LIVE-IN PARTNERS BALIK-SELDA SA DROGA

JAIL-1

DAVAO City – Balik-selda ang isang mag-live-in partner na dating nakulong dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga sa lungsod na ito.

Huli sa akto ang mga suspek nang ikasa ng mga awtoridad ang buy-bust operation sa Sitio Sto. Niño, Brgy. 76-A,  Bucana, nitong lungsod, alas-8:00 ng gabi noong Martes.

Ikinasa ng mga tauhan ng Talomo Police Station at Regional Special Operating Group-Regional Police Drug Enforcement Unit (RSOG-RPDEU) XI, ang operasyon laban sa mga suspek na sina Arlene Lapiña Brigole at Edilberto Siblos Parilla.

Nasabing operasyon, ilang pakete ng umano’y shabu na tinatayang P226,000 ang halaga, ang nakuha mula sa mga suspek.

Ayon kay Police Lt. Col. Ronald Lao, hepe ng Talomo Police Station at RSOG-RPDEU-XI, nahuli rin ang dalawang suspek noong nakalipas na taon at nakalabas sa pamamagitan ng plea bargaining agreement.

Dagdag pa ni Lao,  ang mga suspek ay pawang nasa listahan ng Directorate for Intelligence Watchlist at naaresto ang mga ito matapos magsumbong ang isang impormante na muli na namang nagbebenta ng ilegal na droga.

Sa ngayon, inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek. (DONDON DINOY)

Please follow and like us:
Read More

BEBOT SWAK SA SELDA SA BATO PARA SA BF

HUMANTONG sa karsel ang isang babae nang mabuking na may dala siyang umano’y shabu para sa nakakulong niyang boyfriend nang dalawin niya ito sa piitan, nitong Martes ng hapon sa Malabon City.

Dadalawin na rin sa piitan ang suspek na si Gylin Yumang, ng #3 Gen. San Miguel St., Millionaires Compound, Brgy. 8, Caloocan City, kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bandang alas-5:50 ng hapon, binisita ni Yumang ang kanyang boyfriend sa detention cell ng Malabon City Police Station.

Agad napuna ng suspek ang mahigpit na pag-inspeksyon ng mga jail officer sa mga bagahe.

Nang siya na ang iinspeksyunin ay sinubukan ni Yumang na itago ang isang plastic ng umano’y shabu na nakalagay sa kanyang bulsa.

Gayunman, hindi ito nakalusot at nakuha sa kamay ng suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 0.64 gramo at nasa P4,352.00 ang halaga

Napag-alaman, noong huling dalawin ni Yumang ang boyfriend ay dumaing umano ang huli na mahirap ang buhay sa loob ng kulungan at nami-miss ang buhay-laya dahil nangungulila sa sex at shabu. (ALAIN AJERO)

Please follow and like us:
Read More

RAPE-SLAY SUSPECT NAMATAY SA SELDA

SELDA-2

QUEZON – Natagpuang walang buhay sa loob ng selda ang isang suspek sa pagpatay at panggagahasa sa isang 8-anyos na batang babae sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito.

Base sa report, natuklasang hindi na  humihinga si Ricardo Burce, 55, nang gisingin ng mga kapwa preso.

Itinakbo siya sa ospital kung saan idineklara siyang dead on arrival.

Ayon sa spot report ng Candelaria police, hindi pa batid ang posibleng sanhi ng pagkamatay ni Burce.

Nauna rito, inamin umano ni Burce ang pagdukot, panggagahasa at pagpatay sa 8-anyos na batang babae na huling nakitang naglalaro malapit sa kanilang bahay noong Enero 6.

Lasing umano ang suspek nang mangyari ang insidente. (KIKO CUETO)

Please follow and like us:
Read More

PRESO NAPRANING SA GUTOM, ASIDO NILAKLAK

cell

(NI ANNIE PINEDA)

NAWALA umano sa katinuan ang isang preso nang magutuman dahilan para magtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng asido, sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Inoobserbahan ngayon sa ospital si Jake Santos, 21, ng Homested Bambang Nueva Vizcaya.

Batay sa report ng Bambang Police Station- Nueva Vizcaya, nakita na lamang ang biktima na nanghihina at umiinda ng matinding pananakit ng tiyan dahilan para dalhin nila ito sa ospital sa nasabing bayan.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, bago ang insidente, nalungkot si Santos kung bakit wala man lamang ipinadala sa kanya ang live-in partner na pagkain sa piitan.

Tinawagan umano ni Santos ang kinakasama at sinabing bakit wala siyang dalang pagkain, saka nagtungo sa  palikuran ng kanilang selda at ininom ang nakitang  asido na ginagamit sa paglilinis.

Kaagad naman dinala sa ospital ang biktima at patuloy na inoobserbahan.

 

Please follow and like us:
Read More

INMATE NAGWALA, BINUGBOG, PATAY SA SELDA

cell

(NI HARVEY PEREZ)

PATAY sa bugbog ng kanyang mga kasamahang preso ang isang 35-anyos na inmate nang magwala sa loob ng detention cell ng Manila Police District-Police Station 4, Linggo ng umaga sa Sampaloc, Maynila.

Alas 8:22 ng umaga nang ideklarang patay ng Ospital ng Sampaloc ang biktimang si Billy James Jardiel, ng 1331 Quintos St., Sampaloc.

Isinasailalim naman sa imbestigasyon ang mga inmate na sangkot sa pambubugbog na  hindi muna binanggit ang mga pangalan.

Samantalang apat na inmate naman ang nagpahayag ng kahandaan na tumestigo sa naganap na insidente.

Ayon sa imbestigasyon ni PSgt. Mark De Guzman , ng  MPD-homicide section, dakong alas-6 ng umaga, nang  magwala si Jardiel sa loob ng selda.

Inawat naman ito ng  kapwa inmates, pero naging  marahas ang ikinilos ng biktima, kaya binugbog  ito ng mga kasama sa selda.

Sa record ng pulisya si Jardiel ay naaresto, kasama ang isa pa, sa panulukan  ng Simoun at Algeciras Sts., sa Sampaloc , nitong nakaraang Biyernes dahil sa kasong iligal na  droga, at sinampahan na ng   kasong Sec.11 ng R.A 9165 kilala bilang Comprehesive Dangerous Drug Act of 2002.

 

Please follow and like us:
Read More

PRESO PATAY SA SELDA SA CAVITE

kulong

(NI SIGRED ADSUARA)

ISA na namang preso ang naitalang namatay sa loob ng kulungan ng Dasmarinas  City Custodial Center matapos nakaramdam ng hirap sa paghinga, ang pang-8  sa naitalang namatay ngayong taon.

Sa ulat ni PO2 Gilbert Santos ng Dasmarinas City Police Station, dakong  alas-8:58  Sabado  ng gabi nang isinugod sa pagamutan ng Dasmarinas City si Daryl Mandao, 28, binata, ng Block 03 lot 3 Bry Sta Cruz 1, Dasmarinas City, Cavite matapos itong nakaramdam ng hirap sa paghinga gayunman, dakong alas-4:55 kamaklawa ng hapon ng ideklara itong patay.

Inaresto at nakulong si  Mandao  nitong January 11 dahil sa paglabag sa Article II ng RA 9165 sa Brgy Emmanuel 1, Dasmarinas City.

Sa datos, ang Dasmarinas City Custodial Center ay nakapagtala ng dalawang namatay na preso, apat sa Bacoor City Custodial Center at isa sa Imus City Custodial Center.

Please follow and like us:
Read More

2 PANG INMATES, TODAS SA SELDA SA CAVITE

sel8

(NI NILOU DEL CARMEN)

DALAWA pang inmates ang nadagdag sa dumaraming bilang ng mga namamatay sa preso sa mga kulungan sa Cavite. Magkasunod na nasawi sina Steven Yvañez at si Marlon Aboganda na kapwa detainee sa Dasmariñas police station custodial facility na parehong ideneklarang dead on arrival sa Pagamutan ng Dasmariñas kamakalawa ng umaga.

Dakong alas 3:40 ng madaling araw ng isugod si Aboganda matapos na ito ay dumaing ng hirap sa paghinga. Multiorgan failure at septic shock ang nakita ng doktor na dahilan ng pagkamatay nito. Wala pang dalawang oras ay isinugod din sa parehong ospital si Yvañez matapos na ito ay makaranas din ng parehong sintomas.

Refractor, septic Shock, pneumonia at secure anemia naman umano ang ikinamatay nito. Mula noong Enero taong ito ay mahigit 10 na ang mga detainees na nasasawi sa ibat-ibang kulungan o custodial facility sa Cavite na lahat ay nasa ilalim ng PNP.

Please follow and like us:
Read More