  ng umaga. Kinilala ni Major Bernie Faldas, ang T’boli Acting Chief of Police, ang biktima na si Emma Segundo ng nasabing barangay. Ayon kay Faldas, agad binawian ng buhay ang biktima sa tinamong mga tama ng bala sa katawan. Agad namang tumakas ang mister ng biktima na si Freddie…

Read More

MISIS NG KAGAWAD NAKITANG PATAY SA BAHAY

south cotabato12

(NI BONG PAULO) PINANINIWALAANG hinampas ng bote ng soft drinks ang misis ng isang barangay kagawad makaraang matagpuang wala nang buhay sa loob ng kanilang bahay sa barangay Topland, Koronadal City sa lalawigan ng South Cotabato, Lunes ng umaga. Nakahandusay sa sahig matapos mahulog sa kanyang kama ang biktima na kinilalang si Sherlyn Cahapay, residente ng naturang lugar. Ayon kay Barangay Topland Chairwoman Angelica Bermil, nag-iisang natutulog sa kanyang bahay ang biktima na matagal nang hiwalay sa asawang si Barangay Kagawad Glen Cahapay habang sa katabing bahay naman natutulog ang…

Read More

NEGOSYONG GASOLINA SA BAHAY NASUNOG; MAG-LOLA PATAY

south cotabato12

(NI BONG PAULO) KAMATAYAN ang sinapit ng mag-lola matapos na malitson sa nasunog nilang bahay sa Sitio Imbong, Barangay Lam-afus,  bayan ng Banga, lalawigan ng South Cotabato, Lunes ng madaling araw. Kinilala ang namatay na sina Rofia Dacay, 59, at apo nitong nasa 3-anyos pa lamang. Sinabi ni dating Lam-afus barangay chair Erencio Simpal, natutulog umano ang mag-lola sa kanilang bahay nang mangyari ang sunog, alas-4:30 ng madaling araw kung saan nasagi umano ng bata ang lampara na naging dahilan ng sunog. Ayon kay Simpal, brownout sa kanilang lugar dahilan…

Read More

CUSTOMER TINAGA NG KUMPARE SA VIDEOKE BAR

crime22

(NI BONG PAULO) OSPITAL ang bagsak ng isang 45-anyos na lalaki makaraang pagtatagain ng mismong kumpare nito nang mag-agawan umano ang dalawa ng microphone habang masayang nag-aawitan sa isang video K huz sa Poblacion ng Sto. Niño, South Cotabato, Linggo ng gabi. Ayon kay Police Lieutenant Diogenes Hare, hepe ng Sto. Niño PNP, kinilala ang biktima na si Rogene Eborde, 45, at ng Brgy. Guinsang-an Sto. Niño South Cotabato; at ang suspek na si Jordan Sua-an, 34, na residente rin ng nabanggit na lugar. Ayon sa ilang mga nakasaksi, nag-away…

Read More

MAG-ASAWANG GURO PATAY SA ROAD MISHAP

south20

(NI BONG PAULO) MAGKASABAY na nasawi ang mag-asawang guro matapos sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa truck. Tumilapon ang mga ito sa bahagi ng Allah Valley Drive sa Barangay Libertad Surallah, South Cotabato, ayon sa ulat Martes ng umaga. Kinilala ng Surallah PNP ang mga biktima na sina Alex Celajes, 51, driver ng motorsiklo at misis nitong angkas na si Betty, 48, kapwa ng Barangay Poblacion, Lake Sebu, South Cotabato. Ang mag-asawa ay patungong Lake Sebu mula Koronadal City South Cotabato nang mabangga ng Isuzu truck. Lumabas sa inisyal na imbestigasyon…

Read More

3 SASAKYAN INARARO NG TRUCK, 2 PATAY

truck

(NI BONG PAULO) KAMATAYAN ang inabot ng mag-asawa habang dalawang iba pa ang sugatan makaraang araruhin ng isang ten wheeler truck ang tatlong mga sasakyan nang mawalan ng preno sa National Highway sa Barangay Poblacion sa bayan ng Tupi, South Cotabato, Miyerkules ng gabi. Sa ulat na nakarating kay PSI Samuel Bascon, hepe ng Tupi Municipal Police Station, kinilala ang mag-asawang binawian ng buhay na sina Eliazer Rosales Sencio Jr., 47, at ang misis nitong si Marivic Sencio, 47, nagbebenta ng bibingka at kapwa residente ng Barangay Poblacion, Tupi habang…

Read More

INUMAN PINASABOG; 1 SUGATAN

granada

SUGATAN ang isang 22-anyos na teenager matapos sumabog ang granada na itinapon ng isang lasing sa Sitio Bukang Liwayway, Barangay Kipalpig, Tampakan, South Cotabato. Kinilala ni Police Officer 2 Joselito Sedillo, ang imbestigador ng Tampakan municipal police office, ang biktima na si John Jonel Rioja na residente ng nasabing lugar. Ayon kay Sedillo, isa sa dalawang mga suspek ang agad na naaresto matapos ang hot pursuit sa mga suspek, alas-8:00 ng gabi nitong Martes. Kinilala ang isa sa mga suspek na si John Rob Escalin, 18-anyos na residente ng nasabing…

Read More

CUSTOMER PATAY SA KTV; GRO SUGATAN

ktv

(NI BONG PAULO) NORTH COTABATO – Isa katao ang napatay habang isa pa ang nasugatan sa pamamaril na nangyari sa DJRD  videoke bar sa barangay Buenaflor, Tacurong City sa lalawigan ng Sultan Kudarat, iniulat kahapon. Nakilala ang nasawi na si Junny Pamat Dumasis alyas ‘Cobra’ taga Esperanza, Sultan Kudarat. Sugatan naman si Mayleen Gandam Degamo, 34, dalaga, entertainer sa naturang videoke bar na taga Banga, South Cotabato. Sa ulat ng Tacurong PNP, nakaupo lamang sa labas ng videoke bar si Dumasis nang biglang lapitan ng dalawang hindi pa nakikilalang mga…

Read More

MISIS SINAKSAK, MISTER NAG-SUICIDE

south

(NI BONG PAULO) MATAPOS masaksak ang misis at mahimasmasan, tumalon ang mister sa isang puno na siya nitong ikinamatay sa Barangay Lambingi, South Cotabato. Namatay sa ospital si Buenaventura Siga, 46, matapos itong tumalon at mag suicide sa takot na pagdusahan ang ginawa sa asawa na nagpapagaling ngayon sa ospital na kinilalang si  Rita, 35. Sinabi ng pulisya na lagi umanong nagtatalo ang mag-asawa at kahapon ng alas-8:00 ng umaga ay muli na namang nagbangayan ang dalawa. Sa gitna ng sagutan ay kumuha umano ng patalim si Buenaventura at sunud-sunod…

Read More

BEBOT GRINIPUHAN NG LIVE-IN PARTNER

crime

NORTH COTABATO – Pinaniniwalaang matinding paninibugho ang dahilan kung bakit pinagsasaksak ang isang 30-anyos na babae ng kanyang kinakasama sa krimen na naganap sa Peoples Village, Barangay Cannery Site, Polomolok, South Cotabato, ayon sa ulat kahapon. Kinilala ng Polomolok PNP na pinamumunuan ni Police Superintendent Samuel Cadungon ang biktima na si Cherry Anas, ng Peoples Village, Barangay Cannery Site, Polomolok, South Cotabato. Ang biktimang si Anas ay idineklarang dead on arrival sa Hubbard Howard Hospital sa nasabing bayan, dakong alas-4:40 ng hapon. Ito ay matapos undayan ng saksak sa ulo…

Read More