76-ANYOS LOLO NA RAPIST, 2 PA, ARESTADO

ARRESTEDHAND12

(NI GINA BORLONGAN)

NAKORNER ng pulisya ang isang 76-anyos na lolo na nanrape sa isang ginang na may diprensya sa pag-iisip gayundin ang dalawang magkaibigang nanggahasa sa kanilang nalasing na kainuman sa magkahiwalay na lugar sa Meycauayan City at bayan ng Bulakan, Biyernes ng hapon.

Kinilala ni P/Col.Chito G. Bersaluna, Bulacan police director,ang mga naarestong rapist na si Florentino Lopez,76, ng Barangay Bangbang, Bulakan at sina John Paul Sanchez,25 at kaibigan nitong si Angelo Francia, 35, kapwa ng Barangay Tugatog, Meycauayan City.

Nabatid na nagsasagawa ng pagpapatrulya ang Bulakan PNP sa over-all supervision ni P/Major Moner M. Orang, acting Chief of Police ng Bulakan Municipal Police Station, nang makatanggap ng reklamo hinggil sa panggagahasa ng lolong suspek sa isang 46-anyos na babae na may diprensya sa pag-iisip kaya kaagad silang nagsagawa ng police response sa Barangay Bangbang at madakip ang suspek.

Samantala, base naman sa report ni P/Lt.Col.Aquino Olivar, Meycauayan City police chief, kanilang inaresto ang dalawang suspek na sina Sanchez at Francia matapos nilang halinhinang ginahasa ang isang 20-anyos na babae na kanilang niyaya sa inuman sa Barangay Tugatog, ng nasabing lungsod at nang malasing ang biktima ay doon na nila ito ni-rape.

Please follow and like us:
Read More

MINOR NA RAPIST ARESTADO SA BULACAN

(NI GINA BORLONGAN)

ISANG 17-anyos na binatilyo ang nadakip dahil sa panghahalay sa isang 14-anyos na dalagita sa

Malolos City habang pitong iba pa, kabilang ang apat na nagsusugal ng ‘pusoy’ ang nadakip sa isinagawang policee response at anti-illegal gambling operation sa Bulacan, Lunes ng gabi.

Ayon sa report ng pulisya, itinago sa pangalang Danny Boy,17,ang rape suspect na gumahasa umano sa isang 14-anyos na dalagita sa Barangay Mojon, Malolos City.

Ni-rape umano ng suspect ang biktima nitong Lunes at agad nahuli nang magsumbong ang biktima.

Samantala, apat naman ang nadakip ng 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa

Barangay Batia,  Bocaue matapos mahuli sa aktong naglalaro ng pusoy at narekober ang dalawang deck ng playing cards at pera.

Samantala, tatlo katao pa ang nadakip sa police response sa Meycauayan City, Bocaue

at Baliwag dahil sa iba’t ibang kaso at patuloy na ipinatutupad ng kapulisan ang kanilang kampanya laban sa kriminalidad sa Bulacan.

Please follow and like us:
Read More

KALABAW RAPIST, NAG-SUICIDE SA KAHIHIYAN

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI umano nakayanan ng isang mister ang labis na kahihiyan sa kanilang lugar dahilan para wakasan ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti, nang pag-usapan ito hinggil sa umano’y panggagahasa nito sa kalabaw ng kanilang kapitbahay, sa Zamboanga del Norte.

Kinilala ang biktimang si Victor Balangas, 28, residente sa bayan ng Jose Dalman, ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng pulisya, umaga ng Miyerkoles, nakita na lamang ng kanyang asawa ang biktima na nakabigti sa puno ng makopa sa labas ng kanilang bahay, gamit ang pisi.

Ayon sa misis ni Balangas, minsan na rin umanong nagtangkang magpakamatay ang biktima dahil sa matinding problema sa pamilya pero naagapan ito.

Subalit, nitong nakaraan araw, naging usap-usapan sa kanilang lugar ang umano’y panggagahasa ng biktima sa isang alagang kalabaw ng kanilang kapitbahay at labis itong dinamdam ni Balangas.

Paniwala naman ng misis ng biktima, maaring nadagdagan ang problema ng mister at labis na kahihiyan kaya nagawa nitong magpakamatay.

 

Please follow and like us:
Read More

MAGKAKLASE NANLABAN SA RAPIST, 1 PATAY

(NI DONDON DINOY)

MAGSAYSAY, DAVAO DEL SUR — Patay ang isang babaeng menor de edad habang nasa kritikal na kondisyon ang kaklase nito matapos magtamo ng sugat sa pananaksak ng mga rapist na sinamahan nila madaling araw ng Lunes.

Pasado ala-1:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Brgy. Kasuga nitong bayan habang pauwi na ang mga biktima sa kanilang bahay sa kalapit na Brgy. Dalawinon.

Sa ulat ng Magsaysay Municipal Police Station, kinilala ang nasawi na si Krisna Ann Talisayan Raotraot, 16, Grade 9 student, residente ng Purok 7, Dalawinon at sugatan ang isang alyas, Juvylyn 15, residente ng Purok 6 sa lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, galing ang mga biktima sa isang party at pagkatapos nito ay sumama sila sa kakilalang mga lalaki kung saan isa rito ay nakilalang si Jan Michael Pakiwag Daweng, 18, Grade 12 student, residente ng Purok 7, Dalawinon, na siya ring suspek sa pananaksak.

Sinabi ni Police Captain Jeffmar Tercero, hepe ng Magsaysay Police Station na habang sakay ang mga biktima sa dalawang  motorsiklo, kasama ang iba pang limang lalaki ay itinigil ito sa isang creek malapit sa Brgy. Kasuga.

Doon na umano tinangkang halayin ng mga suspek ang dalawa ngunit kumaripas ng takbo ang mga ito.  Naabutan ni Jan Michael si Raotraot at pinagsasaksak ito.

Si Juvylyn na nagtamo rin ng maraming sugat ay naisugod pa sa Davao del Sur Provincial Hospital (DSPH).

Umaga na nang makita ang bangkay ni Krisna Ann na inihulog ng mga suspek sa isang kanal sa lugar.

Agad namang natimbog ng mga otoridad si Daweng sa loob ng kanilang pamamahay at nakuha rin ang kutsilyong ginamit sa krimen.

Sa kasalukuyan, inaalam pa ng mga otoridad kung lango sa ipinagbabawal na droga ang naarestong suspek habang isinampa na rin ang kasong murder at frustrated murder laban dito.

 

Please follow and like us:
Read More

14-ANYOS TINANGAY; RAPIST KULONG

huli

(Ni FRANCIS SORIANO)

REHAS naman na bakal ang hinihimas ngayon ng isang 33-anyos na cook,  matapos maaresto sa follow-up operation ng Malabon City Police ang umano’y tumangay at nanghalay sa 14-anyos na Grade 8 student, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Col. Jessie Tamayao, hepe ng Malabon City Police Station, ang suspek na si Kenneth Odie Gabriel, ng 52 D. Crispin St., Brgy. Tinajeros na naaresto sa Gov. Pascual Avenue, sa harap ng Robinson’s Town Mall bandang ala-1:45, Miyerkoles ng ng madaling araw.

Ayon kay Tamayao, naganap ang insidente noong nakaraang buwan subalit, nitong Lunes lamang ipinagtapat ng biktimang itinago sa pangalang “Norma” sa kanyang ate ang nangyari sa kanya na naging dahilan upang magsampa ang mga ito ng reklamo.

Sa pahayag sa pulisya ng biktima at ate nito na dalawang beses siyang hinalay ng suspek na tumangay umano sa kanya noong nakaraang buwan at dinala siya sa Astrotel Motel sa Samson Road.

Sinabi pa ng biktima sa kanyang nakatatandang kapatid na pinagbantaan siya ng suspek na papatayin kung sasabihin nito kahit kanino ang nangyari sa pagitan nila.

Please follow and like us:
Read More

40-ANYOS RAPIST HULI; 10-ANYOS BIKTIMA NABUNTIS

ARRESTED-2

(NI KIKO CUETO)

TIMBOG ang isang 40-taong gulang na lalaking padyak driver, dahil sa panghahalay sa 10-taong gulang na bata na kanya pang nabuntis sa Las Piñas.

Sa report, sinasabing kapitbahay ng biktima ang suspek na kinilala ng pulis na si ‘Jaime’, isang volunteer tanod ng barangay.

Inihahatid-sundo ng suspek ang biktima na isang Grade 5 student sa kanyang eskuwelahan.

Napag-alaman ang panggagahasa nang mapansin ng ina ng bata na nahinto ang buwanang dalaw nito kaya ipinatingin ang bata sa isang manghihilot.

Doon na nadiskubreng buntis ang bata, dahilan para aminin niya na noong Enero pa nagsimula ang panghahalay sa kanya ni ‘Jaime’.

Ipinahuli ng pamilya ng biktima ang suspek.

Napag-alamang lagi umanong tinatakot ni ‘Jaime’ ang bata na huwag magsumbong sa magulang, ayon kay Col. Simnar Gran, hepe ng Las Piñas police.

Depensa naman ni Jaime, pumayag umano ang bata sa ginawa nito sa kanya tuwing naiiwan silang dalawa sa bahay ng biktima.

Itinanggi ng suspek na nakainom siya o gumagamit ng droga noong panahong hinalay niya ang bata.

Ayon sa suspek, nagsisi na siya sa ginawa at humingi ng paumanhin sa magulang ng bata. Sumailalim na si Jaime sa inquest proceedings para sa kasong rape kaugnay ng Child Abuse Law.

Please follow and like us:
Read More

RAPIST NG 3 BABAE, LAGLAG

arrested124

(NI SIGFRED ADSURA)

HAWAK na ng Cavite police ang No. 1 most wanted  person na sumira sa buhay ng tatlong kababaihan na kanyang ginahasa kabilang ang isang 15-anyos na estudyante matapos na naaresto sa bisa ng warrant of arrest, may apat na taon na ang nakalilipas sa Tanza, Cavite.

Nakapiit ngayon sa Tanza Custodial Center si Avin Arlanza, alias “Tirek” 30, binata, walang trabaho ng Brgy  Amaya 4, Tanza, Cavite na dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Aurelio Icasiano, Executive Judge, Regional Trail Court, Trece Martires City.

Sa ulat ni PSSgt Yves Luyun ng Tanza Municipal Police Station, dakong alas-7:00, Sabado ng gabi nang arestuhin ang suspek sa pamumuno ni Luyun at kasamang sina PSSgt Doddie Roi Montano; Pat John Digma; Pat Andro Gallego at  Pat Allan Lanerio, pawang nakatalaga sa Tanza MPS  sa Bgry Amaya 4, Tanza, Cavite, matapos na nakatanggap sila ng tawag mula sa pinsan nito na bumalik ang suspek sa kanilang lugar at bumabangka sa isang pasugalan.

Taon 2015 nang sampahan ng kasong Rape in Relation to RA 7610 noong taon 2015 dahil sa panggagahasa sa isang 15-anyos na estudyante matapos nitong sunduin ang biktima sa 7 Eleven dakong ala- 1:00 ng madaling  sa Brgy Biwas, Tanza, Cavite.

Matapos ang insidente ay nagtago umano ang suspek  sa iba’t-ibang lugar subalit matagal itong nanirahan   sa Naic, Cavite.

Ayon kay SSgt Luyun, si Arlanza ang itinuro ring suspek sa panggagahasa sa isang guest relations officer (GRO)  at isa pang babae na kalaunan ay nabuntis ito ng kaparehas ding taon, gayunman, ang dalawang nabanggit na kaso ay nalusutan ng suspek makaraang pumayag sa areglo  ang dalawa nitong ginahasa.

Dagdag pa  ni Luyun na inakala ng suspek na “natulog” na ang huli nitong kasong panggagahasa sa menor de edad kaya bumalik sa kanilang bahay nito lamang nakaraang Linggo, subalit hindi nito alam na  itinuloy ang kaso ng magulang ng biktima.

Walang inirekomendang piyansa laban sa naarestong suspek.

Please follow and like us:
Read More

HIGIT 100 KASO NG RAPE; TATAY NA RAPIST HULI

tatay9

(NI JG TUMBADO)

NATIMBOG na ng mga awtoridad ang isang wanted na lalaki na dalawang taon na nagtatago dahil sa kinakaharap nitong mahigit isandaang kaso ng rape sa Daet, Camarines Norte.

Dakong alas 3:20 ng madaling araw kahapon nang salakayin ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group-Regional Field Office 5 at CIDG Police Force Unit ng Angeles City ang bahay ng suspek na si Anthony Nopat, 36, sa Purok 3, Barangay Tabon, Angeles City, Pampanga.

Ayon sa report, isang impormasyon ang natanggap ng CIDG-Region 5, na nakita ang suspek sa bayan ng nabanggit na lungsod kung kaya’t agad ikinasa ang follow up operation ng mga awtoridad hanggang matunton ito.

Una nang tumakas at nagtago ng dalawang taon dahil sa reklamong kinakaharap nitong panggagahasa ng 193 beses sa kanyang sariling menor de edad na anak na babae.

Napag-alaman na si Nopat ay may nakabinbing mga kaso sa paglabag nito sa Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act na dahilan para ipalabas ang arrest warrant ni Judge Evan Dizon ng Regional Trial Court Branch 40 sa Daet, Camarines Norte.

Please follow and like us:
Read More

RAPIST NA TATAY, PATAY SA ANTI-DRUG OPERATION

drug6

(NI NILOU DEL CARMEN)

ISANG diving instructor sa isang resort sa Batangas ang napatay sa drug operation ng mga awtoridad sa Barangay Solo, Mabini, Batangas, Martes ng gabi.

Kinilala ng Mabini police ang napatay na suspek na si Joel Manongsong. Si Manongsong ay suspect din umano sa rape ng sariling 16-anyos na anak. Noong nakaraang linggo,inireklamo ito ng kanyang maybahay sa himpilan ng pulisya dahil sa 10 beses na panggagahasa sa kanilang anak. Batay sa reklamo ng nanay, matagal na umanong hinahalay ang anak kapag naka-droga ang suspect.

Dahil na rin sa sumbong ng mga residente s lugar, ikinasa ng mga tauhan ng Mabini police station ang buy-bust laban dito dakong 8:30 ng gabi.

Subalit nauwi sa engkwentro ang insidente nang magbunot ng baril ang suspek at paputukan ang ka-deal na isang pulis.

Naisugod pa ito sa Mabini General Hospital subalit ideneklara na itong dead on arrival  dahil sa mga tinamong tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Narekober mula sa suspek ang walong sachet ng shabu at isang kalibre .38 baril.

Please follow and like us:
Read More

RAPIST NG BABY NANG-AGAW NG BARIL, NAPATAY

baby

(NI HARVEY PEREZ)

NAPATAY ng station commander ng Manila Police District-Police Station 9,ang rapist na inakusahang gumahasa  sa isang walong  buwan na baby matapos nitong agawin ang service firearms ng duty jailer na nag-alis ng kanyang posas ,Huwebes ng gabi sa Malate,Maynila.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa dibdib ang detainee na si Benedicto Dizon, alyas ‘Jumong’, 22, construction worker at residente ng 2288 Leveriza St. Malate,Maynila na idineklarang dead on arrival sa Ospital ng Maynila .

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-homicide section,naganap  umano ang insidente  dakong alas 9:30 ng gabi sa loob mismo ng tanggapan ni  PS Supt. Bobby Glenn Ganipac ,nang dalhin ang suspek para magkape ng duty jailer na si PO1 Dennis Javier.

Nalaman na una umanong nagreklamo ng  pananakit ng ulo at nahirapang huminga si Dizon matapos na bugbugin ng mga kamag-anak ng 8 buwan na baby na kanyang ginahasa.

Ipinaalam umano ni John Gilbert , mayor ng mga detainees kay Javier ang nangyari kay Dizon ,kaya inilabas ito ng kulungan para dalhin sana sa hospital.

Bago dalhin,dinala muna ito sa tanggapan ni Ganipac para pagkapehin at nang tanggalan ng posas,bigla nitong dinakma ang baril ni Javier at saka  pinutukan ang pulis pero nagmintis.

Nakita ni Ganipac ang nangyari at dahil sa pangamba na mabaril siya ng suspek ay pinaputukan niya ito ng dalawang beses dahilan para tamaan sa dibdib.

Una nang inireklamo ni Ana ,16 matapos na molestiyahin ang kanyang anak na 8 buwan ,noongLinggo ng alas 5 ng umaga habang natutulog ang sanggol.samalate,Maynila.

Si Dizon ay idineklarang dead on arrival dakong alas 10:15 ng gabi ni Dr. Ramses Villero ng OSMA.

Please follow and like us:
Read More