SMUGGLED YOSI NASABAT SA CHECKPOINT

zamboanga map12

(NI JESSE KABEL)

KARTON-KARTON na hinihinalang smuggled na sigarilyo ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Army sa Zamboanga City Biyernes ng madaling-araw.

Ayon sa ulat ng Zamboanga City Police Office, hinabol ng mga tauhan ng Army 74th Infantry Battalion ang isang sasakyan na hindi huminto sa minamantinang checkpoint ng military at pulis.

Sinasabi sa ulat na hindi umano huminto ang isang sport utility vehicle  sa ikinasang checkpoint sa Baliwasan seaside bandang ala 1:00  ng madaling-araw.

Tinugis ito ng mga sundalo mula sa  74th Infantry Battalion hanggang maabutan ito sa isang paaralan.

Nang rekisahin ng mga awtoridad ay tumambad ang bulto-bultong sigarilyo na pinaniniwalaang puslit na kontrabando.

Itinurnover ng mga sundalo ang mga sigarilyo sa pulisya habang inaaalam ang kabuuang halaga ng mga nasabat na smuggled na sigarilyo.

Please follow and like us:
Read More

3 KOREANO TIMBOG SA BENTAHAN NG PUSLIT NA YOSI

(NI JULIE DUIGAN/PHOTO BY KIER CRUZ)

BINITBIT ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation -Special Action Unit,ang tatlong koreano ,  na nagbebenta nang may P500,000 smuggled na sigarilyo nitong  Martes sa Bacoor,Cavite.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng  NBI detention cell sa Taft Avenue sa Ermirt ,ang mga suspek na nakilalang sina Young Kook Kim,Jong Kook Choi,Gee Pong Lee.

Batay sa ulat ni NBI Director Dante Gierran, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa iligal na aktibidad ng tatlong suspek at nang makumpirma ay kaagad na ikinasa ang entrapment operation.

Nagpunta sa shop ni Choi,ang nagpanggap na poseur buyer  na mga ahente ng NBI  sa  Unit 3 & 4 Zapote V.Longos,Bacoor at nang hanapan ng dokumento ay walang maipakita ang mga suspek kaya kaagad silang binitbit.

Kinumpiska ng NBI ang mga puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng P.5 milyon.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 10863 (Custom Modernization and Tariff Act) ang mga suspek sa  Department of Justice-Task Force -Anti Smuggling.

Please follow and like us:
Read More