EX-CAVs PLAYER PINALIT KAY WELLS

AYAW nang magbakasakali muli ni San Miguel Beer Leo Austria at mag-All-Filipino kapag hinarap nila ang Rain or Shine sa krusyal na laro sa Petron Special road game sa Sabado sa Lapu-lapu City kaya’t kinuha ng koponan bilang reinforcement si ex-Cleveland Cavalier player John Holland bilang kapalit ng injured na si Dez Wells.

“Since sinabi ni Wells he can’t play on Saturday, we got a backup. We can’t afford na walang import for the second time,” paliwanag ni Austria.

Napilitang lumaro nang walang reinforcement ang Beermen kontra Blackwater Elite noong Miyerkoles, mabuti’t sinuwerte at nanalo via overtime, 99-96.

Ngunit ayaw nang sumugal muli ni Austria kontra E-Painters kaya’t kinuha nila si Holland bilang pansamantalang kapalit ng nasa ‘injured list’ na si Wells.

“Very crucial ang game namin on Saturday. If he (Wells) cannot play, so there must be somebody who could replace him. The good thing is, this win can give us a lot of option eh, dahil kung natalo kami mahirap eh. But regarding Saturday’s game, may import or wala, makakalaro o hindi, we have to play at our best dahil we have a chance to make it (to the Top 4),” ayon kay Austria.

Dagdag ng SMB coach, bagama’t nagpapraktis na muli si Wells, hindi pa ito 100% na physcially ready. “He’s practicing well nung Monday, tsina-challenge niya every player na matapat sa kanya expecially on penetration but we’re surprised yesterday he skipped practice because something’s wrong with his foot.”

Samantala, bagama’t maganda ang inilaro ni five-time MVP na si June Mar Fajardo kontra Elite kung saan nagposte siya ng 30 points at 13 rebounds, aminado siyang kailangang mag-level up ng Beermen kung gusto nilang makuha ang inaasam na grandslam feat.

“Kailangan namin manalo kasi nga sunod-sunod na talo namin, kailangan namin makahabol sa standings, sa top 4 para 2 to beat advantage,” sabi ni Fajardo.

 

Please follow and like us:
Read More

LAHAT LABAN SA SMB

MAGPALAKAS at pigilan ang San Miguel Beer na maka-grandslam.

Ito ang misyon ng mga koponan sa kanilang patuloy na players-swapping, na pinapayagan naman ng PBA Commissioner’s Office.

“Naghahabol yung teams natin sa trade deadline.”

Ito ang pag-amin ni PBA Commissioner Willie Marcial kung bakit patuloy ang pagpapalit ng players ng mga team sa loob ng mga nakaraang linggo.

Ayon kay Marcial, hanggang November 8 ang trade deadline kaya’t ligal ang ginagawang players-swapping ng mga koponan.

Sa loob ng tatlong linggo, 14 na players ang nakasama sa trading block kabilang sina Christian Standhardinger, Chris Banchero, at pinakahuli si Bobby Ray Parks Jr.

Si Parks ang 2018 PBA Draft 2nd overall pick ng Blackwater Elite na napunta sa TNT KaTropa kapalit nina Don Trollano, Anthony Semerad, at future first round pick.

Patuloy ang pagpapalakas ng mga koponan bago ang 2019 PBA Governors’ Cup playoffs para pigilan ang Beermen sa kanilang inaasam na historic grand slam.

Hindi na maaaring magpalit ng players ang mga koponan na kasama sa semifinals at tanging teams na eliminated sa last conference ang pinapayagang makipag-trade para sa darating na 2019 PBA Draft sa December 8.

Please follow and like us:
Read More

AUSTRIA NADISMAYA

NAGPAHAYAG ng pagkabahala si San Miguel Beer coach Leo Austria sa pagkatalo ng kanyang team kontra Meralco Bolts noong Linggo (Oktubre 27).

Hindi lubos na matanggap ni Austria na natalo sila at tinambakan pa ng Bolts, 125-99.

“What is lacking in our team is we’re so complacent because of a good start,” anang SMB coach na ang tinutukoy ay ang 4-0 start nila sa Governor’s Cup.

Matapos ito ay tatlong magkakasunod na talo ang nalasap ng Beermen sa loob ng dalawang linggo, ang pinakahuli ay sa kamay ng Bolts.

They thought it’s easy to win. I told themwe should not dwell on the last two championships because a lot of teams right now are playing well, and they have very good teams with the presence of very good impory,” dagdag nito.

Hangad ng SMB na maka-grandslam kaya’t bawat laro ay mahalaga para sa koponan.

Ang magandang balita para sa Beermen, matagal-tagal silang makapagpapahinga bago ang susunod na laban nila sa Nobyembre 6 kontra Blackwater Elite.

Sa ngayon ay may 5-3 panalo-talong kartada ang San Miguel at nasa ikaanim na puwesto ng team standings.

 

Please follow and like us:
Read More

PBA GOVERNOR’S CUP: SMB vs GINEBRA

MATAPOS ang makapigil-hiningang panalo kontra Magnolia Pambansang Manok, 90-89, isa pang mabigat na pagsubok ang pagdadaanan ng San Miguel Beer sa pakikipagharap sa kanilang sister team Barangay Ginebra alas-6:45 Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Determinado ang Beermen na makuha ang top seeding sa Governor’s Cup para sa kanilang inaasam na Triple Crown.

Inaasahan naman na bibigyan sila ng magandang laban ng crowd favorite Ginebra lalo’t galing ito sa back-to-back loses.

Kumpiyansa si Ginebra import Justin Brownlee na makababawi ang Kings na aniya ay isang survivor.  Ann Encarnacion

Please follow and like us:
Read More

SMB VS RAIN OR SHINE: KARERA SA UNANG PANALO

(NI ANN ENCARNACION/PHOTO BY MJ ROMERO)

INIUWI ang importanteng unang panalo ang kapwa hangad ngayong gabi ng San Miguel Beer at Rain Or Shine sa Game 1 ng kanilang best-of-five semifinal series ng 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Colisem.

Misyon ng Beermen ang ikalawang grandslam habang makabalik sa kampeonato ang target ng E-Painters sa kanilang nakatakdang salpukan alas-6:30 ng gabi.

Naagaw ng Beermen ang semifinal slot sa No.2 North Port Batang Pier na sa kabila ng twice-to-beat advantage ay hindi nakaporma sa 2019 All-Filipino Cup champion sa playoffs.

Tinalo naman ng Elasto Painters ang No.3 Blackwater Elite sa huling game ng kanilang best-of-three playoff series.
Sinandigan ng Elasto Painters si Rey Nambatac sa krusyal na huling dalawang minuto matapos ihulog ng E-Painters ang matinding 11-2 bomba upang agawin ang abante at tuluyang sungkitin ang ikaapat at huling silya sa semifinals.

Isinalpak ni Nambatac ang isang jumper sa huling 18 segundo ng laban upang itulak ang Elasto Painters sa pagbabalik nito sa semifinals matapos ang mahigit dalawang taon.

Optimistiko si Nambatac sa tsansa ng ROS dahil sa pagkawala ni San Miguel Beer gunner Marcio Lassiter dahil sa left knee injury.

Hindi na makakalaro si Lassiter sa natitirang laban ng Beermen sa Commissioner’s Cup matapos ma-injured sa ikalawang quarter ng do-or-die match ng Beermen kontra sa Nort Port.

Nabatid sa MRI results na nagtamo si Lassiter ng Grade 2 MCL sprain at hindi makapaglalaro sa loob ng isa’t kalahating buwan.

“Magandang situation din yun na wala si Marcio kasi deadly talaga siya at mahirap talaga siyang bantayan. Kaya para sa amin, kahit papaano mapapadali rin yung pagpapatakbo ng sistema namin at siyempre sa depensa na rin,” sabi ni Nambatac.

Malinaw naman para kay San Miguel Beer import Chris McCullough ang dapat niyang gawin. “My mission is to help our guys get to the finals and win the championship.”

Please follow and like us:
Read More