MAJA SIMPLE, INTIMATE WEDDING ANG GUSTO

boy abunda(NI BOY ABUNDA )

UMAASA si Maja Salvador na ang kasintahang si Rambo Nuñez na ang kanyang mapapangasawa at makakasama sa habambuhay. “I’m praying, sana, yes, I want. Kaya pinagdadasal ko. Yes, I hope. So Rambo, behave,” nakangiting bungad ni Maja.

Para sa aktres ay nakita niya kay Rambo ang lahat ng mga katangiang kanyang hinahanap sa isang lalaki. “When I’m with him, nando’n ‘yung nare-relax ako. After ng work, nando’n ‘yung mabe-burn out ka eh. So I’m very lucky na talagang minsan nag-iisip siya anong trips pwedeng puntahan to relax. Siya ‘yung nagpa-plan ng lahat. With Rambo, may other world. Nilalagay niya ako sa ibang world na nagagawa ko nang magaan lahat,” makahulugang pagbabahagi ng dalaga.

Ayon kay Maja ay malaki ang kinalaman ni Rambo kung bakit hindi nagtagal ang mga dating relasyon ng aktres. “Kasi nine years ago naging kami but I’m too young. So kailangan kong mag-work muna. Nine years ago nando’n ‘yung gusto mo sa isang relationship, sa isang guy. Baka kaya hindi nagwu-work ‘yung mga past ko? Kasi may mga hinahanap ako na hindi ko ma-pinpoint kung ano. No’ng bumalik siya, no’ng tinanggal ko ‘yung rule na walang balikan ng ex (boyfriend), sabi ko, ‘Parang baka ito ‘yung gusto ko talagang relationship.’ Basta kung ano ‘yung meron kami,” paliwanag ng aktres.

Sa ngayon ay nagpag-uusapan na rin ng magkasintahan ang tungkol sa pagpapakasal. Naiisip na raw ni Maja kung anong klase ang magaganap nilang pag-iisang dibdib ng binata. “Oo napag-uusapan but too early pa nga lang to say. Kasi ilang months pa lang kami. Gusto ko simple lang, hindi ‘yung artista way, very intimate lang,” pagtatapat niya. -Reports from JCC-    

 

Please follow and like us:
Read More

SECOND CHANCE NI MAJA SA BF; MAGAANG ANG DATING

maja22

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

NOONG isang linggo ay naging kontrobersyal ang post ni Maja Salvador sa kanyang Instagram account. Makikita ang mga larawan ng aktres na kasama ang isang lalaki na na nagngangalang Rambo Nuñez. “Huwag na tayo sa into details. Ibigay n’yo na lang sa akin ‘yon, at least nag-share ako. It’s my first time na 1,000%, na walang pagdadalawang-isip if I’ll share or not,” makahulugang pahayag ni Maja.

Ayon sa aktres ay naging magkasintahan sila ng binata mag-iisang dekada na ang nakalilipas pero hindi nagtagal ang kanilang relasyon. “’Yung dati naman kasi namin, ano ‘yun eh, career or love life, may gano’n. Siyempre bata kami di ba? So parang hindi nabigyan ng todong chance before. So eto na siguro ang chance,” pagtatapat ng dalaga.

Kahit nagkahiwalay noon ang dating magkasintahan ay patuloy pa rin ang komunikasyon sa pagitan ni Maja at ng ina ni Rambo. “Sobrang swerte ko lang din na ang bait ng family niya, na wine-welcome nila ako na parang pamilya. Actually parang anak ang turing sa akin eh. ‘Yon ‘yung masarap sa pakiramdam,” pagbabahagi ng aktres.

Matatandaang si Gerald Anderson ang huling naging kasintahan ng dalaga. Nabanggit din noon ni Maja sa isang pahayag na hindi siya makikipagbalikan sa mga dating nakarelasyon. “Minsan you break your own rules, and I think it’s worth it. Sabi ko nga, ang gaan, sobrang kabaligtaran ng dati,” giit ni Maja. -Reports from JCC-

Please follow and like us:
Read More