KILLER COP KULONG, SIBAK SA SERBISYO

rookie cop12

(NI ALAIN AJERO)

IPINAG-UTOS ng isang hukom sa Caloocan na ikulong ang pulis na nakapatay sa isang anim-na-taong-gulang na si Gian Habal dahil may probable cause umano para isailalim siya sa paglilitis.

Itinakda ni Judge Judge Eleanor Kwong ng Caloocan Regional Trial Court Branch 128 ang pretrial sa Lunes, Hunyo 17, makaraang isakdal si Corporal Rocky Delos Reyes noong nakaraang linggo para sa kasong murder, attempted murder at paglabag sa gun ban dahil sa pagdadala ng kalibre .45 pistola na walang permit noong election period.

Pinayagan ni Kwong ang paglilitiis matapos na hindi bigyang timbang ang motion for preliminary investigation ng nasasakdal na pulis dahil sa kawalan ng merito.

Magugunitang naglalaro ang biktimang si Habal sa labas ng kanilang bahay nang masapul ng punglo sa noo noong Abril 28.

Tinangkang pigilan ng lolo at lola ng bata na sina Elsa at Arsenio si Delos Reyes, na ikinatwirang nakikipagbakbakan siya sa isang tulak ng droga.

Kasunod nito ay binaril ni Reyes ang paa ng lola ng biktima para makapuslit ngunit sumuko rin kinalaunan.

Hindi rin pinaboran ni Judge Kwong ang kahilingan ni Delos Reyes na manatili sa Philippine National Police Custodial Center dahil papatayin umano siya kapag isinama sa mga dati niyang hinuli sa Caloocan City Jail.

Ipinalipat ng hukom  si Delos Reyes sa Valenzuela City Jail at sinabing bagama’t pinahahalagahan ang kaligtasan ng nasasakdal, maaari lamang iutos ng Korte ang pagkakapiit nito sa isang detention facility kung saan masusubaybayan siya ng Hukuman.

Kaugnay nito, iminungkahi  ng Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police (PNP) ang pagtanggal sa serbisyo Delos Reyes.

Sa apat na pahinang ulat ng IAS, nakasaad na nakagawa si Delos Reyes ng grave misconduct at ang parusa rito ay pagsibak sa serbisyo.

Bigong napatunayan ni Delos Reyes na naaayon sa police operational procedures ang at rules of engagement ang pagpapapaputok niya ng baril na nagresulta sa pagkamatay ni Habal,  ayon sa IAS.

 

Please follow and like us:
Read More

BAHAY NG ROOKIE COP NILOOBAN NG MGA ‘BATANG HAMOG’

arested12

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

LIMANG kabataan ang nasakote, kabilang ang apat na menor-de-edad, matapos looban ang bahay ng isang bagitong pulis at tangayin ang salapi nito sa Valenzuela City, Martes ng gabi.

Arestado si Jomel Ibabao, 18, ng 2144 Angeles St., habang nasa pangangalaga na ng Social Welfare ang nahuling 14-anyos na nene at tatlong totoy nasa nasa edad 16 at 17 matapos pasukin ang  bahay ni Patrolman Emerson Magallon, 23, nakatalaga sa District Mobile Force ng ­ Northern Police District (NPD) at nakatira sa 453 H. Maple Residence, Rambotan, Brgy. Gen. T. De Leon.

Bumangon mula sa pagkakahimbing ang pulis para umihi ala-1:50 ng madaling-araw at nagulat nang makita sa loob ng kanyang bahay ang nene at isa sa mga totoy sa loob ng kanyang bahay at nagpulasan nang makita ang parak.

Nang suriin ng pulis ang kanyang mga gamit ay natuklasan niyang wala na ang kanyang Samsung cellular phone at P3,000 salapi kaya’t humingi ng tulong ang pulis sa mga tanod nagresulta sa pagkakasakote kay Ibabao at sa dalawang totoy.

Sa follow-up operation ay nasakote ang nene at isa pang totoy sa Beta Computer shop sa  Francisco St., Brgy. Gen. T. De Leon

Narekober ang nawawalang cellular phone at P500 sa sinikwat na P3,000 sa mga nadakip habang ang P2,500 ay nasa lider na nagngangalang John Axel Pallares, ayon sa mga nadakip.

 

 

Please follow and like us:
Read More

BILYARAN FRONT NG SHABU; ROOKIE COP, TATAY HULI SA BUY-BUST

ROOKIE COP DRUGS12

(NI JEDI PIA REYES/PHOTO BY ARCHIE CRUZ POYAWAN)

KALABOSO ngayon ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) gayundin ang kanyang ama at madrasta nang mahuli sa aktong nagbebenta ng ilegal na droga sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City.

Tinukoy ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police Brigadier General Joselito Esquivel Jr., ang suspek na sina Patrolman Darryl Galendez, alyas ‘Dary Pulis,’ 25; kanyang amang si Daniel Galendez, 50, at ang madrasta ng pulis na si Estella Alfonso, 36.

Una nang nakatanggap ng impormasyon ang Talipapa Police Station sa Quezon City sa pagkakasangkot umano ng pulis at ng ama nito sa pagtutulak ng ilegal na droga. Kinumpirma rin ng ilang barangay officials sa lugar na ginagamit umano ng mga suspect ang kanilang bilyaran bilang front sa pagbebenta ng shabu.

Agad na ikinasa ng pulisya ang surveillance at nang makumpirma ang ilegal na aktibidad ng mag-ama ay isinagawa na ang buy-bust operation dakong alas-10:30 ng Martes ng gabi sa tahanan ng matandang Galendez.

Patuloy namang tinutugis ng mga awtoridad ang nakatakas na isang alyas ‘Balawis’ na sinasabing kasabwat umano ng mga suspek sa kanilang pagtutulak ng ilegal na droga.

Nasamsam ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang pitong sachet ng hinihinalang shabu, isang hindi lisensyadong kalibre .45 pistola na may pitong bala, apat na cellular phone at P200 buy-bust money.

Nabatid na ang batang Galendez ay pumasok lamang sa police service noong 2017 at naitalaga sa Police Community Precinct 2 (PCP 2) ng Malabon City Police Station. Dati naman umanong tulak ng shabu si Alfonso at napiit pero nang makalaya ay bumalik sa ilegal na gawain.

Aminado naman umano ang pulis na batid niyang gumagamit ng ilegal na droga ang ama, ngunit kahit hinihikayat niya itong tumigil ay hindi ito sumusunod sa kaniya.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Please follow and like us:
Read More

ROOKIE COP VS SIGA, KAPWA PATAY SA BARILAN

gun

(NI JG TUMBADO)

ISANG bagitong pulis ang patay matapos na makabarilan nito ang kanyang aarestuhing lalaki sa Cavite City Biyernes ng gabi.

Binawian ng buhay habang isinusugod sa Bautista Hospital si Po1 Joseph Tan, nakatalaga sa Intelligence Branch ng Cavite City Police station habang ang suspek naman ay natukoy bilang si Musanip Palao, 46, at residente ng F. Dela Cruz, Barangay 37A, Caridad, Cavite City.

Sa inisyal na impormasyon kay Senior Supt. William Sagun, provincial director ng Cavite Police, alas 7:40 ng gabi habang naglalaro ng basketball si PO1 Tan nang manggulo sa loob ng Montano stadium si Palao.

Agad rumesponde ang pulis para sana arestuhin ito pero tumakbo ang suspek palabas ng stadium.

Habang nagkakahabulan ay bumunot na ng baril si Palao at agad pinaputukan ang biktima hanggang magkaroon na ng palitan ng putok sa pagitan ng dalawa habang nagsipulasan naman para kumubli ang mga tao sa lugar.

Sa kabila ng tinamong tama ng bala ay nagawa pa ni PO1 Tan na makaganti ng putok sa suspek kung saan ay agad itong bumulagta nang mapuruhan sa barilan.

Kilala umanong siga sa lugar ang suspek at matagal na rin umanong inirereklamo ng mga residente roon dahil sa ilan beses nitong panunutok ng .45 baril.

Please follow and like us:
Read More

ROOKIE COP NA NAMARIL NOONG BISPERAS NG PASKO, KINASUHAN NA

rookie

(NI CHE ALMADIN)

THREE counts ng attempted murder at reckless imprudence resulting to physical injuries ang mga isinampang kaso sa isang bagitong pulis na walang habas na nagpaputok ng baril na ikinasugat ng pitong katao noong Bisperas ng Pasko sa isang lamay sa Lungsod ng Caloocan.

Nasa kustodiya na ngayon ng Caloocan City Police si PO1 Danilo Tiempo, nakatalaga sa Navotas City Police Station. Bulkod sa mga naturang kaso ay may administrative case pang kinakaharap si Tiempo. Ayon kay Caloocan City police deputy chief for administration Supt. Ferdinand Del Rosario, apat lamang umano sa pitong nabiktima ni PO1 Tiempo ang nagsampa ng criminal cases habang ang tatlo ay hindi na umano interesado pang magsampa ng kaso.

Ayon sa saksing tumangging magpakilala, kasama umano noon ni PO1 Tiempo ang mga grupo ng mga kalalakihang naglalaro ng cara y cruz sa isang lamay noong December 24 bago maghatinggabi sa kahabaan ng Kawal Street, Purok IV, Barangay 28, nang magkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan ang pulis at iba pa niyang kalaro at magpaputok na ito ng baril.

Please follow and like us:
Read More