TSUPER NG JEEP PATAY SA AKSIDENTE

accident12

(NI JUN V. TRINIDAD)

SARIAYA, Quezon – Todas ang isang tsuper ng pribadong jeep matapos sumalpok ang kanyang sasakyan sa isang trak sa bayang ito araw ng Huwebes.

Sa spot report ng Sariaya police station, minamaneho ni Leondrino Calizo, 61, ang isang Mitsubishi Fuso Wrangler nang aksidente niyang mabangga ang kasalubong na Isuzu truck wing van sa isang bahagi ng Maharlika Highway sakop ng Barangay Poblacion 1, dakong alas-12:15 ng hatinggabi ng Huwebes.

Agad dumalo ang mga rescuers mula sa lokal na pamahalaan at isinugod si Calizo sa Greg Hospital sa kabayanan subalit hindi na ito umabot nang buhay sa nasabing pagamutan sanhi ng grabeng pinsala sa kanyang katawan.

Halos hindi naman nasaktan ang tsuper ng trak na si Jayson Zamora.

Inaalam pa ng pulisya ang tunay na dahilan kung bakit sumalpok ang jeep sa kasalubong na trak.

 

Please follow and like us:
Read More

CARRANZA ‘DI PAPATULAN ANG GALIT NI MAYOR

saraiaya12

(NI JUN V. TRINIDAD)

LUCENA CITY – Inunawa ni Chief Supt. Edward Carranza, Calabarzon police regional director, ang silakbo ng galit ni Sariaya Mayor Marcelo Gayeta matapos nitong hilinging sibakin sa tungkulin ang mga opisyal na hinala nitong nagkakanlong sa mga pulis na pumatay sa kanyang anak.

“Galit lang yun. Silakbo lang yun ng kanyang emosyon. Hindi ko na sasalubungin yun para makipag-away sa kanya,” ito ang pahayag ni Carranza sa phone interview ng Diaryo Bomba Huwebes ng hapon.

Ngunit binigyang-diin ni Carranza na hindi itinatago ng mga pulis ang mga suspek.

“Anumang araw ay mahuhuli na namin sila,” pagtitiyak ni Carranza.

Subali’t nagpahayag pa rin ng pagkagulat ang opisyal sa hinihingi ni Gayeta na magbitiw siya at si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde  sa tungkulin dahil sa umano’y kawalan nila ng kontrol sa mga pulis na nagtatago sa mga hinihinalang pumaslang sa anak ni mayor na si Christian Gayeta at Christopher Manalo noong Marso 14 sa Tayabas City.

“Maayos naman ang usap namin ni Mayor nang pumunta kami. Tiniyak ko sa kanya na ginagawa namin ang lahat para malutas ang krimen,” ani Carranza.

Si Carranza, kasama si Supt. Robert Arguelles, ang bagong Quezon police director, ay personal na nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa pamilya Gayeta noong Martes.

Ilang oras bago ilibing ang kanyang anak ay nagpahayag si Gayeta ng matinding pagkadismaya sa hindi pa pagkakadakip sa mga suspek sa krimen.

Inakusahan niya si Albayalde at Carranza na kinukunsinti umano ang mga pulis na nagtatago sa mga suspek kaya hinihiningi niya ang pagbibitiw sa tungkulin ng dalawang opisyal.

“Kung hindi ninyo kayang pasunurin ang kapulisan, dapat ay umalis na rin kayo sa pusisyon ninyo. Hinahamon ko kayo. Ilabas ninyo at wag ninyong kunsintihin ang mga tao ninyo,” sabi ni Gayeta bago ilibing ang kanyang anak nitong Huwebes.

Hinahanting ng mga awtoridad si Supt. Mark Joseph Laygo, ang nawawalang dating hepe ng pulisya sa Tayabas City para humarap sa imbestigasyon kaugnay sa kontrobersyal na pagkakapaslang sa dalawang biktima.

Si Laygo at ilan sa mga kasapi ng Tayabas police station ay hinihinalang may kakagawan sa pagkamatay ni Gayeta at Manalo sa umano’y rubout sa mga biktima. Ayon kay Dominador Villanueva, agent-in-charge ng National Bureau of Investigation (NBI)-Lucena district office: “Walang encounter o shootout na naganap. Ang mga biktima ay pinatay mismo ng mga pulis.”

Apat sa mga kasangkot na pulis ang humarap na sa NBI at nagbigay na nang kanilang salaysay na nagpapatunay na walang naganap na engkuwentro.

 

 

Please follow and like us:
Read More

PAMILYA NIRATRAT SA KUBO

gun6

(NI JUN V. TRINIDAD)

SARIAYA, Quezon – Sugatan ngunit nakaligtas ang buong pamilya sa tangkang pagpatay sa bayang ito noong Martes ng gabi.

Nag-uusap sa loob ng kanilang kubo sa Barangay Guisguis dakong 7:30 ng gabi si Manuel Manese, 39, at ang asawang si Annalisa, 39, samantalang natutulog naman ang kanilang anak na si Anthony, 2, nang biglang ratratin ang kanilang bahay na nasa liblib na lugar ng barangay, ayon sa report ni Supt. Julio Go, Sariaya police chief.

Tinamaan si Manuel sa kanyang tiyan at kaliwang kamay samantalang ang asawa naman ay may tama rin ng bala sa kaliwang paa. Ang maliit na anak ay nahagip din ng bala sa kaliwang kamay.

Dinala ang mga biktima sa Quezon Medical Center sa Lucena City ng kanilang mga kapitbahay na nakadinig sa putukan.

Narekober ng mga imbestigador ang apat na basyo ng bala mula sa kalibre .45 sa labas ng kubo.

Batay sa panimulang imbestigasyon, niliwanag ni Go na hindi nila itinuturing na nabigong masaker ang krimen.

“Ang target lang ay ang lalaki. Parang dahil sa personal na alitan,” ang paliwanag ni Go. Ang asawa at ang anak ay nadamay lang daw.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya.

Please follow and like us:
Read More