HIGIT 400 BUGOK NA PULIS, SINIBAK

pnp

(NI NICK ECHEVARRIA)

MULA nang manungkulan ang Pangulong Rodrigo Duterte,  nasa 441 na ang kabuuang bilang ng mga  tiwaling pulis ang nasibak sa serbisyo mula 2016.

Sa ulat ni PNP spokesperson P/Colonel Bernard Banac. 322 sa mga ito ang nag positibo sa paggamit ng iligal na droga habang  119 na iba pa ang sangkot naman sa mga kasong may kinalaman sa  pangongotong, at pagbibigay proteksyon sa mga drug suspek.

Binigyang-linaw din ni Banac, na lahat ng mga nasibak sa serbisyo na mga pulis ay walang makukuhang retirement benefits  idadag pa ang kinakaharap na kasong criminal ng mga ito.

Idinagdag pa ni Banac na 8,000 mga pulis naman ang nahaharap sa disciplinary action kaugnay  sa mga kasong administratibo kung saan  may mga na-reprimand, na-demote sa mga ranggo at nasuspinde sa serbisyo ng walang kaukulang bayad.

Ipinalabas ng PNP ang ulat makaraang muling  uminit ang isyu sa mga tiwaling pulis kaugnay sa makahiwalay  na insidente ng pangongotong at kidnapping umano ng dalawang pulis sa Pasig at Pasay City kamakalawa kung saan kinuha ng mga ito ang gamit ng mga complainant gayundin ang paghingi nila ng halos tig-P100,000 kapalit ng pagpapalaya ng mga hinuling live-in partner na iniugnay  sa iligal na droga.

Please follow and like us:
Read More