30th SEA GAMES DINOMINA: 7 GOLDS HINABLOT NG PINOY BOXERS

(NINA VT ROMANO, DENNIS INIGO/PHOTO BY MJ ROMERO) KINUMPLETO ni Eumir Marcial ang dominasyon ng Pilipinas sa boxing event ng 30th Southeast Asian Games. Ito’y matapos angkinin ang ikapitong gold medal kasunod ng knockout win laban kay Nguyen Manh Cuong ng Vietnam ng kanilang welterweight bout sa PICC Forum. Bukod kay Marcial, sumuntok din ng ginto sina Carlo Paalam, Rogen Ladon, James Palicte, at Charly Suarez sa men’s division, habang sa women’s side nman sina and Josie Gabuco at world champion Nesthy Petecio ang nagdeliber. Pinaglaruan lang ni Marcia ang…

Read More

14 GINTO IBINULSA NG PH ARNIS TEAM

(NI VT ROMANO/PHOTO BY MJ ROMERO) LABINDALAWANG gold medals ang ipinangako ng Pinoy arnisadors na maibubulsa sa 30th SEA Games. Pero kahapon ay nalampasan na ang target dahil 14 ginto na ang nahakot, nang magdagdag pa ng dalawa sina Crisamuel Delfin at Mary Alin Aldeguer sa men at women’s ng anyo (form) non-traditional arnis competition sa Angeles University Foundation sa Angeles City kahapon. Nakasuot ng Igorot warrior costume ang tubong Cordillera region na si Delfin na kumulekta ng 9.87 points habang iwinawasiwas ang kanyang espada. Habang ang beterano ng Palarong…

Read More

PEKENG PSC EMPLOYEE HULI SA REKLAMO NG 6 SA ‘SEA GAMES’ 

(NI ROSE PULGAR) ISANG 48-anyos na lalaki na nagpakilalang kawani ng Philippine Sports Commission (PSC) ang naaresto makaraang tangayin ang salapi ng anim na katao na kanyang pinangakuan ng trabaho sa nagaganap na South East Asian (SEA) Games na katumbas ng malaking sahod, Martes ng hatinggabi sa Makati City. Kinilala ni Police Col. Rogelio Simon, hepe  ng Makati City Police, ang nadakip na si Rhoderick Malubago na nakatira sa no. 1224 Batangas St. Barangay San Isidro. Ayon kay Simon, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang arestuhin ng kanyang mga tauhan…

Read More

ZERO INCIDENT NAITALA SA SEA GAMES OPENING

(NI NICK ECHEVARRIA) WALANG naitalang untoward incident ang Philippine National Police (PNP) sa pagbubukas ng 30th Southeast Asian Games sa Philippine Arena sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado. Ito ang ipinahayag ni PNP Officer in Charge Lt. Gen. Archie Gamboa nitong Linggo kasabay ng pasasalamat sa ipinakitang kooperasyon ng publiko para matiyak ang tagumpay sa opening ceremony sa ng Philippine SEA Games. Sa naturang  opening ceremony, sinaksihan  ng mga manonood ang parada ng may 8, 750 mga atleta mula sa mga bansang, Brunei, Cambodia, Indonesia Laos, Malaysia Myanmar, Thailand, Leste, Singapore,…

Read More

8 GINTO SA ARNIS WAWALISIN NG PH

(NI DENNIS IÑIGO) GIGIL na ang mga mandirigmang Filipino sa arnis na hakutin ang walong nakatayang ginto sa unang araw ng kompetisyon ngayon sa Angeles University Foundation sa Pampanga. Muling ibinalik ang arnis, na kabilang sa 56 sports na paglalabanan sa 30th Southeast Asian Games. Huli itong nilaro noong 2005 Manila SEAG kung saan naging overall champion ang bansa. Makikipagsabayan ang mga atleta ng Philippine Eskrima Kali Arnis Federation (PEKAF), sa pamumuno ni Sen. Juan Miguel Zubiri, sa 8 live stick events, apat sa men’s at apat sa women’s. “Tiyak…

Read More

MAHIGPIT NA SEGURIDAD IPATUTUPAD SA MAYNILA

PNP150

(NI DAHLIA S. ANIN) SA pagbubukas ng SEA Games bukas, mahigpit na seguridad ang paiiralin ng Manila Police District sa nga venue at hotel sa Maynila kung saan idaraos ang ibang palaro. Ayon kay Lt. Col. Carlo Manuel Magno, tagapagsalita ng MPD, halos 4,000 pulis ang nakatakdang magbantay sa buong panahon na ginaganap ang SEAG. Isa na dito ang Rizal Memorial Sports Complex (RMSC), kung saan idaraos ang football. Tinatayang nasa 400 pulis ang magbabantay sa lugar para tiyakin ang seguridad ng mga delegado at atleta. Maging ang Weightlifting, Taekwondo,…

Read More

LABADAN, LALABAN SA SEAG

(NI DENNIS IÑIGO) IBIBIBIGAY ng teenage-wonder gymnasts na si Breanna Labadan ang lahat upang maisakatuparan ang pangarap na makapaglaro sa Southeast Asian Games. Kinakitaan ng malaking potensyal ang 13-anyos na si Labadan, tubong Butuan City, na ngayon ay nagpapakitang gilas sa rhythmic gymnastics. Nito lamang Nobyembre ay tatlong gintong medalya ang kinubra niya sa junior Individual All-Around titles mula sa Hungary at Denmark. Ibinulsa ng dating St. Scholastica’s College student ang titulo sa 2019 Magic Cup Rhythmic Gymnasts meet at RG Friends Masters Gymnastics meet 2019. Nakamit rin niya ang…

Read More

ESTUDYANTENG MANONOOD NANG LIVE, ILIBRE–PANELO

(NI CHRISTIAN DALE) ILIBRE o huwag nang pagbayarin ang mga estudyante na manood ng iba’t ibang games sa 2019 Southeast Asian Games. Ito ang suhestiyon ni Presidential spokesperson Salvador Panelo upang maraming estudyante ang makapanood ng kada dalawang taong biennial meet. Kung hindi papayag ang 30th SEA Games organizers, bigyan man lamang ang mga estudyante na gustong manood nang live sa iba’t ibang venues ng kahit 50% discount. “Baka pwedeng yung mga estudyante  huwag na lang pagbayarin siguro, pero yung mga may sweldo naman, eh, magbayad,” ani Panelo. Ayon pa…

Read More

PH WOMEN VOLLEY TEAMS: DO-OR-DIE EVERY GAME

(NI ANN ENCARNACION) NGAYONG araw magsisimula ang kampanya ng Philippine men at women’s team sa 30th Southeast Asian Games beach volleyball competition sa Subic Tennis Center. Pangungunahan ang women pairs nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons, at Dzi Gervacio at Floremel Rodriguez. Ang men’s team naman ay binubuo nina Edmar Bonono at Jude Garcia, at Anthony Arbasto at James Buytrago. Sinusulat ito ay hinihintay pa ang resulta ng draw na dinaluhan ng mga coach at team managers ng mga magko-compete na teams. “Bawat bansa ay mayroong isinaling 2 teams,” pagbabahagi…

Read More

TEAM ‘PINAS BA TAYO O SA TEAM TALANGKA –JIMMY BONDOC

(NI GORGY RULA) MAINIT na pinag-usapan itong pagsisimula ng SEA Games na ginaganap dito sa atin, dahil sa ilang kapalpakan na kaagad na kumakalat, pinag-uusapan at naipu-post sa social media. Ang daming puna at ang dami ring ang gagaling magbigay ng kanilang opinyon. Kaya nga panay din ang hanash ng VP for Corporate Social Responsibility Group ng PAGCOR na si Jimmy Bondoc para ipagtanggol ang humahawak nitong malaking event, lalo na ang Phisgoc o Philippine SEA Games Organizing Committee. Sabi nga niya sa kanyang Facebook account, sa Team Filipinas daw…

Read More

 PH TEAM BIKTIMA RIN NG PALPAK NA PHISGOC

(NI DENNIS IÑIGO) MAGING ang Philippine football team ay hindi napigilang magpahayag ng kanilang kalungkutan sa kapalpakan ng pamamahala sa 30th SEA Games ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) na pinamumunuan ni House Speaker Allan Peter Cayetano. Reklamo ni Philippine women’s football team coach Let Dimzon, hindi maayos at hindi napaghandaan ang kanilang accommodations para sa SEA Games, na sinang-ayunan ng coaches mula sa Malaysia, Thailand, Indonesia, Vietnam at Myanmar. Nauna nang isiniwalat sa Facebook ni Hali Long, miyembro ng Philippine women’s team, ang hindi magandang karanasan nila…

Read More

PHILIPPINE ARENA BANTAY-SARADO NA SA SEAGAMES

(NI GINA BORLONGAN) HANDANG-handa na ang libu-libong pulis at force multipliers sa opening ng 30th Southeast Asian Games o SEAGAMES  na idaraos sa Nobyembre 30 sa Philippine Arena sa Bocaue,Bulacan dahil nasuyod na ng kapulisan ang palibot ng arena mula sa mga most wanted person(MWP), tulak at adik, posibleng pagtatago ng makakaliwang pangkat at maging ang mga kolorum na pagawaan ng paputok na maaaring umagaw ng atensyon kapag aksidenteng magkaroon ng pagsabog. Mula noong Lunes ay bantay-sarado na ng 1,083 police personnel ang paligid at loob ng Philippine Arena at…

Read More

MARATHON QUEEN TABAL TUTOK SA NEW RECORD

(NI ANN ENCARNACION) NAKAPOKUS ngayon si defending Southeast Asian Games marathon queen Mary Joy Tabal na maka-back-to-back sa biennial meet na ihohost ng bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11. Si Tabal na isa rin Olympian ay puspusan ngayong nagsasanay sa ilalim ng tatlong coaches na sina John Duenas at Japanese Yuhei Sato at Akio Usami para matiyak na maipagtatanggol ang kanyang titulo sa marathon event sa 30th SEA Games. Si Duenas ang personal coach niya, habang si Sato ang head ng women’s long distance team sa Nippon Sports Science…

Read More

PADIZ BUENA-MANO SA ROOKIE OF THE YEAR AWARD

(NI DENNIS INIGO) SINUNGGABAN ng bagong badminton sensation player na si Solomon ‘Monchi’ Padiz Jr. ng National University (NU) ang kanyang buwenamanong Rookie of the Year award sa katatapos na UAAP  Season 82 Badminton Championship sa PNP Sports Center sa Camp Crame,  Quezon City. Hinataw ng 18-anyos na sports education freshman student na si  Padiz ang impresibong 13-sunod na panalo sa Team Tie preliminary round 7 sa men’s singles at 6 sa men’s doubles categories. Tinampukan ng 2018 Philippine National Games Open gold medalist na si Padiz ang pagdurog sa…

Read More

DAHIL SA BAGYONG TISOY; ILANG EVENTS SA SEA GAMES, INILIBAN

ILANG events sa Southeast Asian Games ang iniliban ngayong Martes dahil sa pananalasa ng bagyong Tisoy. Alas-11 ng umaga, ang mga sumusunod na event ay ipinagpaliban: SUBIC CLUSTER • Beach Volleyball (moved to Dec. 4) • Canoe, Kayak, Traditional Boat Race (moved to Dec. 6-8) • Muay (moved to Dec. 4-8) • Pencak Silat (moved to Dec.4) • Sailing/Windsurfing (moved to Dec. 5) • Modern Pentathlon (moved to Dec. 5) • Surfing (moved to Dec. 4) • Sepak Takraw (moved to Dec. 4) SOUTHERN LUZON CLUSTER • Underwater Hockey (moved…

Read More

ALCAZAR BAGONG PHISGOC-OIC NG SEAGAMES

(NI ANN ENCARNACION) UUPONG  Officer-In-Charge ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) si Jojit Alcazar bilang kapalit ni Chief Operating Officer (COO) Ramon ‘Tatz’ Suzara. Bago italagang bagong PHISGOC-OIC, si Alcazar ang Director for Support Services head ng naturang organizing committee. Dati siyang Chief ICT Advisor ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at Senior Manager sa Mobile Advertising ng Smart Communications, Inc. Ayon kay Alcazar, nananatili si Suzara na COO at nasa official leave lang habang naghahanda ang bansa para sa paghohost sa 30th Southeast Asian Games sa…

Read More

TEST EVENT SA 6 GAMES  

seagames12

(NI ANN ENCARNACION) ANIM sa kabuuang 56 sports sa ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games ang magsasagawa ng test event bilang bahagi ng paghahanda sa naturang biennial meet na iho-host ng bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11. Napag-alaman sa naganap na Chef de Mission (CDM) Consultative Meeting na ang mga sport na magsasagawa ng test event ay ang volleyball, petanque, athletics, aquatics at ang kapwa isasagawa sa unang pagkakataon sa SEA Games na modern pentathlon at electronic sports o eSports. Pinakaunang magsasagawa ng pre-SEA Games event ang Larong Volleyball…

Read More

HALOS 15-K PULIS ITATALAGA NG NCRPO SA SEAGAMES 

(NI ROSE PULGAR) NASA 14,800 unipormadong pulis ang itatalaga ng National Capital Region Police (NCRPO) para magbigay ng seguridad sa gaganapaing ika-30 Southeast Asian Games na iho-host ng Pilipinas ngayong taon. Ayon kay NCRPO Director Police Maj. Gen Guillermo Eleazar,  nasa 12 sa 22 sports venue na tinukoy ng Philippines SEAG Organizing Committee na gagamitin ay nasa Metro Manila. Sinabi ni Eleazar, handa na rin ang lahat ng venues maging ang seguridad na ilalatag sa lahat ng venues. Aniya, ang mga Chief of Police at Station Commanders na nagsagawa na ng…

Read More

PHL KARATEKAS SASABAK SA TURKEY

(NI ANN ENCARNACION) MAGSASANAY at lalahok sa ilang tournament sa Turkey ang national karatekas bilang paghahanda na rin sa pagsabak nila sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 20 hanggang Disyembre 11. Makakasama sa pambansang Karatedo team ang anak ng tinaguriang ‘Skywalker’ ng PBA na si Avelino “Samboy” Lim na si Jaimee Lim. Ayon kay Karate Pilipinas Inc. president Ricky Lim, naisumite na nila sa Team Pilipinas secretariat ang listahan ng koponan na lalaban sa Kata at Sparring na gaganapin sa World Trade Center at kabilang nga dito si Jaimee. “She…

Read More