BOC EXAMINER SIBAK SA HIGIT P1-M KOTONG

customs naia12

(NI KOI HIPOLITO)

SINIBAK sa puwesto ni Bureau of Customs NAIA District Collector Carmelita M. Talusan si BOC Examiner/Customs Operations Officer III Carmelito D. Mantal na nakatalaga sa Arrival Operations Division ng Port of NAIA dahil sa alegasyon ng pangingikil sa isang biktimang pasaherong Korean national sa loob ng Ninoy Aquino International Air port .

Ayon sa sulat ni Atty. Lourdes Mangawang, Deputy Collector for Passenger Service, isang Korean national na si Lee Sungchul ang dumating sa bansa sakay ng Flight 535057 galing Japan.

Inireklamo nito ng extortion si Mantal na humihingi diumano ng halagang Thirty million yen o higit isang milyon piso sa nasabing biktimang dayuhan na agad naman pinabulaanan ng inirereklamong empleyado ng BOC.

Gayunman, nang tingnan ang CCTV malapit sa lugar ng insidente ay nakitang may basehan ang reklamo ng dayuhan laban kay Mantal.

Dahil dito agad na kinumpiska at kinansela ang MIAA ID/Access Pass ng suspek at binawalan na rin itong magsagawa ng Authority to Render Overtime Service o (ATROS) at inalis na rin ito sa kanyang puwesto habang iniimbestigahan ang kasong isinampa laban sa suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

PULIS NA NANGHIPO NG WAITRESS, SINIBAK

PNPLOGO1

(NI JG TUMBADO)

TINANGGAL na sa posisyon ang pulis na inireklamong nanghipo umano ng waitress sa Tanauan City, Batangas.

Natukoy ang suspek na si Police Corporal Vic Jayson Navales, nakatalaga sa Tanauan City Police Station.

Batay sa ulat ng CALABARZON Police, dumulog ang biktimang si alyas Maureen sa Tanauan City Police Station para ireklamo ang umano’y panghihipo ni Navales.

Ayon sa biktima, dumating ang suspek na kasama ang isang Police Corporal Laurel sa pinagtatrabahuhan nitong Barefoot Bar Cafe sa Brgy. Poblacion 3 at umorder ng beer.

Matapos umanong maubos ang beer ay umorder ulit ang suspek ng isa pang bucket ng alak.

Habang nagsisilbi ng order si alyas Maureen, hinatak umano ng suspek ang waitress at hinawakan ang maselang parte ng katawan.

Boluntaryo namang sumuko ang suspek na pulis matapos ang insidente. Nahaharap si Navales sa kasong acts of lasciviousness bukod pa sa administrative charges na posibleng ihain laban dito.

Please follow and like us:
Read More

3 PULIS NAAKTUHANG TULOG SA PRESINTO, SINIBAK  

PNPLOGO1

(NI JG TUMBADO)

PINAGSISIBAK sa puwesto ang tatlong pulis na nakatalaga sa Catmon at Sogod Municipal police station sa probinsya ng Cebu dahil bukod sa nahuling mahimbing na natutulog habang nasa kalagitnaan ng kani-kanilang duty ay hindi pa akma ang pagsusuot ng kanilang police uniform.

Ang pagkakasibak sa tatlong pulis ay base sa mismong utos ni Police Colonel Roderick Mariano, director ng Cebu Provincial Police Office (CPPO), kasabay ng paghahain ng kasong administratibo laban sa mga ito.

Ayon kay Mariano, pinagsusumite rin nito ang hepe ng Catmon at Sogod police ng kanilang paliwanag patungkol sa pangyayari at maging ng mga “performance” sa kanilang mga tauhan.

Ang pangyayari ay nadiskubre lamang ng ipadala ni Mariano si Police Lt. Col. Melbert Esguerra, deputy provincial director for administration, na magsagawa ng random inspection sa lahat ng police stations nitong Linggo ng madaling araw.

Pansamantalang mananatili ang hindi na pinangalanang mga pulis sa personnel holding and accounting unit (PHAU) ng CPPO habang nagpapatuloy pa ang pagdinig sa kanilang mga kaso ng Internal Affairs Division.

 

Please follow and like us:
Read More

PULIS NA NANUTOK NANG ‘DI MAKAPAG-OVERTAKE , SISIBAKIN

PULIS-2

(NI KOI HIPOLITO)

INIREKLAMO ang isang pulis na umano’y nanutok ng baril nang hindi makasingit sa linya ng sasakyan sa Commonwealth, Quezon City.

Nagtungo sa tanggapan ni NCRPO Chief PMGen.Guillermo Eleazar ang

biktimang si Christopher Johnson Ong, 31, residente ng 3rd Floor, PS Bank, Mindanao Ave.Branch, Brgy. Bahay Toro sa Quezon City.

Habang positibong kinilala naman ni General Eleazar ang inirereklamong pulis na si PMSgt.Wilson Aquino, naka-assign sa Tactical Motorcycle Reaction Unit (TMRU-PS3) ng Quezon City Police District (QCPD) at isa pang suspek na nakasuot din ng t-shirt na may tatak na ‘pulis’.

Base sa kuwento at ipinakitang video na kuha ng dashcam ng biktima kay Eleazar, sakay siya ng kanyang KIA KC2700(XCL-957) sa kahabaan ng Commonwealth South Bound, patungo sa Quiapo, Manila, nang sumingit sa kanyang linya ang isang kulay puting SUV subalit hindi umano niya ito napagbigyan.

Kasabay ito ng pagharang sa kanyang harapan ng isang SUV na Montero na may  plate number ABA-1201. Nagbukas ng bintana ang sakay nito saka naglabas ng baril at itinutok sa biktima at pilit na kinukuha ang kanyang lisensya. Bumaba umano ang pulis na suspek na may dalang shotgun sa sasakyan at binantaan ang biktima na huwag sumingit sa kanilang sasakyan kahit na patuloy na humihingi ng dispensa. Natigil lang umano ang pulis nang bumaba ang kasamahan nito na nakasuot ng kulay berdeng tshirt at iniwan ang biktima.

Agad naman ipinag-utos  ng NCRPO Chief ang pagsibak sa puwesto sa suspek na kasalukuyang naka-leave ngayon at mahaharap sa mga kasong kriminal at administratibo.

“We are here to serve and protect not to intimidate or threaten our citizens.This will serve as a lesson for everybody at nagpapasalamat ako dahil na-expose ang mga pulis na abusado. Huwag kayong matakot,  nasa likod nyo ako at hindi natin hahayaan ang mga katulad ng pulis na ito na abusuhin ang ating mga mamamayan,” ani Eleazar.

Please follow and like us:
Read More

PATAYAN ‘DI MAKONTROL; HEPE NG NEGROS ORIENTAL SIBAK

(NI JG TUMBADO)

SINIBAK na sa puwesto ang hepe ng pulisya sa Negros Oriental dahil sa serye ng patayan sa lalawigan.

Ayon kay Police Brigadier General Bernard Banac, tagapagsalita ng Philippine National Police, inalis sa posisyon si Negros Oriental Police director Col. Raul Tacaca upang bigyang-daan ang patas na imbestigasyon sa posibleng kapalpakan nito kaya’t nakalulusot ang mga pagpaslang sa probinsiya.

Si Central Visayas police chief Brig. Gen. Debold Sinas ang tatayo munang officer-in-charge ng Negros Oriental Police Provincial Office.

Kasabay nito, binigyang-diin ni Banac na kontrolado na ang peace and order situation sa Negros Oriental at naka-full alert na rin ang mga otoridad doon.

Iniutos na rin PNP chief Gen. Oscar Albayalde sa PNP Directorate for Investigation and Detective Management na pangunahan ang task force na sisiyasat sa mga patayan.

Labing-pitong indibidwal ang napatay sa lalawigan sa loob lamang ng buwan ng Hulyo kabilang ang isang human rights lawyer, isang school principal, isang empleyado ng Department of Education at isang barangay chair.

Apat na pulis din ang pinatay sa torture ng mga hinihinalang rebelde.

 

Please follow and like us:
Read More

HEPE SINIPA SA DUGYOT NA PRESINTO

eleazar12

(NI MAC CABREROS)

INALIS sa puwesto ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) director Major General Guillermo Eleazar ang commander ng isang istasyon ng pulisya sa Pasig City dahil sa maruming presinto.

Sa isinagawang sorpresang inspeksyon, agad sinipa ni Director Eleazar si Capt. Eleno Ilustrisimo matapos makitang nagkalat ang mga basura sa presinto.
“Strike two na,” diin ni Director Eleazar sa pagtanggal kay Capt. Ilustrisimo na wala sa kanyang opisina.
Pinagalitan din Eleazar ang desk officer at administrator ng himpilan ng pulisya.
Nabatid na nagsagawa rin ng inspeksyon si Director Eleazar sa presinto ng pulisya sa Quezon City upang imulat sa mga kapulisan ang kahalagahan ng kalinisan sa kapaligiran.

“Gusto nating ipakita na mahalaga ang kalinisan ng kapaligiran at maibalik ang magandang pagtingin at pagtitiwala ng publiko sa pulisya,” sabi ni Eleazar sa panayam ng media.

Please follow and like us:
Read More