MISIS TUMANGGI SA ‘KALABIT’ NI MISTER, TINODAS 

(NI JG TUMBADO)

NAPATAY sa saksak ng mister ang kanyang sariling maybahay sa pagtangging makipag talik sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital ang biktima na si Juvilyn Lozon, bunsod ng tinamong tatlong tama ng saksak sa kanyang katawan.

Agad namang nadakip ng rumespondeng mga tauhan ng Sto. Tomas City police ang asawa at suspek na nakilalang si Rodrigo dahil na rin sa sumbong ng kanilang anak sa barangay.

Ayon sa ulat ng pulisya, sinaksak mismo ng suspek ang kanyang asawa sa harap ng isa sa kanilang apat na anak sa loob ng kanilang bahay sa Barangay San Roque pasado alas 9 ng gabi ng Miyerkoles.

Bago umano nangyari ang krimen, napag-alaman na nais makipagtalik ni mister kay misis bagay na tinanggihan nito.

Sa himpilan na ng pulisya inamin ni Lozon ang pangyayari at sinabing sa sobrang selos niya sa asawa at naghihinalang may ka relasyon na iba kaya nagawa nito ang krimen sa kanyang asawa.

 

 

Please follow and like us:
Read More

MISIS, TINAGA, SINAKSAK NG SELOSONG MISTER

(NI NILOU DEL CARMEN)

NASAWI ang isang ginang matapos pagsasaksakin ng kanyang mister dahil sa pagseselos na nauwi sa trahedya sa Sto. Tomas, Batangas, Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Juvy Lozon, 33, residente ng Blue Isle Subd., Brgy. Sta. Maria,  Sto Tomas.

Batay sa report ng Sto Tomas police, dakong alas 2:30 ng hapon nang magkasagutan ang biktima at ang mister nitong si Rodrigo Lozon, 57, sa loob mismo ng kanilang bahay.

Ayon kay PMSgt. Teresa de los Santos, may hawak ng kaso, matagal na umanong nagseselos ang mister at naghihinala na may ibang lalaki  ang kanyang misis na itinatanggi naman ng huli.

Nauwi ang sagutan  sa pagkuha ng lalaki ng balisong at itak at sa bugso ng galit  ay  nasaksak  at pinagtataga nito ang  kanyang misis na nagtamo ng mga tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad nasawi ang babae samantalang nadatnan  ng mga awtoridad sa loob pa rin ng bahay ang hindi makapaniwala sa pangyayari  na  suspek na naghihintay  kasama ang dalawang anak.

Inihahanda na ngayon ang kasong parricide laban dito.

Please follow and like us:
Read More

AWAY SA BABAE; LALAKI KINATAY NG KARIBAL

(NI HARVEY PEREZ)

NASAWI ang isang  tricycle driver nang pagsasaksakin ng lalaking naging karibal niya sa isang babae, Biyernes ng gabi sa Escolta, Sta.Cruz, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang biktimang si Matronilo  Zambales, ng Brgy. 303 Zone 29 Sta. Cruz, Maynila na nasawi sa dami ng tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nadakip naman sa isinagawang follow-up operation ng Manila Police District-Police Station 3 , sa kanyang bahay ang suspek na si Jamael Madali, 37, ng Guzman St. Quiapo, Maynila.

Ayon sa  imbestigasyon ni PCMS John Charles Duran, ng MPD-homicide section, naganap ang insidente dakong alas 11:10 ng gabi sa nabanggit na lugar  nang mag-krus ang landas ng dalawa.

Sinabi ng testigo na si Renz Rumusud, nakita umano niya na nagsasagutan ang biktima at suspek kaya lumapit siya at namagitan sa dalawa.

Nabatid na naawat naman ang dalawa at umalis ang  suspek,pero makalipas ang ilang minuto ay bumalik ang suspek na armado na ng patalim at pinagsasaksak ang biktima hanggang bumagsak sa kalsada at nawalan ng malay.

Nabatid na may matanda nang  alitan ang dalawa dahil sa babae na unang nakasama ng biktima.

Please follow and like us:
Read More

MAY SUITOR ANG LIVE-IN PARTNER; LALAKI NAGBIGTI

bigti

(NI BONG PAULO)

PINANINIWALAANG sobrang selos ang dahilan kung bakit kinitil ng isang 28-anyos na construction worker ang sarili sa Brgy. Hayanggabon, sa bayan ng Claver, Surigao del Norte, Miyerkoles ng madaling araw.

Batay sa ulat ng Claver Municipal Police Station, kinilala ang biktima na si Sonny Saraos, isang construction worker at ng Purok 10, Brgy. Aupagan sakop ng lungsod ng Butuan.

Lumalabas sa imbestigasiyon na bago nagpakamatay ang biktima ay nag-away umano sila ng kanyang live-in partner dahil sa pagseselos ni Saraos sa kasama din nitong construction worker.

Nagbanta din ito sa kanyang asawa na aalis na lamang.

Gayunman, ilang minuto ang nakalipas ay nakita itong nakabitin sa ilalim ng tulay gamit ang isang cord.

Inaalam pa kung may foul play sa pagkamatay ng biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

DALAGA PINATAY  NG NOBYO SA SELOS

crime34

(NI JG TUMBADO)

SELOS umano ang nakikitang motibo sa pagpatay sa graduating student sa Tabaco City, Albay, Martes ng gabi.

Kinilala ng Tabaco City Police ang biktimang si Jackielyn Cellona, 22, ng Malinao sa Albay, at graduating student na may kursong Bachelor of Science in Business Administration.

Ayon sa pulisya, dakong alas-6:00 ng gabi ng Martes nang matagpuan ang bangkay ni Cellona na tadtad ng mga saksak ang katawan.

Nakasuot pa ng uniporme nang makita sa gilid ng kalsada ng barangay San Antonio ang bangkay ng dalaga.

Nasa kustodiya na ng Bacacay Municipal Police ang suspek na si Ryan Carale, 23, nobyo umano ng biktima.

Mismong ang pamilya ni Carale ang nagsuko sa suspek na umamin sa nagawang krimen matapos na siya ay umano’y makunsensya.

Sinasabing magkasama pa ang dalawa matapos sunduin ng suspek ang biktima mula sa eskuwelahan ngunit habang naglalakad umano ay nagkaroon sila ng pagtatalo dahil sa selos.

Sa gitna ng argumento, bumunot umano ng patalim ang suspek at isinaksak sa nobya. Dahil walang nakakita sa insidente, hinila ng suspek ang dalaga sa tabing kalsada bago tumakas.

Please follow and like us:
Read More

SUMUKO SA SELOSANG MISIS; MISTER NAGBIGTI

Ni FRANCIS SORIANO

PINILING magpatiwakal kaysa magtiis ang isang 44-anyos na mister matapos umanong manawa sa pagbubunganga ng kanyang asawa at malimit nilang pagtatalo dahil sa pagseselos sa Valenzuela City, Linggo ng gabi.

Kinilala ng awtoridad ang biktimang si William Aquino na nakabigti ng sinturon sa kanilang bahay sa 87 Santos Compound, Malinta Bukid.

Ayon sa ulat,  natagpuan ng anak nitong Nejohn, 11 ang bangkay ng ama na nakabigti ng sinturon sa kanilang bahay dakong alas-10:30 na siya rin nadaanan ng kanyang anak na si Althaea ng itoy umuwi galing sa trabaho.

Dahil dito ay agad na pinutol ng ginang ang nakapulupot na sinturon sa leeg ng kabiyak at itinakbo ito sa Valenzuela Medical Center kung saan siya idineklarang dead-on-arrival.

Lumabas din sa imbestigasyon na bago nangyari ang insidente ay nagkaroon ng pagtatalo noong nakaraang Sabado ang mag asawa dahil sa selos.

Please follow and like us:
Read More

CHILDHOOD SWEETHEART PINATAY SA SELOS

crime34

(NI ALAIN AJERO)

SELOS ang sinasabing nagtulak sa adik na umaming pinatay niya ang babaeng natagpuan sa isang fishpond sa Valenzuela matapos na umano ay ma-praning at multuhin, dahil bukod umano sa tunay na asawa nito at sa kanya ay may kinahuhumalingan pang ibang lalaki ang kanyang  ‘childhood sweetheart.’

Isinailalim na sa inquest proceedings noong Martes at kakasuhan ng murder si Geofredo Perdigon Jr., na sinasabing dati silang may kaugnayan sa biktimang si Rosalie Mission Sagal, na natagpuang patay at nakabalot ng kumot sa isang fishpond noong Biyernes sa Barangay Pasolo, Valenzuela City.

Ang biktima ay iniulat na nawawala noong Hulyo 20.

Ayon sa pulisya, sinabi umano ng suspek na taliwas sa napabalita ay hindi niya dinukot si Sagal. Pumunta umano ang biktima sa bahay ng suspek para maningil ng utang.

Nang hindi siya makabayad ay pinagsasampal umano siya nito dahilan para magdilim ang kanyang paningin at pinagsasaksak ang biktima.

Nang mahimasmasan ay nataranta umano ang suspek at binalot ng kumot ang dating kasintahan saka itinapon sa fishpond.

Matapos  na mapagtanto ang kanyang krimen ay napraning umano ang suspek na lulong sa droga at minulto ng biktima kaya pumasok sa isang rehabilitation center sa Pampanga kung saan siya natunton ng pulisya noong Hulyo 26 matapos na akuin ang pagpatay.

Ayon sa pulisya, sa sobrang praning ng suspek ay sinabi nitong may humahanting sa kanya mula sa Navotas at posible umanong isa sa mga ito ang “multo” ni Sagal.

 

 

Please follow and like us:
Read More

BINATILYO BINOGA SA SELOS

(NI LYSSA VILLAROMAN)

DAHIL umano sa selos, isang 17 –anyos na estudyante ang namatay matapos barilin ng kanilang kapitbahay, Linggo ng gabi sa Taguig City.
Ang biktima ay nakilalang si  Senator Carit, nakatira sa 26 Apple St., Purok 3, Brgy. New Lower Bicutan.

Si Carit ay nagtamo ng ilang tama ng bala sa ulo at katawan at kaagad namatay.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang krimen ng alas-11:45 kamakalawa ng gabi sa Mulawin st., Purok 3, Brgy. New Lower Bicutan, Taguig.

Sa pahayag ng ina ng biktima, na si Celestina Carit kay Colonel Alexander Santos, hepe ng Taguig City police, bago naganap ang pamamaril ay palihim na lumabas ng kanilang bahay ang biktima matapos na ito ay makatanggap ng isang text message.

Dagdag pa ni Celestina na ilang minuto lamang matapos lumabas ng kanilang bahay ang biktima ay nakarinig siya ng sunud-sunod na putok ng baril at nang kanyang alamin ay tumambad sa kanya ang duguan at wala nang buhay na binatilyo.

Ayon pa sa ina ng biktima nitong nakaraang linggo ay nagka-argumento ng biktima ang  kanilang kapitbahay na si alyas Faisal Abu dahil ito ay naghihinala na ang kanyang misis at biktima ay may relasyon.

 

Please follow and like us:
Read More

DEADMA SI BF; DALAGITA LUMAKLAK NG BLEACHING AGENT

suicide

(NI FRANCIS SORIANO)

DAHIL sa pag-ibig, kasalukuyang inoobserbahan ngayon sa Valenzuela Medical Center ang isang dalagita makaraan tangkahin nitong magpatiwakal sa pag-inom ng bleaching agent, Biyernes ng hapon sa Valenzuela City.

Kinilala ng awtoridad ang biktima na si ‘Katya’ di tunay na pangalan, Grade 7 student.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon dumaranas umano ng depresyon ang biktima dahil sa patuloy na pagdeadma ng kanyang boyfriend.

Bandang alas-2:00 ng hapon, bumili ito ng bleaching agent sa tindahan saka ininom pagdating sa kanilang tirahan.

Tiyempo namang naroon ang boyfriend ng biktima at nakita niyang kinakapos at hinahabol na ng paghinga ang dalagita kaya’t mabilis niya itong isinugod sa naturang pagamutan kung saan patuloy na inoobserbahan

 

 

Please follow and like us:
Read More

NAPIKON SA SELOS NG BF; BEBOT NANAKSAK

crime85

(NI ALAIN AJERO)

SAKSAK ang isinukli ng isang lasing na bebot sa bintang ng kanyang lasing ding kinakasama  na nakikipag-sex siya sa ibang lalaki, sa Malabon City Linggo ng hapon.

Nananatiling nakaratay sa Ospital ng Malabon sanhi ng  saksak sa likod si Jonathan Gamba, 43, habang dinampot naman ang suspek na nakilalang si Marissa Parawan, 37.

Alas-2:24 pa lamang ng hapon ay matutulog na sana ang dalawa dala ng kalasingan sa loob ng kanilang bahay sa 129 Sitio, Sto. Niño, Brgy. Concepcion.

Mula sa kawalan ay kinompronta ni Gamba si Parawan ukol sa umano’y palihim na pakikipagtagpo nito sa isang alyas “Junior.”

Dito na napikon ang suspect sa tila hindi matapos-tapos na akusasyon ng biktima.

Kumuha ang suspect ng kitchen knife saka inundayan ng isang saksak sa likod ang biktima.

Bagama’t may saksak ay nakalabas ng bahay ang biktima at nakahingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay na nagsugod sa kanya sa naturang pagamutan.

Kusa namang sumuko sa pulisya si Parawan at isinuko rin ang ginamit na patalim.

Please follow and like us:
Read More

GF IBINIGTI NG BF SA SELOS

crime1000

(NI BONG PAULO)

SOBRANG selos ang nakikitang dahilan kung bakit pinaslang ng isang lalaki ang kanyang kasintahan na unang naiulat na nagpakamatay sa Kilometro 8, Matina Pangi, Davao City, nitong Martes.

Kinilala ni Police Maj. Ronald Lao, hepe ng Talomo Police Station, ang suspek na si Oliver Edano, alyas Puloy, isang Lumad, residente ng Malabog Paquibato District.

Nabatid na ala-1:00 ng hapon nang makitang nakabitin at wala nang buhay ang kasintahan nitong si Lilibeth Sabat Romagos, 42, sa loob ng kanilang bahay sa Matina Pangi.

Mismong ang pamangkin ng biktima ang nakadiskubre sa bangkay ni Romagos.

Agad nilang pinagdudahan ang pagkamatay ng biktima dahil bago umano nito ay narinig ang mainitang pagtatalo ng dalawa.

Nagseselos umano ang suspect sa hindi pinangalanang lalaki at pagkatapos ay nanahimik na umano ang mga ito.

Ilang saglit pa ay nakita nang nagmamadaling umalis ang suspect dala ang bag at ilang gamit.

Please follow and like us:
Read More

ANAK DEHADO SA SUNTUKAN; TATAY NANAKSAK

crime

(NI KEVIN COLLANTES)

ISANG truck driver ang sugatan nang pagtulungang gulpihin at saksakin pa ng gunting ng tatay ng nakasuntukan dahil sa selos sa Barangay Maybunga, Pasig City nitong Huwebes.

Inoobserbahan pa ng mga doktor ng Pasig City General Hospital ang biktimang si Felix Maliglig, 49, dahil sa tama ng saksak ng gunting sa kanang bahagi ng tiyan.

Samantala, arestado naman at nakakulong na ang mga suspek na sina Rodel Galleta, 53; at kanyang anak na si Rommel Galleta, 22.

Lumilitaw sa inisyal na report ng Pasig City Police sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Christopher Tambungan, na dakong 10:30 ng umaga ay naabutan ng biktima ang kanyang nobya at si Rommel na nakahiga sa kama at magkatabing nanonood ng telebisyon, sa Yakanle Compound, Dr. Sixto Antonio Avenue, Barangay Maybunga.

Naging dahilan ito upang magselos ang biktima at kumprontahin si Rommel, na nauwi sa suntukan.

Nakita naman ni Rodel ang pag-aaway ng dalawa kaya’t tumulong ito sa anak at sinaksak ang biktima.

Kaagad namang isinugod sa pagamutan ang biktima upang malunasan habang inaresto ng mga rumespondeng tauhan ng Police Community Precinct 4 ang mag-ama, at binitbit sa presinto para ikulong at sampahan ng kaukulang kaso.

 

 

Please follow and like us:
Read More

AGAWAN SA BEBOT, GRADE 10 TINAGA NG KAPWA ESTUDYANTE

CRIME12

(NI JG TUMBADO)

TAGA sa katawan ang inabot ng isang Grade 10 student mula sa kapwa estudyante nito na nag-aagawan sa isang babae sa bayan ng Lapaz sa Leyte.

Nagpapagamot sa ospital bunga ng malaking sugat sa braso ang biktima na nakilalang si Benjie Maurelio, 19, habang ang suspek naman ay si Maynard Tragora, 18, grade 11 student.

Batay sa report kay Police Inspector Lito Catalo, hepe ng Lapaz Municipal Police Station, naliligo sa ilog sa Barangay Canbanez ang suspek at biktima kasama ang kanilang ibang kaibigan nang magkainitan ang dalawa na nagresulta sa insidente ng pananaga gamit ang isang itak.

Lumalabas sa ulat na may matagal nang hindi pagkakaunawaan ang dalawa dahil sa away lamang sa isang babae na parehong ginugusto nina Maurelio at Tragora.

Mabilis naman nadakip ng mga awtoridad ang suspek sa follow up operation na ngayon ay nasa kostudiya na ng Lapaz police at nahaharap sa kasong frustrated homicide.

Please follow and like us:
Read More

SUMBONG SA TEXT; MISIS BINOGA NI MISTER

text

(NI JG TUMBADO)

DAHIL lamang sa naisumbong sa pamamagitan ng text message sa cellphone sa umanoy may ibang ‘lover’ si misis ay binaril ito ng kanyang mister bago nagbaril din sa sarili sa bayan ng Tuburan, Cebu gabi ng Sabado.

Kapwa nakaligtas sa insidente ang mag-asawa na unang inobserbahan sa Cebu City hospital subalit dahil sa kritikal na kondisyon ng mister ay inilipat ito sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) dahil sa tama ng bala sa kanyang ulo.

Ayon kay Tuburan municipal police station commander Senior Insp. Landy Divina Gracia, nananatiling nagpapagaling ang misis dahil sa tama ng bala sa kanyang kanang braso.

Lumalabas sa imbestigasyon na nakatanggap umano ng isang mensahe sa text sa cellphone ang mister mula sa hindi kilalang sender habang ito ay nagpapahinga sa kanilang bahay, na umanoy may ibang karelasyon ang kanyang misis.

Agad kinompronta ni mister ang kanyang misis na nooy nasa gitna ng paglalaba ng kanilang mga damit.

Subalit hindi umano sinagot ni misis ang tanong kaya naman galit umanong umalis si mister at pagbalik nito ay may dala na itong baril at agad binaril ang kanyang asawa.

Sa hinalang napatay nito si misis ay agad naman na itinutok ni mister ang baril sa kanyang ulo at ipinutok.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso kaugnay ng insidente.

Please follow and like us:
Read More

GRADE 11 COMATOSE SA BUGBOG NG SCHOOLMATES

kenneth

COMATOSE ang isang grade 11 student matapos umanong bugbugin ng schoolmates dahil sa selos sa Mangaldan, Pangasinan.

Sinabi na naganap umano ang pambubugbog sa harap ng canteen habang palabas ang biktimang si Kenneth Langit, 19. Sinalubong umano ang biktima ng grade 12 student na si George Maramba at agad sinuntok. Nakaganti pa ang biktima ngunit pinagtulungan na siyang bugbugin ng mga kaklase ni Maramba na nakilalang sina Jason Soriano at Jay-Ar Biagtan.

Hindi umano tinigilan ng grupo ng mga suspect ang biktima hanggang mawalan ng malay.

Ayon sa kaanak ng biktima, sinasabing may crush umano kay Langit ang nobya ng isa sa mga suspect. May dati na rin umanong kaalitan sina Langit at Maramba.

Sumuko sa pulisya si Maramba at Soriano ngunit tumangging magbigay ng pahayag. Nadakip naman si Biagtan at iginiit na walang siyang kinalaman sa insidente.

Please follow and like us:
Read More