OGIE, REGINE SA ITALY BUMUBUO NG BABY NO. 2

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

PARANG mga honeymooners sina Ogie Alcasid and Regine Velasquez habang nasa Positano, Italy. Ito ay matapos ang kanilang ASAP Rome last Sunday base na rin sa mga posts nila sa Instagram

Ayon kay Ogie sa kanyang caption, dream honeymoon destination daw nila ang Positano when they got married in 2010 na hindi nila napuntahan that time.

“When we got married in 2010, our dream honeymoon was supposed to be here in Positano. We weren’t able to come because wifey got pregnant 2 months after.

“And so, we both said “maybe someday”. Well, the Lord has blessed us after 9 years of waiting because finally we made it here. It certainly was worth the wait. Love you my baba,” ang caption ni Ogie sa sweet photo nila ni Regine with amazing view sa background.

Inirepost naman ito ni Regine at nilagyan naman niya ng caption na “Finally baba nakarating din tayo dito and you’re right it is worth the wait. I love you more baba.”

At dahil nga parang nagha-honeymoon ngayon ang mag-asawa, may mga comment na baka raw makabuo ng baby ang mga ito.

“Baby number 2 is coming,” komento nila.

 

Please follow and like us:
Read More

ICONIC CONCERT NINA SHARON, REGINE STAR STUDDED, SOLD OUT

(NI GORGY RULA)

CONGRATULATIONS  kina Sharon Cuneta at Regine Velasquez sa napaka-successful nilang Iconic concert na ginanap sa Araneta Coliseum noong nakaraang Biyernes at Sabado.

Parehong sold-out ang dalawang gabing concert nila na nang napanood namin ang unang gabi, kitang-kita naman naming nag-enjoy ang lahat na nanood.

Kahit 11K plus ang halaga ng pinakamahal na ticket sa Platinum seats, sulit na sulit pa rin ang halaga ng ticket na binili nila.

Maganda ang show at ang napansin ko lang, parang tribute kay Sharon ang Iconic concert na kuwento ng isang fan sa kanyang idolo.

Sa first night ako nakapanood ng concert, at ewan ko kung ganun pa rin sila ka-emotional.

Noong unang gabi ng concert nila, sa opening number pa lang nilang dalawa, naluluha na si Sharon.

Hanggang sa mga susunod nilang kanta, lalo siyang naiiyak nang kinanta pa ang mga una niyang mga na-record gaya ng Mr. DJ, High School Life,To Love Again at marami pang awiting nagkaroon ng malaking bahagi sa buhay niya. Lalo tuloy siyang sinisipon sa kaiiyak niya.

“Pakasalan ko na kaya ang tissue?!” pagbibiro pa ni Mega.

Ang ganda ng areglo sa mga kanta, gaya ng Sinasamba Kita ni Regine,  Buwan ni Sharon, lalo na ang mash-up nilang Narito Ako at Sana’y Wala Nang Wakas. Bonggang-bongga!

In fairness kay Sharon, hindi siya lumubog sa sobrang taas ng mga birit ni Regine na nasa kondisyon nang husto.

Ramdam kong sobra ang kaligayahan ni Regine nang sinabi niyang naka-share niya sa iisang entablado ang ina-idolize niya at nagbigay sa kanya ng inspirasyon mula pa noong pagkabata niya. Napaluha na rin siya at mahigpit na nagyakap sila ni Sharon.

Bago sila nagpaalam, lumuhod si Regine kay Sharon sa sobrang pagsamba niya sa megastar, at sinuklian din ito ni Sharon ng luhod kay Songbird.

Sana, magkaroon pa ng repeat ang Iconic concert. Kasi, sa mga sinasabi ni Sharon, parang purisigido na siya sa semi-retirement at pinapaalala pa niya sa fans na sana, huwag siyang kalimutan.

Ilan sa celebrities na nanonood nung Biyernes ay sina Robin Padilla na tinitilian tuwing lumalabas siya sa wide screen, Gary Valenciano, Vice Ganda, Anne Curtis, Ara Mina, Erik Santos, Angeline Quinto, at siyempre, mga proud husband na sina Ogie Alcasid at Sen. Kiko Pangilinan.

 ‘KAY NINANG JUDY ANN NA ANG AWARD, AKIN NA ANG KITA’

Pagkatapos na-announce ang mga pelikulang pasok sa Metro Manila Film Festival 2019, pinag-uusapan nang mukhang maglalaban sa awards ang Mindanao ni Judyann Santos at ang Culion ni Iza Calzado

Sabi nga namin kay Iza doon sa announcement noong nakaraang Miyerkoles, tiyak na sila ng ninang niya sa kasal na si Judyann ang maglalaban  sa best actress category.

“Ang sabi ko nga ang hirap ng kalaban, tingnan mo naman ang mata o,” pakli ni Iza.

Mas iniisip daw niya na dapat kumita ang pelikula. Kaya okay lang daw kung walang award, basta wagi sa box-office.

“Sa akin na ang cash kasi co-producer ako. Mukhang pera talaga ako, Pasko eh di ba?

“Inyo na po ang award, cash na lang po ang akin, pamasko nyo na po sa

akin,” natatawang sagot sa amin ni Iza nang sinabi naming mukhang pag-aagawan nila ang best actress trophy.

“Alam mo ngayon, ayoko munang ma-pressure sa mga award award. Dapat today mag-celebrate lang dahil lang nakapasok kami.

“Yun lang naman ang pinakamalaking hiling namin.

“Everything else is just a bonus.

“Ayoko nang isipin yung mga award-award kasi today ang gusto lang namin makapasok. Iyun lang ang wish namin,” saad pa ng magaling na aktres.

Mukhang na-enjoy naman ni Iza ang pagpu-produce kaya open siya sa ideyang mag-focus siya sa movie production pagdating ng araw.

“Given the right material and opportunity, why not? Not necessarily na ako’ lagi ang kasama sa pelikula.

“Siyempre, one day it would be a nice avenue for me to pursue like career path for me to pursue for…what if you have child, you’re pregnant, you can’t really be on set. Bakit hindi di ba?” sabi pa ni Iza.

Thankful naman ang aktres na suportado ng asawa niya itong pagpasok nya sa movie production.

 

Please follow and like us:
Read More

REGINE, MARIAN PATULOY NA BINA-BASH NG NETIZENS

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

KUNG ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ay nabash-bash dahil sa nasabi niya sa kanyang Youtube channel tungkol sa Payatas, ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera naman ay naba-bash din dahil sa traffic.

Nakakaloka rin naman talaga kasi ang netizens. May ma-mema lang. Lahat na lang, mali sa kanila.
Nandoon kami sa press launch ni Marian bilang very first endorser of Waltermart at tinanong ito kapag nata-traffic, ano ang ginagawa. Sobrang wala kaming makitang mali o masama o anumang kanegahan sa naging sagot ni Marian.

Aba, e, hindi naman niya minura ang traffic. Hindi naman siya nag-comment ng masama sa gobyerno dahil sa hindi masolusyunang problema sa traffic.

May pagka-disimulado nga kasi ang headline na lumabas sa isang online site na ginamit ang interview ni Marian.

Pero yun lang, na-edit na rin pati ang tanong. At the same time, nilagyan ng title na “super rich.”

Nakausap namin si Marian noong Linggo nang magbalik na ito sa sunday show niya na Sunday PinaSaya. At the same time, may special segment din ng ine-endorso niyang Kopiko coffee.

Hindi pinalampas ni Marian ang pambabash sa kanya ng ilang netizens. Nag-post na ito sa kanyang Instagram account.

Sey niya, “Lahat tayo ay biktima ng trapik, at kani-kaniyang paraan lang kung paano tayo mag-cope sa sitwasyon. Ang tanong po kasi during the interview —kung panonoorin at pakikinggan niyo ang buong clip— ay naka-tuon sa aking pamamaraan kung paano ko personal na itinatahak ang problemang ito ng ating lipunan, kaya’t sinagot ko naman iyon ayon sa kung ano ang totoo sa akin— at sa akin lamang. I just wanted to give a light take on my personal experience, but was misinterpreted…

“Hindi ko po nilalahat at lalu nang ginawang pangaral sa publiko ang aking pahayag…

“Kung sana’y naging mas responsable lang ang Philippine Star sa kanilang headline at sa hindi pag edit ng tanong sa umpisa ng original video, hindi ako ma-tatake out of context…

“Pinaninindigan ko po ang aking sagot and i take full responsibility, pero humihingi rin ako ng paumanhin sa mga nasaktan, nainis, napikon at kahit sa mga mema lang— hindi ko po nais na gawin ito sa inyo. Sa susunod, magiging mas maingat ako sa aking mga sinasabi, at sana ganoon din ang mga pahayagan na tinitingala ng nakararami…

“Alam ko po ang hirap na pinagdaraanan ng mga Pilipino sa kalbaryong ibinibigay sa ating lahat ng trapik. Ang bawat minuto na nasasayang sa kalsada ay dapat na sana’y nagagamit natin para makapiling ang ating mga mahal sa buhay— wala pong may gusto nito. “Peace everyone . At sabi pa ni Marian na hindi raw siya super rich, “may kaya” lang.

“PS. Hindi po ako super rich, gaya ng sabi ng Phil Star. Maykaya, opo, dahil pinaghirapan ko po yun.”
Dahil sa post na yun ni Marian, pinuri ito maging ng mga kapwa niya artista at halos iisa ang kinomento na “very well said.”

ALICE AGA BALIK-BIDA

Muling magbibida sa pelikula si Aga Muhlach after ng isa sa well-praised at box-office movie niya na Seven Sundays noong 2017.

Ang movie ay ang “Nuuk” kung saan, kapareha niya ang aktres na si Alice Dixson at under the direction of Veronica Velasco.

Ang Nuuk ay produced ng VIVA Films at mapapanood na sa November 6.
Nag-presscon na ang movie at nakatutuwa sina Alice at Aga dahil alam mong napaka-kumportable nila sa isa’t-isa. Kuwento pa ni Alice, napasayaw niya raw ang leading man ng mga moves nito noong 80’s.

Isa si Aga sa mahusay na dancer talaga. At mapapanood yun sa You Tube channel ng actress.

Excited naman na kaming mapanood ang movie na sa unang pagkakataon ay mapapasilip ang Greenland kung saan matatagpuan ang Nuuk.

Twenty one days sila nag-shooting sa Nuuk at dalawang araw lang sa Pilipinas.

 

 

Please follow and like us:
Read More

REGINE NAG-SORRY SA ‘AMOY-PAYATAS NA BAG’ COMMENT

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

‘YUN naman ang maganda talaga sa Asia’s Songbird na si Regine Velasquez. Kapag alam niyang may mali siyang nasabi o naka-offend siya, minsan, sa kagustuhang makapagpatawa lang din, marunong at mabilis siyang humingi ng apology.

Nag-viral kasi yung uploaded You Tube video niya kasama ang anak na si Nate kunsaan, nakapaglitanya siya nang, “kaamoy ng bag ko yung Payatas, nakakaloka yun.”

Walang kaibahan yan sa nakapag-remark ka ng, ‘parang kang taga-bundok.’

Ang mga netizen ang nagreact sa nasabing yun ni Regine at may nga nadisappoint agad.

Nag-tweet naman agad si Regine ng paumanhin niya at ayon dito, “I would like to sincerely apologize to the people of Payatas for my insensitive comment. It was not intentional and I should be more careful with the things I say. Pasensya na po God bless po.”

Siyempre, tinanggap naman ito agad ng karamihan. Bakit naman hindi lalo na’t maagap din sa realization si Regine na naging insensitive nga raw siya.

Sa isang banda, comment naman ng isang netizen sa post ni Regine, “You said that ate not to malign people in payatas. You were telling a story, and that’s a fact. Kaya for sure naman people from payatas understand. And that’s a fact naman talaga.”

Ang Payatas naman kasi ay kilala bilang tapunan ng mga basura. Hindi naman din sinabi ni Regine na “mga tao sa Payatas.”

Still, ang maganda pa rin, Regine knew how to apologize. Kaya good vibes na good vibes pa rin para sa 2 nights concert nila ng Megastar na si Sharon Cuneta sa Araneta Coliseum on October 18 & 19 for “Iconic.”

 

Please follow and like us:
Read More

REGINE STRESSED SA P1M REGALONG DIAMOND NI MEGA

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

LAST November nang bigyan ni Sharon Cuneta si Regine Velasquez  ng fabulous diamond ring na ang tsika ay nagkakahalaga ng kulang-kulang isang milyon.

Kaya naman natanong si Asia’s Songbird sa presscon nila ni Sharon Cuneta ng Iconic concert kung may ibibigay din ba siyang something kay Megastar ngayon.

“Nai-stress na ako,” natatawang sambit ni Regine.

Aminado naman si Songbird na hindi niya kayang tumbasan ang binigay ni Shawie.

“Siyempre, if I’m gonna give her something, I want. . .hindi ko kaya kasing tumbasan na ‘yun, no! It has to be special that. .  .something, I don’t know, I’ll figure it out, what I can give her.”

Dream come true para kay Regine ang makasama ang idolo niyang si Sharon sa isang concert. Nagkasama na sila before nang mag-guest si Megastar sa concert ni Asia’s Songbird last November. Pero ngayon pa lang talaga sila magkakasama in a back-to-back concert na matagal na ngang pinapangarap ni Songbird.

“Ako, I’m looking forward du’n sa rehearsals, ‘yung mga ganu’n. Kasi ‘yun naman ‘yung working togetner. Of course, ang dami na naming meeting na ginawa, exciting din ‘yun for me.

“Pero ‘yung start na talaga ng work, ‘yun ‘yung time talaga na makakapagtsika kami, ‘yun ‘yung time na I’ll be able to be with her, I’ll be able to. . .kasi a lot of times, you’ll get to really talk to each other on a personal level. Ganu’n ‘yun, eh. Kasi siyempre, nagshe-share-an kayo. Hindi lang ‘yung tsika-tsika. Kasi palagi, eh, saka matagal, eh.

“So, ‘yun ‘yung excited ako, makakasama ko ‘yung idol ko,” pahayag ni Regine.

Aminado rin si Songbird na hanggang ngayon ay natutulala pa rin siya kay Sharon. Pag dumadating nga raw ito ay hindi raw siya makapagsalita at hindi niya kinakausap.

“Nagtataka siya. Hindi ako makasalita. Naaano ako. Wala akong sinasabi. Cricket ako. Tapos, tinatanong niya ako, naka-ganu’n (nakatulala) pa rin ako. Tapos ang sumasagot ‘yung asawa (Ogie Alcasid) ko.”

Talaga raw nai-starstruck siya kay Sharon at sey pa niya, “simula nang naging artista ako, parang siguro, siya na lang ‘yung tao na nai-starstruck talaga ako.”

Favorite Sharon Cuneta movie raw niya ay ang Bukas Luluhod ang mga Tala dahil ramdam na ramdam raw niya ang dialogue roon ni Shawie sa bintana at parang story raw ng buhay niya ‘yun.

Anyway, ang two-night Iconic concert nina Regine at Shawie ay gaganapin sa Oct. 18 and 19 sa Smart Araneta Coliseum. It will be directed by Rowel Santiago alongside musical directors Louie Ocampo and Raul Mitra.

 

 

Please follow and like us:
Read More

REGINE HANDS-ON SA PAGDISIPLINA KAY LEILA

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

MAHIGIT dalawang taon nang naninirahan sa Pilipinas ang panganay na anak nina Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren na si Leila Alcasid. Matatandaang lumaki ang dalaga sa poder ng inang naninirahan sa Australia.

Kahit nagkahiwalay ang mga magulang ay magkasundong-magkasundo naman ang mga ito ayon kay Leila. “I was very blessed from the beginning. I don’t remember there being any time where my parents argued. From the beginning they were always getting along. I know a big factor was that they were doing that for me and my sister. They were so selfless and they were able to put aside their differences and it created a very stable environment for me growing up. From seven or eight years old, I never saw it that it was so sad that my parents didn’t live together. It was always like, ‘Wow! I’m so lucky I have four parents,’” kwento ni Leila.

Masayang-masaya ang dalaga dahil pakiramdam niya ay mayroon silang malaking pamilya sa Pilipinas dahil talagang maganda ang pakikitungo ni Regine Velasquez-Alcasid at pamilya ng Asia’s Songbird sa kanya.

“I get to have my little brother (Nate, anak nina Rigine at Ogie) and my sister (Sarah, bunsong anak nina Ogie at Michelle) and then I just have more family. I’ve been able to get close to my stepmom’s sisters and cousins and everyone. I’ve always been someone that wanted a big family. I’m very grateful because it’s contributed so much to how I am as a person now. It’s also done a lot for my open-mindedness with other things around me,” pagbabahagi niya.

Ayon kay Leila ay maayos din ang ginagawang pagdidisiplina nina Regine at Ogie sa kanilang magkakapatid. “My stepmom is also very hands-on in kind of setting up the rules for me. With my dad, we definitely talk about stuff and he would listen to me whenever I needed to tell him whatever it is I also needed. As I’ve lived here longer and as he’s seen me mature I guess. A lot of restrictions have gone away and he’s become a lot more open-minded. They’ll always be parents and there will always be a place for them to guide you. It doesn’t necessarily mean that they’re bossing you around,” paglalahad ng dalaga. -Reports from JCC-  

 

 

 

Please follow and like us:
Read More