2 PATAY, 2 PULIS, REPORTER SUGATAN SA ANTIQUE

(NI NICK ECHEVARRIA)

DALAWA ang patay habang apat na iba pa ang sugatan, kabilang ang dalawang pulis at isang reporter, sa naganap na pamamaril sa San Jose, Antique, Lunes ng umaga.

Nakilala ang mga nasawi na sina Ana Anacleto, 24, at Erven James Checa, 32, habang sugatan naman sina P/Sgt. Cyril Valdevieso, P/SSgt Albert Talidong at Stephen Checa, correspondent ng isang lokal na newspaper sa Iloilo, at kapatid ng napatay na si Erven.

Ayon kay P/Lt.Col. Mark Darroca, Chief ng San Jose Police, naaresto ang suspek na nakilalang si Venom Dio, na binaril sa binti ng mga nagrespondeng pulis.

Nabatid sa paunang imbestigasyon ng pulisya na ang suspek na si Dio, may-ari ng isang water refilling station, ay nagkaroon ng pakikipagtalo hanggang sa tutukan ng baril si Erven na namamahala naman sa katabing computer shop.

Agad humingi ng tulong si Stephen sa San Jose Police Station nang makita nitong tinututukan ng baril ng suspek ang kanyang kapatid.

Gayunman, nabaril na ni Dio ang magkapatid at si Anacleto nang dumating ang mga nagrespondeng pulis.

Maging sila ay pinaputukan din ng suspek gamit ang 9mm hand gun dahilan para gumanti sila ng putok.

Nakakulong na ngayon sa San Jose Police detention cell ang suspek  na nagtamo rin ng tama ng bala sa binti.

Dinala naman sa Angel Salazar Memorial General Hospital ang iba pang mga nasugatan para lapatan ng lunas.

Patuloy na inaalam ng mga imbestigador ang dahilan ng pamamaril.

 

Please follow and like us:
Read More

DALAGITA, 1 PA, PATAY SA PAMAMARIL

(NI KEVIN COLLANTES)

PATAY ang isang batang babae at isang out-of-school youth habang sugatan naman ang tatlo pa nilang kaanak nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang salarin, sa Baras, Rizal,  Sabado ng gabi.

Sa initial report ng Baras Municipal Police Station, nabatid na kapwa dead on arrival sa Antipolo City Hospital Annex  ang mga biktimang sina Jeszabel Tolibas, 11, estudyante, at Leimuel Tolibas, 20, out-of-school youth, habang sugatan naman sina John Joven Tolibas, 9; Erica Tolibas, 16, at Ricky Capistrano dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Samantala, inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga nakatakas na salarin at motibo nila sa krimen.

Sa sketchy report, lumilitaw na dakong alas-10:00 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang mga pulis hinggil sa pamamaril sa Block 7E, Southville 9, sa Barangay Pinugay.

Mabilis namang rumesponde ang mga awtoridad at natagpuan ang mga sugatang biktima na mabilis na isinugod sa naturang pagamutan ngunit dead on arrival na sina Jeszabel at Leimuel.

Habang isinusulat naman ang balitang ito ay nagsasagawa pa umano ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang kaganapan sa krimen at maaresto ang mga taong may kagagawan nito.

Please follow and like us:
Read More

RETIRADONG PULIS BINARIL, PATAY

crime43

(NI DONDON DINOY)

DIGOS CITY–ISANG dating miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang pinagbabaril at namatay habang nagpapakain ng kanyang aso sa kanilang bahay, Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Retired Police Officer 3 Ronnie Iligan, residente ng Molave Street, Luna Extension nitong lungsod.

Ayon kay Police Lt. Col. Ernesto Castillo, hepe ng Digos City Police Office (DCPO,  dalawang suspek na nakasakay ng motorsiklo ang nasa likod ng pamamaril.

Madilim umano ang lugar kung kaya’t agad nakatakas ang mga salarin.

Nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima at namatay noon din. Narekober ng mga otoridad ang ilang basyo ng kalibre .45 na ginamit sa pagpaslang.

Napag-alaman na matapos mag-retiro ay nag-negosyo na ito ng mga gulay sa pamilihang bayan ng lungsod.

Inamin din ni Castillo na dati niyang kasama sa Philippine Constabulary (PC) noon at may mabuti itong rekord.

Malaki ang paninimawala ng mga awtoridad na may kinalaman sa dating trabaho ng biktima ang motibo ng krimen.

Naging kasapi umano ng Provincial Intelligence Branch ang biktima habang naka-duty pa noon sa Davao del Sur Police Provincial Office (DSPPO) kung saan may napatay din itong kriminal.

Nilinaw naman ni Castillo na nagsagawa na sila ng malalimang imbestigasyon upang makilala ang mga salarin at makasuhan.

 

Please follow and like us:
Read More

BABAE PATAY SA LIVE-IN PARTNER

crime22

(NI KEVIN COLLANTES)

PATAY ang isang babae nang barilin ng kinakasama matapos ang mainitang pagtatalo , sa Barangay San Isidro, Antipolo City, Linggo ng madaling araw.

Ang biktimang si Angela Shynne Villanieva, 24,  ay isinugod pa sa pagamutan ng suspek na si Joel Tongco, 42, driver, at residente ng Block 56 Lot 9, Bagong Nayon 2, Barangay San Isidro, ngunit binawian din ng buhay dahil sa tama ng bala sa katawan.

Lumilitaw sa inisyal na pagsisiyasat ng Antipolo City Police na dakong alas-2:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa tahanan ng biktima sa Block 9 Lot1, Phase 1, Barangay San Isidro.

Ayon kay Lang Bonite, 27, nakasaksi sa krimen, narinig pa niyang nagtatalo ang mag-live in partner hanggang sa makarinig na lamang ng putok ng baril.

Nang alamin ang pinagmulan ng putok, nakita pa umano ng testigo ang suspek habang buhat-buhat ang duguang biktima na isinakay nito sa isang tricycle at saka isinugod sa pagamutan.

Kaagad namang ipinaalam ng testigo sa mga kaanak ng biktima ang pangyayari at humingi ng tulong sa pulisya.

Inaresto ni Pat. Marvin Ibasco ng Antipolo Police ang suspek at ikinulong.

Narekober ng mga awtoridad sa crime scene ang isang kalibre .38 revolver na may live ammunition at isang basyo ng bala.

Please follow and like us:
Read More

TATAY ITINUMBA SA HARAP NG SCHOOL, ANAK SUGATAN

crime12

(NI ANNIE PINEDA)

BINAUNAN ng bala ng baril sa tagiliran ang isang ama habang sugatan ang anak nito makaraan pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek nang ihatid nito ang dalawang anak sa eskuwelahan, iniulat kaninang umaga sa probinsya gn Lal-lo Cagayan.

Kinilala ang biktimang si Mauro Malagyab, 49, dating punong barangay habang nilapatan na ng lunas sa ospital ang 12-anyos nitong anak, at masuwerte naman hindi tinamaan ang 8 taong gulang nitong anak, kapwa ng Bgy. San Mariano, Lal-Lo Cagayan.

Batay sa report ng pulisya, bandang alas 7:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa harapan ng paaralan ng naturang lugar.

Lumabas sa paunang imbestigasyon, sakay ng motorsiklo ang pamilya ni Malagyab para ihatid ang dalawang anak sa paaralan kasama ang asawa. Pagbaba ng kanyang misis sa motorsiklo, sabay sulpot ng suspek.

Dito, pinagbabaril ang biktima na tinamaan sa tagiliran na agad nitong ikinamatay habang nagtamo naman ng daplis sa katawan ang isa nitong anak at nilapatan na ng lunas.

Kuwento ng asawa ng biktima, nakita nito ang dalawang lalaki na nakasuot ng kulay itim na jacket na bumaril sa kanyang asawa at hindi na niya namukhaan sa bilis ng pangyayari.

Tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at inaalam na rin ang tunay na motibo sa krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

SYOTA NAGPAPALIGAW PA SA IBA; BF NAGBARIL SA ULO

crime55

(NI ANNIE PINEDA)

MINSAN pang napatunayan na walang mabuting dulot ang matinding selos, makaraan tapusin ng isang binata ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili dahil matinding pagseselos, sa Isabela.

Kinilala ang biktimang si Clifford Nazzer Bustamante, 22, residente ng P2, Brgy. Lusod, Maddela, Quirino.

Batay sa report ng Maddela-PNP, naganap ang insidente sa tabi ng ilog sa Brgy. Lusod, Maddela, Quirino.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, may pinagseselosan umano ang biktima na nanliligaw sa kanyang nobya kaya niyaya nito ng inuman ang mga kaibigan para sana maibsan ang nararamdaman.

Kuwento ng mga kaibigan ng biktima na sina Ronald Bugaoisan, Paul Jeffrey Medina at Kleynard Secolles, pawang residente sa naturang lugar, masaya pa silang nag-iinuman at naibulalas ni Bustamante sa kanila ang sama ng loob na may pinagseselosan siya.

Saglit lamang nagpaalam ang biktima at tumungo ito sa kanyang sasakyan na nakaparada malapit sa kanilang pinag-iinuman at may kukunin lamang siya.

Pero, laking gulat na lamang nila ng makarinig ng putok ng baril mula sa sasakyan ng biktima kaya kanila itong pinuntahan.

Tumambad sa kanilang harapan ang naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay ang biktima sanhi ng tama ng bala ng .38 revolver sa kanyang ulo.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

BABAENG ANAK NG EX-MAYOR TIGOK SA PAMAMARIL

(NI NILOU DEL CARMEN)

PATAY ang isang 53-anyos na babae na anak ng dating mayor  matapos pagbabarilin sa harap ng kanilang bahay sa Calamba City, Linggo ng hapon.

Mga tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinasawi ng biktimang si Maria Rosario Delmo Tan, residente ng Barangay 6.

Ang biktima na isa ring negosyante at nagmamay-ari ng sabungan sa lungsod ay anak ng dating mayor ng Calamba City na si Salvador Delmo.

Batay sa report ng Calamba City police, pahinto na ang sinasakyang Toyota Fortuner ng biktima sa harap ng kanilang bahay nang lumapit ang gunman at walang habas na paputukan ang biktima na nakaupo sa passenger seat ng SUV alas-5:30 ng hapon.

Nahagip din ng mga bala ang driver nito na si Allan Salarila Valenzuela.

Mabilis na tumakas ang hindi nakilalang salarin matapos ang insidente.

Agad isinugod ang dalawa sa Calamba Medical Center subalit nalagutan din ng hininga ang biktima makalipas ang isang oras habang nilalapatan ng lunas.

Patuloy ang malalim na imbestigasyon ng pulisya at inaalam kung ano ang motibo at kung sino ang suspek at ang nasa likod ng krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

PULIS ITINUMBA SA SEMENTERYO

(NI KOI HIPOLITO)

DEAD on the spot ang isang pulis matapos barilin ng hindi kilalang suspek sa isang lamay sa loob ng sementeryo, Huwebes ng gabi sa Taguig City.

Nakilala ang biktima na si Pat. Ralph Aquino, 31, tubong Tuguegarao City, Cagayan at aktibong miyenbro ng Philippine National Police (PNP) na nakatalaga sa Taguig Police Community Precinct (PCP8).

Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Taguig City chief of police PCol.Alexander Santos, sinundo ng kanyang kaibigan na alyas ‘Toto’ ang biktima sa bahay nito para pumunta sa lamay ng kaibigan.

Gayunman pagdating sa sementeryo ay ay bigla na lamang nilapitan ng isang gun man ang biktima at pinagbabaril na agad namatay sanhi ng mga tinamong sugat sa katawan at ulo.

Tumakas ang suspek dala ang baril na ginamit.

Naglatag na ng follow up investigation ang mga otoridad para alamin kung sino at ano ang motibo sa pamamaslang sa kanilang kabaro.

 

Please follow and like us:
Read More

2 TINODAS NG KAINUMAN 

shooting6

(NI NILOU DEL CARMEN)

DALAWANG lalaki ang nasawi matapos kapwa pasabugin ang bungo ng kanilang mga nakainuman sa magkakahiwalang na insidente sa bayan ng Sto. Tomas at Calatagan sa Batangas.

Base sa report ng Batangas PNP, Huwebes ng umaga nang matagpuan na lamang na sabog ang ulo at  walang buhay sa loob ng isang kubo sa Brgy. San Vicente, Sto Tomas  ang biktimang si Crispin Nayle.

Huli umanong nakasama ng biktima ang suspek na si Edgar Sidlacan habang ang dalawa  ay nag-iinuman sa nasabing lugar.

Nawawala naman at hindi pa nagpapakita ang suspek na si Sidlacan.

Patay din ang 23-anyos na binatang  si Cris  Rosales matapos na ito ay barilin umano sa ulo ang kainumang si Abelardo Bahia habang nag-iinuman sa isang abandonadong bahay sa Brgy. Talisay sa bayan ng Calatagan, Huwebes ng gabi.

Nagkaroon muna umano ng mainitang pagtatalo ng dalawa na humantong sa pagbunot ng kalibre  .45 baril ng suspek at ipinutok sa hindi na nakakilos na biktima.

Mabilis na nakatakas ang suspek na sumakay sa kanyang motorsiklo.

Patuloy naman   ang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang pinag-awayan ng mga ito at  kung bakit sa abandonadong bahay nagtagpo ang dalawa.

 

Please follow and like us:
Read More

MISTER PINASABOG ANG BUNGO SA HARAP NG MISIS

(NI ANNIE PINEDA)

SABOG ang bungo ng isang mister matapos barilin sa harap mismo ng kanyang misis ng kanyang kalugar, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Roxas City.

Kinilala ang biktimang si Jun-Jun Barredo, 31, traffic auxiliary at residente ng Barangay Dinginan, Roxas City.

Tinutugis naman ng pulisya ang suspek na kinilalang si Juvy Pulao, nasa hustong gulang nakatira sa nasabing lugar.

Batay sa report ng pulisya, alas 12:00 ng hatinggabi nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng biktima.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, narinig ng misis ng biktima ang pagdating nito kaya agad siyang lumabas sa bahay para salubungin ang asawa, pero nakita na lamang niyang binaril sa ulo ng suspek saka tumakas.

Kuwento pa ng ina ng biktima na si Cynthia, pinagsabihan pa umano ng suspek ang asawa ni Junjun na huwag ipagsabing sila ang pumatay .

Giit ng ina ng biktima, posibleng dating alitan ang motibo sa pagpatay sa kanyang anak at nakikiusap ito na sumuko na sa pulisya at harapin ang ginawang krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI PINATAY PAGLABAS NG MALL

(NI KNOTS ALFORTE)

ISANG lalaki ang saglit na pumasok sa isang mall sa Angono ngunit paglabas nito may sinalubong ng lalaki na bumaril at nakapatay sa kanya.

Ang biktima ay nakilalang si Roy Magallano, 29, ng Manggahan St. Zone 4 South Signal Village, Taguig City.

Ayon sa inisyal na report ni P/Lt.Col Gleen Magsino ng Angono Police kay Rizal Police Provincial Director P/Col. Lou Frias Evangelista, dakong alas 8:10 ng gabi nang tumawag sa Angono Police hinggil sa lalaking binaril sa labas ng SM center Angono.

Ayon sa nakakita, madalian lang ang pagpasok ng biktima at lumabas agad nang isang lalaki ang sumalubong dito at sunud-sunod syang binaril. Nagtangka pa ang biktima na habulin ang bumaril sa kanya ngunit natumba na sa gilid ng kalsada. Tumakas ang suspek na sumakay sa nakaabang na motorsiklo sa kabilang kalsada.

Nakarekober naman ang pulis ng dalawang basyo ng baril. Patuloy ang imbestigasyon ng Angono police sa kaso.

 

Please follow and like us:
Read More

SAKAY NG PUTING VAN NAMARIL, BINATILYO SUGATAN

(NI KOI HIPOLITO)

INAALAM na ngayon ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek na sakay ng isang puting van na namaril at nakasugat sa isang menor de edad, dakong alas-3:30 ng madaling araw ng Linggo sa tapat ng isang convenience store sa Phase 2, Brgy. Pinagsama,Taguig City.

Nakilala ang biktima na si John Carlitos Velacruz, 14, estudyante at residente sa Unit 112, Bldg. 4, MRB, Ususan ng Taguig.

Base sa ulat na nakarating sa opisina ni Taguig City chief of police P/Col. Alex Santos, naglalakad umano ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan nang businahan ng kulay puting van na hindi naplakahan at sa pag-aakalang ito ay sasakyan ng barangay na sisita sa kanila ay kumaripas ng takbo ang mga kabataan hanggang sa makarinig umano sila ng sunud-sunod na putok ng baril at naramdaman na lamang umano ng biktima na namamanhid ang kanyang kaliwang binti.

Nagpapagaling na ngayon sa Medical Center ng Taguig ang biktima sa tulong ng kaniyang mga kaibigan.

Patuloy na iniimbestigahan ang krimen.

Please follow and like us:
Read More

TOTOY BINARIL NG AMO, PATAY 

crimeshooting12

(NI JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – Isang lalaking kasambahay na menor-de-edad ang walang awang binaril hanggang sa mapatay matapos pagmumurahin ng kanyang amo sa Lucena City, nitong Linggo.

Sa ulat ng pulisya, nadinig ng mga kapit-bahay si Niño Mikki Sekigawa, veterinary clinic staff, na pinagagalitan ang biktimang hindi pinangalanan sa report, sa loob ng kanilang apartment sa Barangay 11, bandang 10:00 ng gabi.

Pagkatapos ng walang patid na pagmumura ay bigla na lang nadinig sa paligid ang putok ng baril mula sa hindi pa malamang kalibre mula sa apartment ng suspek.

At kasunod ng putok ay nakita naman ang mabilis na paglisan ng suspek sa kanyang tirahan.

Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating ang isa pang kasambahay sa nasabing bahay at nakita sa loob ang biktima na may tama ng bala at naliligo sa sariling dugo.

Mabilis na dinala sa Quezon Medical Center ang biktima subalit namatay din ito matapos ang dalawang oras. Nagsasagawa ng kaukulang imbestigasyon ang mga awtoridad upang alamin ang motibo sa pamamaslang kasabay ng malawak na police operation upang madakip ang suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

DRIVER INUTAS SA LOOB NG JEEP

crimeshooting12

(NI NILOU DEL CARMEN)

PATAY ang isang jeepney driver matapos pagbabarilin habang natutulog sa loob ng sasakyan sa Batangas City, Martes ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Eduardo Oserin, 39, tubong Mulanay, Quezon at residente ng Barangay Paharang West, Batangas City.

Batay sa report ng Batangas City police station, nangyari ang krimen ala 1:30 ng umaga sa national highway sakop ng Barangay Balagtas.

Natutulog ang biktima sa loob ng nakaparadang pampasaherong jeep nang pagbabarilin ito ng hindi nakilalang salarin gamit ang isang kalibre .45 baril.

Agad ding tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Isinugod naman sa ospital ang biktima subalit ideneklara na itong patay ng doktor.

Inaalam pa ng mga pulis kung sino ang salarin at kung ano ang motibo sa krimen.

 

 

Please follow and like us:
Read More

DANCE INSTRUCTOR NAKALIGTAS SA 9 NA BALA

crime85

(NI TJ DELOS REYES)

NAKALIGTAS ang isang dance intructor sa siyam na bala na ibinaon  sa kanyang ng isang lalaki, Sabado ng gabi sa Quezon City. Ligtas na sa anumang panganib ang biktima na nakilalang si  Michael Allan Velasco, 40, residente ng 102 C. Benitez St., Cubao.

Nakilala lamang ang suspek sa pangalang ‘Ronnie’.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Benjamin Gabriel Jr., hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Fairview Police Station 5, naganap ang krimen dakong alas-9:00 ng gabi sa Champaca St, Brgy. Pasong Tamo. Nauna rito, nakatanggap ng mensahe ang biktima mula sa kanyang Facebook account na kailangan ni ‘Ronnie’ ang serbisyo ni Velasco bilang dance instructor para turuan ng sayaw ang mga kawani ng isang hardware.

Nagpadala rin ng paunang bayad na P1,000 si ‘Ronnie’ kay Velasco para sa pamasahe ng biktima papuntang Champaca St. mula Cubao.

Pagdating ni Velasco sa Champaca St., nagkita sila ni ‘Ronnie’ at saka inutusan  ng suspek si Velasco na umangkas sa dala-dala nitong motorsiklo.

Dinala  ng suspek ang biktima sa isang open court sa Champaca St. din at saka inagaw ang cellphone ng biktima bago pinaputukan ng siyam na beses.

Mabilis na tumakas ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo habang si Velasco ay dinala sa ospital ng mga tumulong na taumbayan.

Patuloy naman nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya at inaalam ang tunay na motibo sa pamamaril.

 

Please follow and like us:
Read More

MISIS BINARIL NG MISTER

crimeshooting12

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Patay ang isang 55-anyos na misis makaraang barilin ng mismong asawa nito makaraang hindi pumayag ang una na iatras ng kanyang anak ang reklamo laban sa mister sa Barangay Datal Bob, T’boli, South Cotabato, Miyerkoles  ng umaga.

Kinilala ni Major Bernie Faldas, ang T’boli Acting Chief of Police, ang biktima na si Emma Segundo ng nasabing barangay.

Ayon kay Faldas, agad binawian ng buhay ang biktima sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Agad namang tumakas ang mister ng biktima na si Freddie Segudo, 47 anyos, magsasaka.

Sinabi ni Faldas na nagalit umano ang suspek sa kanyang misis nang tumanggi itong iatras ng anak ng biktima ang reklamo laban sa suspect.

Ayon kay Faldas, nang umalis ng bahay ang misis hinarangan siya ng kanyang mister sa daan. Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magsawa na humantong sa pagbaril umano ng suspek sa biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

RIDER NA NAKAPATAY SA 16-ANYOS ARESTADO

tondocrime12

(NI HARVEY PEREZ)

NASA kustodiya na ng  mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 1, ang rider na bumaril at nakapatay sa isang 16- anyos na binatilyo sa isang follow-up operation, Huwebes ng madaling araw sa  Tondo, Maynila.

Itinurn-over na sa Manila Police District-homicide section,ang suspek na si Mark Joseph Vasquez, 22, at residente ng Barangay 68 sa Tondo.

Alas-2:00 ng madaling araw nang matiyempuhan ng mga pulis sa kanilang bahay ang suspek.

Nabatid na ang suspek ang itinuturong  bumaril at nakapatay sa  biktimang si Kevin Lois Monsod, 16, na residente ng naturang lugar.

Tuluyang nadakip ang suspek sa tulong ng mga CCTV footages mula sa tatlong barangay sa Tondo, kabilang ang sa Barangay 72, kung saan isinagawa ang pagpatay kay Monsod, dakong alas-2:20 ng madaling araw ng Martes sa kanto ng Quezon Street, at  Concha Street, sa Tondo.

Todo tanggi naman ng suspek na siya ang nakapatay kay Monsod dahil nasa bahay lamang umano siya nang maganap ang insidente.

Habang sinabi  naman ni PLT.Col. Reynaldo Magdaluyo,station commander ng MPD-PS 1 na 101% silang sigurado na si Vasquez ang nakabaril at nakapatay kay Monsod.

Kinilala rin ang suspek  ng dalawang menor de edad na kaibigan ni Monsod na siyang nakasaksi sa pangyayari.

Sasampahan naman ng kasong murder sa Manila Prosecutor Office si Vasquez.

Matatandaan na galing sa inuman at papatawid lamang ng kalsada si Monsod at kanyang dalawang menor de edad na kaibigan, nang madaanan sila ng suspek, na may kaangkas na tatlong babae.

Nabatid na  kaklase ng isa sa mga kaibigan ni Monsod ang isa sa mga babaeng angkas ng suspek at binati niya ito ng, “Pangit, kumusta na?”

Hindi naman umano ito nagustuhan ng suspek kaya’t nagbitiw ito ng hindi magagandang pananalita.
Ikinagalit naman ito ni Monsod at dahil nakainom, sinipa nito ang motor ng suspek.

Ilang minuto ay nagbalik ang suspek, bumaba ng motorsiklo , hinabol ang mga binatilyo at saka pinagbabaril dahilan para tamaan si Monsod na nahuli sa pagtakbo.

Tinamaan sa dibdib ang biktima na bumalandra sa kanyang collar bone at tumagos sa baga at tuluyang binawian ng buhay habang ginagamot.

Please follow and like us:
Read More

KAGAWAD NIRATRAT

calapan city12

(NI JG TUMBADO)

PATAY ang isang barangay councilor matapos pagbabarilin sa Calapan City, Oriental Mindoro.

Dead on the spot ang biktima na nakilalang si Barangay Mahal na Pangalan Councilor Jairus Maravilla Del Mundo, 42.

Ayon kay Police Lt. Col. Soc Faltado, spokesperson ng Police Regional Office 4B, pasado alas- 9:00 ng gabi ng Martes habang nakikipagkwentuhan ang biktima sa mga tauhan ng barangay sa waiting shed sa kalsada nang bigla na lamang sumulpot ang isang lalaki at malapitan itong pinagbabaril.

Tatlong tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dahilan ng agarang pagkamatay ng opisyal.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya habang tinutukoy pa ang pagkakakilanlan sa salarin at kung ano ang motibo nito.

Please follow and like us:
Read More

INABANGAN SA ESKINITA: BABAE PATAY, PARTNER SUGATAN SA BALA

crime

(NI JULIE DUIGAN)

NAGMAMAKAAWA pa nang marinig ng ilang kapitbahay ang palahaw ng isang 20-anyos na ginang ngunit itinuloy pa rin ng gunman na pagbabarilin at mapatay habang sugatan naman ang live-in partner nito, Sabado ng madaling araw sa Tondo, Manila.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo General Hospital ang ginang na nakilalang si Heidi Garde habang patuloy na inoobserbahan ang kinakasamang si Rommel Abalos, 38, kapwa residente ng Bldg.14 Unit 312 Permanent Housing sa Tondo.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. John Charles Duran, kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District- Homicide Section,  bandang alas- 3:45 ng madaling araw , nang maganap ang pamamaril sa likurang gusali ng Bldg.18 sa Permanent Housing sakop ng Brgy.128 sa Tondo.

Sa report ng pulisya, naglalakad  sa eskinita ang mga biktima, nang sumulpot ang gunman at hinarap ang mag live-in partner.

Dalawa sa residente malapit sa lugar ang nakarinig nang pagmamakaawa, pero itinuloy pa rin na paputukan ng ilang beses ang dalawa.

Ilang barangay tanod ang nagsugod kay Garde sa pagamutan, pero hindi na umabot ng buhay , habang si Abalos naman ay nakapaglakad pa at nakatawag ng tricycle para dalhin ang sarili sa nasabing ospital.

Gayunman , patuloy na iniimbestigahan  ang motibo ng pamamaril kung may kaugnayan ito sa droga. Nakakita ng 9MM na bala ng kalibreng baril sa mga biktima.

Please follow and like us:
Read More

LALAKI 2 BESES NAGBARIL SA SARILI, BUHAY!

crime22

(Ni FRANCIS SORIANO)

HIMALANG nabuhay at kasalukuyang nakaratay sa Valenzuela Medical Center sanhi ng dalawang tinamong tama ng bala sa dibdib ang isang 53-anyos na driver sa No. 10 Pag-asa Subdivision, Brgy. Marulas, Lungsod ng Valenzuela.

Kinilala ni Police Colonel David Nicolas Poklay, Chief of Police ng Valenzuela City Police Station, ang biktima na si Jervin Ganaden.

Ayon sa ulat, nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili gamit ang isang cal. 38 revolver ang biktima habang nasa loob ng banyo, bandang alas-7:15 ng Huwebes ng umaga.

Nang marinig ang putok ng baril, agad humingi ng tulong ang mga kaanak sa Valenzuela Rescue Unit at isinugod si Ganaden sa pagamutan.

Agad din isinuko sa pulisya ang isang cal. 38 revolver na kargado ng apat na bala at dalawang basyo ng bala sa mga tauhan ng Valenzuela Police Community Precinct (PCP) 3 na rumesponde sa naturang lugar.

 

Please follow and like us:
Read More

NEGOSYANTE UMAWAT SA AWAY BINARIL SA ULO

crimeshooting12

(NI ALAIN AJERO)

PATAY ang isang negosyante nang barilin ng isang lalaking sakay ng kotse matapos umawat ang biktima sa pagtatalo ng suspek at ng isang driver sa Caloocan City.

Agad namatay sa tinamong tama ng bala sa ulo ang biktimang si Rommel Balatbat, 38, ng 1650 Santan Saranay Homes, Brgy. 171, Bagumbong.

Patuloy naman ang follow-up operation ng pulisya upang maaresto ang suspek na nakilala lang bilang isang Xian Margalo na tumalilis lulan ng isang puting Hyundai Elantra na may plakang UNI-491.

Alas -11:15 ng tanghali nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Block 10, Lot 1, Palmera Spring, Phase 3-A, Brgy. 175, Camarin, ng lungsod.

Bago ang insidente, nagtatalo ang  suspek at ang driver ng isang LD 300 sa naturang lugar. Tinangka umanong awatin ng biktima ang dalawa sa gitna ng kaguluhan.

Dahil dito, sa kanya umano nabaling ang galit ng suspek at kumuha ito ng baril sa sasakyan at pinutukan sa ulo si Balatbat na nagresulta ng agaran nitong kamatayan.

Please follow and like us:
Read More

ESTUDYANTE BINOGA SA BARANGAY HALL

crimebaril1

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

KRITIKAL ang isang 19-anyos na estudyante matapos barilin ng isang construction worker na tinotoo ang bantang babarilin niya ang unang lalabas sa barangay hall kung saan dinala ang dalawang kelot na humipo sa maseselang bahagi ng katawan ng kanyang kinakasama sa Malabon City, Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktimang nananatiling nasa maselang kalagayan sa Tondo Medical Center matapos na ilipat rito mulas sa Ospital ng Malabon na si Jimboy Nobleza, ng  113 Adante St. Brgy. Tañong habang nakatakas naman ang suspek na si Jessie Boy Cordero alyas “Burnok,” 22, ng Camia St. Brgy. Maysilo, ng lungsod.

Unang inireklamo ng kinakasama ng suspek na si Kristine Joy Andalas, sina Daren Larto, 36, at Carlo Buenaventura, 21, ng pambabastos ang panghihipo kaya’t binitbit ng mga barangay tanod ang dalawa sa barangay hall upang imbestigahan.

Kaibigan ng biktimang si Nobleza sina Larto at Buenaventura kaya’t sumama ito sa barangay hall para suportahan ang dalawang pinagbibintangang nanghipo.

Habang tinatanong ng mga opsiyal ng barangay ang dalawa, dumating naman si Cordero at nagbanta na mamamatay ang unang lalabas ng barangay hall.

Ipinagkibit-balikat lamang ng mga ng mga opisyal ng barangay ang pagbabanta at nagulat na lamang ang lahat nang barilin ni Cordero si Nobleza.

Please follow and like us:
Read More

PULIS-QC ARESTADO SA PAGPAPUTOK NG BARIL

crime22

ISANG pulis-Maynila ang inaresto matapos umanong magpaputok ng baril sa loob ng nirerentahang apartment sa Sampaloc, Maynila, Sabado ng gabi.

Nakitang walang malay at nasa tabi ang baril na ginamit ni Master Sgt. Winefer Molina, nakatalaga sa Quezon City Police District station 2.

Sinabi ng mga residente na narinig sila ng putok ng baril at sa takot ay agad nilang ipinaalam sa pulisya ang pagpapaputok ni Molina.

Agad namang nagresponde ang mga pulis kung saan nakita nila Molina na kahandusay sa sahig.

Nakita rin ang kaniyang baril at isang basyo ng bala sa sahig.

Iniimbestigahan na ngayon kung bakit nagpaputok ang suspek na pulis.

Kakasuhan siya ng alarm and scandal dahil sa illegal discharge of firearm.

Please follow and like us:
Read More

PINSAN NG ‘SYOTA’ NI MISIS PINATAY NG  MISTER

crime500

(NI JUN V. TRINIDAD)

LOPEZ, Quezon – Binaril at napatay ng mister ang sinasabing kalaguyo umano ng kanyang dating kinakasama habang natutulog, Lunes ng gabi.

Naganap ang pamamaslang sa Barangay Lalaguna bandang 11:00 ng gabi ng Lunes subalit natuklasan ang krimen Martes ng umaga.

Sa report ng pulisya, kinilala ang biktima na si Edwin Peñaranda, 44, isang magsasaka.

Sa imbestigasyon, langong-lango sa alak ang biktima na nakatulog sa terrace ng bahay ng isang Boboy Capisonda sa nasabing barangay.

Dakong hatinggabi, ginulantang ang lugar sa umalingawngaw na putok subalit inisip ng mga naninirahan sa nasabing bahay na ingay lang yun ng bumagsak na niyog sa bubungan.

Alas siyete ng umaga, nakita na lang ni Capisonda ang biktima na isa ng malamig na bangkay at may tama ng bala sa ulo.

Napag-alamanan ng mga imbestigador na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at ang magkasamang Lito Tañedo at Celso Lonzon bago naganap ang krimen.

Batay sa mga nakasaksi, galit na galit na kinompronta ni Lonzon ang biktima at tinanong kung nasaan ang pinsan ng huli.

Sinisi umano ni Lonzon si Peñaranda dahil sa ginawang panonorotot ng kanyang live-in partner na kumabit at sumama sa pinsan ng biktima noong January 2 ng kasalukuyang taon.

Inaresto ng mga awtoridad sina Lonzon at Tañedo bilang pangunahing suspek sa krimen.

 

 

Please follow and like us:
Read More