EX-PARAK PATAY SA TANDEM

negros occidental12

(NI JESSE KABEL)

NILIKIDA ng riding in tandem ang isang isang retiradong pulis, Miyerkoles  ng umaga sa Bonifacio Street sa Silay City, Negros Occidental.

Patay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan  ang biktimang si Lindy Chan na isa rin dating barangay chair sanhi ng apat na tama ng punglo.

Lumitaw sa pagsisiyaat ng Silay PNP na kasama ng biktima at ng saksi nang isagawa ang pananambang.

Nag-uusap umano sila ng biktima sa gilid ng kalsada nang biglang lapitan ng mga gunman.

Agad na pinaputukan ng mga suspect na naka-helmet si Chan.

Narekober ng awtoridad ang limang empty shell ng kalibre .45 na pistol mula sa pinangyarihan ng krimen matapos na tumakas ang mga suspek.

Tinitingnan din ng awtoridad ang anggulo na may kinalaman sa negosyo ang pamamaslang kay Chan.

Ito ay matapos mabatid na may ilang beses na umanong nakatatanggap ng banta sa buhay ang biktima na minsan na ring na-ambsuh pero nakaligtas.

Please follow and like us:
Read More

4 MIYEMBRO NG DRUG SYNDICATE PATAY SA ENCOUNTER

crime

(NI JG TUMBADO)

APAT na hinihinalang miyembro ng isang illegal drug group ang napatay makaraang makipagbarilan umano sa mga pulis sa bayan ng Manapla sa Negros Occidental, Lunes ng umaga.

Ayon kay Police Senior Supt. Romeo Baleros, officer-in-charge ng Negros Occidental Police Provincial Office, naganap ang barilan dakong alas-7:00 ng umaga sa Barangay Santa Teresa ng nasabing bayan.

Kabilang sa mga napatay si Alson Aguirre, ang lider ng sub-group ng Divinagracia Drug Group na nakabase sa Silay City.

Nasamsam sa mga suspek ang kalahating kilo ng hinihinalang shabu, isang M-16 rifle, grease gun, kalibre .45 na pistol, kalibre .38 na revolver at isang granada.
Naaresto naman ng mga pulis ang isa pang lalaking nagsilbing look-out ng grupo, na nakuhanan din ng baril.

Please follow and like us:
Read More

FAKE POLICEWOMAN ARESTADO

ARRESTED WOMAN

SA isang entrapment operation inaresto ang isang 22-anyos na babaeng nagpanggap na pulis sa Silay City, Linggo ng hapon.

Ayon sa hepe ng Silay City Police na si Police Lt. Col. Noel Polines, mga pulis din ang binibiktima ng suspek.

Modus ng suspek ang pagbebenta umano ng police uniform sa mas mababang halaga, pero humihingi ito ng downpayment.

Sa kanyang social media account ay pawang unipormado ang suspect kaya’t hindi umano naghinala ang mga pulis na biktima ng kanyang modus.

Sa Victorias City, nabiktima ang isang pulis na nagpadala ng P26,000 para sa mas murang uniporme na hindi naman dumating.

Sinabi ng suspect na ang matinding hirap sa buhay ang nag-udyok sa kanya para magpanggap na pulis at gawin itong ‘negosyo.’  Ayon naman sa pulisya, may nabiktima na rin ang suspek sa ibang mga lalawigan.

Please follow and like us:
Read More