RIDERS PINAYUHAN SA PAGDALO SA CHRISTMAS PARTY 

mmda12

(NI LYSSA VILLAROMAN)

PINAYUHAN ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga motorista na maging disiplinado sa mga road safety sa pagsisimula ng pagdaraos ng Christmas party sa iba’t ibang lugar.

“We would like to advise the public, unang-una mag-carpool kayo kung pupunta kayo ng party and designate a driver. Ibig sabihin, kung mag-iinuman kayo please make sure that there is someone sober enough to drive you back home,” ayon sa pahayag ni MMDA EDSA traffic chief Bong Nebrija.

Sinabi rin ni Nebrija na maging pasensiyoso ang mga motorista upang maiwasan ang mga away sa kalye lalo na ang inaasahan nilang pagbigat ng traffic ngayong Kapaskuhan.

Ayon pa rin kay Nebrija, sila ay may deployment ng mga traffic enforcer sa mga malls at lugar na may pagdarausan ng Christmas party.

Inabisuhan din ni Nebrija ang mga mall owner na i-monitor ang kanilang mga entrances sa EDSA upang maiwasan ang mahabang pila ng mall-goers papasok sa kanilang malls na siyang isang nagiging dahilan ng mahabang traffic ng mga sasakyan sa highway.

“Let it be part of their corporate social responsibility na tulungan ‘yung mga kababayan natin na huwag maipit sa traffic, lalong lalo na ‘yung mga motorista na hindi naman papunta ng malls,” ani Nebrija. 

 

Please follow and like us:
Read More

MAGKAANGKAS NA BAGETS TUMILAPON; 1 PATAY

accident121

(NI NILOU DEL CARMEN)

NASAWI ang isang 18-anyos na binatang nagmamaneho sa motorsiklo  samantalang  sugatan ang 16-anyos na dalagang kaangkas nito nang ang sinasakyan ng mga ito maaksidente sa kurbadang bahagi ng  highway sa Nagcarlan, Laguna, Sabado ng maghahatinggabi.

Dead on the spot ang biktimang si Harold Villegas, taga Brgy. Talangan, Nagcarlan,   matapos na ang ulo nito ay tumama sa kongkretong poste sa gilid ng highway.

Malubha namang nasugatan ang backrider nito na si Katrina Ramirez, residente ng Liliw, na nagtamo ng mga sugat sa katawan matapos na ito ay magpagulong-gulong sa sementadong kalsada.

Ginagamot pa ito ngayon sa Nagcarlan District Hospital.

Batay sa report ng Nagcarlan police, basa ang kalsada at mabilis ang takbo ng motorsiklo  sa papalikong highway kaya nawalan ng kontrol ang biktima.

Sumalpok ang motorsiklo sa concrte railings kaya tumilapon ang dalawa.

 

Please follow and like us:
Read More

2 RIDERS TODAS, 9 SUGATAN SA QUEZON ROAD MISHAP

(NI JV TRINIDAD)

QUEZON – Dalawang motorcycle riders ang namatay at siyam na iba pang motorista ang sugatan sa dalawang magkahiwalay na aksidente sa mga bayan ng Gumaca at San Narciso sa lalawigang ito noong Sabado at Linggo.

Sa report ng Gumaca police, sumalpok ang umalagwang DLTB bus na minamaneho ni Levie Talento sa isang bahay sa tabi ng Maharlika Highway sa Barangay Binambang bandang alas-3:30 ng umaga ng Linggo.

Wala namang nasugatan sa mga naninirahan sa nasabing bahay matapos  banggain ng bus patungong Bicol.

Sa pahayag ni Talento sa pulisya, bigla umano siyang nawalan ng kontrol sa kanyang sasakyan na siyang naging dahilan sa naganap na aksidente.

Isinugod sa Gumaca District Hospital ang pitong pasahero ng bus na pawang nagtamo ng bahagyang pinsala sa katawan samantalang si Talento na nagtamo rin ng sugat ay dinala naman sa RAKKK Prophet Medical Center sa kabayanan din.

Sa bayan ng San Narciso ay todas naman ang dalawang sakay sa motorsiklo matapos sumabit ang kanilang sasakyan sa isa pang motorsiklo habang nag-oovertake ang una.

Nakilala ang biktima na sina Jerwin Carabot (driver) at back rider na si Mark Jovel Abejuela.

Sa report, tumilapon ang dalawang biktima sa provincial road sakop ng Barangay Calwit noong Sabado ng umaga resulta ng maling pag-overtake.

Isinugod ang mga duguang biktima sa San Narciso Municipal Hospital subalit hindi na umabot nang buhay sila Carabot at Abejuela sanhi ng grabeng pinsala sa katawan.

Ang isa pang motorcycle rider na si Blademer Culla ay nagtamo rin ng sugat at nagpapagaling sa nasabing ospital.

Napag-alaman na parehong walang suot na crash helmets ang dalawang natodas sa aksidente.

 

Please follow and like us:
Read More

EPD, SOTTO, NCRPO NAGSANIB VS RIDING IN TANDEM CRIMES

(NI MAC CABREROS)

NAGSANIB-PWERSA ang pamahalaang lungsod ng Pasig, Eastern Police District at Motorcycle Riders, group para mapaigting ang kampanya laban sa krimen sa kalsada lalo ang Riding-in-Tandem o RIT crimes.

Nilagdaan nitong Linggo nina Mayor Victor Ma. Regis N. Sotto, EPD Director BGen. Nolasco K. Bathan at mga pangulo ng iba’t ibang Riders’ group sa Pasig City Sports Center ang kasunduan para itaguyod ang Anti-Motorcycle Riding Suspect Patrol.

Sa kanyang mensahe, binigyan diin nina National Capital Region Police Office Director, MGen. Guillermo Eleazar at Mayor Sotto, na malaki ang maitutulong ng mga riders para malabanan ang RIT crimes.

“Tandem tayo sa mga krimeng gawa ng riding-in-tandem,” diin Eleazar.

Bibigyan ng sticker ang mga rider bilang tanda na kasali sila sa programa. Ngunit dadaan pa rin sila sa inspection para masiguro na ‘malinis na kasapi’ ang mga ito.

Binanggit ni Eleazar na patuloy bumaba ang RIT crimes sa Metro Manila saan 71 kaso noong 2017 ay bumaba ito sa 32 nitong unang bahagdan ng 2019.

Sinabi pa Eleazar na nakipag-ugnayan rin sila sa iba pang Regional Police Office upang ganap na coordinated ang kampanya laban sa krimen gaya ng RIT.

Please follow and like us:
Read More