RAY ALEXANDER BIBIGYAN NG TRIBUTE NG WSC 2020

(NI DENNIS IÑIGO)

MAGSISIMULA na naman ang pinakaaabangang “Olympics of Sabong” o World Slasher Cup 2020 ngayong buwan.
Ang taunang 9-cock invitational international derby ay papagaspas sa Enero 20 hanggang 26 sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum, bagong rebranded na Araneta City sa QC.

Sa taong ito, maliban sa tagisan ng mga pinakamahuhusay na local at international fowl fighters at cockers sa ruweba, bibigyan din ng tribute ang kinikilalang legendary gamefowl breeder na si Ray Alexander.

Si Alexander na namayapa noong Hulyo 2019 sa edad na 82 ay isa sa nagpasimula sa World Slasher Cup noong dekada 70. Siya rin ang kumimbinsi sa ilang American fighters at breeders na magtungo sa Pilipinas at sumali sa WSC.

Inaasahan naman na muling hahataw ang WSC champs noong nakaraang taon na Thunderbird 1 nina Nene Araneta at Frank Berin, at RC Warriors JD nina Rey Cañedo at Jun Durano.

Tatangkain din depensahan ni WSC 1 2019 solo champ Cris Copas ng Kentucky, USA at partner Claude Bautista ng CPB Group of Mindanao ang kanilang titulo.

Hindi rin pahuhuli ang WSC veterans at dating mga kampeon na sina seven-time champ Patrick “Idol” Antonio, Escolin brothers, mediaman Rey Briones, Magno Lim at Gerry Tesorero.

Kinilala bilang “Olympics of Sabong”, tampok sa World Slasher Cup ang mga pinakapili at pinakamahuhusay na breeds at bloodlines ng winged warriors mula sa fowl farms sa Pilipinas at iba’t ibang bansa.

Sa mga interesadong sumali sa WSC 2020, maaari pa rin magparehistro ng entries sa pamamagitan ng www.worldslashercup.ph o tumawag sa WSC Derby Office sa telepono (8)588-8227 o (8)911-2928.

Para sa karagdagang impormasyon at updates, sundan ang WSC Facebook page @worldslashercup2020, o bisitahin ang kanilang website www.worldslashercup.ph o mag-email sa worldslashercupofficial@gmail.com.

Please follow and like us:
Read More

SLASHER 2 PRE-FINALS NA

sabong32

(NI MATEO AGAPITO)

SASAGUPA ngayong araw, Hunyo 1, ang ilang kalahok para sa 4-cock pre-finals ng 2019 World Slasher Cup (WSC) 2  9-Cock Invitational Derby sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.

Kabilang sa mga magbabakbakan sa 4-cock pre-finals ngayong hapon ay entries na nakakuha 2, 2.5, at 3.5 points mula eliminations hanggang semifinals.

Ang mga kalahok na nagkapagtala naman ng 4, 4.5 and 5 points ay magsasagupa sa araw ng Linggo, Hunyo 2, para sa 4 -cock grand finals.

“It’s still anybody’s race at this point and a participant can wrest the championship with four more victories,” pahayag ni Pitgames Media Inc. CEO Manny Berbano.

Tinaguriang “Olympics of Cockfighting,” ang WSC ay suportado ng Thunderbird, Emperador, PitGames Media Inc., TV5’s “All New Tukaan”, ABS-CBN Action + Sports, “Sagupaan,” “Sabong Nation”, “Sabong Pilipinas”, “Bakbakan Na TV”, The Sabong Chronicles, .Journal Group, Pilipino Mirror, Saksi Ngayon at Diaryo Bomba.

Kabilang sa mga grand finalists ang dating kampeon at hari ng ruweda na sina seven-time WSC champ Patrick Antonio, four-time WSC champ Rey Briones, three-time WSC king Frank Berin at two-time WSC champ Honey Yu.

Ang Green Gold Uno entry ni Briones at ng kanyang partner na si Rod Advincula ang solo champion ng 2018 WSC 2.

Pasok din sa grand finals sina 2019 WPC 220 K Big Event champion Rey Canedo ng Team Excellence, Reynaldo Villanueva ng Laguna, at ang first timer na si Henry Tubban ng Ilocos na parehong may tig-limang panalo.

Kabilang din sa mga grand finalists na parehong may tig-apat na panalo sina Doc Ayong Lorenzo/Manny Berbano, Nene Araneta, Felix at RC Gatchalian, Jervy Maglunob, Emil Tiu, Anthony Lim, Louie Tulang, Randy Rabadon, Eslabon at Escolin Brothers, Caloy Datu/Lawrence Villanueva, Nerio Frani, Ricky Magtuto/JMW group, Antonio Aleria/Boy de Roca, Nene Araneta, Dr. Bel Almojera ng Florida, USA at Soan Sogianto/HJ Sabri ng Indonesia.

Ang hihiranging kampeon sa anim na araw ng torneo ay tatanggap ng silver trophy mula sa mga opisyal ng WSC Derby at reigning Bb. Pilipinas titlists sa isang eksklusibong awarding ceremony sa Novotel Manila Araneta Center.

Please follow and like us:
Read More