TINULDUKAN NA NG KASAYSAYAN ANG IKA-17 KONGRESO

RESPONDE.jpg

SA pagsuri natin ng kanyang performance, masasabi natin na matagumpay na naisulong ng administrasyong Duterte ang kanyang mga prioridad na mga panukala, at ito ay dahil na rin sa magandang pagkakahawak ng liderato ng parehong Kamara.

Saludo tayo sa epektibong collaboration ng ehekutibo at ang pangasiwaan ni Senate President Tito Sotto at House Speaker Gloria Macapagal Arroyo para maisabatas ang mga matatawag natin na landmark legislation tulad ng Free College Education Law, Bangsamoro Organic Act, National ID System, Universal Health Care Act, at ang Magna Carta for the Poor.

Itong mga bagong batas na ito ay masasabi natin na matagumpay na pagtaguyod sa kapakanan ng mga mamamayan, at ito ang mga klase ng batas na alam natin na talagang magtutulak sa a­ting bayan upang maging mas asensado.

Kaya naman din ipinakita ng taumbayan ang kanilang buong suporta sa administrasyong Duterte nitong nakaraang eleksyon. Ipinadama ng sambayanang Pilipino sa pamamagitan ng kanilang kapangyarihan sa balota na nais pa nilang bigyan ng pagkakataon ang kasalukuyang gob­yerno na ipursige ang mga natitira pang legislative agenda ng Pangulo.

Marami ang na-accomplish ng 17th Congress. At ito ay sa kabila rin ng mga kaakibat na mga problema tulad nung na-delay ang pagpasa ng national budget. Pero nakita at nadama natin na inalalayan talaga ng Kongreso ang mga nais na maipatupad ni PRRD, at dahil dyan, tayo po ay nagpapasalamat sa lahat ng mambabatas na naging katuwang ng bayan.

At para sa papasok na mga bagong mambabatas, nawa’y gabayan po kayo ng maykapal na ituloy po ang pagsulong para sa tuluyang pag-unlad ng Pilipinas.

Andito kaming mga mamamayan na magmamasid, susuri, susuyod at susugod sa inyo para sa aming kapakanan.

Sulong Pilipinas! (RESPONDE ORA MISMO /KUYA JOE)

Please follow and like us:
Read More

SUGPUIN ANG NARCO POLITICS

RESPONDE.jpg

TAPOS na ang halalan. Nagsalita na ang taumbayan. Pasalamatan po natin ang lahat na tumulong upang maging matagumpay ang ating halalan, lalo na ang ating mga guro at mga kapulisan. Saludo po kami sa inyo.

Hindi po perpekto ang proseso pero sa kabuuan ay maayos ang ating eleksyon at nakagugulat din ang mataas na voter turnout para sa isang midterm poll. Ito ay isang hudyat na gusto talagang ipahiwatig ng taumbayan ang kanilang pagsang-ayon at tiwala sa kasalukuyang administrasyon. Ang naganap na hal-alan at ang kabuuang resulta nito ay isang malinaw na mandato ng taumbayan kay Pangulong Duterte.

Pero marami pa rin tayong kailangan ayusin, at kaisa tayo ng administrasyong Duterte na patuloy na ha-hanap at kikilos para lalong mapaigting ang sistema, hindi lang ng halalan, kundi mismo ng pamama-lakad ng gobyerno para sa kapakanan ng mga mamamayan.

Ang isa sana nating mapagtuunan ng pansin ay ang tuluyan na masugpo ang narco-politics at mahinto na ang kaakibat nitong patronage politics.

Nakita natin mismo na laganap pa rin ang patronage politics at nakalulungkot na napipilitan ang ilan sa ating mga kababayan na mapasubo sa pagbenta ng kanilang boto dahil sa bulok na umiiral at nangingi-babaw na ‘guns, goons and gold’ sa ibang lugar.

Marami pa tayong kailangang harapin na mga isyu sa halalan upang mapangalagaan ang pagkasagrado ng ating mga boto.

Importante ito dahil ito ang ating tunay na kapangyarihan bilang mamamayan. (RESPONDE /Kuya Joe)

Please follow and like us:
Read More