QUIEL UMEXIT NA NG PH

bagyo

NAKALABAS na kaninang alas-5:00 ng madaling araw ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Quiel.

Ayon sa 5am weather update ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 590 kilometro Kanluran ng Coron, Palawan.

May taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometro bawat oras.

Mabagal na kumikilos ang Bagyong Quiel sa direksyong pa-Kanluran at tinatahak ngayon ang bansang Vietnam.

Sa kabila nito, nakakaapekto pa rin ang Tail-End of a Cold Front sa Northern Luzon.

Makararanas pa rin ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR) at Cagayan Valley Region.

Maalinsangang panahon naman ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa. Magkakaroon din ng mga panandaliang pag-ulan sa hapon o gabi na dulot ng localized thunderstorms.

Nakataas ngayon ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng mga sumusunod na lugar:
• Batanes
• Calayan
• Babuyan
• Cagayan
• Ilocos Norte
• Ilocos Sur
• Isabela
• La Union
• Pangasinan
• Zambales
• Bataan
• Cavite
• western coast ng Batangas
• Occidental Mindoro
• at Palawan

Please follow and like us:
Read More

BAGYONG QUIEL, ISA NANG SEVERE TROPICAL STORM

bagyo

(NI ABBY MENDOZA)

LUMAKAS pa at isa nang severe tropical storm ang bagyong Quiel na maghahatid ng pag-uulan subalit hindi magla-landfall.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa) huling namataan ang bagyo sa Coron, Palawan, kumikilos ang bagyo sa bilis na 15kph, taglay ang lakas ng hangin na 95kph at bugsong 115kph.

Nakararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-uulan sa Cagayan kabilang ang Babuyan Islands at Kalinga, Apayao, Ilocos Norte, Zambales, Bataan, Palawan, Mindoro provinces, Antique, Iloilo at Guimaras.

Nagbabala ang PAGASA ng pagbaha at landslide sa lugar dahil sa magiging tuloy tuloy na pag-uulan sa buong araw ng Biyernes.

Itinaas din ng Pagasa ang travel warning sa northern at western seaboards dahil sa malalakas na alon.

Inaasahang sa Sabado ng umaga ay lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.

 

Please follow and like us:
Read More