KARERA SA KAMATAYAN

accident12

(NI KIKO CUETO) SORSOGON City — Isa ang kumpirmadong patay habang marami ang sugatan sa banggaan ng isang bus na nakikipagkarerahan sa dalawang bus at bumangga sa pampasaherong jeep sa Barangay Bulabog. Sa imbestigasyon, sinabi ni Police Maj. Renato Ibarondo, deputy chief ng Sorsogon City Police, na binangga ng bus ang jeep na magbababa sana ng pasahero. Lumalabas din na nakikipaghabulan umano ang driver ng bus sa dalawa pang bus, na ang isa sa mga ito ay kasama ng driver. Dinala sa ospital ang mga nasugatang pasahero ng jeep. Labing-walo…

Read More

5 NPA PATAY SA ENGKWENTRO SA SORSOGON

NPA

(NI NICK ECHEVARRIA) PATAY ang limang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA)  matapos maka-engkwentro ang mga tropa ng pamahalaan sa Sorsogon, Linggo ng umaga. Naganap ang sagupaan sa pagitan ng mga tauhan ng 31st Infantry Battalion ng Philippine Army at hindi pa batid na bilang ng mga armadong NPA bandang alas-7:15 sa Brgy.Calpi, Matnog ng nabanggit na lalawigan na nagresulta sa pagkamatay ng mga rebelde. Ayon kay P/Major Malou Calubaquib, spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 5, kinilala ang isa sa mga nasawi na si Robert Estiller, alias “Cindy…

Read More

13 NA PATAY KAY TISOY

(NINA AMIHAN SABILLO, JG TUMBADO, DAHLIA S. ANIN) LABING-TATLO na ang naiulat na nasawi sa mga rehiyon ng CALABARZON, MIMAROPA, V, AR VIII matapos ang pananalasa ng Bagyong Tisoy sa bansa. Sa report na ipinaabot sa Camp Crame, sa bahagi ng region 5, ay mula sa mga bayan at lalawigan ng Libmanan, Camarines Sur; Bulan, Sorsogon; Sorsogon City; Goa, Camarines Sur; at Pili, ang mga nasawi habang mayroon ding sugatan makaraang mahulugan ng puno sa Polangui, Albay. Sa bahagi naman ng region 4B, MIMAROPA ay Lima ang nasawi na kinilalang…

Read More

BASHER PINATULAN; NAPAHIYA KAY HEART

(NI VINIA VIVAR) NAKATIKIM kay Heart Evangelista ang basher niya na sinabihan siyang nakatatawa siya sa kanyang suot na Gucci or Chanel shoes habang nagsasayaw ng folk dance. Nag-post kasi si Heart ng larawan nila ng mister na si Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero habang nagsasayaw sila ng folk dance sa Kasanggayahan Festival sa Sorsogon province. Caption ni Heart sa larawan, “we did it! Congratulations to us 7,127 Sorsoganons for breaking the Guinness World Record for largest Filipino folk dance! “My dear @escuderochiz, I am so proud of you for planning…

Read More

RIDER NA TEACHER PATAY SA GUTTER

accident121

(NI NICK ECHEVARRIA) PATAY ang isang pampublikong guro matapos sumadsad at bumangga sa konkretong gutter ang sinasakyan nitong motorsiklo sa Sorsogon City, Linggo ng gabi. Sa report ni P/Major Malou Calubaquib, spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 5, naganap ang insidente bandang alas-8:30 sa Sitio Baribag, Brgy. Bibingcahan sa nasabing lungsod. Hindi na umabot nang buhay sa Sorsogon Provincial Hospital, sa Sorsogon City ang biktimang si Noel Rodulfo Dolotallas, 50, public elementary teacher, residente ng Brgy. San Roque, Bacon District. Pauwi na umano ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo na…

Read More

KARAMBOLA NG 4 SASAKYAN: 2 PATAY, 3 MALUBHA

accident121

(NI NICK ECHEVARRIA) PATAY ang dalawa katao habang nasa malubhang kalagayan ang tatlong iba pa sa karambola ng apat na sasakyan sa Sorsogon, Lunes ng madaling araw. Naganap ang karambola ng apat na sasakyan sa Maharlika Highway, Brgy. Trece Martirez, Casiguran ng nabanggit na lalawigan bandang alas-4:20. Sa report na ipinadala ng Casiguran Municipal Police Station (MPS)  sa Sorsogon Police Provincial Office (PPO), kabilang sa apat na nagkarambolang sasakyan ang isang traysikel na Honda TMX na sinasakyan nina Ricky Detecio, Emma Detecio at John Ray Detecio, isang kulay pulang Mitsubishi Montero  na minamaneho ni Ruel Esmas, isang…

Read More

HEART BRIMMING WITH EXCITEMENT

heart23

(NI VINIA VIVAR) DESIDIDO si Heart Evangelista na ituloy ang plano niyang pagtatayo ng parang shelter for animals sa Sorsogon na pinamumunuan ngayon ng Governor husband na si Chiz Escudero. Noong kapapanalo pa lang ng mister niya ay nabanggit na ni Heart sa isang interview ang plano niyang ito and one month later, heto’t may hakbang na siyang isinagawa. Nag-post si Heart ng larawan niya habang nakatayo sa isang madamong lupa at sa caption, aniya ay ito raw ang site na pagtatayuan ng shelter. “As you all know, I’ve always had a soft spot for animals…

Read More

39 BLOKE NG ‘COCAINE’ NALAMBAT SA SORSOGON

gubat sorsogon

UMAABOT sa 39 bloke ng hinihinalang cocaine ang nalambat ng mga mangingisda sa bayan ng Gubat, Sorsogon nitong Lunes, ayon sa pulisya. Ang pinaghihinalaang cocaine ay nakalagay sa 12 kahon nang matagpuan ng mga mangingisdang sina Melvin Gregorio, Loubert Ergina, at John Mark Nabong sa karagatan ng Barangay Bagcacay bandang alas-12 ng tanghali. Sinabi ni Major Maria Luisa Calubaquib, spokesperson ng Bicol police, na ang kontrabando ay inilipat na sa crime laboratory para sa pagsusuri. Ang naturang kontrabando, ayon sa anti-narcotics team, ay may street value umano na P207 milyon.…

Read More

SANGKAP NG PAMPASABOG NASABAT SA SORSOGON 

sorsogon12

(NI NICK ECHEVARRIA) SAMPUNG sako ng hinihinalang controlled substance ng ammonium nitrate at 14 containers ng liquid processed substance ng nasabing kemikal ang nakumpiska ng mga awtoridad sa Sorsogon, Huwebes ng umaga. Naaresto ang dalawang suspek na sina Byrne de Soya, 40, at Joemar Inting Quimno, 24, na may dala sangkap ng pampasabog nang walang kaukulang dokumento mula sa Firearm and Explosive Division (FED) at Fertilizer and Pesticide Authority (FPA). Nabatid sa ulat na kinumpiska ang mga sako-sako at konte-container na mga ammonium nitrate ng mga tauhan ng Matnog Police…

Read More

POLICE OFFICER PATAY SA AMBUSH

crime12

(NI NICK ECHEVVARIA) PATAY ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) makaraang tambangan ng tatlong hindi pa nakikilalang salarin sa Sorsogon, Lunes ng umaga. Nakilala ang biktima na si SP03 Juje Razo, 52, residente ng Bgy. Binanuahan, Pilar, Sorsogon at kasalukuyang nakatalaga sa Pilar Municipal Police Station. Nabatid sa paunang imbestigasyon ng pulisya na binabagtas ng biktima sakay ng kanyang motorsiklo ang kahabaan ng Bgy. Marifosque sa nasabing bayan, ganap na alas-7:30 ng umaga nang biglang pagbabarilin ng tatlong suspek na armado  ng mahahaba at maikling armas. Nagtamo ng maraming…

Read More

SORSOGON EX-MAYOR KINASUHAN NG GRAFT SA SANDIGAN

sandigan1

(NI JEDI PIA REYES) IDIIIN ng Office of the Ombudsman sa kasong katiwalian ang dating alkalde ng bayan ng Bulan sa Sorsogon dahil umano sa pagpigil sa paglalabas ng terminal leave benefits ng isang kawani nito. Kinasuhan sa Sandiganbayan ni Graft Investigation and Prosecution Officer II Eleanor Saguil Payao si dating mayor Marnellie Ballesteros Robles ng paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Si Robles ay inakusahan nang pag-ipit sa terminal leave benefits ng isang Helen de Castro na aabot ng mahigit P846,000 simula nuong Agosto 30,…

Read More