BABAE PATAY SA LIVE-IN PARTNER NA SEKYU

crime43

DUMAGUETE CITY — Sinasabing selos ang ugat para patayin ng isang security guard ang kalive-in matapos ang isang mainitang pagtatalo sa lungsod na ito, Huwebes ng gabi.

Bago ang trahedya ay nag-iinuman ang mag-partner hanggang humantong sa selosan ang usapan.

Ayon sa mga saksi, hindi na umano naawat ang dalawa nang kapwa mag-away nang maungkat ang usapan sa dating ka-relasyon ng biktima.

Sa gitna ng pagtatalo ay kinuha ng suspect ang service firearm at pinaputukan ang biktima. Tatlong tama ng bala sa leeg, dibdib, at likod ang tinamo nito.

Sumuko naman sa pulisya ang suspek.

Kasong homicide ang hinahanda laban sa security guard.

 

Please follow and like us:
Read More

MALL ROBBERY: SEKYU PATAY SA HOLDAPER

(NI JG TUMBADO/PHOTO BY JIMMY CARBO)

SA pagganap ng 32-anysna lalaki bilang security guard ang naging mitsa ng buhay nito nang barilin siya ng  isang holdaper sa loob ng isang mall sa San Jose Del Monte, Bulacan, nitong Martes.

Tuluyang bumulagta sa sahig at binawian ng buhay ang biktima na nakilalang si Ronnie Pascua ng Vanguard Security Agency, bunsod ng isang tama ng bala ng baril sa dibdib.

Sinabi ni San Jose del Monte City Police chief Lt. Col. Orlando Castil, hinoldap ng hindi pa tukoy na lalaki ang isang Bayad Center sa loob ng Starmall, pasado alas 2 ng hapon ng Martes.

Gayunman, sinubukan dakpin ni Pascua ang holdaper nang maharang ito hanggang sa magpambuno ang dalawa sa dalang baril ng suspek.

Pero nagawang makapiglas ng salarin sa guwardya at pinaputukan ito bago mabilis na tumakas palabas ng nabanggit na mall.

Patuloy pa na tinutugis ng pulisya ang suspek.

Please follow and like us:
Read More

BANKO HINOLDAP NG SEKYU

armed robbery12

(NI NILOU DEL CARMEN)

KALABOSO ang isang security guard matapos tangkain nitong holdapin ang kanyang binabantayang bangko sa Sta. Rosa City, Laguna, noong Lunes ng umaga.

Ayon sa report ng Sta. Rosa City police, kabubukas pa lamang ng Prestige Bank sa Barangay  Tagapo, Santa Rosa City, dakong alas 9:00 ng umaga nang magdeklara ng holdap ang guwardiya na si Romeo Dimaano Jr., 34.

Agad nitong inutusan ang teller na ilagay ang mga pera sa inilabas nitong bag.

Unang   inakala ng mga teller na nagbibiro lamang ang sekyu subalit nang itutok nito ang kanyang service fire arm ay natuklasan nilang seryoso ito.

Nalansi naman ito ng isa sa mga teller at sinabihan na lumapit sa vault dahilan para makalabas ang isa pang teller at makahingi ng tulong.

Nang dumating ang mga pulis, nakadapa na sa sahig ang suspek at nadisarmahan na rin ito ng mga empleyado ng banko.

Ayon kay Lt. Col. Eugene Orate, hepe ng Sta. Rosa police, sinabi  umano ni  Dimaano sa interogasyon na nagawa niya ang krimen dahil sa kagustuhan nitong magkapera upang maipagpagawa ng bahay ang kanyang pamilya.

 

Please follow and like us:
Read More

SEKYU NAMATAY SA MAGDAMAG NA LIGAYA

crime12

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI na nagising pa mula sa himbing ng pagkakatulog ang isang security guard  nang bangungutin sa kasarapan ng tulog katabi ang kanyang kasintahan sa loob ng boarding house nito, sa Iloilo City.

Batay sa report ng pulisya, nakita na lamang ang biktima, 34, ng Roxas City, Capiz at nanunuluyan sa Taft North, Mandurriao, Iloilo City,  na namumutla at wala nang buhay.

Kuwento ng nobya ng biktima na si Christine, bago sila matulog ay naglambingan pa sila ni Olano at wala siyang nakikitang anumang senyales na may masama itong nararamdaman.

Pagkagising niya, napansin niyang hindi gumagalaw ang biktima dahilan para kanya iton gisingin subalit, hindi na ito humihinga.

Dali-daling lumabas sa silid ang nobya at kinatok ang may-ari ng boarding house para humingi ng tulong.

Dinala sa ospital ang biktima pero idineklara na rin itong patay.

Naniwala ang pulisya na walang foul play sa nangyari at maaring binangungot ang biktima.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More