NAPAPANAHON ANG MODERNISASYON

RESPONDE.jpg

ISANG aksidente muli ang kumitil sa buhay ng abot 20 nating mga kababayan nitong Martes. Ang masayang bakasyon ng mga magkapamilya at kapitbahay ay humantong sa trahedya nang mahulog sa bangin ang isang truck sa T’boli, South Cotabato. Agarang nagpatawag si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng isang pulong kasama si Department of Transportation Secretary Arthur Tugade at iba pang mga opisyales. Ipinahayag ng pangulo ang kanyang mabigat na utos na mas maging mahigpit sa pagpapatupad ng ating mga batas ukol sa kaligtasan at seguridad ng bawat mamamayan sa kalsada. Ilang…

Read More

HUWAG NANG IBALIK SA PWESTO

RESPONDE.jpg

BUONG linggong pinagpiyestahan ang balita ukol sa pag-abuso ng mga opis­yales ng Bureau of Corrections (BuCor) sa R.A. No. 10592 o ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) na siya rin naging paksa natin kamakailan. Mismong ang Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagpahayag na sibak na sa pwesto si BuCor Dir. Nicanor Faeldon sa hindi pagsunod sa kanyang utos ukol sa GCTA. Pati ang anak ng Pa­ngulo na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ay dismayado sa mga pangyayari lalo na sa pagpapalaya nito lamang buwan ng Hunyo sa apat na…

Read More

SUNDIN ANG BATAS

RESPONDE.jpg

NABULABOG ang sambayanan nang mapabalitang maaaring makalaya si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na matagal nang nakakulong matapos mahatulang guilty sa kasong pagpatay at paggahasa sa estudyante ng University of the Philippines sa Los Baños nuong 1993. Sa unang panayam ng media kay Bureau of Corrections Director Nicanor Faeldon, nabanggit nito na kasama si Sanchez sa may sampung libong preso na pinag-aaralang makalaya sa ilalim ng R.A. No. 10592 o ang Good Conduct Time Allowance at sa ruling ng Korte Suprema na “retroactive” ang batas na ito. Ibinahagi naman…

Read More

PAGPASOK NG MGA DAYUHAN DAPAT NAAAYON SA BATAS

RESPONDE.jpg

PINAIIMBESTIGAHAN ng ilang mambabatas ang biglaang pagdami ng mga Tsinong manggagawa sa Pilipinas partikular na tinutukoy ngayon ay ang mga nasa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO). Nakababahala ang pagdagsa nila mula sa Tsina lalo na may mga ilang ulat na hindi umano dumaan sa tamang proseso at walang tamang working visa ang mga ito. Ang ilan sa kanila ay nakapapasok bilang turista ngunit tumutuloy na bilang mga manggagawa kaagaw ang mga Pilipino sa trabaho rito sa ating sariling bansa. Heto na nga at pinatatawag na ng Kamara ang mga taga-Bureau…

Read More

LABAN-BAWI SA PCSO

RESPONDE.jpg

NAGULANTANG ang taumbayan sa biglaang berbal na direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang Biyernes na ipatigil ang lahat ng gaming operation sa pangangasiwa ng Philippne Charity Sweepstakes Office (PCSO) kasama na rito ang lotto, small time lottery (STL), peryahan ng bayan at Keno. Ito ay dahil na rin umano sa talamak na korapsyon sa ahensya. Mula sa 2018 Annual Audit Report sa PCSO, lagpas dalawang bilyong pisong gastos ng PCSO ang inisyuhan ng Notice of Disallowance dahil sa paglabag sa patakaran ng paggastos nito. May lumabas na lagpas sa…

Read More

SUBUKAN ANG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA

RESPONDE.jpg

NAGDAAN muli ang SONA ni Pangulong Duterte. Dinumog na naman ng kilos protesta ang Commonwealth Ave. at gayundin ang iba’t ibang probinsya. Kani-kanyang diskarte ang mga raliyesta para ipakita ang kanilang dismaya sa administrasyon. Sa loob naman ng Batasan Pambansa, nagpabonggahan ng kasuotan ang mga mambabatas. Sa ikaapat na pagkakataon, inilathala ng Pangulo ang nagawa ng kanyang administras­yon at ang mga hakbang na tatahakin para sa susunod na taon. Kung ating susuriin, maraming pangako mula sa mga nakalipas na SONA ang tila hanggang ngayon ay hindi pa rin lubusang nabibigyan…

Read More

GINHAWANG DULOT NG MGA PROYEKTO NG DUTERTE ADMIN

RESPONDE.jpg

SA Lunes, magbubukas na ang opisyal na session ng 18th Congress at mapakikinggan din ng taumbayan ang taunang ulat ng ating Pangulo o State of the Nation Address (SONA). Ito ang pang-apat na SONA ni Pangulong Duterte at inaasahan natin na dito niya ihahayag ang kanyang magiging mga prayoridad sa natitirang 1,074 days ng kanyang termino. Marami na ang nagawa ng Duterte administration, lalo na patungkol sa public infrastructure kagaya ng projects sa railways, airports, seaports, land transport at roads, bridges and highways. Marami at naglalakihan ang mga proyekto na…

Read More

SINO ANG TUNAY NA PANALO?

RESPONDE.jpg

USAP-USAPAN na naman ang labanan para sa “Speaker of the House” sa dami ng balitang naglabasan nitong nakaraang mga araw. Sa ating inihaing opinyon ilang linggo na ang lumipas, aking ipinakita ang mga posibleng sitwasyon na mangyayari. Kung inyong matatandaan ibinahagi ko na maaaring ang magwagi ay si Cong. Martin Romualdez or “term-sharing” nina Cong. Romualdez at Cong. Lord Allan Velasco. Eto ay kung mag-uusap si ­dating Speaker Gloria ­Macapagal Arroyo at Mayor Sara Duterte. Ngayon tila nagbago ang ihip ng hangin dahil nakialam ulit si Pangulong Duterte sa pamamagitan…

Read More

BANTAYAN ANG MGA HINDI TAPAT SA BAYAN

RESPONDE.jpg

NAGSIMULA na sa tungkulin ang mga hinirang na lokal na opisyal sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Umusbong ang mga tila bagito pa ngunit puno ng mga ideyang maaaring magpabago sa mga lokal na pamahalaan sa ating bansa. Mula man sa mga kilalang pamilya ang ilan ngunit may bitbit na bago at sariwang mandato para sa taumbayan. Nandyan si Mayor Joy Belmonte ng Quezon City, Mayor Vico Sotto ng Pasig City, Mayor Isko Moreno ng Manila City. Eto na ang maulan na panahon. Kinakabahan muli ang taumbayan sa mga baha…

Read More

DAPAT MANAIG ANG KAPAKANAN NG TAUMBAYAN

RESPONDE.jpg

ANG Ispiker sa Kongreso ang ika­apat na pina­kamataas at makapangyarihang opisyal sa pa­mahalaan ng Pilipinas. Nakasaad sa ating batas ang maliwanag na res­ponsibilidad ng isang Ispiker. Ngunit hindi na rin bago sa lahat na ma­rami pang ibang kapangyarihan maliban dito. Kung kaya ganun na lamang ang paligsahan sa pagkamit ng estratehikong posisyon. Mag-iisang taon na rin nang sapilitang pinagbitiw si dating Speaker Pantaleon Alvarez sa kanyang termino nang mawala ang suporta ng karamihan sa mga kinatawan at naihalal na bagong ispiker nuon si Gloria Macapagal Arroyo. Eto nanaman tayo at…

Read More

AKSYON LABAN SA MGA SCAM

RESPONDE.jpg

SUNOD-SUNOD ang balita sa mga “scam” nitong mga nakaraang linggo. Una na ngang napabalita ang KAPA sa Southern Mindanao na diumanoy humihingi ng donasyon sa kanilang mga mi­yembro at kumikita ng malaking pera mula rito. Eto ay pinabulaanan ng kanilang mga lider at miyembro. Milyon-milyong katao ang sumisigaw na KAPA ang naging sugo ng kanilang buhay. Halos gabi-gabi ang kanilang prayer rally para maibalik ang operasyon ng mga opisina at umaasa pa rin ang bawat isa na makatatanggap ng kanilang inaasam-asam na payout. Ang nakagugulat ay wala ni isa mang…

Read More

MABUHAY ANG PILIPINAS!

RESPONDE.jpg

SABAY-SABAY nating sinalubong ang Araw ng Kalayaan ng ating bansang Pilipinas! Ang kalayaan na ating natamo nuong 1898 mula sa bansang Espanya ay simbolo ng katatagan ng ating mga ninuno na nagbuwis ng buhay upang tayo ay umabot sa panahong ito. Napakahalaga ang magbalik-tanaw lalo na sa mga kabataan nga­yon na tila hindi nagkaroon ng pagkakataong masilayan ang istorya ng nakaraan. 300 taon na ang lumipas. Napakaraming bayani ang humarap sa tawag ng ating bayan. Marami ang mga lumaban sa sulat-kamay at gayundin sa kamaong bakbakan. Sila ay kinilala at…

Read More