MAG-DYOWA PATAY SA TANDEM

crimeshooting12

PATAY sa tandem ang mag-nobyo matapos pagbabarilin ang mga ito habang naglalakad sa Tondo, Maynila, Linggo ng madaling araw. Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang mga biktimang sina Rina Lopez at Jarius Palacio. Sa paunang imbestigasyon, sinabi ng tatay ng babae na si Ricky Lopez, galing ng lamay ang dalawa at nanalo umano sa lamayan. Naglalakad nang pauwi ang dalawa nang sundan umano ng tandem at pinagbabaril. Patuloy ang imbestigasyon sa  kaso.  

Read More

NEGOSYANTE, BABY, SUGATAN SA PAMAMARIL

(NI JESSE KABEL) PINAGSISIKAPAN ngayon ng mga mangagamot na makaligtas sa pagkapilay o mapinsala ang mga buto ng isang anim na buwang sangol na nadamay nang pagbabarilin ang kanyang lolo ng riding in tandem sa Prk. Tony ko, Brgy. Zone III, Koronadal City. Sa inisyal na imbestigasyon ng Koronadal PNP, sugatan din ang target ng asasinasyon na si Mario Arguez Liboon, 57, negosyante; habang ang apo na si alyas Lina ay nahagip din ng punglo sa paa. Agad tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo patungo sa inaaalam na direksyon gamit…

Read More

3 DEDBOL SA TANDEM

RIDING-IN-TANDEM-5

(Ni JG TUMBADO) Tatlong indibidwal ang patay sa walang habas na pamamaril ng riding-in-tandem sa bayan ng Bayawan, Negros Oriental Biyernes ng gabi. Kabilang sa mga pinagbabaril ay ang 60 taong gulang na biyuda na si Heide Rio, ang live-in partner nito na si Richard Billalos, 29 anyos at ang menor de edad na lalaki na tinukoy sa pangalang Jay-R, pawang mga residente ng Barangay Banga sa nasabing bayan. Nabatid kay Bayawan City Police Station chief Lt. Josue Lungog,  sakay ang mga biktima ng motorsiko na may plakang XR 125…

Read More

BABAENG KAWANI NG LGU ITINUMBA NG TANDEM

sultan kudarat1

(NI BONGN PAULO) NORTH COTABATO – Patay ang isang empleyado ng pamahalaang lokal ng gobyerno habang naka-angkas sa motorsiklo na minamaneho ng mismong mister nito nang pagbabarilin ng riding in tandem na suspek sa Purok Namnama, Barangay Poblacion, Lambayong, Sultan Kudarat, Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang napatay na si Remesyl Orbigo Valdez, 39, may asawa, isang empleyado ng LGU Lambayong at residente ng nabanggit na bayan. Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, alas-5:30 ng hapon habang sakay umano ang biktima sa motorsiklo nang sundan at tabihan sila ng riding in…

Read More

LOLO BINISTAY NG BALA

cebu1

(NI JG TUMBADO) PATAY ang isang lolo makaraang pagbabarilin habang kasama mismo ang kanyang maybahay at 7-anyos na apong babae sa bayan ng Mandaue City, Cebu araw ng Huwebes. Apat na tama ng bala ng baril sa katawan ang dahilan ng agarang kamatayan ng biktima na nakilalang si Teodoro Mejares, 53, residente sa bayan ng Consolacion. Ayon kay Police Staff Sergeant Eracleo Cebuco, ng Mandaue City Police Office Precinct 2, katatapos lamang magbayad ng biktima ng kanyang piyansa sa Mandaue City Justice Hall para sa kaso nitong illegal possession of…

Read More

PROV’L BOARD MEMBER, PATAY SA RIDING IN TANDEM

ambush

(NI NICK ECHEVARRIA) PATAY  ang isang 2nd termer  provincial board member ng Dinagat Island province matapos tambangan ng riding in tandem sa Surigao City, Surigao del Norte, Linggo ng umaga. Kinilala ng Caraga police ang biktima na si Wenefredo Diofernes, 52, na binaril ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Kilometer 2 ng Brgy. Luna bandang alas-9:18  habang minamaneho ang kanyang motorsiklo pauwi ng bahay. Si Deofernes  ay nahalal at nanguna sa pagiging provincial board member bilang independent candidate sa katatapos na 2019 midterm election sa 1st District ng Dinagat Island na kilalang balwarte ng mga…

Read More

BABAE BINARIL NG TANDEM

crime43

(NI JUN V. TRINIDAD) QUEZON – Isang 40-anyos na babae ang bigla agad binaril sa mukha habang nagbubukas ng gate ng kanyang tahanan sa lungsod na ito, nitong Miyerkoles. Kinilala ang biktima na si Jaclyn Kate Koo Tan, ng AV Marquez Subdivision sa Barangay 6. Sa report ng pulisya, aktong nagbubukas ang biktima ng kanilang gate nang biglang lumapit ang dalawang hindi nakikilang suspek na nakasakay sa isang motorsiklo. Nang makadikit na ang dalawa ay bigla na lang inilabas ang hindi pa nalalamang kalibre ng baril ang isa sa mga…

Read More

PULIS MAYNILA TINODAS NG RIDING IN TANDEM SA QC

crime

(NI TJ DELOS REYES) TODAS ang isang pulis-Maynila matapos pagbabarilin ng dalawa katao sakay ng isang motorsiklo, Miyerkoles ng hapon sa lungsod ng Quezon. Kinilala ang biktima na si  P/MSgt Edgar Morada, nakatalaga sa Manila Police District Ermita Police Station 5. Base sa ulat, dakong 12:55 ng hapon  nang maganap ang insidente sa harap ng isang gasolinahan sa kanto ng Granada St., at Valencia St., Brgy. Valencia, ng nasabing lungsod. Lumalabas na sakay ng kanyang motorsiklo si Morada nang tabihan siya ng dalawang suspek sakay din ng motorsiklo at saka…

Read More

70-ANYOS BABAENG NEGOSYANTE PINATAY

crimeshooting

BINARIL at napatay ng riding in tandem ang isang 70-anyos na babaeng negosyante sa loob mismo ng tindahan nito sa Ermita, Cebu. Tinadtad ng tama ng bala si Erlinda Garcia na noon ay nagbabantay sa kanyag tindahan nang lapitan ng gunman, Martes ng gabi. Pinag-aaralan ng pulisya ang anggulong personal na galit o may kinalaman sa negosyo ang motibo sa pamamaslang. Sinabi ni Police Staff Sergeant Joel Perolino, na naghahapunan ang biktima bandang alas-9 ng gabi nang dumating ang gunman sa tindahan ng biktima. Agad nilapitan ng gunman ang biktima…

Read More

BABAE NAHATI ANG KATAWAN, RIDER SUGATAN SA TRAK

quiapo12

(NI HARVEY PEREZ) KALUNUS-LUNOS ang sinapit ng isang babaeng backrider matapos mahati sa gitna ang katawan nito, habang sugatan naman ang kasama niyang rider matapos masagi ng isang kotse at sumemplang ang motorsiklo at masagasaan pa ng parating na truck, Miyerkoles ng umaga sa boundary ng Quiapo at Sta.Cruz sa Maynila. Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang  si Ederlyn Buclares, habang sugatan naman ang rider na si Julius Tevar, at  residente ng 2000 A Katamanan Street, Tondo, Maynila. Isinugod ng sumaklolong Binondo Rescue team sa pagamutan ang rider. Habang…

Read More

KONSEHAL INAMBUS SA HARAP NG MGA ESTUDYANTE, PATAY

crimeshooting

SINDANGAN, Zamboanga del Norte – Sa harap ng mga inihahatid sa eskuwelahan na mga estudyante, pinagbabaril ng riding in tandem ang isang konsehal ng Sangguniang Bayan, Miyerkoles ng umaga. Sakay ni Cicero Gurrea ang ilang estudyante para ihatid ng libre sa paaralan sa Barangay Poblacion nang biglang dumating ang tandem at paputukan ang biktima. Ayon sa hepe ng Sindangan Municipal Police Station na si Maj. Hartzel Peter Billedo, maari umanong alam ng mga suspect ang routine ng biktima dahil tuwing umaga ay inihahatid nito ang mga estudyante nang libre sa…

Read More

PARAK TODAS SA TANDEM

ambush12

NI ALAIN AJERO/PHOTO BY JIMMY CARBO) PATAY ang isang miyembro ng Mobile Patrol Unit ng Navotas Police Station nang tambangan ng riding-in-tandem, Biyernes ng gabi sa Malabon City. Kinilala ang biktima na si P/Cpl. Alex Sta Ana Vitug Jr., 33, ng Blk. 10, Lot 15, Del Mar Subdivision, Llano, Caloocan City. Sakay ang pulis ng kanyang motorsiklo patungo sa Navotas Police Station nang pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo  alas-7:20 ng gabi sa kanto ng Araneta Avenue at Tuazon St. Brgy. Potrero, na agad niyang ikinamatay. Nang matiyak na…

Read More

OFW NIRATRAT NG RIDING IN TANDEM SA HARAP NG BAHAY

crime55

(NI JESSE KABEL) NIRATRAT ng riding in tandem ang isang overseas Filipino worker habang nakatayo sa harap ng kanyang bahay sa Cotabato City. Dead on the spot  si Rahima Balabaran, 30, at residente ng Brgy Datu Balabaran, Cotabato City . Si Balabaran na dating OFW ay pinagbabaril ng riding in tandem suspects dakong alas 7:09, Lunes ng gabi. Sa ulat ng Cotabato City Police Office, kasalukuyang nasa  harap ng kanyang tahanan ang biktima nang bigla itong pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek gamit ang kalibre .45. Mabilis namang tumakas ang…

Read More

LOLONG NEGOSYANTE BINARIL SA LOOB NG TINDAHAN

crimeshooting12

(NI CHERK BALAGTAS) ISANG matandang lalaking negosyante ang patay matapos barilin sa ulo ng dalawang kalalakihang lulan ng motorsiklo sa Lungsod ng Caloocan hapon ng Martes. Sa ulat ng Caloocan Police Community (PCP) 4 P/Maj. Rommel Ebarle, kinilala ang biktimang si Jaime Tamayo, 62, negosyante at residente ng Upper Little Baguio Street, Miramonte Heights, Barangay 180 ng nasabing lungsod. Kasalukuyan umanong abala sa kanyang tindahan ang biktima nang dumating ang mga suspek na pawang mga nakasuot ng face mask at helmet, ganap na alas 3:00 pasado ng hapon. Ipinarada ng mga ito…

Read More

KONSEHAL PINATAY NG TANDEM

mamasapano12

(NI JG TUMBADO) HINDI na pinaporma pa sa darating na May 13, midterm elections ang isang re-electionist sa pagka-konsehal matapos itong pagbabarilin ng riding in tandem sa bayan ng Mamasapano sa Maguindanao araw ng Miyerkoles. Nakilala ang biktima na si konsehal Berto Guiamadel, 55, residente ng bayan ng Shariff Saydona Mustapha. Ayon kay Police Col. Ronald Briones, direktor ng Maguindanao Provincial Police Office (MPPO), naisugod pa sa pagamutan ang biktima pero binawian din ng buhay bunsod ng ilang tama ng bala ng baril. Lumalabas sa imbestigasyon, sakay umano si Guiamadel…

Read More

LIVE-IN PARTNER TODAS SA RIDING IN TANDEM

crime22

(NI JG TUMBADO) PATAY ang isang mag live-in partner makaraang pagbabarilin ng armadong lalaking sakay ng motorsiklo sa Barangay Tabunok, Talisay City, Cebu, Linggo ng madaling araw. Namatay noon din sa lugar ng ambush ang mga biktima na nakilalang sina Felix Yaris, 30, at Carol Dixie Bacalso, 30, naninirahan sa nasabing lugar. Nabatid sa imbestigasyon ni PO3 Glenn Besande, ng Talisay City Police Station, nangyari ang pamamaril dakong alas 4:00 ng madaling araw habang binabagtas ng mga biktima sakay ng motorsiklo ang kahabaan ng R. Rabaya Street sa Sitio Lansiawan.…

Read More

RIDING IN TANDAEM KAILAN MATUTULDUKAN? 

RIDING-IN-TANDEM-5

(Ni Odessa Orpilla Posadas/ Huling bahagi) SA kabila ng dumaraming bilang ng namamatay sa kasamaang dulot ng mga armadong riding in tandem, nananatiling mailap ang hustisya sa marami sa mga ito. Minsan, pinagdududahan pang “fall guy” ang inilalabas ng mga awtoridad na naa­restong suspek. Ibig sabihin, hindi lubos ang pagtitiwala ng publiko na nakamtan nga ng biktima ang hustisya. Naniniwala silang malaya, nakagagala at naghihintay muli ng panibagong target ang mga totoong salarin. Kadalasan, ang nahuling umano’y kriminal ay ipiprisinta sa media kabilang ang mga nasamsam na baril, bala at…

Read More

OPLAN AGAINST RIT SHOOTERS

RIDING IN TANDEM

(Riding in tandem)  Ni Odessa Orpilla Posadas  (Ikalimang na bahagi)   ANG sunod-sunod na pag-atake ng armadong riding in tandem sa mga alagad ng simbahan o pari at elected government officials ay nagsilbing hamon sa Philippine National Police (PNP) kaya noong July 6, 2018, nilagdaan ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang “Campaign Plan: Clean Rider.” Tugon ito ng pamunuan ng PNP sa lumalaking bilang ng mga biktima ng riding in tandem shooters. Inilunsad ang kampanya sa Metro Manila noong August 1, ng nasabi ring taon. Ngunit hindi natinag…

Read More

PULIS SA LIKOD NG KRIMEN 

RIDING-IN-TANDEM-4

Riding in tandem (Ni Odessa Orpilla Posadas / Ikaapat na bahagi)  TAUHAN ng Northern Police District si PO1 MARK Ayeras, ang napatay na isa sa mga ri­ding in tandem na suspek sa pamamaril kay Atty. Arjel Cabatbat. Napatay si PO1 Ayeras habang nakikipagbarilan sa mga kasama ni Atty. Cabatbat na nagkataong may dala rin na baril nang tambangan ang abogado. Ipinagpupuyos naman ng kalooban ng mga kasama ng anti-crime crusader na si Zenaida Luz ang brutal na pamamaslang dito ng mga tinagurian ding riding in tandem. Ito’y dahil ang mga…

Read More

HUMAHABA ANG LISTAHAN NG MGA PINAPATAY NG RIDING IN TANDEM 

RIDING IN TANDEM-4

(Ni Odessa Orpilla Posadas / Ikatlong bahagi) LUMALALA at laganap saan mang bahagi ng bansa ang riding in tandem criminals at padagdag nang padagdag naman ang pangalan ng mga nabibiktima ng mga ito sa talaan ng pulisya. Tulad ng negosyanteng si Alex Yao, 57, na kasama ang kanyang maybahay nang pagbabarilin ng gunman na lulan ng motorsiklo sa mismong compound ng Redemptorist Church sa B.S. Aquino Drive, Barangay 5, Bacolod City. Namatay si Yao habang sugatan ang kanyang maybahay. Si Maytalang 1, Lumban, Laguna Brgy. Capt. Ramir Evangelista naman ay…

Read More

PEKENG DOKUMENTO NG RIDING IN TANDEM 

RIDING-IN-TANDEM-3

(Ni Odessa Orpilla Posadas  / PART 2) INILAHAD ni Gel Damaso ang mga kinakailangang ihanda para makakuha ng hulugang motorsiklo. Kinabibilangan ito ng cash na P2,500 (pang-downpayment), Barangay Clearance, bill ng ilaw at tubig, payslip, 2×2 picture at co-maker. Kapag nakumpleto na ang mga ito ay magsasagawa naman ng company investigation ang tindahan na bibilhan ng motorsiklo upang masiguro na kakayaning bayaran ng nag-aaplay ang kukuning motorsiklo. Kapag pumasa ay makukuha na rin agad ng kos-tumer ang motorsiklo. Ngunit balik na tanong ko, paano halimbawang may mga kakulangang papeles ang nag-aaplay?…

Read More

RIDING IN TANDEM 

RIDING IN TANDEM

(Ni Odessa Orpilla Posadas) MAPANGANIB…mailap… at kadalasa’y mahirap matukoy ang mga salarin na nasa likod ng mga brutal na pagpatay ngayon. Itinuturing silang salot sa lipunan. Ang mga hired killer na riding in tandem. Kaliwa’t kanang patayan hindi lang sa Kamaynilaan kundi maging sa mga probinsyang dati-rati ay takbuhan, bakasyunan  ng mga taong naghahanap ng kapayapaan ng isipan. Ngunit ngayon, ma-ging ang mga liblib na lugar sa ilang lalawigan ay pinipinsala na rin ng riding in tandem criminals. Halos dekada na ang lumipas mula nang mamayagpag ang ganitong estilo ng…

Read More

CHAIRMAN TINODAS SA HARAP NG BRGY HALL

tondo1

(NI JULIE DUIGAN) PATAY sa tama ng bala sa ulo at dibdib ang isang  barangay chairman Martes ng hapon sa Tondo, Maynila. Nakilala ang biktimang si Marcelino Ortega, ng Brgy. 199 Zone 18 sa Pilar St., Tondo, habang mabilis namang tumakas ang magka-angkas sa motorsiklo na kalalakihan sa direksiyon ng Abad Santos Avenue. Batay sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang pamamaril sa harapan ng Barangay hall sa panulukan ng Hermosa at Pilar St., sa Tondo., bandang alas-2:58 ng hapon Nabatid sa report ng pulisya, habang nasa harapan…

Read More

RIDING-IN-TANDEM NAG-TRIP, 6 SUGATAN

riding

(NI TJ DELOS REYES) MISTULANG nag-trip ang dalawa katao na sakay ng motorsiklo matapos na walang habas na mamaril ng mga bystander Lunes ng gabi sa Quezon City. Kinilala ang mga biktima na sina Carmen Dionisio, 40, Albert Daymil, 35, Jorlin Bitales, 35, Eden Timbreza, 38, Cecilio Lacsina, 59, at Alfia del Monte,15, pawang residente ng Brgy. Commonwealth. Nagtamo ang mga biktima ng tama ng bala ng baril sa  paa at isinugod sa East Avenue Medical Center (EAMC). Base sa ulat, dakong 8:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa…

Read More