ORDER OF LAPU-LAPU AWARD IGINAWAD SA PINOY ATHLETES

(NI ANN ENCARNACION)

DAHIL sa tagumpay sa nagdaang 30th Southeast Asian Games, iginawad sa mga Filipinong atleta ang Order of Lapulapu.

Mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at si Team Philippines Chef de Mission at Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez ang nagkaloob ng pambihirang award para sa mga atletang nakatulong upang tanghaling overall champion ang bansa sa katatapos lang na SEA Games.

Mahigit 600 medallists sa SEAG ang nagtungo sa Malakanyang para sa awarding of incentives at Order of Lapulapu, ang pinakamataas na karangalan na ibinibigay lamang sa mga natatanging personalidad.

Dumalo rin sa naturang okasyon sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Philippine Olympic Committee President Cong Bambol Tolentino, Philippine SEAG Organizing Committee Chairman at Speaker Alan Peter Cayetano, Commissioners Celia Kiram, Arnold Agustin, Charles Maxey, at mga pinuno ng iba’t ibang national sports associations.

Base sa batas, pagkakalooban ang gold medalists ng P300,000, P150,000 sa naka-silver at P60,000 para sa mga bronze medallist.

Kabuuang P79 million ang naipamahagi sa lahat ng Pinoy athletes na nanalo ng medalya sa 30th SEAG.

Please follow and like us:
Read More

PSC DISMAYADO SA MAHINANG PROMOSYON NG 30TH SEAG

psc21

(NI ANN ENCARNACION)

DISMAYADO si Philippine Sports Commission (PSC) chairman at Team Pilipinas chef de Mission William “Butch” Ramirez sa kawalan ng promotional materials, visual advertisement at information campaigns tungkol sa 30th South East Asian Games.
Kaya’t nais ni Ramirez na gamitin ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) Foundation Inc. ang natitirang apat na buwan bago ang SEAG, sa pagpopromote sa kada dalawang taong torneo na ihohost ng bansa sa ikaapat na pagkakataon.
“We would like to see signs on all venues, competition and non-competition, that this is the place where the game is to be played immediately,” ani Ramirez matapos pirmahan ang Tripartite Agreement kasama ang Philippine Olympic Committee (POC) at PHISGOC Foundation Inc.
“Matagal na natin gustong palagyan ng mga promotional materials like sa mga airports, along our roads and streets. There should be tarpaulins to create awareness that these are venues where the sport is being played hindi lang sa Subic and Clark,” sabi ni Ramirez.
Isasagawa ang 530 events sa 56 sports sa 44 na lugar sa Subic, Clark, Tarlac, Manila, Tagaytay, Batangas at Laguna.
Hangad ni Ramirez na higitan pa ang nagawa ng bansa sa mga naunang paghohost nito sa SEAG noong 1981, 1991 at 2005.
Nakatakdang magsama-sama sa Pilipinas para sa 30th SEA Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 ang kabuuang 9840 atleta mula sa 11 Southeast Asian countries para sa kada dalawang taong torneo.

Please follow and like us:
Read More

GULO SA POC RERESOLBAHIN NI VARGAS

vargas12

(NI ANNE ENCARCACION)

HIHILUTIN ni Philippine Olympic Committee (POC) president Ricky Vargas ang hidwaan sa mayoryang miyembro ng 12-kataong POC Executive Board sa nakatakdang expanded board meeting sa Huwebes, Hunyo 13, sa POC office sa Philsports Complex sa Pasig City.

Layon ni Vargas na mahilom ang sugat bunsod nang naganap na reorganisasyon sa mga miyembro ng POC Executive Board pati na rin ang ilang namumuno sa mga komite.

Umaasa si Vargas na matapos ang nakatakdang board meeting ay magkakaisa na ang lahat para sa tagumpay ng 30th Sutheast Asian Games hosting ng bansa mula Nobyermbre hanggang Disyembre ngayong taon.

Umaasa ang mga miyembro ng POC Executive Board na mapaplantsa na ang gusot sa paghohost ng bansa sa SEAG at maging ang mga bumubuo sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).

Ilan sa mga isyung gusto nilang mabigyan ng linaw ay tungkol sa uniporme ng pambansang koponan at pag-aalis sa mga dating itinakdang responsibilidad ng mga miyembro.

 

Please follow and like us:
Read More

PINOY WUSHU ATHLETES SA SEAG NAGKAKASAKIT

wushuseag12

(NI ANNE ENCARNACION)

ILANG buwan bago isagawa ang paghohost ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games ay maraming problema pa rin, ang pinakahuli ay ang pagkakasakit ng Wushu national athletes.

Nagkakasakit at nagkakahawahan pa ang mga miyembro ng Wushu Federation of the Philippines dahil sa kaawa-awang kundisyon bunga ng pagsisiksikan sa isang maliit at mainit na lugar, ayon kay WFP national coach Samson Co.

Hinaing pa ni Co, hindi nakakapag-ensayo ng maayos ang mga atleta sa Sanda at Taolu dahilan sa hindi pa nasisimulan ang pagkukumpuni sa lugar na pinag-eensayuhan nila sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex.

“Last December ay pinaalis nila kami for repair and renovation daw na six months ang target as per operations. But up to now, pininturahan nila ang mga rooms ng mga athletes pero hindi pa rin nila pinapabalik. And also yung training and competition areas namin, kulang na nga ng isang lane, nagsasanay pa ang mga atleta sa hindi conform sa sukat ng competition area,” dagdag niya.

Ikinababahala ni Co na sa natitirang anim na buwan bago ang SEAG ay hindi pa rin nakapageensayo ng maayos ang mga atleta bunga ng nakatambak na mga materyales para sa pagkukumpuni, at wala rin silang international tournament exposure hanggang sa ngayon.

“Pinahanap nila kami ng lugar na matitirhan para sa mga pambansang atleta pero hanggang sa pinaalis na lamang kami ng may-ari ng bahay dahil hindi namin nababayaran ay hindi pa rin kami nakakatanggap ng anumang tulong,” sabi ni Co. “Pinahanap din nila kami ng training venue…Request namin sana dito sa Ninoy Aquino Stadium o kaya sa Rizal Sports Complex pero di daw pwede dahil aayusin din ang dalawang venue.”

Pinakamatinding reklamo ng WFP coach ay ang pagkakasakit ng mga atleta dahil sa pagsisiksikan ng lima hanggang walo sa isang maliit na kuwarto na walang aircon at sobrang init, sanhi upang magkaroon ang karamihan sa kanila ng skin disease at ubo at sipon.

Please follow and like us:
Read More