PINTOR BINURDAHAN NG SAKSAK

SAKSAK-4

BATANGAS City – Walang buhay nang matagpuan noong Martes ng umaga ang isang pintor makaraang tadtarin ng saksak ng hindi kilalang suspek sa lungsod na ito. Bukod sa mga tama ng saksak, ginilitan pa sa leeg ang biktimang si Rommel Manalo, 50-anyos, residente ng Barangay  Sta. Rita Karsada. Ayon sa report ng Batangas City police, natagpuan ng isang residente ang bangkay sa gilid ng maliit na daan patungo sa kanyang bahay bandang alas-7:00 ng umaga. Posible umanong hinarang ng suspek ang biktima habang pauwi sa kanilang bahay noong Lunes ng…

Read More

KAPWA INMATE KINATAY DAHIL SA SINAMPAY

KUTSILYO-2

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya: Pinagsasaksak ng isang inmate ang kapwa preso sa provincial jail nang dahil lamang sa sinampay na damit. Sa report, sinasabing nataon na naglalaro ng basketball ang biktimang si Alvin Buscas, nang tamaan niya ng bola ang sinampay ng 29-anyos na suspek na naglalaba noon. Sinabi ng pulis na nagkasuntukan ang suspek at biktima hanggang sa makarating sila sa loob ng selda. Doon na sinaksak ng suspek si Buscas gamit ang isang improvised na kutsilyong ginagamit sa paggawa ng handicraft. Naawat ng mga jail guard ang suspek at…

Read More

TATAY GINILITAN NG ANAK 

crime43

(NI ANNIE PINEDA) INUNAHAN na ng isang anak, bago pa man siya mapatay ng kanyang ama, matapos niyang bagsakan ng bato at gilitan sa leeg ang kanyang tatay habang natutulog, iniulat kaninang umaga sa Zamboanga del Sur. Kinilala ang biktimang si Fernando Bulaga Mercado, 54, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Robert Cabrera Mercado, 24, kapwa residente ng Sitio Tambulian, Barangay Malim, Tabina, Zamboanga del Sur. Batay sa report ng Tabina Police Station, himbing na natutulog ang biktima sa kanilang bahay nang bagsakan ito ng malaking bato sa…

Read More

KAINUMAN SINAKSAK SA LEEG, ITINAGO SA BASEMENT; SUSPEK SUMUKO

(NI RENE CRISOSTOMO) MATAPOS patayin ang kainuman dahil sa pambu-bully, nakonsensiya at sumuko sa pulisya ang isang electrician at itinuro ang pinagtaguan sa bangkay sa basement ng isang eskuwelahan sa Maynila. Noong Disyembre 24, nag-iinuman ang suspek na si Zaldy Gabelo, 47, ng Gate 10, Area-B, Parola Compound at biktima na si Kin alyas “Luther”, nasa 30 hanggang 35 anyos , pansamantalang nanuluyan sa barracks ng mga empleyado ng Dr. Celedonio A. Salvador Elementary School sa Merced St., sa  Paco. Sa gitna ng inuman ay nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo…

Read More

TRAHEDYA SA ‘TONG ITS’ 

(NI ANNIE PINEDA) PATAY ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kanyang kalaro sa tong its nang mapikon umano dahil sa pagkatalo, iniulat kaninang umaga sa Capiz. Kinilala ang biktimang si Rondily Tupaz, 26, at residente ng Brgy. Mabini at kasalukuyang nakatira sa Brgy. Roxas, Tapaz Capiz. Tugis naman ang suspek na kinilalag si Raymond Gardose, 30, residente ng Brgy. Agpalali, Tapaz, Capiz. Batay sa report ng Tapaz Police Station, naganap ang insidente sa tinitirhan ng biktima sa nasabing lugar. Lumabas sa imbestigasyon, bago ang insidente , masaya pang na-iinuman ang…

Read More

AWAY NG 3 LASING; 2 PATAY SA SAKSAK

crime34

(NI JESSE KABEL) PATAY ang dalawang lalaking nag-iinuman nang  pagsasaksakin ng hindi inaasahang bisita sa Barangay Gimarco, Palompon, Leyte. Kapwa idineklarang dead on the spot sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan sina Richard Samson at Ruel De Guzman, parehong residente ng nasabing lugar. Matapos ang krimen kusang sumuko ang suspek na kinilalang si Rene Almerino, 33, ng Sitio Calunasan, Barangay Mabini, Palompon Leyte. Ayon kay P/MSgt. Alvin Auman, duty investigator ng Palompon Police Station, nag- iinuman ang dalawang biktima sa labas ng kanilang bahay nang dumaan ang suspek galing…

Read More

LOLO ARESTADO SA SINAKSAK NA 17-ANYOS

arrested

(NI FRANCIS SORIANO) KALABOSO ang isang 61-anyos matapos itong manaksak ng isang 17-anyos na Grade 11 student sa Malabon City, Linggo ng umaga. Kinilala ng Malabon Police Community Precinct (PCP)-7 ang suspek na si Joel Cruz, ng 64 A De Jesus St. Brgy. Concepcion habang ang biktima ay kinilala lamang sa pangalang ‘Roger’ ng Burgos St. Brgy. Concepcion. Ayon sa ulat, dakong alas-5 ng madaling araw nang maganap ang pananaksak ng suspek sa biktima sa Samson St. Brgy. Baritan. Agad naisugod ang biktima sa Tondo Medical Center. Matapos ang insidente, nagtungo pa ang suspek sa Malabon Police…

Read More

SAKSAK SA LEEG, PASALUBONG NG MISTER SA OFW NA MISIS

SAKSAK-4

(NI ANNIE PINEDA) BUMULWAK  ang dugo mula sa leeg ng isang misis na Overseas Filipino Worker (OFW) at kauuwi lamang ng bansa nang salubungin ito ng saksak sa leeg ng kanyang mister, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Cauayan City. Kinilala ang biktimang si Mylene Baingan, 34, habang tugis naman ang suspek at asawa nito na kinilalang si Melchor Baingan, at kapwa residente ng San Francisco Benito Soliven, Isabela. Batay sa report ng San Mariano Police Station, naganap ang insidente sa bahay ng mga magulang biktima sa Dipusu,San Mariano. Lumabas…

Read More

MAG-INA KINATAY NG KALAGUYO SA SELOS

crime34

(NI JG TUMBADO) DAHIL sa matinding selos ng isang lalaki  kaya’t nagawang pagtatagain hanggang sa mapatay nito ang isang mag-ina na kanyang kapitbahay sa Davao City. Sa presinto na nahimasmasan at sising sisi ang 37-anyos na suspek na si Renuel Habillo, dahil sa nagawa nitong karumal- dumal na krimen at handa umanong pagbayaran ito. Nabatid sa inisyal na report ng pulisya, ang suspek at ang biktima na nakilalang si Evelyn Lapera ay may limang buwan nang lihim na relasyon. Sinabi ni Davao City Police Office (DCPO) chief Col. Kirby John…

Read More

PASLIT KINATAY NG KALARO 

crime34

(NI ANNIE PINEDA) HINDI inakala ng isang batang babae na ang pakikipaglaro nito sa kanyang kapitbahay na binatilyo ang magiging dahilan ng maaga nitong kamatayan makaraan pagsasaksakin ng huli, iniulat kaninang umaga sa lalawigan ng Laguna. Kinilala ang biktimang si Eleona Mychie Remoquillo, 7, habang nadakip naman ang suspek na si Danilo Ebajo, ng Barangay Cuyab, San Pedro Laguna. Batay sa report ng San pedro police station, Miyerkoles ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng suspek sa nasabing lugar. Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, nakaupo lamang…

Read More

TATAY PINATAY SA SAKSAK NG ANAK

crime34

(NI HARVEY PEREZ) NASAWI ang isang 59-anyos na lalaki nang pagsasaksakin ng kanyang sariling anak na dumaranas ng depresyon, kahapon ng tanghali sa Tondo,Maynila. Hindi na naisalba pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial  Medical Center (GABMMC) ang biktimang si Nonito Orlain, 59,  dahil sa mga tama ng saksak sa mukha, dibdib, at iba pang bahagi ng katawan . Naaresto naman ng mga nagrespondeng tauhan ng Manila Police District-Police Station 2 ,ang suspek  na si Oliver Orlain, 30. Sa inisyal na ulat ng MPD-homicide section,naganap ang insidente alas 12 ng tanghali …

Read More

TIYUHIN BINURDAHAN NG SAKSAK NG PAMANGKIN

(NI JG TUMBADO) NAPATAY sa saksak ng pamangkin ang kanyang tiyuhin sa isang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Tubod, Surigao del Norte, nitong Lunes. Pitong tama ng saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ni Eugene Cortes habang nakilala naman ang pamangkin nitong suspek sa krimen na si Jason Biol. Batay sa imbestigasyon, lango sa alak ng umuwi ng bahay si Cortes Lunes ng gabi at nagbababasag at nagsisigaw ito kaya’t inawat ng suspek. Subalit nagbitiw umano ng mga masasakit na salita si Cortes…

Read More

UTOL KONTRA SA RELASYON, SUITOR NI ATE SINAKSAK

crime34

(NI ANNIE PINEDA) SAKSAK sa katawan ang inabot ng isang lalaki makaraan pagsasaksakin ito ng utol ng babaeng kanyang nililigawan na ikinasugat din ng kapatid ng suspek matapos salagin ang mga saksak, iniulat kaninang umaga sa lalawigan ng Pangasinan. Kinilala ang mga biktimang sina Anthony Sabarillo, 33, at Maricris Valenton, 30, habang nadakip naman ang suspek na si Noel Valenton, 29, pawang residente ng Brgy. Salomague Norte Bugallon Pangasinan. Batay sa report ng Bugallon Police Station, tumungo si Sabarillo sa bahay ng magkapatid na Valenton para umakyat ng ligaw kay…

Read More

MISIS KRITIKAL SA SAKSAK NI MISTER

(NI ANNIE PINEDA) KRITIKAL sa ospital ang isang misis makaraan pagsasaksakin ito ng kanyang mister nang mahuling may naghahatid sa kanya ng naka-motorsiklo pag-uwi galing sa trabaho, iniulat kaninang umaga sa Roxas City. Kinilala ang bikima sa pangalan Jenny, service crew, habang nadakip naman ang suspek na 43-anyos, electrician, at kapwa residente ng Barangay Bago, Roxas City. Batay sa report ng pulisya, dakong ala 1:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-asawa. Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, nakita ng suspek ang biktima pag-uwi ng…

Read More

MISIS, TINAGA, SINAKSAK NG SELOSONG MISTER

(NI NILOU DEL CARMEN) NASAWI ang isang ginang matapos pagsasaksakin ng kanyang mister dahil sa pagseselos na nauwi sa trahedya sa Sto. Tomas, Batangas, Linggo ng hapon. Kinilala ang biktima na si Juvy Lozon, 33, residente ng Blue Isle Subd., Brgy. Sta. Maria,  Sto Tomas. Batay sa report ng Sto Tomas police, dakong alas 2:30 ng hapon nang magkasagutan ang biktima at ang mister nitong si Rodrigo Lozon, 57, sa loob mismo ng kanilang bahay. Ayon kay PMSgt. Teresa de los Santos, may hawak ng kaso, matagal na umanong nagseselos…

Read More

LADY ENGINEER NILOOBAN, PINATAY SA SAKSAK

(NI BONG PAULO) BRUTAL na kamatayan ang sinapit ng isang 41-anyos na engineer matapos pagsasaksakin hanggang sa mapatay sa loob mismo ng kanyang bahay sa Barangay Benetiz, Banga, South Cotabato, gabi nitong Lunes.Kinilala ni Banga Chief of Police, Major Joseph Forro III ang biktima na si Madelyn Rendon 41, residente ng nasabing lugar. Nagtamo ng 15 malalaki at malalalim na saksak sa katawan si Rendon na isinugod pa sa pagamutan subalit binawian ng buhay. Sa imbestigasyon ng pulisya, nagpasaklolo pa ang biktima kung saan naabutan itong duguan ng mga kapitbahay…

Read More

ALAGANG MANOK KINATAY; 3 ANAK TINANGKANG KATAYIN NG TATAY

crime34

(NI ANNIE PINEDA) NAGAWA pang makailag ng magkakapatid ang mga wasiwas ng kutsilyo ng kanilang sariling ama nang magwala ito sa kinatay nila ang alaga nitong manok, sa Kalibo, Aklan. Kinilala ang magkakaptid na sina Jayme Nacino, 21, Jomar, 20, at Jason 19,  habang ipinaaresto naman nila ang sariling ama na si Leonilo Nacino,  53, mga residente ng Brgy. Bubog, Numancia, Aklan. Batay sa report ng pulisya, dakong alas 4:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-aamang Nacino sa nasabing lugar. Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya,…

Read More

ANAK KRITIKAL SA SAKSAK NG AMA

aklan12

(NI ANNIE PINEDA) KRITIKAL sa ospital ang isang anak nang pag-uundayan ito ng saksak ng kanyang sariling ama dahil sa sinitang bitbit na kutsilyo, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Aklan. Kinilala ang biktimang si Josegani Santillan, Jr, 25, habang nadakip naman ang suspek at ama nitong si Josegani Santillan, Sr., 60, kapwa residente ng Sitio Laguna, Brgy. Union, Nabas, Aklan. Batay sa report ng Nabas Police Station, pauwi na ang mag-ama galing inuman nang sitahin umano ng batang Santillan ang matanda tungkol sa dala nitong kutsilyo. Sa halip na…

Read More

BANGKAY NG BEBOT ITINAPON SA GILID NG LAWA 

stab

(NI NILOU DEL CARMEN) INAALAM pa ngayon ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa bangkay ng isang babae na natagpuan sa gilid ng kalsada malapit sa Taal lake sakop ng Lipa City. Ayon sa Lipa City police,  natagpuan ng isang residente ang bangkay sa barangay road ng Barangay Halang, alas 7:30 ng umaga ng Lunes. Ayon kay Lipa City police chief,  PLtCol.  Ramon Balauag,  may mga tama ng saksak ang biktima na siyang ikinamatay nito. Posible umanong sa ibang lugar ito pinatay at itinapon lamang doon ang bangkay para iligaw ang…

Read More