10-ANYOS GINAHASA, PINATAY

(NI JG TUMBADO) ISANG nang malamig na bangkay nang matagpuan ang 10-anyos na babae na hinihinalang ginahasa muna bago brutal na pinaslang sa bayan ng Murcia sa Negros Occidental, araw ng Miyerkoles. Sa plantasyon ng tubuhan nadiskubre ang bangkay ng biktima na tinukoy sa pangalang Kim Lachica, naninirahan sa Barangay San Miguel. Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya, walang saplot pang-ibaba ang biktima nang ito ay matagpuan ng isa sa kanyang kaanak na tumulong na rin sa paghahanap bandang alas-9:00 ng gabi. Base pa sa report, inutusan lamang umano na pumunta…

Read More

MAG-AMA SA RAPE SLAY NG PINSAN, ARESTADO

rape1

JANIUAY, Iloilo – Itinuro ng 14-anyos na binatilyo ang ama na kasama niyang gumahasa at pumatay sa kanilang 19-anyos na estudyanteng kaanak, Lunes ng umaga. Kinilala lamang ni Police Captain Dadje Delima, hepe ng Janiuay Police, ang mag-ama na sina ‘John’ at menor na edad na anak nitong si ‘Toto’ ang mga suspek sa krimen. Inamin ni Toto na sinaksak ng ice pick ng kanyang ama ang biktimang si Ronalyn Brabio bago ito ginahasa. Matapos halayin ng ama ay pinilit umano siyang halayin rin ito. Nagtamo ng fracture sa ulo…

Read More

3-ANYOS DINUKOT SA TATAY, NI-RAPE, PINATAY

crime12

(NI JG TUMBADO) KALUNUS-LUNOS ang sinapit ng isang 3- taong gulang na batang babae na umanoy ginahasa at brutal na pinatay ng hindi pa natutukoy na salarin sa San Pedro, Laguna, nitong Miyerkoles. Natagpuan na lamang sa damuhang bahagi sa gilid ng riles ng tren, Huwebes ng tanghali sa Barangay Narra, ang bangkay ng biktima na walang saplot. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, Miyerkoles ng gabi nang mapansin ng ama ng biktima na nawawala ang kanyang anak. Kasama umano ng ama ang kanyang anak at katabi nito sa kanilang pag-…

Read More

SUSPEK SA RAPE-SLAY PATAY SA ENCOUNTER

(NI FRANCIS SORIANO) CAMP GEN ALEJO S SANTOS, Malolos,Bulacan — Piniling mamatay kaysa sumuko sa awtoridad ang isang 25-anyos na suspek sa pangagahasa at pagpatay sa isang 19-anyos na dalaga Meycauyan City. Kinilala ni PCOL Chito Bersaluna, Provincial Director ng Bulacan PNP ang suspek na si Jomari Satur, binata, tubong  Zamboanga City at residente ng Maligaya Village, Brgy. Pajo, Meycauayan City. Ang suspect ay kabilang sa drug watch list ng Meycauayan City Police Station. Ayon kay PLtCol Olivar, Acting Chief of Police ng Meycauayan City Police, dakong ala 1:00 ng madaling araw nang maenkwentro ng mga…

Read More

GANTI SA ATRASO NG TATAY: 10-ANYOS NI-RAPE PINATAY

(NI KIKO CUETO) DAVAO DEL NORTE — Natagpuang patay ang 10-taong gulang na babae na hinihinalang hinalay at inihampas sa puno ng kapitbahay sa Kapalong. Nakita ng pulis ang bangkay ng bata sa taniman ng durian. Malapit lang ito sa kanilang bahay sa Barangay Suaon. Agad naman na nahuli ng mga pulis ang suspek na inamin ang ginawang krimen. Sinabi naman ng suspek, na ganti niya ito sa ama ng bata na nanghalay umano sa 14 anyos niyang live-in partner. “Nag-advance ko. Mahirap nang maunahan tayo. Mabuting ako ang makapatay…

Read More

BABAE NI-RAPE, PINATAY SA LOOB NG BAHAY

crime34

(NI KEVIN COLLANTES) HINIHINALANG biktima ng panggagahasa, ang isang babaeng natagpuang patay at may mga tama ng saksak sa katawan sa loob ng kanyang silid sa Cardona, Rizal, Linggo ng madaling araw. Ang bangkay ng biktima na nakilalang si Lorilyn delos Santos, 35, ay nadiskubre ng kanyang kaanak na si Peewee Belgica, 36, sa loob ng kanyang silid sa kanilang tahanan sa Purok 1, Tancingco Street, Barangay Patunhay, Cardona, dakong alas-4:40 ng madaling araw. Kaagad namang nagtungo sa pulisya si Belgica upang ipagbigay-alam ang insidente. Ayon sa Antipolo City Police, posibleng…

Read More

9-ANYOS, NI-RAPE, PINATAY

(NI JESSE KABEL) DALAWANG araw matapos  i-report na nawawala, natagpuang bangkay na ang siyam na taong gulang na batang babae na sinasabing ginahasa muna bago pinaslang sa Carigara, Leyte. Ayon sa Leyte Provincial Police Office patay na nang matagpuan ang biktima sa Brgy. Guindapunan West, bayan ng Carigara. Lumalabas sa pagsisiyasat na Lunes ng gabi ay inutusan ang biktima ng kanyang pinsan  na iuwi ang anak nito sa kanilang bahay . Subalit makalipas ang ilang oras ay hindi pa bumabalik ang batang babae kaya inireport na ito sa mga awtoridad…

Read More

DALAGA NI-RAPE, PINATAY; SUSPECT KIKILALANIN SA CCTV

crime

(NI JESSE KABEL) PINAG AARALAN ngayon ng Dagupan City Police Office ang mga  CCTV footages na inaasahang makapagtuturo ng mabilis sa suspek sa likod ng hinihinalang rape-slay sa 18-anyos na dalaga. Ito ay makaraang lumitaw sa follow-up investigation na may nahagip na kuha ang CCTV sa lugar na malapit sa kinatagpuan ng bangkay ni Bernadeth Saplan, sa Bonuan Blue Beach subdivision, ng nabangit na lalawigan. Nakita umano sa CCTV na may isang lalaking humahabol sa biktima na siya ngayong beneberipika ng mga awtoridad. Hinihinalang ginahasa ang biktima dahil sa nakalilis umano…

Read More

SUSPEK SA DE LA SALLE COED RAPE SLAY,  NATIMBOG

rape slay 12

(NI NILOU DEL CARMEN) ARESTADO ng mga awtoridad ang  suspek sa panghahalay at pagpapatay sa graduating De La Salle student na si Fidex Therese Maranan, 21. Ayon kay PCol Edwin Quilates,  director ng Batangas PNP,  ang suspek na si Jorge  Benedicto ay naaresto ng mga elemento ng Lipa City police at Victoria police sa bayan ng Victoria , Oriental Mindoro, alas 5:10 Martes ng hapon. Nakakulong ang suspek ngayon sa Lipa City at isinampa na ang kasong rape with homicide laban dito. Ang biktimang si Maranan ay natagpuang patay at…

Read More

COED GINAHASA, PINATAY SA LOOB NG BAHAY

crime

(NI NILOU DEL CARMEN) MATAPOS gahasain,  brutal na pinaslang ng hindi pa matukoy na salarin ang isang 21-anyos na college student sa Lipa City,  Batangas. Biyernes ng alas-3:00 ng hapon nang madiskubre ng isang kaanak ang bangkay ng biktimang si Fidex Therese Maranan,  estudyante ng De La Salle-Lipa,  na may takip na kumot at nakabulagta sa sahig ng kanyang kuwarto sa kanyang bahay sa Miracle Heights Subdivision,  Barangay Antipolo,  Lipa. Ayon sa kaanak,  ilang araw na nilang hindi makontak ang biktima kaya pinuntahan na ito sa bahay. Nag-iisang nakatira sa…

Read More

BINATILYO SA RAPE/SLAY NG 15-ANYOS SUMUKO, 1 PA ARESTADO 

batangas1

(NI JG TUMBADO) NASA kostudiya na ng pulisya ang dalawang lalaki na suspek sa pagnanakaw, panghahalay at brutal pang pagpatay sa isang 15-anyos na dalagita sa Lipa City, Batangas, araw ng Biyernes. Sumuko noong araw din ng Biyernes ang 15-anyos na suspek at umaming kasabwat siya sa pagnanakaw habang naaresto naman sa follow-up operation ang 18- anyos na kasama nito. Sa presinto ay itinanggi ng 18-anyos na suspek ang krimen subalit inamin nito ang paggamit ng ilegal na droga. Ayon kay Police Lt. Col. Ramon Balauag, hepe ng Lipa City…

Read More

LALAKING GUMILIT SA LEEG NG PINSAN, SUMUKO

caloocan city

(NI GUILLERMO OCATAVIO) MATAPOS ang dalawang buwang pagtatago, sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Miyerkoles ang  isang lalaking umaming nakadroga nang giilitan ng leeg ang 12-anyos na pinsan sa Caloocan City. Hawak na ng (NBI) at kinasuhan na ng robbery with homicide si King Angelo Sese, 21. Aminado si Sese na siya ang pumatay sa pinsan niyang si Myrrhaquel Singson at nagnakaw sa dalawang cellphone nito sa kanilang bahay sa sa Blk 13, Lot 14, Shelterville Subd., Brgy. 171, Bagumbong  noong Enero. Bunsod nito, nabunutan ng tinik ang…

Read More

TIYUHIN KAKASUHAN SA RAPE-SLAY NG PAMANGKIN

antipolo rape slay12

(NI KEVIN COLLANTES) NAHAHARAP na sa kaso sa piskalya ang isang tricycle driver na itinuturong suspek sa panggagahasa at pagpatay sa sarili niyang pamangkin sa Antipolo City nitong Huwebes ng hapon. Ayon kay P/Supt. Villaflor Bannawagan, hepe ng Antipolo City Police, lahat ng ebidensiya at pahayag na kanilang nakalap hinggil sa kaso ng panggagahasa at pagpatay sa 16-anyos na si Rona May Castillo, Grade 10 student, at residente ng Old Boso-boso, Barangay San Jose, Antipolo City, ay nagtuturo sa kanyang tiyuhin na si Jimmy Castillo, kaya’t wala na silang iba pang suspek sa…

Read More

SUSPECT SA RAPE/SLAY NG 5-ANYOS ARESTADO

sultan kudarat1

(NI JESSE KABEL) BAGO tuluyang inihatid sa huling hantungan ang limang taong gulang na batang babae na ginahasa saka inilunod sa ilog ay nadakip ng mga awtoridad ang salarin nang bumalik ito malapit sa pinangyarihan ng krimen sa lalawigan ng Sultan Kudarat. Inilibing nitong Sabado ang batang babae na biktima ng pangagahasa at pagpatay sa Palimbang, Sultan Kudarat. Sa report ng Palimbang Municipal Police Stataion, nadakip naman nila Biyernes ng hapon ang itinuturong suspek na si Erlie Castro sa Barangay Maguid matapos mamataan  ng mga residente. Ayon kay Police Major…

Read More

‘SHOOT TO KILL’ SA SILAWAN KILLERS TINANGGIHAN NG PAMILYA

cebu12

(NI JG TUMBADO) DAKPIN nang buhay. Ito ang kahilingan sa pulisya ng kaanak ni Christine Lee Silawan, ang 16-anyos na dalagitang ginahasa at brutal na pinatay sa Lapu-Lapu City. Ayon kay Senior Supt. Limuel Obon, chief of police, ng Lapu-Lapu City, hanggat maaari ay nais ng magulang at kaanak ni Silawan na mahuli nang buhay ang mga suspek na nasa likod ng krimen at maghirap sa kulungan ang mga ito. Paliwanag ni Obon na walang “shoot to kill” order laban sa mga suspek at buhay na mahuli ang mga ito.…

Read More

PRESO SA RAPE-SLAY NAGBIGTI

preso

NAGBIGTI sa loob ng kulungan ang isang preso na sangkot umano sa rape slay ng isang anim na taong gulang na batang babae sa Jasa-jasam Sasa, Davao, Linggo ng madaling araw. Si Limar Cano, 20, ng Island Garden City ng Samal, ay nakitang nakabigti gamit ang tali ng duyan sa loob ng banyo. Nagkaroon umano ng head count sa kulungan habang si Cano naman umano ay nagpaalam na pupunta sa banyo. Gayunman, nang magtagal ito at hindi sumasagot sa katok, binuksan na ang pinto at nakita ang nakabiting biktima. Sinabi…

Read More