2 LOLO NIRATRAT,1 PATAY

crime43

(NI NILOU DEL CARMEN)

NAPATAY ang isang senior citizen matapos pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek habang kakwentuhan ang isa pang lolo sa waiting shed sa San Pablo City, Martes ng umaga.

Agad nasawi ang biktimang si Solpicio Barcenas, 65, matapos magtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan, samantalang sugatan naman ang  kakwentuhan nito na si Rogelio Sanchez Caro, 78.

Batay sa report ng San Pablo city police, nagkukuwentuhan ang dalawang biktima dakong alas 8:00 ng umaga sa waiting shed ng Barangay  Santiago 2 nang biglang  huminto ang isang motorsiklo sakay ang  magkaangkas  na lalaki.

Agad bumunot ng maiksing baril ang backrider at pinaulalan ng bala ang dalawang matanda.

Mabilis ding umalis ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, wala silang alam na  kaaway ang biktima at nakasanayan lamang nito na lumabas at makipagkwentuhan sa mga kaibigan tuwing umaga.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis sa pangyayari.

Please follow and like us:
Read More

NEGOSYANTE BINARIL SA ULO

crime100

(NI NILOU DEL CARMEN)

ISANG  tama ng bala sa ulo ng kalibre 45 baril ang kumitil sa buhay ng isang negosyante na binaril ng isang nagkunwaring kostumer sa loob ng kanyang spare parts shop sa San Pablo City, Laguna kamakalawa.

Nasawi bago pa man idating sa ospital ang biktimang si   Roy Bryan Dimatulac y Alvero, 28, residente ng Terrace Subdivision, Brgy San Francisco, San Pablo City.

Batay sa imbestigasyon ng San Pablo City police nasa loob ng kanyang RBD motorcycle parts and accessories shop ang biktima dakong alas 10:00 ng umaga nang dumating ang suspek na sakay ng motorsiklo.

Tumingin-tingin muna ito sa mga tindang spart parts ng motorsiklo subalit nang lumapit ang walang kamalay-malay na biktima ay bigla na lamang itong nagbunot ng baril at ipinutok sa mukha ng biktima.

Kaswal na lumabas ng tindahan ang suspek na sumakay sa kanyang motorsiklo at saka humarurot papalayo.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis at inaalam kung ano ang motibo sa krimen at kung sino ang salarin.

Please follow and like us:
Read More

BEBOT BINIGTI NG KUMOT

san pablo

(NI NILOU DEL CARMEN)

WALA nang buhay nang matagpuan ang isang 26-anyos na dalaga  na hinihinalang pinatay ng hindi nakilalang salarin sa San Pablo City,  Laguna Lunes ng umaga.

Nakabulagta sa salas ng kanyang bahay sa Barangay Sta.Isabel nang matagpuan ng mga kaanak ang bangkay ng biktimang si Leslie Santos, distributor ng isang herbal product.

Base sa imbestigasyon, naiwan pang nakatali ang kumot sa leeg ng dalaga na siyang dahilan umano ng pagkamatay nito. Gayunman, walang nakikitang puwersahang pagpasok sa bahay nito.

Wala ring palantandaan na nagkaroon ng kaguluhan sa crime scene.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam kung sino ang may kagagawan sa pagkamatay ng dalaga.

Please follow and like us:
Read More

TULAK NA NAKA UZI, TODAS SA BUY-BUST

uzi16

(NI NILOU DEL CARMEN)

ARMADO ng malalakas na kalibre ng baril, dalawang umano ay tulak ng droga ang nakipagbarilan sa mga pulis na ikinasawi ng isa sa mga ito sa buy bust operation sa Barangay Sta. Isabel, San Pablo City, Biyernes ng gabi.

Dead-on-the-spot ang isa sa mga suspek na nakilalang si Gilbert Flores matapos mapuruhan ng mga gumanting pulis.

Nakatakas naman sakay sa motoriklo ang isa pang suspek na si Redentor Vergara.

Batay sa mbestiagasyon ng San Pablo City police, isinagawa ang operation laban sa dalawa dakong alas 6:30 ng gabi at nakabili ng isang sachet ng shabu ang poseur buyer buhat sa mga ito.

Subalit nakatunog sa patibong ang dalawa at pinaputukan ang mga operatiba gamit ang uzi submachinegun rifle at kalibre .45 baril.

Napilitang barilin ng mga pulis ang mga suspek.

Please follow and like us:
Read More

BEAUTICIAN BINURDAHAN NG SAKSAK NG EX- PARTNER

beautician

(NI NILOU DEL CARMEN)

PINAGSASAKSAK hanggang sa mapatay ng isang lalaki ang kanyang dating live-in partner sa San Pablo City Sabado ng gabi.

Kinilala ng San Pablo police ang biktima na si Sabrina Ojeda, 56, residente ng Barangay Santiago Uno.

Agad nasawi ang biktima matapos tadtarin ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa imbestigasyon ng San Pablo City police, pauwi na sa kanyang bahay ang biktima galing sa trabaho nang abangan ito ng suspek na si Pablito De Villa at pagsasaksakin dakong alas-7:00 ng gabi.

Nagalit umano ang lalaki nang makipaghiwalay dito ang biktima noong nakaraang taon.

Ayon sa mga kapitbahay, palagi umanong sinasaktan ng suspek ang biktima noong nagsasama pa ang mga ito kaya hiniwalayan ng biktima ang suspek.

Apat na beses na ring nagsampa ng kaso ang biktima laban sa suspek  mula noong January 2017 hanggang December 2018 dahil sa pagmamaltrato nito na siyang lalong ikinagalit ng suspek.

Pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad si De Villa.

Please follow and like us:
Read More