EROPLANO NAGLAHO;  ESTUDYANTE, PILOTO NAWAWALA

baron12

(NI DAVE MEDINA)

PATULOY na pinaghahanap ngayon ang piloto at estudyanteng Arabyano na  sakay ng Beechcraft Baron 55 (BE55) trainer aircraft na iniulat na nawawala matapos ang takeoff nito, Linggo ng umaga sa San Jose Airport, sa Mindoro.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ang Beechcraft Baron ay ino-operate ng Orient Aviation Corporation na may registry number RP-C9078 at sakay ang Filipino pilot-in-command at isang estudyanteng  Saudi Arabian national.

Makaraan umano ang take off ng maliit na eroplano ay hindi na nakarinig ng ulat mula sa piloto simula sa departure nito sa San Jose Airport bandang  alas-8:13 ng umaga.

Huling lokasyon ng eroplano na naitala ng radar ay  16 Nautical Miles timog ng  San Jose Airport.

Kasama sa aktibong paghahanap sa posibleng lokasyon sa mga nawawala ang apat na grupo ng Philippine Air Force (PAF) gamit ang kanilang Angel 922 Helicopter,  ang Philippine Navy sa kanilang 310 Islander aircraft, isang  King Air private jet, at ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagsuyod sa karagatan.

 

Please follow and like us:
Read More