PULIS NA SUSPECT SA PAGPATAY SA ABOGADO, HULI

arrested124

(NI KEVIN COLLANTES)

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang pulis na itinuturong suspek sa pagpatay sa isang abogado, sa ikinasang Oplan Paglalansag Omega, sa bayan ng Rodriguez, Rizal, Sabado ng umaga.

Batay sa ulat ng Rizal Police Provincial Office, nabatid na si P/Cpl Alberto Umali ng Rodriguez Municipal Police Station, ay naaresto dakong alas-6:00 ng umaga sa Block 20, Lot 1, Summitview Subdivision, Barangay San Rafael, Rodriguez.

Ang suspek ay inaresto ng kanyang mga kasamahan sa bisa ng search warrant sa kasong paglabag sa Republic Act 10591, o The Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulations Act, na inisyu ni Hon. Judge Cynthia R. Mariño- Ricablanca, Executive Judge, Sta. Cruz, Laguna, na inisyu noong Hunyo  26, 2019.

Kaagad nang binitbit sa presinto ang suspek nang makumpiskahan ng isang magazine para sa 5.56 kalibre ng baril; 52-rounds ng live ammunition para caliber 5.56; apat na rounds ng fired cartridges para sa caliber 5.56; 36-rounds ng empty shell para sa caliber 9MM; 12-rounds ng empty shell para sa caliber 45; at isang itim na cartridge case.

Ayon sa pulisya, si Umali ay itinuturo ring suspek sa pagpatay kay Atty. Edilberto Golla, na pinagbabaril at napatay ng riding in tandem habang minamaneho ang kanyang sasakyan sa harapan ng Eastwood Greenview Subdivision, Rodriguez, Rizal noong Mayo.

Please follow and like us:
Read More

PARAK , 2 DRUG SUSPECT PATAY SA BUY BUST

BUY-BUST-2.jpg

(NI KNOTS ALFORTE)

NAGING madugo ang pag-aresto sa dalawang hinihinalang drug pusher matapos itong gumanti ng putok sa pulis na huhuli sa kanila.

Patay ang dalawang drug suspect gayundin ang pulis na nakipag-transaksiyon sa mga ito sa Rodriguez, Rizal, Sabado ng umaga.

Kinilala ang nasawi na sina Renato Dolorfina, alyas Kato, at kasama nito na hindi pa nakikilala.

Namatay naman habang ginagamot si  PSMS Conrado Cabigao, miyembro ng Rodriguez Police.

Nabatid na isinagawa ang buy bust operation sa mga suspect sa Pines St. Brgy San Jose, Rodriguez, Rizal, alas-7:40 ng umaga.

Ayon sa report na nakarating kay Rizal Police Provincial Director P/Col Lou Frias Evangelista ni P/Lt.Col Resty Damaso Chief of Police ng Rodriguez, Rizal, ikinasa ang buy bust sa shabu ngunit nakatunog si Dolorfina at agad nitong pinaputukan ang pulis. Nagawa pang makaganti ng putok ang nasawing pulis at tinamaan sa batok at katawan ang mga suspect.

Isang bata rin ang ginawang panangga ni Dolorfina.

Nang bumulagta ang mga ito ay agad isinugod sa ospital ang pulis ngunit namatay din.

Please follow and like us:
Read More

4 VINTAGE BOMB NAKITA SA RIZAL

bomba12

(TEKSTO/PHOTO BY JC TUMBADO)

APAT na piraso ng ‘vintage bomb’ ang nadiskubre ng mga awtoridad sa Rodriguez, Rizal.

Dagliang kinordon ng rumespondeng mga tauhan ng Rizal Provincial Police Office-Bomb Disposal Unit (RPPO-BDU) ang lugar sa Sitio Wawa, Barangay San Rafael at ipinalayo ang mga residente na malapit sa pinagkatagpuan sa mga bomba dahil sa posibleng sumabog pa ang mga ito.

Ayon sa Rodriguez Municipal Police Station, isang tawag sa telepono mula sa Barangay ang kanilang natanggap kaugnay sa pagkakatagpo sa mga bomba nitong Biyernes ng umaga.

Sinasabing nahukay sa isang construction site ang apat na vintage bomb na posible pa umanong sumabog.

Nasa pangangalaga na ng RPPO-BDU ang narekober na mga bomba.

Please follow and like us:
Read More

13-ANYOS NAPAGALITAN SA P500, NAGBIGTI

suicide

(NI KEVIN COLLANTES)

WINAKASAN ng isang Grade 6 student ang kanyang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti matapos mapagalitan ng kanyang ama dahil umano sa nawalang pera, sa lalawigan ng Rizal, Linggo ng umaga.

Ang biktima ay kinilala na lamang ng mga tauhan ng Rodriguez Police Station sa pangalang alyas ‘Nat,’ 13-anyos.

Batay sa ulat ng mga awtoridad, nabatid na dakong alas-8:30 ng umaga ng Linggo nang madiskubre ng kanyang kaibigan ang bangkay ng biktima, na nakabigti sa likurang bahagi ng isang abandonadong tahanan malapit sa kanilang tahanan sa bayan ng Rodriguez.

Sinasabing pagtatampo sa kanyang ama ang posibleng dahilan nang pagpapatiwakal ng biktima  matapos na matukoy ng mga awtoridad na bago ang suicide ay napagalitan si Nat ng kanyang ama nitong Sabado at nasisi dahil sa nawalang P500.

Dahil sa sama ng loob ay umalis ang biktima at hindi na umuwi pa ng kanilang tahanan.

Laking panlulumo naman ng pamilya nang kinabukasan ay matagpuan na itong nakabigti at wala ng buhay, kaya’t kaagad na inireport sa pulisya.

 

Please follow and like us:
Read More