LALAKI DEDO SA MASKARADO

SHOTGUN-1

CAPIZ – Luwa ang bituka ng isang lalaki makaraang paputukan ng shotgun ng dalawang armadong nakasuot ng maskara habang naglalakad, iniulat nitong Martes ng umaga sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang si Nico Gregorio, 21-anyos, residente ng Brgy. Agpalali Tapaz, Capiz.

Batay sa report ng Tapaz Police Station, dakong alas-10:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Brgy. Roxas sa nasabing bayan.

Lumabas sa imbestigasyon, bigla na lamang hinarang ng mga lalaking maskarado ang biktima at pinaputukan ng 12 gauge shotgun na agad nitong ikinamatay.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi nabatid na direksiyon.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente. (ANNIE PINEDA)

Please follow and like us:
Read More

LALAKI NA-SHOTGUN NI BAYAW 

(NI ANNIE PINEDA)

WASAK ang mukha ng isang mister matapos barilin ng kanyang bayaw nang sumugod umano ang una sa bahay ng huli, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Capiz.

Kinilala ang biktimang si Roberto Sonio, 43, at residente ng Barangay Pasal-o Jamindan, Capiz.

Tugis naman ang suspek na kinilalang si Danilo Mauricio, 45, ng Barangay San Juan, Jamindan, Capiz.

Batay sa report ng Jamindan Police Station, naganap ang insidente sa bahay ng suspek nang sugurin ng biktima at kumprontahin dahil sa matagal nang alitan.

Dito, kinuha ng suspek ang kanyang homemade shotgun at binaril sa mukha ang biktima sakay mabilis na tumakas.

Dinala naman sa ospital ang biktima pero dineklara na ring patay ng mga doktor.

 

Please follow and like us:
Read More

ASAWA’T ANAK SINASAKTAN; LALAKI BINOGA NG BIYENAN 

crime32

(NI ANNIE PINEDA)

BUTAS ang tiyan ng isang mister makaraan pagbabarilin ito ng kanyan biyenan nang tangkain umanong saksakin ng una ang kanyang asawa na anak ng huli, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Kinilala ang biktimang si Melvin Talimudao, 33, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Jose Denosta, 67, at kapwa residente ng Purok. Mabuhay, Brgy. Bambad, Isulan, Sultan Kudarat.

Batay sa report ng Sultan Kudarat-PNP, naganap  ang insidente sa bahay ng biktima at asawa nito sa nasabing lugar.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, bago ang insidente, nagtalo ang mag-asawa at tinangka umanong saksakin ng biktima ang kanyang misis sa harapan mismo ng kanilang dalawang anak.

Sa takot ng mga bata, tumakbo ang mga ito sa kanilang lolo (suspek) na kalapit lamang sa kanilang bahay at isinumbong na may hawak na kutsilyo ang kanilang ama at sasaksakin ang kanilang ina.

Mabilis na sumugod si Jose sa bahay ng mag-asawa at naabutan umanong sasaksakin na ng biktima ang kanyang anak, kaya agad niyang ikinasa ang dalang 12 gauge shotgun at binaril si Denosta na tinamaan sa tiyan at balikat na naging dahilan ng agaran kamatayan .

Matapos ang insidente kusa naman sumuko sa pulisya ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

 

Please follow and like us:
Read More

PULIS NA NANUTOK NANG ‘DI MAKAPAG-OVERTAKE , SISIBAKIN

PULIS-2

(NI KOI HIPOLITO)

INIREKLAMO ang isang pulis na umano’y nanutok ng baril nang hindi makasingit sa linya ng sasakyan sa Commonwealth, Quezon City.

Nagtungo sa tanggapan ni NCRPO Chief PMGen.Guillermo Eleazar ang

biktimang si Christopher Johnson Ong, 31, residente ng 3rd Floor, PS Bank, Mindanao Ave.Branch, Brgy. Bahay Toro sa Quezon City.

Habang positibong kinilala naman ni General Eleazar ang inirereklamong pulis na si PMSgt.Wilson Aquino, naka-assign sa Tactical Motorcycle Reaction Unit (TMRU-PS3) ng Quezon City Police District (QCPD) at isa pang suspek na nakasuot din ng t-shirt na may tatak na ‘pulis’.

Base sa kuwento at ipinakitang video na kuha ng dashcam ng biktima kay Eleazar, sakay siya ng kanyang KIA KC2700(XCL-957) sa kahabaan ng Commonwealth South Bound, patungo sa Quiapo, Manila, nang sumingit sa kanyang linya ang isang kulay puting SUV subalit hindi umano niya ito napagbigyan.

Kasabay ito ng pagharang sa kanyang harapan ng isang SUV na Montero na may  plate number ABA-1201. Nagbukas ng bintana ang sakay nito saka naglabas ng baril at itinutok sa biktima at pilit na kinukuha ang kanyang lisensya. Bumaba umano ang pulis na suspek na may dalang shotgun sa sasakyan at binantaan ang biktima na huwag sumingit sa kanilang sasakyan kahit na patuloy na humihingi ng dispensa. Natigil lang umano ang pulis nang bumaba ang kasamahan nito na nakasuot ng kulay berdeng tshirt at iniwan ang biktima.

Agad naman ipinag-utos  ng NCRPO Chief ang pagsibak sa puwesto sa suspek na kasalukuyang naka-leave ngayon at mahaharap sa mga kasong kriminal at administratibo.

“We are here to serve and protect not to intimidate or threaten our citizens.This will serve as a lesson for everybody at nagpapasalamat ako dahil na-expose ang mga pulis na abusado. Huwag kayong matakot,  nasa likod nyo ako at hindi natin hahayaan ang mga katulad ng pulis na ito na abusuhin ang ating mga mamamayan,” ani Eleazar.

Please follow and like us:
Read More

MUKHA SABOG SA PINAGLARUANG SHOTGUN

crime44

(NI NICK ECHEVARRIA)

PATAY ang isang security guard nang makatuwaan nitong paglaruan ang kanyang shotgun na aksidenteng pumutok at tumama sa kanyang mukha sa Camarines Sur, Sabado ng umaga.

Dead on the spot ang biktimang si Carlo Borlagdan, 19, binata, security guard ng Winwin Construction site sa Zone 4 Barangay Del Rosario, Pamplona.

Sa ulat ni P/Capt. Gregorio Bascuna Jr, hepe ng Pamplona Municipal Police Station (MPS),  alas 7:45 ng umaga nang mangyari ang insidente habang nakaduty ang biktima sa  binabantayang kumpanya.

Nabatid naman sa salaysay ng kasamang gwardiya ng biktima na si Albert Marqueses, 19, sabay silang nakaduty nang mapansin niya na maka-ilang beses ikinakasa ng kasamang gwardiya ang 12-gauge shotgun nito dahil barado umano  at ayaw pumutok kaya sinisilip pa umano nito ang barrel ng baril.

Hindi rin siya pinakinggan ng biktima sa kabila ng kanyang patuloy na pagsaway at muling ikinasa at sinilip ng paulit-ulit ang barrel ng kanyang shotgun hanggang sa bigla na lamang itong pumutok na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Camarines Sur Police Provincial Office, na nabutas ang pisngi ng biktima na tinamaan ng bala habang naiwan ang isa pang bala sa nasabing baril.

Upang masiguro na walang nangyaring foul play sa insidente ay inanyayahan pa rin ng pulisya ang kasamang gwardiya ng biktima para hingan ng mga karagdagang detalye.

 

Please follow and like us:
Read More

AKALA’Y BABOY-RAMO, PAMANGKIN PATAY SA TIYUHIN

south cotabato12

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Nabaril at napatay ang isang 26-anyos na babae ng mismong tiyuhin nito makaraang mapagkamalang baboy-ramo nang magsagawa ng ‘animal hunting’ ang suspek sa Sitio Alyong, Barangay Danlag, Tampakan, South Cotabato,  Sabado ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Lenza Dayanton Dialang, magsasaka na nabaril umano ng tiyuhin gamit ang 12 gauge shot gun.

Sa report ng Tampakan PNP, pumunta umano ang biktima kasama ang tiyuhin nitong si Ciano Dayanton Dialang at iba pang kamag-anak sa bulubunduking bahagi ng Sitio Alyong upang mangaso.

Dahil iba-iba ang direksiyon ng mga ito, napagkamalan umanong baboy ramo ng tiyuhing si Ciano ang gumagalaw sa hindi kalayuan mula sa kanyang harapan dahilan upang barilin niya ito, pasado alas-10:00 ng umaga.

Bumungad na lamang sa kanya na ang kanyang pamangkin ang nabaril nito. Sugatan sa tiyan ang biktima na agad isinugod sa ospital habang tumakas naman ang suspek sa insidente.

Please follow and like us:
Read More