P400-K CASH, CREDIT CARDS, TINANGAY NG ‘BASAG-KOTSE’ 

crime robber12

(NI NICK ECHEVARRIA)

NILIMAS ng mga hindi pa nakikilalang miyembro ng “Basag Kotse” ang P400,000 na cash, credit cards at ATM cards mula sa isang  puting Toyota Fortuner (VAN 99) sa Marikina City, na pag-aari ng isang negosyante.

Nabatid na bandang alas-8:00 ng gabi nitong Biyernes nang iparada ng negosyanteng si Tony Pangan, 39, ang kanyang kulay puting Toyota Fortuner (VAN 99) sa harap ng Alchemy sa kahabaan ng Lilac St., Brgy. Concepcion Dos, Marikina City, para magkasiyahan kasama ang kanyang mga kaibigan.

Bandang ala-1:00 na ng madaling araw nitong Sabado nang madiskubre ng biktima ang insidente nang bumalik ito sa kanyang sasakyan matapos ang limang oras na kasayahan.

Nagulat na lamang ang negosyante nang makitang basag na ang kaliwang bahagi ng bintana sa likuran at nawawala na ang kanyang sling bag na naglalaman ng P400,000 cash, mga credit cards, ATM Cards, lisensya at mga identification cards.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

MAG-ASAWANG OCTOGENARIAN PATAY SA MAGNANAKAW

crime44

(NI NICK ECHEVARRIA)

NATAGPUANG naaagnas ang bangkay ng mag-asawang octogenarian  na pinatay umano ng mga magnanakaw na nanloob sa kanilang bahay sa bayan ng San Jose, Camarines Sur, Miyerkoles ng tanghali.

Lumalabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya halos isang linggo nang patay ang mag-asawang Ely Balcueva, 83, at Nelly Balcueva, 86, nang madiskubre ang kanilang mga bangkay sa loob ng kanilang bahay sa Zone 1, Barangay Kinalasan ng nasabing  bayan.

Nabatid din na walang kasama ang mag-asawa sa kanilang bahay dahil bumukod na ang mga anak nila na may kanya-kanya nang  pamilya.

Samantala, patuloy pang inaalam ng pulisya kung sino ang mga responsable sa pagnanakaw at pagpatay sa mga biktima.

Batay sa ulat, bandang alas-12:10 ng tanghali nang madiskubre at iulat sa pulisya ang  bangkay ng mga biktima ng kanilang anak na si Emerita Balcueva Chavez, 53, matapos nitong mapag-alaman ang sinapit ng kanyang mga magulang.

Agad namang rumesponde ang pulisya sa lugar at base sa inisyal na imbestigasyon ay pagnanakaw ang motibo sa pagpatay sa mga ito patunay ang puwersahang pagpasok ng hindi pa kilalang mga suspek sa pamamagitan ng pagwasak ng pintuan sa likurang bahagi ng bahay.

Gulo-gulo rin ang loob ng bahay na pinaniniwalaang hinalughog ito ng hindi bababa sa dalawa o higit pang mga suspek.

Isang bag naman ang nakuha ng pulisya na pag-aari ng nasawing ginang at may laman na aabot sa P25,762 na nakakalat sa sahig ng kuwarto ng mag-asawa.

Teorya ng pulisya posibleng nagising ang mga biktima habang pinagnanakawan ng mga suspek at nanlaban umano ang mga ito habang kinukuha ang bag na naglalaman ng pera dahilan upang patayin sila ng mga magnanakaw bago nagsitakas.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya para sa agarang pagkakakilanlan ng mga suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

BAHAY NG ROOKIE COP NILOOBAN NG MGA ‘BATANG HAMOG’

arested12

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

LIMANG kabataan ang nasakote, kabilang ang apat na menor-de-edad, matapos looban ang bahay ng isang bagitong pulis at tangayin ang salapi nito sa Valenzuela City, Martes ng gabi.

Arestado si Jomel Ibabao, 18, ng 2144 Angeles St., habang nasa pangangalaga na ng Social Welfare ang nahuling 14-anyos na nene at tatlong totoy nasa nasa edad 16 at 17 matapos pasukin ang  bahay ni Patrolman Emerson Magallon, 23, nakatalaga sa District Mobile Force ng ­ Northern Police District (NPD) at nakatira sa 453 H. Maple Residence, Rambotan, Brgy. Gen. T. De Leon.

Bumangon mula sa pagkakahimbing ang pulis para umihi ala-1:50 ng madaling-araw at nagulat nang makita sa loob ng kanyang bahay ang nene at isa sa mga totoy sa loob ng kanyang bahay at nagpulasan nang makita ang parak.

Nang suriin ng pulis ang kanyang mga gamit ay natuklasan niyang wala na ang kanyang Samsung cellular phone at P3,000 salapi kaya’t humingi ng tulong ang pulis sa mga tanod nagresulta sa pagkakasakote kay Ibabao at sa dalawang totoy.

Sa follow-up operation ay nasakote ang nene at isa pang totoy sa Beta Computer shop sa  Francisco St., Brgy. Gen. T. De Leon

Narekober ang nawawalang cellular phone at P500 sa sinikwat na P3,000 sa mga nadakip habang ang P2,500 ay nasa lider na nagngangalang John Axel Pallares, ayon sa mga nadakip.

 

 

Please follow and like us:
Read More

PARI ‘DI PINATAWAD; OPISINA NILIMAS NG KAWATAN

crime robber12

(NI KOI HIPOLITO)

DUMULOG sa tanggapan ng Muntinlupa City Police Community Precinct (PCP-6) ang isang pari para ireklamo ang pagnanakaw at panglilimas sa kanyang pera at mga personal na gamit ng mga hindi pa kilalang suspek na Akyat Bahay sa loob ng kanyang opisina sa Inang Awa Parish Compound, Philippine Jesuit Prison Service Office, New Bilibid Prison Reservation, Poblacion sa Muntinlupa City, dakong alas- 6:00 ng gabi nitong Huwebes.

Nakilala ang biktima na si Reverent Priest Eli Rowdy Lumbo, Executive Director, at residente sa nasabing lugar.

Ayon sa report ng biktima sa mga  imbestigador, nadiskubre umano niyang sira ang lock ng pintuan ng kanyang opisina at nakakalat ang kanyang mga gamit. Nawawala rin ang kanyang pera na halagang P251, 718.00 cash money at dalawang laptop na nagkakahalaga ng P25,000.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga otoridad para sa mga suspek na tumangay sa pera at mga gamit ng biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

SASAKYAN NG MAYOR NINAKAWAN

nakaw12

(NI DANN RIVERA)

LUCBAN, QUEZON-  Arestado ang isang lalaki at kasama nitong menor de edad
matapos puwersahang pasukin at pagnakawan ang sasakyan ng Lucban mayor sa Regidor St.bahagi ng Brgy.8,bayan ng Lucban dakong alas 7:00 ng gabi, nitong Lunes.

Nasa restaurant si Lucban Mayor Oliver Dator nang pagnakawan ang kanyang Nissan Urvan. Agad namang inaresto ang mga suspect na si Christian Pavino, 22, at isang menor de edad na kasama nito.

Base sa report ng pulisya habang nasa loob ng restaurant ang mayor kasama ang misis nito nang sapilitang sirain ng mga suspek ang lock ng kaliwang bintana ng sasakyang van. Natangay ng mga magnanakaw ang dalawang mamahaling cellphone, iba’t ibang uri ng IDs at ATM cards na nasa bag.

Dahil nakunan ng CCTV ang insidente, agad nakilala at natunton ang dalawang suspek. Nabawi sa mga ito ang mga gamit na ninakaw. Nakakulong sa Lucban PNP costudial facility si Pavino habang ang menor de edad na kasama nito ay dinala naman sa MSWD.

Please follow and like us:
Read More

MAG-AMO PINATAY, PINAGNAKAWAN PA SA DAGUPAN CITY

crime23

PINATAY at pinagnakawan pa ng hindi pa kilalang suspects ang mag-amo sa Dagupan City, Pangasinan kung saan hinihinalang hinalay pa ang kasambahay dahil wala na itong saplot pang ibaba nang matagpuan.

Kinilala ang biktima na si Fely Estevez, isang US citizen, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kasambahay. Tadtad ng saksak ang katawan ng dalawa.

Nabatid na nagpapagawa ng bahay ang biktima kung kaya’t walang kandado ang likod na bahagi ng bahay. Isang trabahador , si Jonathan Samudio, ang nakatuklas sa bangkay nang katukin nito ang harapang gate. Magsisimula na sana umanong magtrabaho ang mga ito nang magtaka na walang nagbubukas ng gate. Umikot umano sila sa likurang bahagi at doon nakita ang bangkay ng kasambahay. Sa kwarto naman nakita ang bangkay ni Estevez.

Please follow and like us:
Read More

LUSOT SA NAKAW; LALAKI HULI SA TANGKANG RAPE

arrested

(NI KEVIN COLLANTES)

 

PINAGNAKAWAN na na ay tinangka pang gahasain ng isang lalaki ang isang teenager habang mahimbing na natutulog sa loob ng tahanan nito sa Antipolo City nitong Huwebes ng madaling araw.

Kaagad namang inaresto ng mga awtoridad ang suspek na si Harold Alejandro, nasa hustong gulang, at residente ng naturang lugar, bunsod ng reklamo ng isang 18-anyos na dalaga, na hindi na pinangalanan pa ng mga awtoridad para sa proteksiyon nito.

Batay sa reklamo ng biktima sa Antipolo City Police, lumilitaw na dakong 3:40 ng madaling araw nang pasukin at umano’y pagnakawan ng suspek ang silid ng biktima sa loob ng kanilang tahanan sa Zapanta Compound, Barangay San Isidro, Antipolo City.

Nang makuha ang wallet at cellphone ay tinangka pa umano ng suspek na gahasain ang mahimbing na natutulog na dalaga.

Mabuti na lamang at naalimpungatan ang dalaga nang maramdamang may lalaking nakadagan sa kanya.

Ayon sa dalaga, isang kamay ng suspek ay may hawak na patalim na nakatutok sa kanyang leeg habang ang isa pang kamay ay abala naman sa paghuhubad ng kanyang damit na pang-itaas.

Hindi naman nasiraan ng loob ang biktima, na kaagad na nanlaban at humingi ng tulong sa kanyang mga kasambahay.

Dito na naalarma ang suspek kaya’t hindi na itinuloy ang masamang balak at sa halip ay kumaripas na lamang ng takbo upang tumakas habang nagsumbong naman ang biktima sa kanyang ina.

Nang malaman ang nangyari, kaagad nang humingi ng tulong sa mga pulis ang ginang, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa isang follow-up operation.

Nabawi naman ng mga awtoridad mula sa suspek ang mga ninakaw niya gayundin ang patalim na ginamit sa krimen.

Nakakulong na ang suspek sa presinto at sasampahan ng kasong robbery with attempted rape.

 

Please follow and like us:
Read More

LOLA PINATAY, NINAKAWAN SA ZAMBO

police

(NI DEREK LIPANA)

NALILIGO sa sariling dugo at wala nang buhay nang madatnan ng mga  pulis ang 79-anyos na lola sa loob ng kanyang silid Linggo ng gabi sa Zamboanga del Sur.

Nakilala ang biktima na si Eriberta Dabalos Zamora, ng Quezon St., Bgy, Madasigon, Molave, Zamboanga del Sur.

Sa salaysay ng kasambahay na si Maymarie Vilabis Guinsayao, 19, nagising siya nang may kumatok sa kanilang main door at nagpakilalang anak ng biktima, subalit nang buksan niya ang pintuan bigla na lamang pumasok ang unang suspek na nakasuot ng  bonet at agad siyang tinutukan ng baril at sinuntok sa tiyan.

Hanggang sa matagpuan na lamang ang  nakahandusay na bangkay ng biktima na may mga sugat sa ulo at pinaniniwalaang pinagpapalo ng bote at plastic chair na naging dahilan ng dagliang pagkamatay nito.

Ipinapalagay ng pulisya na pagnanakaw ang motibo ng krimen dahil sa mga nagkalat na gamit  at nawawalang cash na P30,000 gayundin ang mga alahas ng biktima na nagkakahalaga P15,000.

Inimbitahan naman ng pulisya ng Molave para imbestigahan.

Please follow and like us:
Read More

TAHANAN NI AKO BICOL PARTYLIST REP. GARBIN, NINAKAWAN

garbin

(Ni FRANCIS ATALIA)

HABANG abala sa isang press conference para sa pinaslang na kongresistang si Rodel Batocabe, nilooban ang bahay ni Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin sa Legaspi City kaninang umaga.

Sa inisyal na impormasyong inilabas ng Police Regional Office (PRO-5), dumaan sa bintana ng comfort room ang suspek sa ikalawang palapag ng tahanan ni Garbin sa Ridge View Subdivision, sa Barangay Buragwis.

Natangay ng magnanakaw ang personal bag ni Garbin na may lamang pera at tseke na aabot sa kalahating milyong piso. Kasama sa nakuha ang isang Rolex watch at iba pang relo.

 

Please follow and like us:
Read More