BANGKA LUMUBOG; 49 PASAHERO, 7 CREW NASAGIP NG PCG

(NI NICK ECHEVARRIA)

NASAGIP ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lahat ng 49 pasahero at 7 crew members nang lumubog ang bangkang de motor malapit sa pantalan ng Calbayog City sa Samar nitong Lunes.

Batay sa report, hindi pa halos nakalalayo ang bangka sa layong isang daang metro mula sa pantalan nang hagupitin ito ng malakas na hangin at alon na naging sanhi ng paglubog nito sa kabila ng wala namang forecast ng bagyo o sama ng panahon sa Samar.

Nabatid kay Samar PCG commander Lt. Junior Grade Wilky Homer Saga, na umalis ang lumubog na bangka lagpas alas-11:00 ng umaga lulan ang 49 na mga pasahero nito at 7 crew patungo sana sa bayan ng Tagapul-an.

Mabilis naman ang naging pagtugon ng mga rescuers mula sa  Coast Guard Station Samar Quick Response Team, City Disaster Risk Reduction Management Council, Philippine National Police Maritime Group at lite ferries na nagresulta sa pagkakaligtas sa lahat ng mga sakay ng lumubog na bangka na naibalik din sa Calbayog City.

Agad na inilipat ang mga nailigtas na pasahero sa pangangalaga ng  PNP Maritime Group sa Calbayog, City at Coast Guard para sa kaukulang medical assistance na sa kabutihang palad ay wala namang naiulat na malubhang nasugatan.

Lumalabas na tatlong oras sana ang kabuuang biyahe ng isang bangkang de motor mula sa Calbayog City patungo ng bayan ng  Tagapul-an na may layong 44 na kilometro.

 

Please follow and like us:
Read More

MAYOR, 19 PA, NAILIGTAS SA LUMUBOG NA MOTORBOAT

TACLOBAN CITY – Nailigtas ang isang mayor at 19 na iba pa matapos lumubog ang sinasakyang motorboat sa bayan ng Sto. Niño, Samar, Biyernes ng hapon.

Si Mayor Amelia Caño, ng  Almagro town sa Samar at iba pang pasahero ay galing sa Calbayog City nang makasalubong ang malalaking alon bandang alas-3:20 ng hapon sa Kamandag Island.

Sinabi ni PO3 Arnold Latoja, ng Philippine Coast Guard, pinasok ng tubig ang motorboat at nasira ang makina.

Nailigtas ang alkalde ng mga dumaraang fishing boat ng alas-4:00 ng hapon.

Si Caño at kanyang grupo ay nasa Calbayog upang saksikan ang oath-taking ceremony ni Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento.

Please follow and like us:
Read More

1 PATAY, MANUGANG NG VICE MAYOR LIGTAS SA AMBUSH

GUN FIRE-2

(NI NICK ECHEVARRIA)

NAKALIGTAS sa pananambang ng riding in tandem ang manugang ng isang vice mayor subalit nasawi naman ang drayber nito sa Samar, Sabado ng hapon.

Naganap ang pananambang ng dalawang hindi pa nakikilalang armadong lalaki lulan ng isang motorsiklo sa kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy. Macatubig, Tinambacan District sa Calbayog City ganap na alas-4:00.

Sa ulat ng Calbayog City Police Office, dead on the spot ang biktimang si Joseph Ortega, empleyado ng Calbayog City Local Government Unit (LGU) makaraang magtamo ng mga tama ng bala sa kanyang katawan habang sugatan ang kasama nitong si Manuel Sajul, manugang ni reelectionist Calbayog City Vice Mayor Diego Rivera.

Patungo sana ang dalawang biktima sakay ng kulay itim na Mitsubishi Adventure sa Barangay San Joaquin nang pagbabarilin ng mga suspek.

Nagawa namang manehohin ng sugatang si Sajul ang sasakyan sa kabila ng kanyang mga tama ng bala malapit sa istasyon ng pulisya.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo ng ambush ng mga suspek na mabilis na nakatakas matapos ang krimen.

Please follow and like us:
Read More

TRAHEDYA SA COLLEGE REUNION: 2 PATAY, 2 NAWAWALA SA DAGAT

samar12

(NI JG TUMBADO)

KAPWA nasawi ang dalawa katao, kabilang ang isang guro at isang kawani ng gobyerno, matapos silang malunod habang naliligo sa dagat sa Barangay Cabatuan, bayan ng Palapag, Northern Samar nitong Sabado.

Hinihinalang tinangay ng malakas na agos ng tubig sa ilalim kung kaya’t nalunod at tuluyang hindi na nakaahon pa ang mga biktima na sina Artemio Mejos, 27, teacher ng Naparasan Elementary School sa bayan ng Mapanas at James Dulay, 30, empleyado ng lokal na pamahalaan ng Laoang.

Isang search and rescue operation naman ang ikinasa ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMC) upang hanapin ang dalawa pang nawawalang guro na sina Reynalda Adora, 30, ng Bliss Montessori School sa San Andres, Maynila at si Leonard Adarayan, 32, ng Pamplona Elementary School Unit 1 sa Las Pinas City.

Una nang nakita ang bangkay nina Mejos at Dulay na palutang-lutang sa dagat malapit sa mabatong bahagi ng dalampasigan.

Nabatid sa imbestigasyon ni Police Staff Sergeant Edmark Calda ng Palapag Police Station, nagkayayaang umuwi ang magkakaibigan sa probinsya para magbakasyon dahil sa tagal na rin ang panahong hindi sila nagkikita simula noong pagka graduate nila sa college.

Sa Cabatuan beach pinili ng mga biktima na mag-swimming at nang marating ang lugar ay agad nilang tinungo ang isang “isolated’ na bahagi ng lugar at doon naligo.

Ngunit, sa kalagitnaan ng kanilang pag-swimming sa may kalaliman ng dagat ay bigla silang tinamaan ng malalaking alon at malakas na under water current na siyang dahilan ng kanilang pagkalunod.Patuloy parin ang paghahanap ng ilang rescue unit sa nawawala pang sina Adora at Adarayan.

 

Please follow and like us:
Read More

6 SUNDALO PATAY, 9 SUGATAN SA PAGSABOG NG IED NG NPA 

phil army12

(NI JG TUMBADO)

PATAY ang anim na sundalo habang nasa siyam na iba pa ang nasugatan makaraang masabugan ng improvised explosive device (IED) na inihagis sa kanila ng mga nakasagupang rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Calbiga, lalawigan ng Samar, araw ng Martes.

Ayon kay Major General Noel Clement, Commander ng Central Command (CENTCOM) sa Visayas Region, alas 2:45 ng madaling-araw nang sumiklab ang engkuwentro sa lugar.

Nasa liblib na lugar ng Barangay Biri ang mga tropa mula sa 46th Infantry Battalion-Philippine Army na pinamumunuan ni Army Sgt. Gilbert Benito para magsagawa ng community support program nang hagisan ng ilang pirasong IED at pinagbabaril ito ng mga rebelde hanggang sumabog ang isa sa mga bomba.

Nasawi ang anim na sundalo sa insidente na nakilalang sina Corporal Alexander Abing, Private First Class (PFC) Garcia, PFC Paster, PFC Constantino, Private Lagrimas, at Corporal Mamalo.

Sugatan naman sina Sergeant Benito, PFC Magoncia, PFC Friguillana, Cpl. Vigilla, PFC Salonga Private Espanol, at tatlong iba pa.

Nakaganti naman ng putok ang mga sundalo sa mga umaatakeng rebelde hanggang mapilitang umatras ang mga ito sa mahigit 20 minutong palitan ng putok.

Please follow and like us:
Read More

POLICE STATION SINALAKAY; 3 NPA PATAY, 2 PULIS SUGATAN

militarynpa123

(NI NICK ECHEVARRIA)

TATLONG rebelde ang patay at isa ang arestado habang dalawa naman ang sugatan sa hanay ng pulisya sa nabigong pagsalakay ng humigit kumulang 50 mga  miyembro ng Communist Terrorist Group sa isang Municipal Police Station (MPS) sa Samar, Huwebes ng madaling araw.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni Police Regional Office (PRO) 8 Director P/Brigadier Dionardo Carlos sinalakay ng mga armadong rebeldeng NPA ang Victoria MPS sa Northern Samar ganap na alas-3:30.

Matagumpay namang naipagtanggol ng 15 police personnel na naka-duty ang kanilang himpilan na pinangunahan ni P/Lt. Eladio G. Alo, ang Chief of Police ng nabanggit na Police Station, hanggang sa magsitakas ang mga sumalakay na rebelde.

Bagaman dehado sa bilang, nakuhang dumipensa ng mga alertong pulis ng Victoria MPS laban sa mga lumusob na NPA lulan ng isang forward truck na nakasuot ng military fatigues at may dilaw na head band  sa kanilang mga ulo.

Matapos ang bakbakan, iniwan ng mga sumalakay na rebelde ang bangkay ng tatlo nilang kasamahan habang naaresto ang isa pa na hindi pa batid ang mga pangalan samantalang sugatan naman sina P/Msg Arturo Gordo Jr. na tinamaan ng shrapnel sa kanyang ilong at mata habang sa mukha naman nahagip ng mga tumilansik na shrapnel si P/Msg Arnold Cabacang, masuwerte namang kapwa minor injury lamang ang tinamo ng dalawang pulis.

Narekober naman ng mga awtoridad ang (1) cal. 60, (1) M14 rifle, at ang mga bangkay ng nasawing mga rebelde na nakaposisyon ang isa sa harapan ng police station habang dalawa naman sa likurang bahagi.

Agad namang pinapurihan ng mataas na liderato ng PNP ang mga myembro ng Victoria Municipal Police Station sa ipinakitang katapangan at kahandaan laban sa mga sumalakay na rebeldeng NPA na ang ilan ay napansin na mga kababaihan.

 

Please follow and like us:
Read More

MAG-UTOL NA PRESO PUMUGA TANGAY ANG ARMAS SA PIITAN

arrest

(NI JG TUMBADO)

TINUTUGIS na ng pulisya ang magkapatid na presyong pumuga mula sa detention cell ng Municipal Police Station ng Albiga sa Samar, Lunes ng gabi.

Ayon sa Samar Police Provincial Office, alas-7:40 ng gabi nang tumakas si Roel Mabahin, 22, at kapatid nitong si Rodel, 19-anyos.

Si Roel ay may kasong carnapping, habang robbery with frustrated homicide naman ang kinakaharap na kaso ni Rodel.

Tinangay pa ng dalawa sa kanilang pagtakas ang tatlong M16 rifle, isang 9mm pistol at cellphone mula sa istasyon ng pulisya, wallet ng isang pulis, at bandolier na may magazine ng baril.

Kinuha din umano ng mga ito ang isang motorsiklo na nagsilbing getaway vehicle. Tinangka pa umano ng dalawa na i-hostage ang isang non-uniformed personnel sa kanilang pagtakas ngunit nakaligtas ito.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang awtoridad sa insidente habang tinutugis na rin ngayon ang takas na mga bilanggo.

Please follow and like us:
Read More

SUNDALO PATAY, 1 SUGATAN  SA AMBUSH

motiong1

(NI NICK ECHEVARRIA)

PATAY ang isang police officer habang sugatan naman ang isa pang kasamahan nito sa isang ambush sa Motiong, Samar, Lunes ng umaga.

Kinilala ni Police Senior Superintendent Dante Novicio, Director ng Samar Police Provincial Office, ang napatay na si Police Officer 3 Glenn Meniano habang sugatan naman si  Police Officer 1 Jane Abejar.

Naganap ang insidente ng panga-ambush ganap na alas- 7:00  habang sakay ang mga miyembro ng  Philippine National Police (PNP) Motiong ng kanilang  Mahindra mobile patrol car sa kahabaan ng  Maharlika highway sa Barangay 1, ng nabanggit na bayan.

Ayon sa report ng pulisya isang grupo ng mga hindi pa nakikilalang salarin na sakay ng isang pang sasakyan ang humarang sa patrol car at saka pinagbabaril ang mga biktima gamit ang M16 rifles.

Nawalan nang kontrol umano ang nagmamaneho at bumanga ang kanilang patrol car sa mga highway barrier kasunod ang pagsabog nito.

Patuloy na tinutugis ng pulisya ang mga hindi pa nakikilalang mga suspek na nagsagawa ng pananambang.

Please follow and like us:
Read More