ENGINEERING STUDENT KULONG SA ‘SEXTORTION’ 

sextortion

(NI ANNIE PINEDA)

HIMAS-rehas ngayon ang isang engineering student matapos arestuhin ng mga awtoridad sa reklamong ‘sextortion’, iniulat sa probinsya ng Aklan.

Ayon sa Kalibo-PNP, nadakip ang 20-anyos na suspek na hindi pinangalanan sa ginawang entrapment operation nang ireklamo ito ng 19-anyos na dalaga.

Batay sa reklamo ng biktima, inaya siya ng suspek na magtalik subalit tinanggihan niya ito na ikinagalit ng una.

Dito, pinagbantaan siya ng suspek na ipapakalat ang mga malaswa nilang larawan, kapag hindi ito pumayag na makipag-sex sa kanya.

Sa takot na totohanin ng suspek ang banta, agad siyang nagtungo sa himpilan ng pulisya para humingi ng tulong.

Inilatag naman ang operasyon laban sa suspek at nagkasundo ang dalawa na papasok sa lodging house sa bayan ng Kalibo.

Pagpasok sa lodging house, lumabas ang operatiba at pinosasan ang suspek saka dinala sa naturang himpilan ng pulisya at nahaharap sa kaukulang kaso.

Depensa naman ng suspek na kasintahan niya ang biktima at kagustuhan nila ang magkita sa lodging house.

Pero , nakita sa cellphone ng suspek ang banta nito sa kanyang nobya.

Please follow and like us:
Read More

BADING HULI SA SEXTORTION

sextortion

(NI SIGFRED ADSUARA)

MATAPOS pagpantasyahan ng isang 30-anyos na miyembro ng LGBT ang mga video at hubad na larawan ng kanyang FB friend, gusto pa nitong huthutan at binantaan ilalabas  ang mga litrato nito kung hindi siya magpapadala ng pera sa GMA, Cavite.

Gayunman,  hindi umubra ang kagustuhan ng suspek na si Gerome Malicdim, alias “Gerome Celda”, ng Block 6 Excess Lot, Brgy.  Poblacion 5 GMA, Cavite, matapos itong arestuhin sa isang entrapment operation dahil sa reklamo ni Edmond Salomon, 30, binata, isang negosyante  ng Block 10 Lot 77 Mayors Drive Brgy Ramon Cruz, GMA, Cavite.

Sa reklamo ni Salamon kay  PSSgt Bobbie Balazo ng GMA Municipal Police Station, nagkakilala sila ng suspek sa pamagitan ng social media (Facebook)  kung saan inakala nito na isang babae.

Lumawig pa ang kanilang pagkakaibigan hanggang sa nagkapalagayan ng loob na humantong sa pagpapadala ng hubad na larawan si Malicdim na isang babae hanggang sa nahikayat din nito ang biktima na magpadala ng video na hubad nitong larawan hanggang sa lumaon ay humingi na ito ng pera at nagbanta na kung  hindi ito magbibigay ay ilalabas nito sa Facebook ang mga hubad nitong larawan at mga videos.

Noong una ay nagpadala ng halagang P2,000  ang biktima subalit muling humingi  at nagbanta at dahil alam na niya kung saan kinukuha ng suspek ang pera ay nagsumbong ang biktima sa pulisya kung saan ikinasa ang entrapment operation at sa aktong inilalabas nito ang ipinadalang cash ng biktima sa isang pera padala center sa Brgy Dacon , GMA, Cavite  ay naaresto ang suspek dakong alas-6:30, Huwebes ng gabi.

 

Please follow and like us:
Read More

PULIS NAAKTUHAN SA MOTEL, HULI SA SEXTORTION

sextortion

(NI JG TUMBADO)

DINAKIP ng pulisya ang kanilang kabaro matapos maaktuhang may kinakasamang 16-anyos na babae sa loob ng motel sa Barangay Tampoong, Sugod sa Southern Leyte kamakalawa ng hapon.

Agad pinosasan ang suspek na nakilalang si PO3 Ramil Aragon, 31, may-asawa at residente ng Barangay Combado, Maasin City.

Batay sa nakuhang report, nagsagawa ng entrapment operation ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Southern Leyte laban sa nabanggit na pulis matapos na ireklamo ito ng isang ina sa ginagawang pananakot sa kanyang  4thyear high school student na anak.

Base sa inihaing reklamo ng ina, ilalantad umano ni PO3 Aragon sa social media ang ilang mga hubad na larawan ng menor de edad na biktima na itinago sa pangalang “Ana” kung hindi ito makikipag kita sa kanya sa hotel.

Dakong alas 4 ng hapon ng Sabado nang isagawa ang operasyon ng mga awtoridad kung saan sinalakay agad ang motel na tinutuluyan ng pulis sa JMJ Pension hotel and motel sa Barangay Tampoong kung saan kasama na nito ang biktima.

Nakumpiska mula sa suspek ang kanyang service firearm na cal. 9mm pistol at ilang piraso ng condom.

Nakapiit ngayon sa Southern Leyte Provincial Police Office si PO3 Aragon kung saan ito nakatalaga sa Operation Branch habang inihahanda ang kaso nito sa paglabag sa child abuse law o ang RA 7610.

 

Please follow and like us:
Read More

SEXTORTION  SA 14-ANYOS; LALAKI ARESTADO

teen200

SA pag-aakalang babae ang kanyang ka-chat, nagpakita ng kanyang maselang bahagi ng katawan ang 14-anyos na si alyas Roy sa ‘babaeng’ kanyang nililigawan.

Huli na nang malaman niyang lalaki pala ang ka-chat niya na bina-blackmail siya ng P2,000 kapalit para hindi niya ipagkalat ang kanyang mga hubad na larawan at video.

Dahil dito, agad humingi ng tulong si ‘Roy’ sa awtoridad.

Arestado sa entrapment operation ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group ang suspek na si Oscar Alapide, 29, matapos itong ireklamo ng pamilya ni alyas “Roy.”

Ayon sa report, nagpanggap na babae si Alapide sa Facebook noong Seytembre ng nakaraang taon kay “Roy,” ayon kay Senior Superintendent Alejandra Silvio, hepe ng Women and Children Cybercrime Protection Unit ng PNP Anti-Cybercrime Group.

Ilang beses nagpadala ng mga maseselang larawan si “Roy” sa kausap nang hindi alam na lalaki talaga ito, ani Silvio.

Nahaharap si Alapide sa patong-patong na kaso kasama ang child abuse, robbery-extortion, at paglabag sa Anti-Child Pornography Act of 2009.

Please follow and like us:
Read More

LALAKI HULI SA SEXTORTION

sex

(NI CARL REFORSADO)

KALABOSO isang lalaki matapos nitong hingan ng pera ang dalagang kanyang nakilala sa social media na Facebook kapalit ng hindi nito pagpapakalat ng kanyang mga hubad na larawan sa isinagawang entrapment operation ng Anti-Cyber Crime Group ng Philippine National Police (ACG-PNP) Huwebes ng umaga sa Mandaluyong City.

Hindi na nakapalag ng arestuhin ng mga miyembro PNP-ACG na pinamumunuan ni team leader Chief Insp. Joel Tuttuh ang suspek na nakilalang si Waren Sacluti, at residente ng Sitio Mahogany, Barangay Cabanbanan, Pagsanjan, Laguna.

Nadakip si Sacluti dakong alas 9:20 ng umaga sa loob ng isang money remittance center sa Boni Highway, Mandaluyong City matapos nitong kunin ang halagang P3,000 na kanyang hiningi sa 25-anyos na dalagang biktima na residente ng Las Pinas City, kapalit ng hindi nito pagpapalabas ng mga hubad na litrato nito sa Facebook.

Base sa reklamo ng biktima sa tanggapan ni Chief Supt. Marni Marcos, hepe ng PNP-ACG, nagkakilala sila ng suspek sa Facebook at pagkatapos nito ay nagkita sila at may naganap sa pagitan nilang dalawa.

Makalipas ang ilang linggo ay kinukulit na siya ng suspek sa Facebook messanger na magpadala sa kanya ng pera dahil kung hindi ay ikakalat umano nito ang mga hubad na larawan ng dalaga sa nasabing social netrwork.

Dito na humingi ng tulong sa PNP-ACG ang biktima na agad ikinasa ang entrapment operation laban sa suspek sa koordinasyon na din sa Eastern Police District (EPD) at nadakip ang suspek sa loob ng remittance center matapos kunin ang halagang P3,000 ipinadala ng biktima.

Sinampahan nan g kaukulang kaso ang suspek habang kasalukuyang nakakulong ito sa PNP-ACG headquarters sa Camp Crame.

Please follow and like us:
Read More