UE’s REY SUERTE HANDA NA SA PBA

(NI LOUIS AQUINO)

MATAPOS ang kanyang graceful exit sa UAAP, makaraang pangunahan ang University of the East sa panalo kontra National University, 79-77, sa huling laban nila ngayong Season 82, handa na ang 6-foot-3 na si Rey Suerte na subukan naman ang professional league.

Ipinahayag ng tubong-Monkayo, Compostela Valley ang kanyang pagsabak sa 2019 PBA Rookie Draft.
“Siguro aakyat na sa PBA kung papalarin,” sabi ni Suerte kaugnay sa plano niya makaraan ang maikling career sa UE Red Warriors, na tuluyang nagtapos ang kampanya sa UAAP.

Si Suerte ay may average 17.6 points, 6.8 rebounds, 3.9 assists, at 1.2 steals at kasama sa mga kinokonsidera sa Mythical Team ngayong Season 82.

Bago lumipat sa UE, naging maningning ang collegiate career ng 24-year-old guard sa pinanggalingang University of the Visayas na tinulungan niya sa tatlong winning titles, na naging daan sa pagkakamit niya ng dalawang Cesafi MVP awards.

Para kay Suerte, eye-opener sa kanya ang paglalaro sa UAAP. “Grabe ang competition dito, sobrang hirap talaga.

Pero na-amaze ako sa sarili ko kasi kaya ko palang makipagsabayan kaya thankful ako.”

Inaasahang makakabilang si Suerte sa first-round selection sa taunang PBA Rookie Draft sa December 8.

 

Please follow and like us:
Read More