RIDER NA PULIS PATAY SA JEEP

accident12

CAVITE – Binawian ng buhay ang isang 41-anyos na pulis-Pasay nang banggain ng isang pampasaherong jeepney ang minamaneho niyang motorsiklo at nasagi ang isang traffic enforce sa Bacoor City sa lalawigang ito. Namatay habang ginagamot sa Saint Dominic Medical Center ang biktimang si P/SMSgt. Herbert Salazar, may-asawa, nakatalaga sa Pasay City Police Station, habang ginagamot sa nasabing ospital si Traffic Enforcer Arnold Oserio, 50, ng Brgy. Habay 2, Bacoor City. Arestado naman ang driver ng isang pampasaherong jeepney na may plakang DJN 579, na si Reggie Cruzada, 28, binata, ng…

Read More

RIDER PATAY SA PALYADONG MOTORSIKLO

MOTORSIKLO-10

BINAWIAN ng buhay ang isang rider nang sumemplang ang kanyang minamanehong motorsiklong nawalan ng kontrol dahil umano sa mechanical failure, nitong Lunes ng hapon sa Navotas City. Hindi umabot nang buhay sa Navotas City Hospital sanhi ng pinsala sa ulo ang biktimang si Carlito Sampayan, 56, driver, ng Blk. 4, Lot 20, Paradise Village, Letre, Brgy. Tonsuya, Malabon City. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Road 10, Brgy. North Bay Boulevard South Proper. Minamaneho ni Sampayan ang kanyang motorsiklo nang mawalan ng…

Read More

RIDER PATAY, ANGKAS SUGATAN SA TRUCK

accident121

CAMARINES Sur – Binawian ng buhay ang isang motorcycle rider habang sugatan ang kanyang angkas nang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kasunod na tanker truck, iniulat ng pulisya nitong Lunes ng umaga sa lungsod na ito. Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang namatay na si Rommel Castillo, habang sugatan si Princess Lopez, kapwa residente ng Lopez, Quezon. Hawak naman ng pulisya ang suspek at driver ng tanker truck na kinilalang si Gidel Balid, residente ng Pili, Camarines Sur. Batay sa report ng Sipocot Police Station, nangyari ang insidente sa…

Read More

2 MOTORCYCLE RIDER PATAY SA PAG-OVERTAKE

accident12

CAVITE – Dahil sa pag-overtake sa sinusundang sasakyan, namatay ang dalawang motorcycle ri­der  matapos sumemplang ang kanilang motorsiklo sa magkahiwalay na aksidente sa lalawigan. Dead on the spot ang biktimang si Gery Domantay habang idineklarang dead on arrival sa Dr. Poblete Memorial Hospital si Leo Dechavez, 29, gardener,  ng Pier Barangay Manggahan, 1, Alfonso, Cavite. Sa ulat, minamaneho ni Domantay ang kanyang Honda motorcycle habang binabagtas ang kahabaan ng Governor’s Drive na  sakop ng Barangay Mabuhay, Carmona, Cavite dakong alas-8:10 ng umaga kahapon nang maganap ang aksidente. Nag-overtake umano sa…

Read More

RIDER NA PROMODISER, TEPOK SA SALPOK

accident

CAPIZ – Binawian ng buhay ang isang promodiser makaraang sumalpok ang minamaneho niyang mo-torsiklo sa concrete barrier, iniulat nitong Sabado ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Christian Horario, 26-anyos, residente ng Brgy. Calapawan sa bayan ng Panay. Batay sa report ng Pilar Municipal Police Station, nangyari ang insidente sa Brgy. San Fernando sa bayan ng Pilar. Lumabas sa imbestigasyon, galing sa bayan ng Carles at patungo sa Roxas City ang biktima ngunit hindi napansin ang concrete barrier sa daan. Bunsod nito, sumalpok ang motorsiklo at tumilapon ang…

Read More

RIDER NAGULUNGAN NG BUS, TODAS

accidentsign1

PATAY ang isang motorcycle rider makaraang magulungan ng isang bus sa kahabaan ng Ortigas Ave. (east bound) sa harap ng Meralco sa Brgy. Ugong, Pasig City noong Martes ng gabi. Kinilala ang biktimang sakay ng kanyang Suzuki motorcycle nang mangyari ang insidente, na si Exequiel Raffer Leonardo, 41-anyos, namatay habang nilalapatan ng lunas sa Pasig City General Hospital (PCGH). Nabatid sa paunang imbestigasyon ng Pasig City Police Station (CPS), nasa parehong direksyon sa east bound ng Ortigas Ave. patungong Junction-Tikling, ang biktima at ang Zhongtong public utility vehicle na minamaneho…

Read More

RIDER NAKATULOG; PISAK SA TRAK

(NI ANNIE PINEDA) PISAK ang isang rider makaraan pumailalim ito sa trak nang makatulog umano habang minamaneho ang motorsiklo nito, iniulat kaninang umaga sa Davao City. Kinilala ang biktimang si Jerwin Langcuban Allilian, 29-anyos at residente ng Trento, Agusan del Sur. Nasa kustodiya naman ng pulisya ang suspek at driver ng wing van truck na kinilalang si Armando BongBong, 53 anyos, at residente ng SIR Phase 1 New Matina, Davao. Batay sa report ng Talomo Police Station, dakong alas 12:20 ng hatinggabi nang maganap ang insidente sa Catalunan Pequeño nang…

Read More

BUMANGGA SA 3 SASAKYAN; 2 LASING NA RIDER TODAS

accident12

(NI NILOU DEL CARMEN) KAPWA namatay ang dalawa umanong lasing na magkaangkas sa motorsiklo matapos na ang sinasakyan ng mga ito ay kumarambola at sumalpok sa tatlong sasakyan  sa Tagatay – Nasugbu highway sa Barangay Kaylaway, Nasugbu, Batangas Martes ng gabi. Dead on the spot ang backrider na si Rene Gonzales, 46,  samantalang nasawi  rin matapos na maisugod sa ospital ang nagmamaneho na si Gilmark De Villa. Ayon kay PMAJ Ronald Cayago, hepe ng Nasugbu police, batay sa findings nang doktor sa pinagdalahan na Metropolitan Hospital, parehong amoy alak ang dalawa. Base sa report,…

Read More

BABAE MAY LQ SA BF NA RIDER, TUMALON SA MOTORSIKLO, PATAY!

motoraccident12

(NI ANNIE PINEDA) SUMAMBULAT ang utak sa kalsada ng isang babae matapos umanong tumalon sa motorsiklo na minamaneho ng kanyang nobyo habang sila ay nag-aaway, iniulat kaninang umaga sa Davao City. Kinilala ang biktimang si Lanie Casigmulan, 20 at residente ng Bermudez, Tagum City habang ang nobyo nito ay kinilalang si Brylle Jayson Jimenez, 23. Batay sa report ng Tagum Police, naganap ang insidente madaling araw ng Linggo sa Seminary Drive, Magugpo West Tagum City. Lumabas sa imbestigasyon, binabaybay ng dalawa ang naturang kalsada pauwi nang magkaroon ng pagtatalo ang…

Read More

RIDER PATAY SA PINALIPAD NA MOTORSIKLO

accident121

(NI ANNIE PINEDA) PATAY ang rider habang kritikal ang angkas nito matapos umanong paharurutin ang minamanehong motorsiklo at sumalpok sa mga nakaimbak na bato sa may irigasyon, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Capiz. Kinilala ang namatay na si Renante Exel, 44, residente ng Barangay Consolacion, Dumalag, Capiz habang kritikal ang angkas nitong si Jerry Danid, 50, ng Barangay Poblacion, Tapaz. Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ni Exel ang motorsiklo at binabaybay ang kalsada malapit sa kanilang tahanan. Halos lumilipad umano sa pagmamaneho si Exel dahilan para sumalpok ang…

Read More

BRGY. CHAIR NIRATRAT SA HARAP NG BRGY. HALL

(NI ROSE PULGAR) SUGATAN ang isang barangay chair nang barilin ng isang rider habang nakatayo sa harap ng barangay hall, Lunes ng gabi sa Pasay City. Nagtamo ng dalawang tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa kamay at hita at patuloy ginagamot sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Robustiano Miro, barangay chair ng Barangay 116. Base sa isinumiteng report ni Police Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police,  dakong alas-11:28 ng gabi nang maganap ang insidente sa harap ng barangay hall sa…

Read More

2 RIDERS DEDBOL SA TUMAWID NA ASO

accident121

(NI NILOU DEL CARMEN) NASAWI  ang magkaibigang estudyante matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa tumatawid na aso sa Cabuyao, Laguna, Biyernes ng hapon. Kinilala ang dalawang estudyante na sina John Bryan Mendoza, 18, at Jeff Harvey Tampipi, 17. Namatay din ang asong nabangga sa aksidente. Base sa kuha ng CCTV,   minamaneho ni Mendoza sa NIA Road, Barangay Baclaran ang motor nang biglang bumangga sa isang aso. Dahilan ito para tumilapon ang dalawang nakasakay, na agad namatay matapos ang aksidente. Lumalabas sa imbestigasyon ng Cabuyao police na mabilis ang takbo ng motorsiklo na minamaneho.…

Read More

RIDER NAKAIDLIP, BABAENG SAKAY, PATAY

accident121

(NI SIGFRED ADSUARA) DAHIL sa napaidlip na babaeng driver, nahulog  sa pagkaangkas at tumama ang ulo sa semento na nagresulta  sa kamatayan ng isang  41-anyos na Call Center Agent sa Dasmarinas Cavity, Cavite. amatay habang ginagamot sa Pagamutan ng Dasmarinas City, Cavite si Chester Castisimo, ng Brgy  Pala-Pala Dasmarinas City, Cavite habang ginagamot din sa nasabing ospital ang driver ng motorsiklo na si Sharmaine Fausto, 34, ng Block 34 Lot 5 Tierra Solana Buenavista  3, Gen Trias City, Cavite Sa ulat ni PSSgt Donato Almenario ng Dasmarinas City Police Station,…

Read More

RIDER NAG-OVERTAKE, PATAY SA PUNO

accident12

(SIGFRED  ADSUARA) DAHIL sa punongkahoy na hindi pa napuputol sa ginagawang road widening, nasawi ang isang 20-anyos na estudyante habang sugatan ang dalawang angkas nito nang bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa puno sa ginagawang road widening sa Silang, Cavite. Dead-on-arrival sa Tagytay Medical Center ang biktimang si John Rey Erci ng Brgy Ulat, Silang, Cavite habang inoobserbahan pa sa nasabing opsital si Gerald Tamundong, 17 ng  Brgy. Putting Kahoy Silang, Cavite at  John Michael Palino , 19, kapwa estudyante at residente ng Brgy. Iruhin Central Tagaytay City, Cavite. Sa ulat ni…

Read More

RIDER PATAY SA KARAMBOLA NG 8 SASAKYAN

accident12

(Ni MAC CABREROS) Isang babaeng motorcycle rider ang nasawi nang mabangga ng pampasaherong jeep na sinasabing nawalan ng preno at umararo sa anim pang sasakyan sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City kamakalawa. Namatay makaraang maipit sa nagbanggaang sasakyan si Grace Anne Pajemago habang sugatan ang isang driver na si Benjamin Celestra Jr, 42, nang magkarambola ang walong sasakyan alas-8:55 ng umaga ng Sabado sa  EDSA-Shaw Flyover, nasabing lungsod. Sa imbestigasyon, tinatahak ng mga sasakyan ang Shaw Blvd patungong Silangan kung saan nasa pinakaloob na linya ang nasawing biktima. Pagdating sa pababang…

Read More

RIDER BASAG ANG MUKHA SA NAKAPARADANG TRAK

accidentsign1

(Ni ANNIE PINEDA) BASAG ang mukha ng isang binata makaraan pumailalim sa trak ang minamanehon nitong motorsiklo, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Naga City. Kinilala ang biktimang si Ryan Ray Margallo Avila, nasa hustong gulang at residente ng Pamukid San Fernando, Camarines Sur. Batay sa report ng pulisya, dakong alas 4:00 ng madaling araw nang maganapa ng insidente sa Sabang, Mabolo Milaor, Camarines Sur. Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, minamaneho ni Avila ang motorsiklo nito nang bigla na lamang siyang sumalpok at pumailalim sa nakaparadang trak sa nasabing lugar.…

Read More

LASING NA RIDER NAHULOG, PATAY SA NAKAUSLING BAKAL 

accident12

(NI ANNIE PINEDA) HINDI na nakauwing buhay ang isang lalaking lasing makaraan mahulog ito sa kanal at matusok sa bakal habang minamaneho ang kanyang motorsiklo, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Ilocos Sur. Kinilala ang biktimang si Jaster Wurdo Tuquero, 20, ng Sta. Lucia, Candon City. Batay a report ng Candon City Police Station, Sabado ng gabi nang makita ang biktima sa ilalim ng ginagawang tulay sa nasabing lungsod at nakatusok ang katawan nito sa nakausling bakal. Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang insidente nakipag-inuman ang biktima sa isang…

Read More

RIDER TODAS SA BUS

accident12

(NI NILOU DEL CARMEN) PATAY ang isang empleyado matapos araruhin ng bus ang sinasakyan nitong motorsiklo sa Maharlika highway sakop ng Sto.  Tomas,  Batangas, Biyernes ng maghahatinggabi. Kinilala ang nasawi na si Globert Arellano,  43,  tubong Naujan,  Oriental Mindoro. Batay sa report ng Sto Tomas police,  bandang alas 11:20 ng gabi,  patungo ang biktima sa direksyon ng Sto. Tomas galing sa San Pablo City at tinatakbo ang highway nang pagdating sa bahagi ng Barangay San Vicente, ay matumbok ito ng kasalubong na bus. Nag-overtake umano ang bus sa isa pang…

Read More

ASO NASAGASAAN, RIDER PATAY, 1 SUGATAN

accident121

(NI ANNIE PINEDA) PATAY ang isang rider habang sugatan ang angkas nito makaraang mabangga ng kanilang motorsiklo ang aso sa gitna ng kalsada, iniulat kaninang umaga sa lalawigan ng La Union. Kinilala ang nasawi na si Adrian Oler, 18, habang sugatan ang angkas nito na si Emil John Oler, 24, kapwa residente ng Barangay Pao sa nasabing bayan. Batay sa report ng Balaoan Police, naganap ang insidente sa provincial road sa Barangay Butubot Oeste sa bayan ng Balaoan, La Union. Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, habang binabaybay nina Oler ang…

Read More

SHABU SA DRIVER’S LICENSE BUKING, RIDER KULONG

(NI SIGFRED ADSUARA) BUKING ang nakatagong shabu sa driver’s license ng isang 41-anyos na  motorcycle rider na naunang sinita dahil sa hindi nito pagsusuot ng helmet nang malaglag ang sachet ng shabu sa kanyang lisensiya  sa Bacoor City, Cavite. Kasong paglabag sa Sec 11 ng RA 9165 ang isinampang kaso laban sa suspek na si Choody Cruz, ng 16 Medicion 2B, Imus City, Cavite. Sa ulat ni Corporal Christian Jovita ng Bacoor City Police Station, dakong alas-3:00 Martes ng hapon nang parahin ng Bacoor City police  ang minamanehong motorisklo ng…

Read More

RIDER PATAY SA SINALUBONG NA TRUCK

accident121

(NI BONG PAULO) MAAGANG sinalubong ni kamatayan ang isang 21-anyos na drayber ng motorsiklo matapos na makasalpukan ang isang wing van truck sa road mishap na naganap sa sa Brgy. Ulamian, Libungan, North Cotabato, Linggo ng umaga. Kinilala ang nasawi na si Nick Kadil Bad, residente ng Supermarket Site, Cotabato City, habang kinilala naman ang drayber ng truck na si Randy Vilos Masil, 51, ng Taal 1, Bangkal, Davao City. Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, alas-10:40 ng umaga nang maganap ang aksidente kung saan galing sa direksiyon ng…

Read More

RIDER SUMEMPLANG, PISAK SA BUS

accident12

(NI ANNIE PINEDA) PISAK ang isang rider makaraan magulungan ito ng pampasaherong bus nang sumemplang umano ito sa pag-overtake, sa Iloilo City.Kinilala ng biktimang si John Martinez, 37, at residente ng Barangay Ito Norte, Cabatuan, Iloilo. Hawak naman ng pulisya ang suspek at driver ng Ceres bus na si Richard Sayat. Batay sa report ng Dumangas-PNP, dakong alas 4:30 ng hapon ng Linggo nang maganap ang insidente sa kalsada ng Brgy. Balabag, Dumangas, ng nasabing lungsod. Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, binabaybay ng biktima ang nasabing lugar nang mag-overtake umano…

Read More

LASING NA RIDER, SHOOT SA MANHOLE, PATAY

accident121

(NI SIGFRED ADSUARA) DAHIL sa sobrang kalasingan at mabilis na pagmamaneho, nakipagpatintero sa kamatayan ang isang 38-anyos na security guard nang bumulusok ang minamanehong motorsiklo sa isang manhole sa Trece Martires City, Cavite. Hindi na umabot nang buhay sa MV Santiago Medical Center ang biktimang si Christian Luneta, ng  385 Brgy. Paradahan 1 Tanza, Cavite. Sa ulat ni Pat. John Gregory Bago, ng Trece Martires City Police Station, dakong ala-1:48 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Governor’s Drive ng naturang lungsod kung saan  minamaneho ng biktima…

Read More

‘TIL DEATH DO US PART

accident121

(NI ANNIE PINEDA) PATAY ang mag-asawa na nakamotorsiklo makaraan salpukin sila ng humaharurot na motorsiklong minamaneho ng lasing, iniulat kaninang umaga sa lalawigan ng Pangasinan. Kinilala ang mga namatay na sina George Lomibao at misis nitong si Rosalie Lomibao, kapwa residente ng Brgy Naguilayan, San Carlos City, Pangasinan. Hawak naman ng pulisya ang suspek na kinilalang si Robinson Bied, 19. Batay sa report ng pulisya, minamaneho ni George ang kanyang motorsiklo sakay ang asawa nito nang bigla na lamang nag-overtake ang suspek na kasalubong ng mag-asawa. Sa bilis ng patakbo…

Read More