TOTOONG HUSTISYA SA SAF 44

saf4412

Iginiit sa pag-alala sa kamatayan ng mga commando sa Mamasapano encounter

HUMIRIT ng totoong hustisya ang mga pamilyang naulila ng tinaguriang SAF 44 sa paggunita sa ikalimang taong kamatayan ng mga ito kahapon.

May kalungkutang ginunita ng pamunuan at mga kasapi ng Philippine National Police ang katapangan, kabayanihan at pagbubuwis ng buhay ng 44  Special Action Force commandos para lamang makuha, buhay o patay ang kilabot na Malaysian terrorist na si Zulkifli Abdhir.

Kasabay nito ang panawagan ng mga kamag-anak ng SAF 44 para sa tunay na hustisya sa pangunguna ng pamilya ng 14 nasawing miyembro mula sa Cordillera na nagpaplanong dumulog kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa kanilang laban para sa hustisya.

Sa mensahe ng pamunuan ng PNP, binigyang-pugay ang kabayanihan ng mga nasawing pulis.

“Their supreme sacrifice will never be forgotten. Today, we honor their heroism and patriotism with deep pride as our inspiration to continue on our sworn duty to protect our people from lawless violence, criminal acts and illegal drugs that destroys the lives and future of our younger generation.

“Let us all salute them with pride as these 44 SAF commandos could be our modern-day heroes,” pahayag ng PNP.

Hindi naman maitago ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang pagiging emosyunal sa paggunita sa anibersaryo ng Mamasapano encounter.

Ayon kay Magalong, isa sa  mga nanguna sa imbestigasyon noong naninilbihan pa itong CIDG chief, dismayado siya sa pagbasura ng kaso laban sa mga high ranking official na konektado sa naturang operasyon.

Una na ring inihayag ng mga kaaanak ng mga nasawing SAF troopers ang pagkadismaya sa tuluyang pagbasura ng Sandiganbayan sa kasong graft at usurpation of authority laban kina dating PNP-SAF chief Getulio Napeñas at dating PNP chief Alan Purisima dahil sa kakulangan ng probable cause.

Bago ito ay ibinasura rin ng Sandiganbayan ang kaso laban kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino ukol sa nasabing insidente.

Subalit muling nabuhayan ng loob ang mga pamilya ng SAF 44 nang ihayag sa Senado ang planong muling buksan ni Senador Richard Gordon ang imbestigasyon.

Matatandaang sinabi ni Gordon, bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee ang planong pagbubukas muli ng kaso matapos madismaya sa desisyon ng Sandiganbayan laban kina Purisima at Napenas. (JESSE KABEL)

Please follow and like us:
Read More

SUSPEK SA SAF 44 MASSACRE ARESTADO  

saf4412

(NI NICK ECHEVARRIA)

NAARESTO ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group na nakabase sa Autonomous Regon in Muslim Mindanao (ARMM),   ang isa sa mga suspek sa Mamasapano SAF-44 massacre, Sabado ng hapon.

Ang suspek ay naaresto bandang alas-2:00 sa bisa ng warrant of arrest na nilagdaan ni Hon. Alexander M. Betoya, presiding judge ng RTC, 12th Judicial Region, branch 15 ng Cotabato City na may petsang  January 25, 2015 sa kasong direct assault at murder.

Kinilala ito na si Tamano Esmail Sabpa na kilala din bilang Tamano Sabpa Esmail.

Si Esmail ay sangkot sa malagim na pag-massacre sa 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) ng PNP sa nangyaring engkwentro sa Brgy. Tukanalipao sa Mamasapano nang nabanggit na petsa habang isinisilbi ang warrant of arrest laban sa napatay na Indonesian bomber na si Marwan.

Ang pagkakadakip sa supek ay bahagi ng patuloy na “Oplan Pagtugis” ng PNP sa listahan ng mga Most Wanted Person sa bansa.

Walang inerekomendang piyansa sa  suspek na  nadakip sa parking area ng regional hospital sa Cotabato City.

Please follow and like us:
Read More