CARRASCO ‘DI PA LUSOT SA GUSOT NG SEA GAMES

(NI DENNIS IÑIGO) NAGTAPOS na ang kontrata ni executive director  Tom Carrasco sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc). Ngunit hindi ang mga usapin kaugnay sa mga samu’t saring isyu patungkol sa mga kontrobersya sa nakaraang 30th Southeast Asian Games na patuloy na naghihintay ng kasagutan. Tuluyang nagsara ang pintuan ng Phisgoc kay Carrasco, isa sa mga pangunahing personalidad ng organizing committee ng SEA Games, noong Disyembre 31, 2019. Sa kabila ng tagumpay ng Filipino athletes at muling pagiging overall champion ng bansa sa SEAG, patuloy na kinukwestyon ng…

Read More

SUNDALONG ATLETA PINAPURIHAN NG AFP

(NI AMIHAN SABILLO) PINAPURIHAN at pinasalamatan ng Armed Forces (AFP) ang lahat ng sundalong atleta na nakilahok sa Southeast Asian Games na pormal na nagwakas Miyerkoles ng gabi sa isang engrandeng seremonya sa New Clark City sa Tarlac. Ayon kay AFP Spokesperson B. Gen. Edgard Arevalo na ipinaabot ni AFP Chief of Staff Gen. Noel Clement ang kanyang pagbati sa 127 sundalong atleta na nagbigay ng karangalan hindi lang sa AFP, kundi sa buong bansa sa kanilang mahusay na performance sa palaro. Sinabi pa ni Arevalo, 27 ginto, 13 silver…

Read More

EROPLANO NAAKSIDENTE; VIETNAMESE ATHLETES STRANDED SA NAIA

naia3

(NI FROILAN MORALLOS) NA-STRANDED sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga atleta ng Vietnam makaraang magkaroon ng sira ang kanilang sinasakayn na eroplano na maghahatid sa mga ito pauwi ng Vietnam. Ayon sa report, paalis kanina sa NAIA terminal 1 ang Vietnamese Airlines flight HVN9654 kung saan lulan ang mga atleta ng Vietnam nang masira ang kaliwang bahagi ng leading edge pakpak ng eroplano makaraang tumama ang gilid sa passengers loading bridge. Dahilan ito upang pigilin o hindi payagan makalipad ang flight sa piniiral na regulasyon ng NAIA. Kinailangang…

Read More

PINOY KICKBOXERS, WAGI NG ISANG GINTO AT 2 SILVER SA SEA GAMES

SKP-3

TINUPAD ng Pinoy kickboxers ang pangako na makapag-aambag ng medalya sa Team Philippines sa nasungkit na isang ginto at dalawang silver Lunes ng gabi sa unang araw ng final round sa kickboxing event ng 30th Southeast Asian Games sa Cuneta Astrodome sa Pasay City. Dumagundong ang hiyawan ng crowd na walang humpay ang pagsuporta sa Nationals matapos makamit ni Jerry Olsim ang unang gintong medalya para sa Team Philippines sa martial arts discipline na kauna-unahang nilaro sa biennial meet. Ginapi ng pambato ng Benguet ang karibal na si Klinming Sarayut…

Read More

DAHIL SA BAGYONG TISOY; ILANG EVENTS SA SEA GAMES, INILIBAN

ILANG events sa Southeast Asian Games ang iniliban ngayong Martes dahil sa pananalasa ng bagyong Tisoy. Alas-11 ng umaga, ang mga sumusunod na event ay ipinagpaliban: SUBIC CLUSTER • Beach Volleyball (moved to Dec. 4) • Canoe, Kayak, Traditional Boat Race (moved to Dec. 6-8) • Muay (moved to Dec. 4-8) • Pencak Silat (moved to Dec.4) • Sailing/Windsurfing (moved to Dec. 5) • Modern Pentathlon (moved to Dec. 5) • Surfing (moved to Dec. 4) • Sepak Takraw (moved to Dec. 4) SOUTHERN LUZON CLUSTER • Underwater Hockey (moved…

Read More

SAN JUAN ARENA KINORDON NA NG PNP

(NI MAC CABREROS) MAHIGPIT na pagbabantay ang inilatag ng San Juan City Police sa FilOil Flying V Centre para sa pagsasagawa ng anim na events ng eSports sa 30th Southeast Asian Games. Sa panayam ng media sa induction ng mga opisyal ng PaMaMaRIZSan Press Corps sa Café Laudico Guevarra, sinabi ni Col. Jaime Santos, hepe ng San Juan City Police, na abot sa 100 pulis ang ikakalat nila sa bisinidad ng FilOil Flying V Centre para mangasiwa sa seguridad at kaligtasan ng mga manlalaro, kasama na rin ang maayos na…

Read More

MEAL, LOAD ALLOWANCE DAGDAG BENEPISYO SA PULIS NG SEA GAMES

PULIS-8

(NI LYSSA VILLAROMAN) IPINAHAYAG ni National Capital Region Police Office chief, Brigadier Debold Sinas na makatatanggap ng allowance ang mga pulis na nakatalaga sa 30th Southeast Asian Games. “Lahat ‘yan sa first pa lang na deployment, you receive P500 saka P100, for the allowance and cellphone load tapos daily mayroon pa ‘yang pagkain, P100 per meal—three times po ‘yan,” ayon kay Sinas. Sinabi ni Sinas na dalawang shift ang kanilang isasagawa bilang bahagi ng security measure ng SEA games. “Maski sa gabi ka naka-shift, mayroon kang allowance na P300,” ayon kay…

Read More

EDSA IWASAN MUNA SA PAGBUBUKAS NG SEA GAMES — MMDA

traffic edsa12

(NI LYSSA VILLAROMAN) INABISUHAN ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang lahat ng motorista na iwasan ang EDSA mula 12:00 ng tanghali hangang 5 ng hapon sa pagbubukas ng 30th Southeast Asian Games. Ayon kay MMDA EDSA traffic czar, Bong Nebrija, inaasahan na nila ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga naturang oras dahil sa isasagawa nilang stop-and-go scheme upang bigyan ng prayoridad ang mga bus na magdadala sa mga atleta sa Philippine Arena sa Bocuae, Bulacan. Ang mga bus ng mga delagado ay dadaan sa yellow lane dahil ang…

Read More

MGA DAPAT BANTAYAN SA SEA GAMES

SEA GAMES-2

Kilala na ng karamihan sa mga sports fans ang mga tulad nina weightlifter Hidilyn Diaz, gymnast Carlos Yulo, boxing champion Nesthy Petecio at syempre ang buong Gilas Pilipinas team na maglalaro sa paparating na Southeast Asian Games. Hindi lang dahil sa kanilang international success ang dahilan kung bakit nakilala ang mga pangalang nabanggit kungdi dahil na din sa tuloy-tuloy na exposure na nakukuha ng mga ito sa media. Sa 30th SEA Games na sisimulan bukas, inaasahan na mas maraming atleta ang mabibigyan ng magandang exposure at makilala ang kanilang mga…

Read More

BRIBERY SA MEDIA: CAYETANO BINIRA NG FOCAP

BINATIKOS ng foreign correspondents sa Pilipinas ang bribery claims sa mga media ni Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) head at House Speaker Allan Peter Cayetano. Sa statement ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP), sinabi nito: “Independent journalists report problems and issues imbued with public interest as they happen and become evident and do not delay the time to press for accountability. We report defeats and victories, failures and triumphs.” Hindi umano katanggap-tanggap ang akusasyon ni Cayetano na nabayaran sila para magpalabas ng malisyosong mga balita. “Such…

Read More

WATER POLO, FLOOR BALL, FOOTBALL, NETBALL: PH ATHLETES MAY LABAN

(NI ANN ENCARNACION) AGAD mapapasabak sa aksyon ang Philippine men’s water polo team kontra Indonesia sa 2019 Southeast Asian Games na gaganapin sa bagong gawang New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac. Kagagaling lang ng national team mula sa FINA Olympic qualifying event sa Singapore at mapapalaban agad sa matindi nitong karibal na Indonesia sa alas-7 ng gabi. Bukas naman ng alas-10 ng umaga nakaiskedyul ang laban ng Philippine women’s team kontra powerhouse Singapore. Magtatapatan naman sa ikalawang araw ng kompetisyon ang Pilipinas at Thailand sa floorball sa U.P.…

Read More

DAGDAG 3,000 PULIS-MAYNILA ITATALAGA SA SEA GAMES

PNP150

(NI RENE CRISOSTOMO) DAGDAG na 3,000 miyembro ng Manila Police District (MPD), ang nakatakdang ikalat sa mga pagdarausan ng SEA Games bago mag-Nobyembre 30. Ayon kay District  Director P/ Brigadier Geneneral Bernabe Balba ng MPD , bilang pagbibigay ng seguridad sa mga atleta at manonood ng SEA Games nasa 3,000 ang idinagdag na kapulisan ng Maynila. Nabatid kay Balba, hindi pa kasama rito ang mga pulis sa Region 4-A na pagdarausan din ng palaro at sa Clark. Napag – alaman pa kay Balba na kabilang ang Rizal Stadium sa Malate…

Read More

13 GINTO ASAN NG PH DANCESPORTS

(NI ANN ENCARNACION) KUMPIYANSA ang danceports association na kaya nilang walisin ang lahat ng nakatayang gintong medalya sa paghohost ng bansa sa ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games na magsisimula sa Nobyembre 30. Inaasahan ang dancesport ang magiging isa sa mga minahan ng ginto ng Pilipinas na tangkang masungkit ang pangkalahatang kampeonato (sa ikalawang pagkakataon) sa ikaapat na beses na paghohost ng bansa sa multi-sports tournament na magsisimula sa Disyembre 1 hanggang 11. Ipinahayag ni Dancesport Council of the Philippines president Becky Garcia ang kanilang hangarin na hakutin ang ginto…

Read More

30th SEA GAMES: SIMULA NA NG TOTAL GUN BAN

guns

(NI JESSE KABEL) SIMULA bukas (Nobyembre 20) ay mahigpit nang ipatutupad ng Philippine National Police ang total gun ban sa apat na rehiyon sa Luzon kaugnay sa seguridad na inilalatag para sa idaraos na 30th Southeast Asian Games. Bahagi ng security blanket na inilatag ng PNP at maging ng Armed Forces of the Philippine ang pagpapairal  ng gun ban sa mga lugar na pagdarausan ng kada dalawang taon na biennial meet. Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, iiral ang total gun ban partikular sa Region 4A o CALABARZON…

Read More

“ATTRACTION” NG SEA GAMES

seagames12

 SA darating na Southeast Asian Games, kung ikaw ay atleta at hindi basketball, boxing, football o volleyball ang sport mo, malamang ay hindi ka mabigyan ng sapat na pansin. Alam naman natin lahat na established na ang apat na sports sa Pilipinas dahil ito ang mga paboritong panoorin o laruin ng Pinoy. Ngunit ngayong SEA Games, pagkakataon na para maipakilala sa mga Pinoy sports fans ang iba pang games sa biennial meet. Aminin man natin o hindi, may mga sports na imbes na ang laro ang sundan nga mga fans,…

Read More

YULO SASABAK AGAD SA UNANG GINTO

(NI ANN ENCARNACION) MANGUNGUNA si Tokyo-Olympics bound Carlos Edriel Yulo sa mga batang miyembro ng  Philippine Skating Union (PSU) sa kampanya ng bansa na maghakot ng ginto, isang araw bago ang pormal na pagbubukas ng 30th Southeast Asian Games sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan sa Nobyembre 30. Agad sisimulan ang dalawang qualifying event sa figure skating Senior Ladies-Short Program na susundan ng Senior Men-Short Program sa Nobyembre 29, sa SM Megamall sa Mandaluyong City. Unang paglalabanan sa Short Program para sa mga uusad sa susunod na kategorya na free…

Read More

159 GINTO HAHAKUTIN SA 30TH SEA GAMES

(NI ANN ENCARNACION) KUMPIYANSA si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino na makakaya ng bawat isang National Sports Association (NSAs) na tuparin ang kanilang medal projection sa isinagawang executive board meeting ng asosasyon noong Biyernes sa Conrad Hotel sa Pasay. Umabot sa kabuuang 159 gold medals ang inaasahang maisusukbit ng lahat ng miyembro ng Team Pilipinas na sasabak sa 30th Southeast Asian Games base na rin sa ipinangako ng bawat National Sports Association na nagsidalo sa final coordination meeting noong Huwebes sa Century Park Hotel sa Manila. May…

Read More

PAGDARAUSAN NG SEAG, BITIN

(NI LOUIS AQUINO) NASA 80% pa lamang ang kabuuang natatapos sa konstruksyon ng Ninoy Aquino Stadium na isa sa venues sa 30th Southeast Asian Games na iho-host ng bansa sa Nobyembre 30-Disyembre 11. Paliwanag ni Philippine Sports Commission Commissioner Celia Kiram, kaya naman tapusin ang gusali bago ang SEA Games. Patuloy pa rin ang renovation ng Rizal Memorial Football Stadium para sa tennis facilities, habang malaki-laki pa ang aayusin sa Rizal Memorial Sports Complex na magiging venue ng taekwondo at weight lifting events. Samantala, sinabi ni PSC Chairman Butch Ramirez…

Read More

SEA GAMES SQUASH ETSAPWERA SA RMSC

SA Manila Polo Club na gagawin ang 30th SEA Games squash dahil hindi matatapo ang building na inilaan para dito sa ginagawa pa rin Rizal Memorial Sports Complex. Iginiit ni Philippine Sports Commission commissioner Celia Kiram, ang building sa pagitan ng Rizal Memorial Stadium at Ninoy Aquino Stadium ay matatapos naman bago ang SEA Games ngunit ang flooring at equipment na magmumula pa sa Germany ay walang katiyakan na darating sa tamang oras. “Definitely matatapos yung building but yung ilalatag nila na special flooring, manggagaling yun sa Germany, baka hindi…

Read More

POLO GAMES MAPANONOOD VIA STREAMING

LAHAT ng polo matches sa 30th Southeast Asian Games ay mapanonood nang live via streaming, ayon sa Philippine National Federation of Polo Players (PNFPP). Kaya’t mae-enjoy ng participants, officials at special guests, kabilang ang royalties at top government officials ng mga bansang Brunei, Malaysia, at Indonesia, ang free Wi-Fi sa polo competition na gaganapin sa Miguel Romero Field in Calatagan, Batangas. Gaganapin sa bansa ang biennial meet sa November 30 hanggang December 11 ngunit ang polo competition ay magsisimula sa November 24 kung saan 200 ‘prized horses’ ang darating. Nakipagpartner…

Read More

30th SEAG VENUES AABOT- RAMIREZ

poc

(NI ANN ENCARNACION) KUMPIYANSA si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez na makukumpleto ang mga isinasagawang konstruksiyon at pagrerepair sa iba’t ibang pasilidad sa 84-taon Rizal Memorial Sports Complex pati na rin sa iba pang pasilidad tulad ng Ninoy Aquino Stadium at Philippine Sports Arena. “Our target completion time and date is set at October 30,” pahayag ni Ramirez, patungkol sa mga ginagawang pasilidad na pagdarausan ng ilang sports events sa darating na 30th Southeast Asian Games na ihohost ng bansa sa Nobyembre 30-Disyembre 11. “Umaasa kami na…

Read More

BOLICK, PEREZ BABAWI SA SEAG

(NI ANN ENCARNACION) MOVED on na sina Robert Bolick at CJ Perez sa masaklap na kabiguan ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup kaya naman pipilitin nilang maibangon ang dangal sa 3×3 basketball sa darating na 30th Southeast Asian Games. Balewala kay Bolick anuman ang disiplina niyang lalaruin basta makapagsilbi sa bansa bilang kinatawan nito. “Kahit saan basta i-represent mo lang yung country ok na ako run. Basta kahit saan, huwag lang sa volleyball. Hind naman ako volleyball player, e,” ani Bolick. Isa ang NorthPort rookie sa anim na players…

Read More

SEA GAMES EQUIPMENT PARATING NA — RAMIREZ

poc

(NI ANN ENCARNACION) GABI at araw na ginagawa ng Philippine Sports Commission (PSC) ang lahat ng paraan upang masiguro na darating sa takdang oras ang lahat ng gagamiting sports equipment para sa ika-30 edisyon ng Southest Asian Games. Inihayag ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez na nagkausap ang task force na binubuo ng representante mula Philippine Olympic Committee (POC), Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) at pinamumunuan niyang PSC, kabilang ang iba’t ibang national sports associations (NSAs), para mapabilis ang proseso sa pagkuha ng lahat ng sports equipment para…

Read More

30th SEA GAMES; PHL BOXING TEAM, KASADO NA

(NI DENNIS INIGO) INIHAYAG ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) ang komposisyon ng Philippine team na makikipagbakbakan sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11. Mangunguna sa contingent si World Championship at 2-time SEA Games gold medalist Eumir Felix Marcial (middleweight, 75 kg). Napasakamay ng 23-anyos na airman ang ikalawang ranking sa World Championships na ginanap sa Ekaterinburg, Russia mid-September, ngayong taon. Nakalinya din sa Philippine team sina Carlo Paalam (light flyweight, 49 kg), Rogen Ladon (flyweight, 52 kg), Ian Clark Bautista (bantamweight, 56…

Read More