MABIGAT SA DIBDIB ANG TAPATANG JULIA, SHARON

(NI GORGY RULA)

MIYERKOLES nagsimulang mag-showing ang dalawang Pinoy film, ang Kuwaresma ni Sharon Cuneta at ang Between Maybes nina Julia Barreto at Gerald Anderson.

Mabigat talaga sa dibdib ni Sharon na magkatapat sila ng showing ng pelikula nila ni Julia.

Sobrang love daw niya talaga ang Kapamilya young actress, kaya pinu-promote na rin niya ito.

Binigyan ng Grade B ng Cinema Evaluation Board ang Kuwaresma at A naman sa Between Maybes.

Suportado ng mga close sa pamilya Barretto ang premire night nito nung kamakalawa nang gabi.

Ang Kuwaresma naman ay ginamit ang Cinema 1 at 2 ng SM Megamall ang premiere night nito nung

Mga close kay Sharon ang ilan sa dumalo sa premiere night nung nakaraang Lunes gaya nina Zsa Zsa Padilla at Iza Calzado.

Suportado rin ng Star Cinema Films executive na sina Olive Lamazan at Malou Santos.

Pati sina Mother Lily at Roselle Monteverde ay dumating din bilang suporta naman kina Dondon Monteverde at direk Erik Matti ng Reality Entertainment.

Kapansin-pansin lang dun ang magkasamang dumating sina JK Labajo at Maureen Wroblewitz.

Bago natapos ang pelikula ay umalis na si JK at sumusunod si Maureen.

Obvious na merong namamagitan sa dalawa, pero sabi ng  mga taga-Prima Stella na nagha-handle kay Maureen, close friends lang daw ang dalawa dahil pareho silang may halong German at kampante raw silang nag-uusap ng German.

Dumating din pala roon ang magkasintahang Jerome Ponce at ang volleyball player na si Mika Reyes.

Please follow and like us:
Read More

FANS NAIINTRIGA SA TAWAGANG ‘NEIGHBOR’ NI SHARON-KIKO

sharon12

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

MARAMING mga tagahanga ang nagtataka kung bakit ‘neighbor’ ang tawagan ng mag-asawang Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan sa isa’t isa. Ayon sa Megastar ay hindi na raw ito bago sa kanila ng Senador.

“That has been a long… private joke between us. Ever since, matagal na, parang, ‘Good night, neighbor!’ katabi mo eh. Kapag sinabi ko kasi, ‘Hi! Neighbor!’ sasabihin niya, ‘Love thy neighbor!’ Everybody knows naman na siya ‘yung asawa ko,” natatawang kwento ni Sharon.

Samantala, aminado ang aktres na mayroon siya talagang kaisa-isang kinatatakutan sa buhay. “Daga! Tumatakbo (ako), umiiyak! Tapos Kahit nanonood ako ng horror, kapag may daga, ‘Ay! Ayoko ‘yan!’ Kahit commercial lang, kahit billboard lang. I feel it’s dirty and they’re ugly. Ako naman kapag ahas hahalikan ko. I had snake before, basta python. Huwag naman ‘yung may lason. Kahit hamster ayoko,” pagbabahagi ng Megastar.

Kahit apat na dekada na sa industriya ay ngayon pa lamang nakagawa ang aktres ng isang horror film. Sa kauna-uanahang pagkakataon ay nagbida sina Sharon at John Arcilla sa pelikulang ‘Kuwaresma’ na ipalalabas sa mga sinehan simula May 15.

“Noon pa may pini-pitch sa akin, nakita ko na. Kasi I really search for them (horror films) foreign, Asian, parang alam ko na, predictable. I was humbled kasi si sir Dondon Monteverde was an excellent producer. I was so honored and privileged and I told him so after shooting. And direk Erik (Matti), they came to my pictorial, and it took ten, fifteen minutes, that was it. I’m so excited for this movie. I’m so proud of it. Hindi lang siya basta horror na tatakutin kayo. It has a heart,” paglalahad ng aktres.  -Reports from JCC-

 

Please follow and like us:
Read More

SHARON VS. JULIA SA TAKILYA

sharon julia12

(NI SIR NOEL FERRER)

SANA by the time lumabas ito . nasa sinehan pa ang pelikulang “Maledicto.”

When asked about its opening day gross, ang sabi ng source natin ay – “Naka-more than P1M naman, at mahina rin ang kasabay nitong “The Curse Of La Llorona.” The theaters will retain it for another day and see if it picks up. Nasa “Avengers:Endgame” pa rin ang mga tao.”
Although may nagko-contest na hindi ito umabot sa P1M sa first day, sana patuloy pa nating suportahan ang mga pelikulang Pilipino.

Next week, mukhang dalawa silang magbubukas – yung pelikula ni Aiai delas Alas (na na-move na) “Sons of Nanay Sabel, “ ‘at ‘yung kina Nicco Manalo at Anna Luna na “Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon.” Good luck sa mga pelikulang ito.

Basta, let us support our local films. I heard that the very reliable Jasmine Curtis Smith is very good in the film “Maledicto” as always. Pati rin daw si Miles Ocampo.

Pagkatapos nito, ang pelikula naman ng aking pinakamamahal na Megastar ang huhusgahan sa May 15 bilang Mothers’ Day presentation na “Kuwaresma” at yung kina Gerald Anderson at Julia Barretto na “Between Maybes.”

Nakakakaba! Pero RRRRRRRAVANNNN!!!

And I thank you!!!

 

 

Please follow and like us:
Read More

SHARON GUSTONG MAKASAL NA SI KC

kc concepcion12

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

FORTY years na in showbiz ang Megastar na si Sharon Cuneta, pero kahit kami ay nagulat nang malaman namin na ngayon pa lang pala siya nabigyan ng pagkakataon na makagawa ng horror film.

And to think, isa siyang horror fan. In fact, alam daw ng Sharonians na mahilig siya sa horror at hindi rin siya matatakutin.

“Hindi e, in fact, minsan tulog na silang lahat, pero ako, nanonood ng horror, naka-ear phone. Hindi rin ako natatakot kasi siguro, alam ko kung paano ginagawa, yung mga dugo, I mean, I know how it was done.”

Hindi raw niya personal choice na hindi gumawa ng horror in the past, gustong-gusto raw niyang talaga and they are always in talk pero mukhang ngayon lang talaga nagkaroon ng katuparan.

Sa pelikulang ‘Kuwaresma’ ng Reality Entertainment at Globe Studios at ang bagong big trio ngayon nina Sharon, John Arcilla at Direk Erik Matti.

Trailer pa lang, may hatid ng kakaibang takot at panggulat ang ‘Kuwaresma’ na at the same time, Mother’s Day offering din this May 15.

At dahil Mother’s Day na rin, naitanong na rin namin kay Sharon kung ang anak na si KC Concepcion ay hindi pa rin ba nagsasabi na magpapakasal na sa boyfriend na si Pierre Emmanuel Plassart.

Sey niya, “Hindi pa, naku, hindi pa. Gusto ko na nga! But she’s in the U.S. of A. now.”
Ang laki na nang ipinayat ni Sharon. Wala raw siyang particular diet, talagang no rice lang at hindi na rin daw talaga siya nagki-crave.

PURING-PURI ANG ACTING JINA TOM, JASMINE

Magkakasunod halos ang mga Pinoy movies na ang genre ay horror.
Bago ang Kuwaresma, ang Maledicto muna sa May 1 na produced ng FOX Original Productions.

Ang gaganda ng mga nababasa naming reviews, may ilang nakapanood sa naging special screening nito at puring-puri ang ipinakitang pag-arte ni Tom Rodriguez bilang si Father Xavi, Miles Ocampo as Agnes na siyang sinapian ng evil spirit at ni Jasmine Curtis-Smith bilang si Sister Babara.

Naibalik nga raw ng Maledicto yung scary feel once you watch a horror film.
Kahit si Tom, sinasabi niya kung gaano siya ka-excited for Maledicto. Na script pa lang daw ang nababasa niya, hindi pa niya alam na Fox ang producer ay gustong-gusto na niya itong gawin noon.

“Lalo na ngayon, I want the people to see it, ibang klase yung effect and I could say, yung the whole movie, how it was done.”

 

Please follow and like us:
Read More

SEKSING PBA MUSES PINADAPA NI SHARON

pba

(NI GORGY RULA)

HINDI yung pagkakalat ng grupong TNT Boys ng It’s Showtime ang pinag-usapan doon sa opening ng PBA nung nakaraang Linggo, January 13, kundi kung paano raw tinalbugan ni Sharon Cuneta ang mga beauty queen na muse sa iba’t ibang basketball team na nagparada.

Sabi ng kaibigan naming si Rex Belarmino na nandun sa PBA opening, “Tinalbugan ni Sharon si Pia Wurztbach! Si Sharon pa rin talaga!”

Nakakabinging sigawan at palakpakan daw ang maririnig mo sa buong Philippine Arena nang lumabas na  si Sharon na muse ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok.

Unang tinawag daw si Pia Wurztbach na muse ng Ginebra, at marami naman daw ang nagsigawan at tuwang-tuwa nang makita ang Ms. Universe 2015. Pero ang team daw ni Sharon ang huling tinawag at doon na raw nagkagulo ang mga tao.

Super kaway pa raw sa lahat si Sharon at pinagbigyan daw ang mga taong nakakalapit na gustong magpa-picture sa kanya.

Laging nakahawak pa raw si Sharon kay Marc Pingris na meron daw itong tinawagan na parang nag-video chat pa sila na binati rin ni Sharon. Ang duda nila baka si Danica raw iyung tinawagan ni Marc at pinabati si Mama Shawie!

Kapansin-pansin naman daw doon na super bakod daw ang mga kasama ni Pia sa mga gustong magpa-picture sa kanya. May mangilan-ngilang nakakalusot para magpa-picture, pero matindi raw ang harang sa Ms. U 2015.

Umeksena rin doon sa parada ng PBA ang Kapuso artist na si Kelley Day.

Natapilok ito nang lumabas sila, na mabuti na lang nasalo raw ito ng guwapong player na si Rashwan McCarthy. Si Kelley ang isa sa pinakamagandang muse na pumarada roon.

Komento naman daw ilang nandun, na tila ‘woke up like this’ lang daw ang drama ni Kylie Versoza na muse naman ng San Miguel Beermen.

Parang naka-nightie lang daw ito, pero keri naman daw niya kaya hindi maganda pa rin ang dating.

Ilan pa sa standout daw doon ay ang Bb. Pilipinas Grand International na si Eva Patalinjug na muse ng Meralco Bolts at ng teleseryeng Halik na  si Yam Concepcion ng Phoenix Pulse  Fuel Masters.

Pero lahat sila ay pinadapa ni Sharon na most applauded at pinagkaguluhan ng lahat.

 

 

Please follow and like us:
Read More