GRADE 7 STUDENT PATAY SA LIVE WIRE 

electrocution

HALOS masunog ang katawan ng isang binatilyo nang maapakan nito ang nakalaylay na live wire ng Capiz Electric Company (CAPELCO), sa Roxas City.

Kinilala ang biktimang si Mike Buhe, 12-anyos, Grade 7- student ng Capiz National High School at residente ng Sitio Binalabag, Barangay Sibaguan, Roxas City.

Batay sa report ng pulisya, naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay kasama ang mga pinsan at kaibigan nang hindi nito napansin ang live wire na kanyang nasagi.

Sa lakas ng boltaheng pumasok sa katawan nito ay nagkikisay ang biktima at nagawa pang dalhin sa ospital pero wala na rin itong buhay nang idating.

Sinisi naman ng pamilya ng biktima ang pamunuan ng Capelco dahil sa kapabayaan at hindi inaayos ang nakalaylay na linya ng kuryente sa lugar.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

MISTER PINASABOG ANG BUNGO SA HARAP NG MISIS

(NI ANNIE PINEDA)

SABOG ang bungo ng isang mister matapos barilin sa harap mismo ng kanyang misis ng kanyang kalugar, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Roxas City.

Kinilala ang biktimang si Jun-Jun Barredo, 31, traffic auxiliary at residente ng Barangay Dinginan, Roxas City.

Tinutugis naman ng pulisya ang suspek na kinilalang si Juvy Pulao, nasa hustong gulang nakatira sa nasabing lugar.

Batay sa report ng pulisya, alas 12:00 ng hatinggabi nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng biktima.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, narinig ng misis ng biktima ang pagdating nito kaya agad siyang lumabas sa bahay para salubungin ang asawa, pero nakita na lamang niyang binaril sa ulo ng suspek saka tumakas.

Kuwento pa ng ina ng biktima na si Cynthia, pinagsabihan pa umano ng suspek ang asawa ni Junjun na huwag ipagsabing sila ang pumatay .

Giit ng ina ng biktima, posibleng dating alitan ang motibo sa pagpatay sa kanyang anak at nakikiusap ito na sumuko na sa pulisya at harapin ang ginawang krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

BABAE KINATAY, PINULUPUTAN NG ALAMBRE SA LEEG

crime34

(NI JG TUMBADO)

SELOS ang nakikitang motibo sa pagpatay ng isang lalaki sa kanyang kinakasama na umano’y binurdahan ng saksak at pinulupot pa ang alambre sa leeg, Roxas, Capiz.
Patay na si Bevelyn Argente, 37, residente ng bayan ng Cuyo, nang maabutan ng mga sumaklolong kapitbahay.

Tinadtad ito ng saksak at may pulupot na alambre sa leeg.

Tumakas naman sakay ng bangka ang suspect na live in partner ng biktima na si Michael Hamora, 33, residente ng Bgy. Bacao, sa bayan ng Dumaran.

Dakong alas-10 ng Sabado ng gabi nang marinig na nagtatalo ang dalawa malapit sa barangay hall ng Tumarbong.

Kasunod nito ay narinig nang nagpapasaklolo ang babae at nang puntahan ng mga residente sa lugar ay natagpuan na itong walang buhay.

Sinasabing sumakay ng bangka para tumakas ang suspek.

Dumalo lang umano sa isang kasal ang mag-live in partner sa Roxas at matapos nito ay nagkaroon na sila ng pagtatalo hanggang sa mauwi sa krimen.

 

Please follow and like us:
Read More