MAGKALAGUYO NAHULING NAGSE-SEX

(NI JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – Dahil sa ginawang pagtataksil ng kanyang asawa, hindi na nakatiis ang isang 57-anyos na lalaki na isumbong ang panonorotot ng babae sa pulisya ng bayan ng Calauag sa lalawigang ito noong Biyernes.

Sa salaysay ng biktimang si Nonito, residente ng Barangay Kinalin Ilaya, sa istasyon ng pulisya Biyernes ng tanghali, noon umanong nakaraang Mayo 8 bandang 4:00 ng madaling-araw ay nahuli ng mga opisyales ng barangay ang kanyang asawang si Jenelyn, 32, at ang sinasabing kabit nito na si William, 38, na parehong hubo at hubad na naglampungan.

Una rito ay nakita muna ng anak na lalaki ni Añir ang kanyang nanay na nakikipagpupugan ng halik kay William.

Tinangka ng bata na gisingin ang kanyang natutulog na tatay upang isumbong ang kahalayang ginagawa ng ina subalit hindi niya ito mapukaw sa pagkakahimbing.

Sumugod ang bata sa kanyang tiyuhin na barangay captain sa nasabing lugar na kasalukuyan noon na nagdaraos ng fiesta at doon siya nagsumbong.

Kasama ang ilang kagawad at barangay tanod, mabilis na pinuntahan ng opisyal ng barangay ang lugar na itinuro ng kanyang pamangkin.

Huli sa akto ng mga opisyales ng barangay ang parehong nakahubadna magkalaguyo na nasa kainitan ng kanilang pagtatalik sa lupa na ang lalaki ay nasa ibabaw ng babae, ayon sa report ng pulisya.

Nang pasinagan ng flashlight ay mabilis na tumindig ang magkabit at tumakbong parehong walang saplot sa katawan.

Inihahanda na ng pulisya ang kaukulang demandang adultery laban sa magkalaguyo.

 

Please follow and like us:
Read More

NANAY UMAYAW SA SEX: 3-ANYOS PINATAY SA SAKAL NI TATAY

gensan12

(NI ANNIE PINEDA)

KAAWA-AWA ang sinapit ng tatlong taon na gulang na batang babae sa kamay ng kanyang sariling ama na adik sa droga matapos itong bugbugin at sakalin nang hindi umano pagbigyan ng kanyang misis na makipag-sex, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng General Santos City.

Kinilala ang biktimang si Carla Jean Tobio habang naaresto naman ang ama at suspek na si Raldy Boy Tobio, kapwa residente ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng pulisya, nakita na lamang ang bata ng kanyang ina na si Rowena na malamig na bangkay .

Ayon sa ina, bago ang insidente, nagpupumilit ang suspek na makipagtalik sa kanya, pero tinanggihan niya ito dahil pagod siya sa trabaho hanggang sa ito ay nakatulog na.

Kinaumagahan, nakita na lamang niya ang anak na nanghihina at may mga pasa, dahilan para kanya itong tanungin dito na nagsumbong ang bata tungkol sa pananakit  sa kanya ng ama.

Sa pag-akalang simpleng sakit lamang ang nararamdaman ng anak, di na agad ito nadala sa ospital dahil na rin sa kawalan ng sapat na pera, paglipas ng isang araw nakita na lamang niya ang anak na wala nang buhay.

Sinabi pa ni Rowena, na matagal na silang sinasaktan ng asawa at gumagamit ng iligal na droga.

Nadiskubre rin na may warrant of arrest sa kasong homicide sa Pigcawayan, Cotabato si Raldy Boy.

Isasailalim na rin sa otopsiya ang bangkay ng bata para alamin kung nagalaw rin ito ng kanyang ama.

Desidido naman si Rowena na magsasampa ng kaso laban sa kanyang asawa.

 

Please follow and like us:
Read More

SEX ‘DI KINAYA; DRIVER PATAY SA MOTEL

crime

(NI SIGFRED ADSUARA)

NAHIRAPANG huminga hanggang sa natuluyan ang isang 49-anyos na jeepney driver habang kapiling ang ibang babae sa loob ng isang lodging house sa Dasmarinas City, Cavite.

Dead on arrival sa pagamutan ng Dasmarinas City ang biktimang si Larry Cabilogan, ng Blk 22, Lot 6, New York St, Brgy., Salawag, Dasmarinas City, Cavite.

Sa ulat ni PMSgt Sean Francisco ng Dasmarinas City Police Station, dakong alas-9:09 Martes ng gabi nang pumasok sa Piela Lodge sa Brgy. Sampaloc 3, Dasmarinas City Cavite, ang biktima kasama ang isang alyas Gemma.

Gayunman, pagsapit ng alas-11:20 ng gabi ay tumawag si alias Gemma ng room boy dahil nakaramdam ng hirap sa paghinga hanggang sa nawalan ng malay si Cabilogan.

Agad itong isinugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival.

Dumating naman ang asawa nitong si Rowena  na pumirma ng waiver na hindi na isailalim pa sa anumang SOCO assistance at awtopsiya ang bangkay ng kanyang mister.

Please follow and like us:
Read More

MANOY EDDIE, TWICE A MONTH NA SEX SA EDAD 90

eddie123

(NI SIR NOEL FERRER)

MUTLI-AWARDED actor and director Eddie Garcia finally got his Best Actor award from the Metropolitan Manila Development Authority and Metro Manila Film Festival Executive Committee para sa 52nd Annual WorldFest in Houston, Texas noong April 15.

Hindi nakadalo si Tito Eddie sa naturang international film festival dahil  nagshoshooting siya para sa isang pelikula sa Viva with Andrew E.

Pero magpaganunpaman, nagkaroon ng mini-awards session sa presscon kahapon dahil nagkaroon ng pagkakataon ang Team Rainbow’s Sunset para magpasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanilang pelikula.

“Marami na akong sinalihan at sinamahang international film festivals, pero dito sa MMDA-MMFF ang pinakamagandang pag-aalagang nakuha namin dahil buong -buo ang suporta nila sa amin habang kami’y nasa Texas,” sabi ng director na si Joel Lamangan.

Naging mas espesyal pa ang award para kay Tito Eddie dahil natanggap niya ang award after he celebrated his 90th birthday last May 2.

At 90, ano ang rule ni Tito Eddie sa healthy at productive na lifestyle?

“Everything in moderation : food, work, even fitness and work out.”

How about sex? “Meron pa naman pero mga twice a month na lang pero existent pa rin,” sabi ng multi-awarded actor.

Kinaya mo, Boss KC?

And I thank you!

 

Please follow and like us:
Read More

KANO TINANGGIHAN SA SEX, NAGWALA SA BAR

arrest1234

(NI JULIE DUIGAN)

KALABOSO sa Manila Police District ang isang 57-anyos na American national nang magwala umano matapos tanggihan ng ilang babaeng kapwa kustomer na inalok ng pakikipagtalik, sa Malate, Manila, iniulat ng pulisya.

Si Michael Francis Gadomski, isang guro, ng Victoria Mansion sa J. Nakpil St., Malate, ay  pansamantalang pinipigil sa MPD-General Assignment Section dahil sa kinakaharap na reklamong alarm and scandal at malicious mischief.

Base sa ulat ng pulisya, sinalaysay ng Code Bar manager na nakilalang si Anne Joyce Jimenez, 23,  na dumating sa kanilang bar si Gadomski, ng bandang 11:45 ng hatinggabi nitong nakaraang Sabado , na lasing na lasing.

Umupo umano ito sa mesa ng kustomer na mag-partner at nang magtungo sa comfort room ang lalaki ay inalok umano ng sex ang naiwang babae na mabilis naman umano itong tumanggi.

Ilang saglit pa lamang ang nakakaraan ,  lumipat ng ibang mesa si Gadomski at  tinabihan naman ang dalawa pang babae na inaalok din na lumabas sila .

Tumayo muli ang banyaga at si Jimenez naman, ang mismong manager ng bar, ang inalok na lumabas sila na dahil sa kalasingan ay nasagi pa ang isang kustomer na umiinom sa katabing mesa.

Sinopla ni Jimenez ang bastos na dayuhan at sinabihan na lumabas na ng bar na naging dahilan sa pagwawala ng huli.

Nabasag umano ang glass panel sa bar at tinangka pang saktan si Jimenez kaya nakialam na ang ilang lalaking kustomer  at kamuntik nang kuyugin si Gadomski na naawat lamang nang dumating na ang tinawag na mga pulis.

Dinala ito sa tanggapan ng MPD-GAS, at dito na dumating ang  asawang Pinay na nakiusap na maareglo na lamang ang kaso subalit nagmamatigas pa ang suspek na hindi niya ginawa ang nasabing akusasyon.

 

Please follow and like us:
Read More

BAGSAK NA GRADO O SEX? ENGLISH TEACHER HULI

cebu city12

(NI JESSE KABEL)

DAHIL sa pangako na magbibigay ng mataas na grado sa kanyang estudyante kapalit ng pakikipagtalik ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 7877 o Anti-Sexual Harassment Act in relation to RA 7610 o Anti-Child Abuse Law ang isang 24-anyos na guro sa Cebu City.

Ito ay makaraang magsumbong sa Parian Police Station sa Cebu City ang ama ng 17-anyos na estudyante.

Sinasabing nakita sa loob ng isang lodging house ang guro kasama ang dalagitang estudyante nito .

Subalit ayon sa guro nagpapamasahe lamang siya sa dalagita.

Una rito, ay humingi  ng police assistance ang ama ng biktima matapos na bantaan umano ng guro na ibabagsak ang anak nito sa English subject kung hindi gagawin ang kanyang gusto.

Sinasabing naaktuhan mismo ng mga otoridad ang sekswal na ginagawa ng dalawa na mariing itinanggi ng suspek dahil wala umanong nangyari sa kanila dahil nagpapamasahe lamang ito.

 

Please follow and like us:
Read More

BABAE TUMANGGI SA SEX SINAKSAK NG LIVE-IN PARTNER

surigaodelnorte1

KASONG frustrated murder ang hinaharap ng isang lalaking nanaksak ng live-in partner matapos umanong tumangging makipag sex.

Ligtas na at nagpapagaling ang biktimang 34-anyos, ng Purok Orchids, Barangay San Jose, Mainit, Surigao del Norte,  matapos magtamo ng saksak sa ulo at tagiliran

Sinabi sa report kay Police Senior Insp. Florence Pacleb, hepe ng Mainit Municipal Police Station, nag-init umano ang ulo ng lalaki nang tanggihan siya ng live in partner kung kaya’t agad itong kumuha ng kutsilyo at sinaksak ang biktima.

Kahit duguan ay nagawa pa ring makalabas ng bahay ang biktima para humingi ng tulong. Agad namang dinakip ang suspect.

Please follow and like us:
Read More

DRUGS, ORGY: DOKTOR, VARSITY PLAYER HULI SA CONDO

sex22

(NI TJ DELOS REYES)

ARESTADO ang isang doktor ng Department of Health (DoH), isang varsity player ng unibersidad kabilang na ang apat na kasamahan ng mga ito sa isinagawng buy-bust operation ng Philippine Drug Enforecement Agency (PDEA) kahapon ng madaling araw sa lungsod ng Mandaluyong.

Kinilala ni PDEA Director General Aaron Aquino ang nadakip na si Dr. Vanjoe De Guzman 44 anyos, nakatalaga sa DOH-NCR, Letran University Student Varsity Keanu Andrea Flores, 21, at music festival organizer Francis Fajardo 26, Mark Echauz 22, Macheal Tan 27 at isang alyas Boy Kulot.

Base sa ulat, dakong 1:00 ng madaling araw nang isagawa ang drug operation sa condominium ng doktor sa M. Domingo St. corner  Guevarra St, Barangay Highway Hills Mandaluyong City.

Lumalabas na halos dalawang buwan din na isinailalaim sa surveillance ang mga suspek bago isagawa ng operasyon. Narekober mula sa mga suspek ang anim na pirasong plastic sachet na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P340.000 , anim na ibat ibang uri  ng botelya na pinaniniwalaang liquid ecstasy.

Ayon kay PDEA Special Enforcement Service (SES) Director Levi Ortiz, si Fajardo ang nagdadala ng party drugs kung saan ang pwesto ni De Guzman ang ginagawa namang drug den.

Sa nakumpiskang mga video footages, makikita si De Guzman na nag-iinject ng shabu.

Napag-alaman na  matapos na gumamit ng droga ang mga nasabing indibidwal ay nagsasagawa sila ng sex orgies base na rin sa mga videos at larawan na narekober sa mga suspek.

Todo tanggi naman si De Guzman at mga kasamahan nito na sila  ay nagbabenta ng droga.

 

Please follow and like us:
Read More

SEX, UNDERWEAR  PAMBAYAD NG  DROGA SA QC

panty15

(NI LILY REYES)

ARESTADO ang   lalaki  na umano’y nagbebenta ng droga sa Quezon City kapalit ng sex , underwear at mga kagamitan  Huwebes ng gabi.

Nakapiit sa Novaliches Police Station 4 ng Quezon City Police District (QCPD)  ang dalawang naarestong suspek na kinilalang sina  Marlon Salvador,  na mas kilala sa alyas na “Alon”  na umano’y nagpapakalat ng shabu  sa Brgy. Bagbag, Novaliches at  kasama ring inaresto ang tatlong buyer na sina  Jana Cadag,  Freddie Depeno at Kristofer Tuazon.

Ayon kay  PS-4 Commander, PSUPT Rosell Cejas, bumibyahe pa umano si Salvador mula Valenzuela City hanggang Novaliches, Quezon City para katagpuin ang kanyang mga parokyano at sa katunayan  nasamsam kay Salvador ang 51 gramo ng shabu  na may stree value  na P346, 000.

“ Ang target dito  ay si Aljon , yung kilalang tulak  sa Ugong Valenzuela City na nag babagsak  ng shabu dito sa   area ng Bagbag, Novaliches,” ang sabi ni Col. Cejas.

Ayon sa pulisya,  kahit walang pera ay makakakuha ng droga kay Salvador basta may dala kang cellphone, damit  o underwear at kung wala talaga ay puwedeng maipambayad  ang “sex” basta maka benta lang ng droga si Salvador.

“ On worse occasions, women buyers would even go far as offer sex just to get shabu,” ang sabi ni  Col. Cejas.

Inamin  naman ni Salvador na  nag te-text o kaya ay tumatawag  sa kanya ang kanyang mga suki kung gusto nila ng shabu at agad ko namang dinadala sa kanila ang droga at inamin din nito na mahigit na dalawang taon na niya itong ginagawa.

Inamin din ni  Cadag na  ibinibigay niya ang ilan niyang damit at underwear kay Salvador kapalit ng doga at maging si Tuazon ay ilang beses na ring ipinalit ang kanyang celpphone sa drog samantalang si  Depeno ay bumibili ng droga  kay Salvador  para sa ibang tao.

Samantala, arestado naman ang mag-inang sina Melissa Rojo at ang anak nitong si  Jelissa dahil sa pag gamit  ng illegal na droga.

Sa halip na magbenta ng shabu  kapalit ng cellphone  ay nangongolekta umano  si Melissa  ng women’s underwear mula sa kanyang bayaw para  maibigay sa kanyang mga anak.

“Nagtext nga sila sa akin na kung pwede sabi niya “ ano kunin mo ba ito swap palitan mo itong panty,” ang sabi ni Melissa sa pulis.

Nakumpiska  mula  sa mag-ina ang dalawang sachet ng shabu , dalawang  shabu ng mga residue at mga drug paraphernalias ngunit itinatanggi ito ni Melissa at ayon sa kanya  ang droga ay hindi nakita sa katawan niya kundi sa katabi nitong upuan .

“ Paulit-ulit na lang nilang  ginagawang drug den ang bahay nila” ang sabi ng mga pulis.

Please follow and like us:
Read More

LOLO PATAY SA SEX

heart1000

(Ni JG TUMBADO)

ISANG 70-anyos na lolo ang namatay sa pakikipagtalik sa isang 24-anyos na babae sa loob ng kanyang bahay sa Asingan, Pangasinan.

Si George Martinez, Sr., tricycle driver, ay namatay habang isinusugod sa Asingan Community Hospital bandang alas-11:40 kagabi.

Ayon sa pulisya, hindi umano nakahinga si Martinez habang nakikipag-sex sa babae at nawalan ng malay. Sinabi ng mga kaanak ni Martinez na ang matanda ay mag hypertension at posibleng tumaas ang presyon nito habang nakikipagtalik.

Please follow and like us:
Read More