ELECTION OFFICER, ISA PA PATAY SA ROAD MISHAP

motoraccident12

(Ni JG TUMBADO)

Isang election officer ang nasawi matapos masangkot sa aksidente sa kalsada sa Catarman, Samar.

Nasawi habang isinusugod sa ospital ang 45 taong gulang na si Gerald Apelo, election officer sa bayan ng Mapanas.

Batay sa imbestigasyon ni Patrolman Ramil Pedringal ng Catarman Municipal Police, sakay si Apelo sa kanyang motorsiklo patungo sa bayan ng Catarman ng siya ay masalpok ng kasalubong nitong motorsiklo sa bahagi ng national highway sa Barangay Pambujan dakong alas-6 ng gabi ng Biyernes.

Nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ang driver ng kabilang motorsiklo at tuluyang mapadako sa linya ni Apelo na dahilan ng aksidente.

Patay ang naturang driver ng kabilang motorsiklo habang malubha naman ang kondisyon ng angkas nito na kapwa wala pang pagkakakilanlan ng pulisya.

Nabatid pa sa report na may suot na helmet si Apelo at protection gear ang katawan nito subalit dahil sa tinamong matinding bugbog at sugat sa binti at ulo ay binawian din ito ng buhay.

Sinasabing kapwa galing ang mga biktima sa piyesta sa magkahiwalay na lugar sa nabanggit na bayan ng San Roque at Catarman.

Please follow and like us:
Read More

3 UTAS SA ROAD MISHAP

accident121

(NI BONG PAULO)

TATLO ang patay, kabilang ang dalawang mga menor de edad makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa patrol car ng media (Bandera News FM Teleradyo) sa National Highway ng Purok 9, Barangay Lika sa bayan ng Mlang, North Cotabato, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Archie Toledo Sagcelo, 22, ng Barangay Saranay, Matalam at mga sakay nito na sina Salcy Sanchez Dimalauan, 12, at Fritzie Jean Peroy Morga, 15, kapwa residente din ng ng Brgy. Dalipe, Mlang.

Ayon sa ulat, bandang alas-8:00 ng gabi, binabaybay ng KIA Pride (LEY 809) ang kahabaan ng national highway na minamaneho ni Benny Queman, station manager ng Bandera News FM Teleradyo Midsayap, sakay ang dalawang mga crew nito na sina Mark Jorolan at Niño del Fermin.

Habang ang mga biktima ay sakay sa isang motorsiklo kung saan nabangga nila ang isa pang motorsiklo na minameno ni Joseph Molina.

Dahil dito, nawalan ng kontrol si Sagcelo at napadako sa lane ng KIA Pride at sumalpok.

Dahil sa lakas ng impact, nagtamo ng matitinding sugat at ang isa pa sa kanilang ay nawasak ang ulo at nagkagutay-gutay.

Ang isa sa mga biktima ay naisugod pa sa ospital pero binawian din ng buhay.

 

Please follow and like us:
Read More

1 PATAY, 15 SUGATAN SA BANGGAANG JEEP, BUS

roadmishap12

(Ni JUN V. TRINIDAD)

LOPEZ, Quezon – Isang babaeng pasahero ng jeep ang namatay at 15 naman ang sugatan matapos salpukin ang kanilang sasakyan ng isang pampasaherong bus sa bayang ito,  araw ng Linggo.

Sa report ni Major Elizabeth Capistrano, Quezon police public information officer, patungo sa kabayanan ng Lopez ang pampasaherong jeepney na minamaneho ni Rey Losa nang bigla na lang itong banggain ng  bus na patungong Bicol na minamaneho ni Eduardo Boyano, sa bahagi ng Barangay Danlagan bandang alas-12:25 nang tanghali.

Sa lakas nang pagkakasalpok ay bumaligtad ang jeep sa gitna ng kalsada.

Isinugod ang mga sugatang biktima sa Magsaysay Memorial Hospital at Saint Jude Hospital.

Sa follow-up report ni Police Major Noel Divino, Lopez police chief, sinabi nito na ang isang biktima na si Haide Bondesto Caliso, 55, ay namatay habang ginagamot ang grabeng sugat sa Magsaysay Memorial Hospital bandang alas-5:00 ng hapon noon ding Linggo.

Ang driver ng bus ay pansamantalang nasa ilalim ng kustodya ng Lopez police jail.

Ayon kay Capistrano, nakahanda namang makipag-ayos ang mga biktima sa Eaglestar Transit Corp, ang may-ari ng bus na may terminal sa Pasay City.

 

Please follow and like us:
Read More

SUNDALONG NAKALIGTAS SA GIYERA PATAY SA AKSIDENTE

accident12

(NI JG TUMBADO)

ISANG sundalo na pauwi para sa bakasyon ang nasawi matapos masangkot sa aksidente sa bayan ng Naga, Zamboanga Sibugay, araw ng Huwebes.

Dead on the spot ang biktima na si Sergeant Enerio Sergio Soriano, 34,  nakatalaga sa 18th Infantry Battalion na nakabase sa Basilan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo nang sumalpok ito sa isa pang motorsiklo na kasalubong nito sa bahagi ng national highway sakop ng Barangay Aguinaldo dakong alas-7:00 ng umaga.

Sa lakas umano ng banggaan ng dalawa ay kapwa tumilapon ang mga ito ng ilang metro mula sa pinagmulan ng aksidente.

Nasa malubha naman ang kondisyon ng kabanggaan ni Soriano na si Villapna Barong, 63, na patuloy na inoobserbahan sa Zamboanga Sibugay Provincial Hospital sa bayan ng Ipil.

Ayon naman kay Police Major Helen Galvez, tagapagsalita ng Zamboanga Peninsula Police Regional Office, pauwi sana si Soriano sa kanilang lugar sa Barangay Kagawasan sa Pagadian City upang magbakasyon mula sa pakikipag giyera nito sa mga teroristang Abu Sayyaf.

Please follow and like us:
Read More

45 SUGATAN SA BENGUET ROAD MISHAP

baguio12

(NI JG TUMBADO)

NASA 45 indibidwal ang sugatan nang masangkot sa aksidente ang kanilang sinasakyang pampasaherong bus sa Atok, Benguet, araw ng Miyerkoles.

Sumalpok sa isang poste ang Rising Sun bus line makaraang mawalan ito ng kontrol sa bahagi ng Barangay Caliking pasado alas-4:00 ng hapon.

Base sa ulat ng Police Regional Office – Cordillera, isinugod sa Benguet General Hospital ang mga sugatang pasahero kabilang ang driver ng bus na si Regan Ginoban.

Sinasabing tumagilid pa ang bus sa mismong national highway ilang sandaling bumangga ito sa poste na dahilan ng pagkakaroon ng matinding trapiko.

Kaugnay nito ay napag-alaman na nagkaroon din ng halos 10-oras na brownout sa mga sineserbisyuhang lugar ng Benguet Electric Cooperative Inc., (BENECO) dulot ng aksidente.

Nagsimula ang brownout alas 4:44 ng hapon ng Miyerkules at naibalik ang kuryente alas 2:37 na ng madaling araw ng Huwebes.

Inaalam pa sa imbestigasyon kung human o mechanical error ang sanhi ng insidente.

Please follow and like us:
Read More

5 PINOY PATAY SA CALIFORNIA ROAD MISHAP

accident

APAT na miyembro ng pamilya at isang kaibigan ang namatay matapos mawalan ng kontrol ang sinasakyan at bumangga sa puno sa kahabaan ng Highway 99 sa California.

Ayon sa California Highway Patrol, binabagtas ng pamilya ng nasawing si Jelson Laguta ang highway nang mawalan ng kontrol. Bukod kay Laguta, namatay din ang kanyang asawang si Arlene at mga anak na sina Caleb at Joseph.

Patay din ang kaibigan ng mga ito na si Danilo Salidad.

Handa namang tumulong ang gobyerno ng Pilipinas sa pamilya ng nasawi sa hangaring maiuwi sa bansa ang kanilang mga labi.

Please follow and like us:
Read More

MAG-ASAWANG GURO PATAY SA ROAD MISHAP

south20

(NI BONG PAULO)

MAGKASABAY na nasawi ang mag-asawang guro matapos sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa truck. Tumilapon ang mga ito sa bahagi ng Allah Valley Drive sa Barangay Libertad Surallah, South Cotabato, ayon sa ulat Martes ng umaga.

Kinilala ng Surallah PNP ang mga biktima na sina Alex Celajes, 51, driver ng motorsiklo at misis nitong angkas na si Betty, 48, kapwa ng Barangay Poblacion, Lake Sebu, South Cotabato.

Ang mag-asawa ay patungong Lake Sebu mula Koronadal City South Cotabato nang mabangga ng Isuzu truck. Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na nawalan ng kontrol sa truck dahil sa madulas na daan at pumalyang break ang driver na si Anecito Ignacio, 56, pasado alas-7:00 ng umaga.

Ang mag-asawang Celajes ay hindi na umabot nang buhay sa Valley Community Hospital sa Surallah.

Please follow and like us:
Read More

1 PATAY, 1 SUGATAN SA PQUE ROAD MISHAP

ISA ang namatay samantalang sugatan ang isa pa nang magbanggaan ang isang motorsiklo at pampasaherong jeep sa Paranaque City, ayon sa Southern Police District (SPD).

Bandang alas-8.30 Biyernes ng gabi ay nagkabanggan ang pampasaherong jeep na may plakang (UYD 282) at Suzuki motorcycle (1608-NI)sa Quirino Avenue harap ng isang gasolinahan sa Barangay Tambo, Paranaque City.

Isang pedestrian na kinilalang si Jerry Rosimo ang sugatan din sa insidente.

Agad ding isinugod ang rider na si Jay-Ar Celeridad sa Ospital ng Paranaque ngunit hindi na ito umabot nang buhay. Arestado naman at sasampahan ng kaso ang jeepney driver na si Rosendo Roxas.

Please follow and like us:
Read More