P47-M ILEGAL NA DROGA, NAKUMPISKA SA UNANG BUWAN NI SINAS

(NI NICK ECHEVARRIA)

UMAABOT sa  P47 milyon halaga ng mga ipinagbabawal na gamot ang nakumpiska sa mga isinagawang police operations sa Metro Manila na nagresulta sa pagkakadakip ng mahigit 2,500 inidibidwal sa unang isang buwan ng panunungkulan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) acting chief P/BGen. Debold Sinas.

Nabatid na mula Oct. 12-Nov. 17,  nasa  1,274 na mga police operations ang inilunsad ng mga tauhan ng NCRPO kung saan nadakip ang 2,531 mga drug personalities  at pagkakabawi ng  6.686 Kilos of shabu na nagkakahalaga ng P45,467,316.00.

Kasama sa mga nakumpiska ang 18,098.51 gramo ng  marijuana na may street value na P2,171,821.68 at 14.11 gramo ng cocaine na nagkakahalaga ng P 74,783.00.

Sa mga naarestong drug personalities 1,866 ang mga users habang 665 naman ang mga  pushers.

Lumalabas na ang  Southern Police District (SPD) ang may pinakamaraming bilang ng mga naarestong drug personalities na umaabot sa  829 habang ang Quezon City Police District (QCPD) ang pumangalawa sa bilang na 519, kasunod ang Manila Police District (MPD) na nakapagtala ng 515, Northern Police District (NPD) 440 at ang Eastern Police District (EPD) 228.

Ang  QCPD naman ang nakapagtala ng pinakamaraming huli ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P16,696,502, pangalawa ang NPD sa nakumpiskang droga na may katumbas na halagang P13,548,740, kasunod ang  MPD na may naitalang P11,394,938, habang ang SPD ay may P 5,422,708, samantalang  ang EPD ay nakapagtala lamang P654,430 na halaga ng mga nahuling ilegal na droga.

 

Please follow and like us:
Read More

2 EX-CON HULI SA P1-M SHABU

(NI DONDON DINOY)

DAVAO CITY- Arestado muli ang dalawang dating pusher na nakalabas sa kulungan ngunit bumalik sa dating gawi sa isinagawang buy-bust operation, Linggo.

Hindi muna pinangalanan ng Davao City Police Office (DCPO) ang dalawang suspek na natimbog sa McArthur Highway, Barangay Crossing Bayabas ng lungsod.

Kasamang naaresto ang isang taxi driver na sinakyan ng mga suspek papunta sa lugar kung saan doon naghihintay ang poseur buyer.

Ayon sa DCPO, nagkakahalaga ng mahigit P1 milyon ang pinaniniwalaang shabu mula sa mga suspek.

Dagdag sa ulat, ang dalawang suspek ay nasa listahan ng Directorate of Intelligence (DI) watchlist na nakalabas mula sa Davao City Jail noong Disyembre 2018 matapos makakuha ng plea bargaining na inaprubahan ng Regional Trial Court 11, Branch 9 matapos maharap sa kasong paglabag sa Seksyon 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Anti-dangerous Drugs Act of 2002.

Nakakulong na sa Toril Police Station ang tatlong arestado.

 

Please follow and like us:
Read More

P1.5-M SHABU NAKUMPISKA SA BUY BUST

SHABU-ARRESTED

(NI CHERK BALAGTAS)

TATLONG mga umano’y notorious na tulak ng ipinagbabawal na gamot ang naaresto sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad kung saan nasa 225 gramo ng shabu na nagkakahalagang P1.5 milyon ang nakumpiska sa kanila sa Lungsod ng Navotas, Linggo ng madaling araw.

Sa ulat ni Navotas City Police Chief P/Col. Rolando Balasabas, kinilala ang mga suspek na sina Warly Romay, 36, Edmundo Quijano, 48, pawang ng R. Domingo Street, Barangay Tangos North; Roxanne Jimenez, 36, ng Golden City, Taytay, Rizal at Romeo Limbaro, 32, na nakatakas at pinaghahanap na ngayon ng pulisya.

Ganap na alas-3:30 ng madaling araw nang magkasa ng operasyon ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pamumuno ni P/Lt. Charlie Bontigao sa lugar nina Romay at Quijano na may isang linggo na ring nasa surveillance operation.

Nang magkaabutan na ng inorder na shabu at marked money na P500 ay doon na dinamba ng mga awtoridad ang tatlong sa mga suspek ngunit nagawang makatakas ni Limbaro.

Nang kapkapan ay nasa 79 piraso ng small heat-sealed transparent plastic sachets ng shabu ang nakuha sa kanila na may street value na P1.539,090.90 milyon at iba’t ibang mga drug paraphernalia.

Nasa kustodiya na ng Navotas City detention facilities ang mga naarestong suspek at nahaharap sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, patuloy naman ang manhunt operation sa nakatakas na suspek.

Please follow and like us:
Read More

PORTER HULI SA P1.4-M SHABU

(NI NICK ECHEVARRIA)

KALOBOSO ang isang porter matapos mahulihan ng P1.4 million ng shabu sa isang drug bust operation ng mga tauhan ng  Waterfront Police Station ng  Cebu City Police Office (CPO), Sabado ng madaling araw.

Nakilala ang suspek na dinakip sa isinagawang anti-drug operation sa Sitio Riverside, Villagonzalo 1, Barangay Tejero sa nasabing lungsod pasado ala-1:00, na si Alvin Lopez Fegarido, 29.

Kabilang ang suspect sa high value target sa nabanggit na lugar.

Ayon kay P/Major Joemar Pomarejos, chief ng Waterfront Police, si Fegarido ay isa umanong  ‘bulk distributor’ ng shabu na ikinanta ng mga drug personalities na nauna na nilang naaresto.

Nahulihan ng 220 gramo ng ipinagbabawal na droga ang suspek sa ikinasang drug bust na may katumbas na halagang P1.49M matapos isailalim sa 3 linggong surveilance.

Ibinunyag pa ni Pomarejos na sa unang tingin ay hindi aakalaing nagtutulak ng shabu ang suspek dahil maayos itong manamit at nagtatrabaho bilang porter sa isang kumpanya sa pantalan sa Cebu City at mistulang mahiyain.

Hinahanting naman ngayon ng Cebu CPO ang dealers na pinagkukunan ng shabu ng suspek at ang iba pang mga kasamahan nito.

 

Please follow and like us:
Read More

P7 M SHABU NASAKOTE, 3 SUSPEK ARESTADO

SHABU-2

(Ni NICK ECHEVARRIA)

HALOS P7 milyong halaga ng mga hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa ikinasang buy bust operation sa Bacolod City, Biyernes ng madaling araw.

Nabatid sa paunang ulat ng Bacolod City Police Office na umaabot sa P6.8 Million ng shabu umano ang nasabat ng kanilang mga tauhan sa nasabing anti-drug operation sa South Capitol Road, Brgy. 9, sa nasabing lungsod bandang alas-2:30.

Ayon kay P/Lt.Col. Joem Javier, spokesperson  ng Police Regional Office (PRO)6,nadakip din sa nasabing operasyon ang tatlong suspek ng nakilalang sina Ronaldo Roquero, Acyn Dwight Cuadra at Gerline Yabut na nakumpiskahan ng 10 pakete ng shabu na tumitimbang ng isang kilo.

Nasa kustodiya ngayon ng Bacolod City Police ang tatlong nadakip na suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive and Dangerous Drugs Act of 2002.

Please follow and like us:
Read More

HABULAN NG PUSHER VS PULIS: 3 TIMBOG SA APARTELLE

(NI DAVE MEDINA)

NAUWI sa habulan ang pagsita ng mga pulis sa isang delivery boy ng droga gamit ang bisikleta sa San Isidro, Makati City, Lunes ng hapon.

Bukod sa lalaki ay arestado rin ang dalawang babae na naaktuhan namang nagre-repack ng shabu alas-3:00 ng hapon ng Lunes.

Ayon kay Makati Police chief Col. Rogelio Simon, nagpapatrulya ang kanyang  mga pulis sa Batangas St. nang makita ang isang lalaki na naka-bisekleta na may iniaabot sa isa pang lalaki.

Nang lalapitan ng mga pulis, inihagis sa lapag ng isa sa mga suspek ang isang sachet ng shabu sabay nagpulasan ng takbo patakas.

Nagkaroon ng habulan ang mga suspek at mga pulis na umabot  sa kwarto ng Morales Apartelle sa Batangas St., kanto ng Zansibar St., Bgy San Isidro , Makati City at  sorpresang  naabutan ang dalawang babae na nagbabalot ng ipinagbabawal na droga.

Nasamsam sa mga suspek na sina Joshua Gonzaga, Geraldine Belmes at Lyselle Braga ang 43 sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P50,000.

Please follow and like us:
Read More

SHABU SA HELMET: ANGKAS DRIVER, BABAE ARESTADO

NASA 20 sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha sa driver ng Angkas at pasahero nito sa Cubao, Quezon City, Linggo ng gabi.

Gayunman, itinanggi ng driver ang akusasyon at sinabing isinabay lang niya ang babae at pagbaba nito ay nagulat na lamang siya na puno na ng shabu ang helmet.

Giit naman ng babaeng pasahero, ibinugaw siya ng kanyang kaibigan para kitain ang driver.

Nagtalik umano sila, pero sa halip na pera ay shabu ang ipinambayad sa kanya.

Magkaiba man ang pagkakasalaysay nila sa umano’y nangyari, parehas silang makukulong. Sa buy-bust na isinagawa, nabilhan ng droga ang babae matapos nitong kumuha ng supply sa lalaki. Bukod sa helmet, may nakuha ring shabu sa bra ng babaeng suspek.

Parehong nasa watch list ang mga suspek, ayon kay Police Captain Ramon Aquiatan, hepe ng Cubao Police Station. Ang babaeng suspek ay una nang sumuko habang ang lalaki naman ay kalalaya lamang noong 2018.

Please follow and like us:
Read More

P40-M SHABU NASABAT SA PASAHERO SA NAIA

HINDI nakalusot na maipuslit ng umano’y drug courier matapos masabat sa kanya ang P40 milyong halaga ng shabu sa NAIA Terminal 3, Biyernes ng madaling araw.

Naaresto ng ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) – NAIA ang suspek na pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan.

Nabatid sa Bureau of Customs na galling sa Cambodia ang pinigil na pasahero.

Nakuha sa pag-iingat nito ang anim na kilo ng shabu na may street value na P40.8 milyon.

 

Please follow and like us:
Read More

2 BEBOT HULI SA P6.8-M SHABU SA QC

DALAWANG babae ang nahuli kasabay ng pagsamsam ng halos isang kilo ng hinihinalang shabu ng Philippine Drug Enforcement Agency – National Capital Region (PDEA-NCR) sa isang buy-bust operation Miyerkoles ng gabi sa tapat ng isang mall sa Quezon City.

Umaabot umano sa P6.8 milyon ang nakuha sa dalawa, ayon kay PDEA investigation agent Mary Arguelles.

Dagdag pa niya, anim na buwan ang surveillance ng PDEA para sa isinagawang operasyon.

Nakipagtagpo sa PDEA agent na nagpanggap na buyer ang magkumare.

Pero ayon sa dalawa, napag-utusan lang sila na i-deliver ang kontrabando, kapalit ng P50,000.

Inihahanda na ng PDEA ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa dalawang suspek. (PHOTO BY JIMMY CARBO)

Please follow and like us:
Read More

HOTSILOG CON SHABU

arrestwomen12

(NI KIKO CUETO)

TIMBOG ang isang babae na dadalaw sana sa kaibigan na nakapiit  sa Fairview Police Station, nang tangkaing magpuslit ng ‘hotsilog’ na may nakapaloob na hinihinalang shabu.

Napag-alaman na ang hinihinalang shabu ay nasa ilalim ng kanin, na may kasamang hotdog at itlog.

Nakalagay ang mga droga sa sachet.

Tiyempo naman na nabulilyaso ang modus operandi ng 27-taong gulang na babae nang magkamali pa ang jail guard at pabaliktad na nabuksan ang styro.

“Nagpupumilit siyang bumisita at magbigay ng pagkain kaya nagduda na rin kami,” ani Police Lt. Rosendo Magsipoc ng Fairview Police Station.

Itinanggi naman ng suspek na sa kanya ang droga. Napag-utusan lang umano siya ng kaanak ng kaibigan.

“‘Di akin ‘yan. Wala ako alam,” aniya.

Isang linggo nang nakakulong ang kaibigan ng babae dahil din sa kasong droga.

Sasampahan ang babae ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Please follow and like us:
Read More

P36-M SHABU NASABAT SA PASAY CITY

(NI KOI HIPOLITO/PHOTO BY JOVEN ORTEGA)

AABOT sa anim na kilo ng mga pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P36 milyon ang nakumpiska sa dalawang big time drug pusher ng mga operatiba ng Philipphine Drug Enforcement Group (PDEG) sa buy bust sa Roxas Blvd.Baclaran ng Pasay City.

Kinilala ang suspek na target ng operasyon na si Emerson Fernandez at isang hindi pa kilalang suspek.

Batay sa ulat, nakipagtransaksyon ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa mga suspek para bumili ng iligal na droga at nagkasundo na magtagpo sa nasabing lugar, Lunes ng gabi.

Nang magpositibo ang bentahan ng droga ay agad inaresto ang mga suspek at nabawi ng otoridad ang 47 plastic packs na may laman ng hinihinalang shabu at isang kulay puting Toyota Camry (XAF 784).

Mahaharap ngayon ang mga suspek sa paglabag sa violation of Sec.5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Laws on Dangerous Drugs Act.

 

Please follow and like us:
Read More

DALAGITA, 2 PANG BABAE, HULI SA BUY BUST SA MALL 

(NI ROSE PULGAR/PHOTO BY RAFAEL TABOY)

ARESTADO ang lima katao, kabilang ang dalagita, at nakumpiskahan ng P1.3 milyon ng halaga ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation ng pinagsanib puwersa ng Pasay City Police , Cubao Police Station 7  at Southern Police District (QCPD) sa Karada Entrance ng Mall of Asia  (MOA) Pasay City, Martes ng gabi.

Kinilala ni Police Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police, ang limang nadakip na sina Jerica Dayao, 26, nakatira sa Blk.6 Lot 6 Kalayaan Homes, Molino, Cavite, Ina Ramos, 23, pyschometrician,  ng

Tramo Pasay City,  Nicole Yamzon , 21 , estudyante,  ng 4598 Casino St. Makati Andre Mojica, 22, call center , nakatira sa 2575 Bonifacio St. Bangkal Makati City, at isang 17-anyos.

Batay sa isinagawang imbestigasyon , dakong alas-6:40 ng gabi nang isagawa ang buy -bust operation sa ikalawang palapag ng North Parking Building , Karada Entrance  Wellness Zone, Mall of Asia (MOA) nang nasabing lungsod.

Ayon kay Station Commander Police Lt. Col. Giovani Caliao, noong Oktubre 24 ay nagsagawa ng buy bust operation sa Payatas Road, Quezon City kung saan mayroon silang dalawang lalaking naaresto na hindi na pinangalanan.

Sa ikinasang follow up operation ng Quezon City Police District Station 7, nakuha sa limang drug suspect ang 200 gramo at siyam na pakete ng umano’y naglalaman ng hinihinalang shabu na may street value na P1,360 000.

Itinuro ng naunang dalawang suspect na nadakip ang limang  na umanoy sinasabing kanila itong pinagkukunan nila ng shabu.

Hanggang sa isa sa mga awtoridad ang nagpanggap na pouser buyer sa mga suspect na bumili ng droga.

Sa aktong iaabot na ng mga suspect sa poseur buyer ang biniling droga ay hindi na nakapalag ang mga ito nang tanggapin ang P200,000 halaga ng boodle money, kabilang ang dalang pirasong P1,000 bills na marked money.

Agad dinala ang mga suspect sa nasabing himpilan ng pulisya  at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Please follow and like us:
Read More

KAGAWAD TIMBOG SA SIDELINE NA  SHABU

(NI NILOU DEL CARMEN)

HIMAS- rehas ang isang barangay kagawad matapos matimbog sa anti- illegal drugs operation sa Sto. Tomas, Batangas, Lunes ng gabi.

Kinilala ng Sto. Tomas police ang suspek na si Eric Ornales,  34 anyos at kagawad ng Barangay San Jose.

Inaresto ito ng mga tauhan ng Sto. Tomas police station malapit sa kanyang bahay alas 6:40 ng gabi,  matapos makabili ng tatlong  sachet ng shabu ang isang operatiba sa ikinasang buy-bust operation.

Ayon kay PLTC Rey Ochavo, hepe ng Sto. Tomas police, ang suspek ay nasa listahan ng mga high value target   at matagal ng tinutugaygayan ng mga awtoridad.

Dati na rin itong naaresto sa kasong iligal na droga noong ito ay nasa kanyang unang termino pa lamang bilang barangay kagawad noong 2015.

Napag-alaman na noong Sabado ay nagsagawa ng drug test ang PNP sa mga hinihinalang drug user sa mismong barangay ng suspek subalit nagtago umano ito at hindi sumailalim sa eksaminasyon.

Nakakulong na ito ngayon sa  Sto Tomas police station locked up cell at sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng RA 9165.

 

Please follow and like us:
Read More

5 PUSHER HULI SA P13.6-M SHABU SA ZAMBO

SHABU-ARRESTED

(NI BONG PAULO)

ARESTADO ang lima katao na sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga makaraang makuhanan ng dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P13.6 milyon sa ikinasang drug buy-bust operation sa isang food chain sa Barangay San Jose Gusu, Zamboanga City, linggo ng umaga.

Kinilala ang mga naaresto na sina Jumdatol Mohamod, 51; Julim Salapuddin, ng Jolo, Sulu; Yacub Alih, 39, at Pae Kamsa, 39, mga residente ng Sitio Pasay, Barangay San Roque, Zamboanga City; at isang Warid Palahudin, 62, ng Panamao, Sulu.

Ayon kay Darmalyn Jumlail, tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Western Mindanao, ang mga suspek ay nadakip sa ikinasang drug buy-bust operation sa harap ng isang fast food chain alas-10:40 ng umaga.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang kilo ng ipinagbabawal na droga na nagkakahalaga ng P13.6 million, dalawang paper bags, isang itim na cellophane na nakabalot sa brown packaging tape, 32 bundles ng boodle money, isang public utility jeep na ginagamit ng mga suspek sa pagtutulak ng droga.

Nabatid na bago inilunsad ang buy-bust operation ay ilang araw ding minamanmanan ang mga suspek.

Please follow and like us:
Read More

DALAGA DINAMPOT SA P185-K SHABU;  7-ANYOS BINITBIT DIN

(NI SIGFRED ADSUARA)

NAARESTO ang isang 18-anyos na dalaga habang binitbit din ng Cavite police ang isang 7-anyos na batang lalaki na anak ng kasama nitong babae  matapos iwan ang kanyang menor de edad na anak sa kalagitnaan ng buy busy operation na nagresulta sa pagkakakumpiska ng tinatayang 125 gramo ng shabu sa Cavite City, Cavite.

Nakakulong ngayon sa Cavite City Custodial Center ang suspek na si Angel Cobarte ng Brgy. San Dionisio, Dasmariñas City  Cavite, habang hawak naman ng Department of Social Welfare Development (DSWD) ang isang 7-anyos na batang lalaki na anak ni Letlet Sanieya, 17, alias ‘Lyka’ na pinaghahanap ng pulisya matapos itong makatakas.

Sa ulat ni Corporal Jumar Bedural ng Cavite City Police Station, dakong alas-11:00 kamakalawa ng gabi  nang magsagawa ng buy bust operation ang Cavite CPS at PDEA 4A sa isang Barangay  sa Cavite City kung saan target ang suspek.

Sa naging transaksiyon ng poseur buyer at ang suspek, nakabili ang una ng isang sachet ng shabu kapalit ang P1,000 gayunman, nangako ang huli na may karagdagan pang shabu na itatarya ang suspek subalit kukunin nito sa kanyang kabigan na si alias ‘Lyka’.

Sa isinagawang follow-up operation sa Robinson’s Supermarket sa Tanzang Luma 5, Imus City, Cavite, nagkita sina Angel at Letlet kasama ang kanyang 7-anyos na anak  kung saan iniabot ng huli sa una ang isang shoulder bag na naglalaman ng shabu, gayunman, napuna ni Letlet ang presenisya ng pulis kaya mabilis itong tumakas habang naiwan ang kanyang anak kay Angel.

Nakuha sa loob ng shoulder bag ang tinatayang 125 gramo ng shabu na may street value na P850,000 at cellular phone.

Walang alternatibo ang mga operatiba ng Cavite police kundi dalhin na rin sa presinto ang 7-anyos na anak ni Letlet at i-turn over sa DSWD-Cavite City.

Kasong paglabag sa RA 9165 ang isinampa kay Angel habang pinaghahanap pa ang kasama nitong si Letlet.

Please follow and like us:
Read More

TSERMAN HULI SA SHABU, ARMAS

(NI ANNIE PINEDA)

INARESTO ang isang punong barangay nang makuhan umano ito ng mga armas at shabu sa loob ng kanyang bahay sa ng awtoridad sa pamamagitan ng search warrant, Biyernes ng hapon sa Surigao del Norte.

Kinilala ang suspek na si Loel Joy Mesias , ng P-1, Brgy. Lipata, Surigao City.

Batay sa report ng Surigao-PNP, dakong alas 5:30 ng hapon nang isilbi ang search warrant laban sa suspek na ipinalabas ni Judge Dante Corminal, ng MCTC Tubod, ng naturang lungsod.

Nakuha ng mga awtoridad sa bahay ng suspek ang isang armas na may mga bala at 10 pakete na pinaniniwalaan naglalaman ng shabu.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

HIGIT P1 MILYON SHABU, NAKUMPISKA SA NIGERIAN NATIONAL

(NI SIGFRED ADSUARA)

TINATAYANG mahigit sa P1 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang Nigerian national sa isinagawang buy bust operation sa Imus City, Cavite.

Nakakulong ngayon sa Imus City Custodial Center ang suspek na si Leonard Ohaeri, 27, isang Nigerian national at pansamantalang nakatira sa BF Resort, las Pinas City.

Sa ulat ng Imus City Police station, dakong alas-8:00 Miyerkoles ng umaga nang nagsagawa ng buy bust operation ang Drug Enforcement Unit ng Imus CPS at PDEA 4A, sa loob ng 7-11 sa Brgy Bayan Luma 4, Imus City, Cavite, kung saan target ang suspek.

Naipag-transaksiyon ang isang poseur buyer sa suspek kung saan iniabot ng huli ang isang plastic na nakatali na naglalaman ng hinihinalang shabu kapalit ng halagang P200,000 na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Nang maaresto ay narekober din sa kanyang pag-iingat ang isang kulay green na eco bag na naglalaman ng ng shabu na may street value na P1,360,000.

Kasong paglabag sa Sec 5 at 11 ng article II ng RA 9165 ang isinampang kaso laban sa suspek. Gene Adsuara

 

Please follow and like us:
Read More

 LUMPIANG SHABU; 1 ARESTADO

arrested12

(NI JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – Isang 28-anyos na lalaki ang dinakma ng mga pulis matapos matuklasan na bukod sa pambalot ng lumpia ay nagtutulak rin umano ito ng shabu sa Lucena City, sa lalawigang ito.

Nasakote si Gliserio Rengconada sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Ibabang Dupay, bandang 8:10 ng gabi.

Nakumpiska sa suspek ang apat na plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 3.76 gramo at nagkakahalaga ng P20,680 sa street market sa kasalukuyang presyo ng bentahan na P5,500 bawat gramo.

Ang iligal na gawain ng suspek ay isinumbong sa pulisya ng mga dating suki nitong drug users na sumuko na’t nagbabagong buhay at katulong ngayon ng pamahalaan sa kampanya laban sa iligal na droga.

Ayon sa isang operatiba, ginagawa umanong front ng suspek ang panggagawa ng pampabalot ng lumpia bilang kober sa pagbebenta ng shabu sa nasabing barangay at mga karatig na lugar.

“Minsan nga ang sachet ng shabu ay nasa loob ng balutan ng lumpia,” anang operatiba.

Ang suspek ay nakakulong sa Lucena police jail.

 

Please follow and like us:
Read More

DOKTOR NA TULAK NG SHABU, ARESTADO

(NI KOI HIPOLITO)

BUMAGSAK na sa kamay ng mga operatiba ng Sta. Ana Police Station (PS1) ang isang suspek na doktor na nagbebenta at nagtutulak ng iligal na droga at  itinuturing na high value target sa isinagawang drug buy-bust operation, medaling araw ng Martes sa Suazo St., Barangay 28-C, ng Davao City.

Nakilala ang suspek na si John Perrett Herrera, alyas “John”, 33, residente sa parehong lugar at kasama sa Drug Watchlist ng Directorate for Intelligence (DI).

Base sa ipinadalang report ni PMaj.Michael Uyanguren sa Davao City Police Office, nakabili umano sa suspek ng isang piraso ng transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu kapalit ang P1,000 sa pulis na nagpanggap na poseur buyer at nang magpositibo ang transaksyon ay agad sumenyas ang poseur buyer at inaresto ang suspek na doktor.

Narekober sa posisyon ng suspek ang karagdagang iligal na droga na nagkakahalaga ng P10,000., isang cell phone, syringe at isang kotse na Toyota Vios na kulay pula.

Ayon pa sa Davao City PNP na ang karamihan sa mga parokyano ng suspek ay miyembro umano ng LGBT community at mga tao na kanyang nakikilala sa pamamagitan ng social media application na Grinder at isa rin itong resident doctor/surgeon na empleyado ng Southern Philippines Medical Center (SPMC).

Mahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa violation of Section 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Laws on Dangerous Drugs Act.2002).

Please follow and like us:
Read More

P600-M SHABU NASABAT SA CHECKPOINT

(NI NICK ECHEVARRIA)

HALOS P600 million halaga ng shabu ang nasabat ng  mga awtoridad sa isang checkpoint sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Bunagan, Gandara, Samar, Miyerkoles ng hapon.

Sa report na nakarating sa Camp Crame mula kay Police Regional Office (PRO) 8 Director P/BGen. Dionardo Carlos, bandang alas-4:30 nang masakote ang  mga shabu ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU), sa pangunguna ni P/Lt.Col. Harry Sucayre, sa tulong ng Samar Provincial Police Office DEU, Regional Mobile Force Battalion, PDEA at Gandara Municipal Police Station ni P/Cpt. Joselito Tabada.

Nabatid kay Samar Police Provincial Office Director P/Col. Andre Dizon, isang  silver gray na kotseng Mitsubishi Lancer (XTE 453)  at isang itim na Nissan Sentra (ZLV 463) mula sa Calbayog City ang nasabat sa inilatag na checkpoint sa nasabing lugar, kung saan nadiskubre ang 44 na pakete ng shabu na tinatayang may timbang na 88 kilo katumbas ng halos P600 million.

Sakay ng nasabat na Mitsubishi Lancer sina Cesar Uy, Jarred Axcel Elaran at Steven Perez,  habang lulan naman sa pangalawang sasakyan ang tatlong iba pa na na nakilalang sina Leonard De los Reyes, Elbert Abella at Jeralou Rapuela.

Nasa kustodiya ng PNP ang anim na sakay ng nabanggit na mga sasakyan habang isinasailalim sa kaukulang imbestigasyon.

 

Please follow and like us:
Read More

P11.5-M SHABU NASABAT SA CEBU

(NI JG TUMBADO)

TINATAYANG nasa P11.5 million halaga ng high grade shabu ang nasabat ng pulisya sa drug raid sa sinasabing hideout sa Barangay Labangon, Cebu City.

Sa nabanggit na operasyon ay kasabay ng pagkakadakip ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (DEU) sa isang Mark Rosales na siyang target ng search warrant.

Ang raid ay isinagawa pasado alas 2:00 ng madaling araw ng Huwebes sa pinagkukutaan ni Rosales sa nabanggit na lugar.

Nasamsam kay Rosales ang nasa 1.7 kilo ng shabu na nakabalot sa malaking plastic bag na may packing tape.
Matagal na umanong isinailalim si Rosales sa masusing pagmamanman ng DEU under cover agents.

Napag-alaman na si Rosales ay dating waiter bago naging full-time trader ng ilegal na droga.

Inaalam na rin ng pulisya ang mga sources ni Rosales na siyang pinanggagalingan ng shabu.

 

Please follow and like us:
Read More

SHABU, SIM CARD ISINIKSIK SA BULALO; DALAW SA BILIBID HULI

preso

(NI ROSE PULGAR)

HULI ang  isang dalaw at nasamsam sa kanya ang limang pakete ng hinhinalang shabu at isang sim card na nakalagay sa bulalo na dadalaw  sana  sa Building 14 ng maximum security compound sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, Lunes ng umaga.

Ito ang kinumpirma ni Bureau of Correction (BuCor ) spokesperson Major Alberto Tapiru at kinilalang sina Glenn Dayrit, 43, driver, ng Plaridel St., Angeles Pampanga.

Ayon kay Tapiru, dakong alas-11:00 ng umaga nang dumalaw si Dayrit at dadalhan nito ng pagkaing bulalo  ang  isang preso sa building 14 nang nasabing  piitan.

Nang isailalim sa inspection ang dalang ulam ng suspect,  dito tumambad ang limang sachet na hinihinalang shabu na ipinalaman pa sa buto ng bulalo at isang sim card.

Napag-alaman din na kasama sa nakakulong sa building 14 ang tinaguriang Bilibid 19 kung saan dadalaw si Dayrit.

Depensa naman ng suspect na napag-usapan lamang sya na dalhin ang ulam sa presong si Ron Dela Cruz at hindi niya alam na may laman pala itong droga.

Iniimbestigahan  na ng Bucor kung sino ang nag-utos kay Dayrit.

Napag alaman pa na apat na beses nang nagdala ng ulam ang suspect sa bilibid ngunit inaalam pa kung may naipuslit na itong droga sa nakaraan na pagdalaw.

Please follow and like us:
Read More

SINITA SA TRAFFIC VIOLATION, MENOR DE EDAD, BUKING SA SHABU

(NI SIGFRED ADSUARA)

IMBES na simpleng traffic violation lang ang kinakaharap ng isang menor de edad na lalaki, mas mabigat pang kaso ang kanyang kinakaharap ngayon nang nabuking ang itinagong shabu sa Dasmarinas City,  Cavite.

Kasong paglabag sa RA 100 (An Act Mandating All Motorcycle Riders to Wear Standard Protective Motorcylce Helmets While Driving ), RA 4136 (Traffic Rules and Regulations), Disobedience to an Agent of Person in Authority at pagpabag sa Sec 11 ng RA 9165 ang kinakaharap na kaso ngayon ni  alias Kien, 16, ng Dasmarinas City, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Richard Domingo ng Dasmainas City Police Station, dakong alas-11:00, Biyernes  ng gabi nang nagsagawa ng Oplan Sita ang  mga kagawad ng Mobile patrol Unit, Cavite PPO sa Delaquesta St., Brgy Paliparan 3, Dasmarinaas City Cavite.

Pinara ang suspek habang minamaneho nito ang isang motorsiklong Sky Go dahil sa walang suot na helmet , walang headlight at walang plate number ang motorsiklo.

Subalit imbes na huminto, pinaharurot nito ang kanyang motorsiklo pero hinabol ito ng mobile patrol na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Nang kapkapan. nakuha sa kanyang pag-iingat ang sachet ng hinihinalang shabu.

Ang suspek ay nasa kustodiya ng Dasmarinans City Social Welfare Development (CSWD).

Please follow and like us:
Read More

HEAD TEACHER HULI SA SHABU

(NI JG TUMBADO)

NATIMBOG ng pulisya ang isang 37 anyos head teacher sa ikinasang drug bust operation sa Cauayan City, Isabela nitong Biyernes.

Nakilala ang suspek na si Marc Dominic Antonio, head teacher ng Disimuray Elementary School.

Ayon kay Police Colonel Mariano Rodriguez, ng Isabela Provincial Police Office (IPPO) Director, mabilis na dinakma ng station drug enforcement unit ng Cauayan City police si Antonio ilang saglit ng pagbentahan nito ang poseur buyer ng P1,000 halaga ng shabu.

Isinagawa ang transaksyon sa labas ng bahay ni Antonio sa Villarta Compound sa Barangay District Uno pasado alas 7:00 ng gabi ng Biyernes.

Bago isinakatuparan ng pulisya ang operasyon, isang sumbong ang naiparating sa kanila ang ilegal na aktibidad ng suspek matapos itong magturo sa araw bilang punong guro at tulak ng shabu pagsapit ng gabi.

Please follow and like us:
Read More