AFP SA MAKAKALIWANG GRUPO: SA KORTE KAYO MAGREKLAMO

(NI AMIHAN SABILLO)

“SA korte kayo nagreklamo.”

Ito ang payo ni AFP Spokesperson Bgen Edgard Arevalo sa mga makakaliwang grupo na umaangal sa pag-aresto ng AFP at PNP sa kanilang mga kasamahan sa Bacolod City. Ito ay matapos akusahan ng mga militanteng grupo ang pulis at militar ng ‘harassment’ sa kanilang pag-raid sa mga umano’y tanggapan ng Bayan Muna, Gabriela, Anakpawis at National Federation of Sugar Workers noong Oktubre 31.Ang operasyon ay nagresulta sa pagkaaresto ng dose-dosenang mga leader at miyembro ng NPA At pagkakasamsam sa samu’t-saring armas at pampasabog.

Tanong ni Arevalo, paano naging ‘harassment’ ang naturang operasyon, gayung may hawak na search warrant ang mga operatiba na inisyu ng Korte.

Tungkol naman sa sinasabi ng mga militanteng grupo na planted ang 32 baril At 120 bala na nakuha sa mga arestadong suspek, sinabi ni Arevalo na alinsunod sa batas ay nasa kanila ang responsibilidad na patunayan ang kanilang alegasyon.

Iginiit ni Arevalo na walang exempted sa batas, at kahit sabihin ng mga militanteng grupo na sila’y lehitimong organisasyon, sakop pa rin sila ng mga proseso ng korte tulad ng sinumang ordinaryong tao.

TANGGAPAN NG IBON FOUNDATION ‘DI SINALAKAY – NCRPO

Itinaggi ngayon ng NCRPO o National Capital Region Police Office na may nilulutong operasyon ang kanilang mga tauhan sa tanggapan ng IBON Foundation

Ito ay matapos kumalat sa social media ang ulat hinggil sa isasagawang ocular inspection ng mga pulis sa nasabing tanggapan

Batay sa post ng naturang thinktank group, isang Col. Joaquin Alba umano ang nagtimbre sa kanila ng nasabing inspeksyon sa harap ng sunud-sunod na pagsalakay sa opisina ng mga progresibong grupo

Sinabi ni Sinas, wala umanong katotohanan ang naturang ulat lalo’t hindi na konektado sa NCRPO si Alba at wala namang dahilan para puntahan at silipin ang nasabing tanggapan

Sa huli, nanindigan si Sinas na ang kanilang mga operasyon ay nakasalig sa mga hawak nilang impormasyon at dokumento gayundin ay naayon sa mga umiiral na batas.

Please follow and like us:
Read More

ANTI-MEDIA NA NCRPO OIC, PINASISIBAK

(NI LILY REYES)

ISANG napakalaking pagkakamali ang pagtatalaga kay Brig. Gen. Debold Sinas bilang Officer-in-Charge ng PNP-National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) dahil kahit bagong upo pa lang ay nagpapakita na ito ng kawalan ng paggalang sa malayang pamamahayag, ayon kay Rep. Ronnie Ong ng Ang Probinsyano party-list.

Pinaalahanan ni Ong si PNP OIC Lt. Gen. Archie Gamboa na kahit bilang OIC ay itigil na ang umiiral na “bata-bata” system sa pagtatalaga ng mga hepe sa PNP lalung-lalo na sa pinakamataas na liderato ng pambansang pulisya.

Ayon kay Ong, nagpakita agad ng kagaspangan ng ugali at kawalan ng respeto sa malayang pamamahayag si Sinas dahil hindi pa man ito umiinit sa kanyang upuan ay pinapalayas na niya ang mga media sa NCRPO media center na naging upisina na nila sa loob ng halos tatlong dekada.

Ioinagbabawal na rin ni Sinas ang anumang uri ng ambush interview at hindi na rin maaaring maglibot ang media sa loob ng Camp Bagong Diwa upang mangalap ng balita. Pinaalahanan ni Ong si Gamboa na ang media ay dapat ituring na kaakibat ng kapulisan sa paglilingkod sa bayan sa halip na ituring na kalaban. Kinuwestiyon din ni Ong ang ginawang pagbabanta ni Sinas na kanyang babawiin ang mga pulis-NCRPO na itinalaga sa National Bilibid Prison (NBP) matapos mahuli ang 16 niyang tauhan sa tangkang pagpuslit ng mga kontrabando sa.loob ng bilibid.

“General Sinas is an embarassment to the police leadership and should be removed right away. Instead of immediately castigating the policemen involved in this caper, he is even trying to downplay their misdeeds,” Ong said. Ayon kay Ong, isa ring hindi magandang halimbawa ang pagtalaga ni Gamboa kay Sinas dahil malinaw na bagsak ito sa polisiya ng PNP laban sa mga matataba at malalaki ang tiyan na pulis.

“How can we expect the ordinary beat policeman to stay in shape when their own NCRPO chief is overweight,” ang sabi ni Ong.

 

Please follow and like us:
Read More

NCRPO PRESS OFFICE BINUWAG NI SINAS

(NI ROSE PULGAR)

IPINABUWAG na ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) District  Director Police Brig. General Debold Sinas ang ginagamit na opisina ng mga miyembro ng NCRPO Press Club na pinahintulutan magamit bilang opisina ng nakaraang apat na Regional Director ng NCRPO sa satellite office nito.

Bago magsimula ang unang pulong balitaan ni Sinas, kinausap nito ang presidente ng NCRPO Press Corps na si Lily Reyes at sinabing buwagin na ang NCRPO press club satellite office.

Ayon sa NCRPO chief, kanilang gagamitin ang upisina sa pakikipagpulong para mas mapabilis at accessible sa kanyang limang district commander.

Sinabi rin ni Sinas na ang satellite office ay hindi dapat ginagamit ng media na labis na ikinabigla nito.

Ipinaliwanag ni Reyes, may understanding na sa pagitan ng press club at ng mga nagdaang pamunuan ng NCRPO na inilaan ang tanggapan para sa press club ngunit hindi pinakinggan umano ni Sinas.

Binigyang naman ni Sinas ng palugit hanggang katapusan ng Oktubre para mabakante ang dating press office.

Sa naganap na pulong balitaan na dinaluhan ng mga Pangulo ng district press corps at mga kinatawan ng mga media network kung saan inilatag ang mga dapat at hindi dapat gawin.

Ipinagbawal din ni Sinas ang ambush interview, pagkuha ng litrato, phone patch.

Kapag nais mainterbyu kailangan pang humingi ng appointment sa opisyal ng Public Information Office (PIO).

 

Please follow and like us:
Read More