SEAMAN NILAYASAN NG MISIS, NAG-SUICIDE

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI umano matanggap ng isang seaman ang paglayas ng kanyang misis dahilan para tapusin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili, sa Camarines Sur.

Kinilala ang biktimang si Glorioso Alicaway, 57, ng Barangay Baya, Ragay Camarines Sur.

Batay sa report ng PNP-Ragay, natagpuan na lamang ng kanyang pamilya ang biktima sa loob ng bahay nito at may tama na bala mula sa .45 kalibre na baril sa dibdib.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, may problema umano ang mag-asawa kaya umalis umano ng kanilang bahay ang misis na labis na dinamdam ni Alicaway dahilan para magpakamatay ito.

Naniniwala naman ang pamilya ng biktima ng nagpakamatay ang biktima dahil sa problema sa pamilya.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabnig insidente at inaalam na rin kung totoong nagpakamatay ang biktima o kung may foul play sa nasabing insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

SEAMAN KARARATING NG NAIA ITINUMBA NG RIDING IN TANDEM

GUN FIRE-2

(NI TJ DELOS REYES)

PALAISIPAN pa sa pulisya kung ano ang motibo sa pagpatay sa isang seaman ng riding-in-tandem matapos walang habas na pagbabarilin habang nasa gasolinahan Sabado ng madaling araw sa lungsod ng Quezon.

Kinilala ang biktima na si Bethuel Amoroto, 54, nakatira sa No.001 Del Rey Aguinaldo St., Brgy. Baesa, Caloocan City.

Base  sa ulat, pasado 1:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Petron gasoline station sa kanto ng Quirino Highway at Tandang Sora Ave., Brgy. Sangandaan, QC.

Lumalabas na kararating lang ni Amorato kung saan sinundo siya sa NAIA nina Joan Romagos, Nestor Ignacio at Chickee Tan.

Nabatid na sakay ng Mitsubishi Montero ang biktima kasama ang tatlo na sumundo at habang nagpapakarga ng gasolina ay basta na lamang sumulpot ang mga suspek sakay ng motorsiklo at pinagbabaril si Amorato.

Sinubukan pang itakbo biktima sa MCU Hospital subalit idineklarang dead on arrival ito bunsod na rin ng mga tama ng bala na tinamo nito sa iba’t ibang parte ng katawan habang ang mga suspek ay mabilis na pinaharurot ang motorsiklo na hindi nagawang maplakahan.

Patuloy ang ginagawang pagsisiyasat ng mga otoridad sa pangyayari at inaalam na nila kung may CCTV sa lugar upang makilala ang mga suspek.

Please follow and like us:
Read More

SEAMAN TINADTAD SA MOTEL

(NI HARVEY PEREZ)

WALONG saksak sa katawan ang nakita sa bangkay ng isang lalaki sa isang motel sa  Sta. Mesa, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Darell Miana, 22.

Kwento ng nanay ng biktima, kinabahan siya matapos na hindi makauwi ang kanyang anak na nagpaalam lamang na pupunta sa isang kaibigan.

Kaya’t pinuntahan na niya ang bahay ng kaibigan na sinabing pupuntahan ng anak at nagulat na hindi rin umano sila nagkita nito. Pinost na rin nila ang litrato ni Darell sa mga social networking sites.

Lunes ng madaling araw nang makita ang bangkay ni Miana sa loob ng isang motel. Nakita pa sa CCTV ang pagcheck-in nito at ng kasama nitong lalaki bandang alas -11 ng gabi.

Ngunit pagkalipas ng tatlong oras na check-out time na sana nito ay isang lalaki na lamang ang lumabas. Sinita ito ng gwardiya ng motel, ngunit, dire-diretso itong umalis sakay ng motorsiklo dahilan upang i-check nila ang kwarto na pinaggalingan ito at tumambad sa kanila ang walang buhay na katawan ng biktima.

Pagnanakaw ang isa sa motibong tinitingnan ng pulisya dahil wala na ang wallet na may pera, cellphone, ATM at ang motor nito.

Blangko ang pamilya ni Miana sa pagkakakilanlan ng suspek at sa motibo ng krimen at labis ang paghihinagpis ng kanyang ina dahil pasakay na sana ng barko ang anak upang mag-seaman.

Nanawagan naman ang Manila Police District sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa salarin na nakuhanan ng CCTV.

 

Please follow and like us:
Read More

SEAMAN, BEBOT, DINUKOT; 7 ARESTADO

imus12

(NI SIGFRED ADSUARA)

NAHAHARAP sa patong-patong na kaso ang pito katao, kabilang ang tatlong babae, matapos na maaresto ng Cavite Police dahil sa pagdukot  sa isang 25-anyos na seaman at kasama nitong babae sa Imus City, Cavite.

Kasong kidnapping, paglabag sa RA 10591 at RA 9165 ang kinakaharap na kaso ng mga naarestong suspek na sina  sina Floyd Ordoñez, 36, ng Zone 1, San Agustine, Dasmariñas City, Cavite, Arwin Varrios , 35,ng  67 Manggos 1, Alfonso, Cavite., Allan Sundiam, 39,  ng 24 Arcontica Village, Dasmariñas City, Cavite,  Mark Angel Andamon, 27 , security guard ng B7, L25, ACM Homes, ANABU, 2 B, Imus Cavite, Cavite, Princess Sarmiento, 23,  ng B56, L10, Golden City, Anabu 2F, Imus City, Cavite, Princess Joy Poras, 19,  ng B188, L13, P4, Paliparan 1 Dasmarinas, Cavite Jackielou Bernal, 38 , ng 4 Arcontica Village, Dasmariñas City, Cavite dahil sa umano’y pagdukot kay Sherwin Allen Legaspi, ng   B6, L20, Pioneer Ave., Villa Isabel, Burol Main, Dasmariñas City, at  Patricia Dante, 19, ng  B-GA, L15, San Lorenzo Ruiz, Dasmariñas City.

Sa ulat ni PSSgt Mark Anthony Salvador, ng Imus City Police Station, dakong alas-4:00 Martes ng hapon nang nakatanggap ng tawag ang Imus CPS hinggil sa umano’y pagdukot sa mga biktima sa Barangay Anabu 1D, Imus City Cavite.

Agad namang nagresponde ang awtoridad kung saan naaresto ang mga suspek.

Ayon kay Sherwin, humihingi umano  ng halagang P40,000 si Ordonez  sa magulang nito kapalit ng kanyang paglaya.

Ayon din kay Patricia, nakatakas siya mula sa mga dumukot sa kanila habang ang mga ito ay tulog. Agad siyang nagsumbong  sa pinakamalapit na barangay na siyang nag-report sa pulisya at nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Nakuha sa mga suspek ang isang kalibre 45 na baril, 11 bala, isang kalibre 38 at 5 bala, 8 hinihinalang plastic sachet ng  pinatuyong marijuana , 3 sachet ng shabu, 9 na cellphones at drug paraphernalias.

Tumanggi naman si Salavador na magbigay ng  anumang detalye hinggil sa pagdukot sa seaman.

 

Please follow and like us:
Read More

SEAMAN TODAS SA VIDEOKE BAR

shooting

(NI JUN V. TRINIDAD)

INFANTA, Quezon – Isang nagbabakasyon na overseas contract worker (OFW) ang binaril at napatay sa loob ng videoke bar sa bayang ito, Sabado ng gabi dahil lang sa pagtatalo ng dalawang lasing sa mesa na pag-iinuman.

Sa report ni Chief Insp. Lowell Atienza, Infanta police chief, binaril si Christopher Espetero, 34, habang masayang nakikipag-inuman at nagkakantahan sa Sulok Resto Bar sa Barangay Comon bandang 10:15 ng gabi.

Sa imbestigasyon, unang nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang biktima at si Kenneth Avellano, 41, dahil sa pag-aagawan sa mesa na pupuwestuhan ng kani-kanilang tropa na pare-parehong lasing na nang dumating sa bar.

Nakuha ng grupo ng biktima ang pinagtalunang mesa.

“Ang balak ay kakanta lang sila at iinom pa ng konti,” ang paliwanag ni Atienza sa phone interview.

Batay sa impormasyon ng mga testigo, nagpatuloy lang ng tahimik na pag-inom ang galit na suspek dahil para siyang nabarakuhan habang ang mga kasama naman ay masayang nagkakantahan sa videoke.

Nang walang sabi-sabi ay biglang nilapitan ng suspek ang biktima at binaril ng dalawang beses gamit ang kalibe 22 na rebolber.

Tinamaan sa dibdib ang seaman at mabilis itong isinugod sa Claro M. Recto Memorial District Hospital subalit hindi na umabot ng buhay sa nasabing pagamutan.

Dinakip ng pulis ang suspek at narekober sa kanya ang baril na may tatak “Black Widow” na may laman na tatlong bala at dalawang basiyo. Nakakulong sa Infanta police jail ang suspek.

Nanlulumong nagpahayag si Atienza na nasayang ang isang buhay nang dahil lang pagtatalo ng dalawang lasing.

“At ang mas lalong malungkot nito ay dahil lang sa pag-aagawan sa bakanteng lamesang pagiinuman,” ang wika pa ng pulis

 

Please follow and like us:
Read More