PULIS KULONG SA RAPE NG INMATE 

rape 12

(NI ANNIE PINEDA)

KULUNGAN ang kinabagsakan ng isang kawani ng Philippine National Police (PNP) nang hindi ito nakapagpigil sa panggigigil matapos ireklamo ng panggagahasa ng isang babaeng preso, sa lalawigan ng Quezon.

Kinilala ang suspek na si Police Master Sergeant Romulo Carpio, ng Atimonan Police.

Ayon kay PMaj. Alejandro Onquit, Chief of Police ng PNP-Atimonan, bandang  alas 11:00 ng umaga noong Nobyembre 24 naganap ang insidente at na-ireport lamang ito ng biktima kinaumagahan.

Kuwento ng 49-anyos na biktima, habang naliligo siya sa banyo sa nasabing himpilan ng pulisya, nang biglang katukin ng suspek ang pintuan at sapilitan siyang ginahasa .

Sinabi pa nito, sa takot niya ay hindi agad-agad siya nakapagsumbong at kinabukasan pa niya ito inireport.

Isinailalim naman sa pagsusuri ang biktiam at positibong ginahasa ito ng suspek.  Agad naman dinakip ng kanyang mga kabaro ang suspek at posibleng mahaharap sa kasong rape at administratibo.

Nanganganib din umanong matanggal sa serbisyo ang suspek dahil sa insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

2 RIDERS TODAS, 9 SUGATAN SA QUEZON ROAD MISHAP

(NI JV TRINIDAD)

QUEZON – Dalawang motorcycle riders ang namatay at siyam na iba pang motorista ang sugatan sa dalawang magkahiwalay na aksidente sa mga bayan ng Gumaca at San Narciso sa lalawigang ito noong Sabado at Linggo.

Sa report ng Gumaca police, sumalpok ang umalagwang DLTB bus na minamaneho ni Levie Talento sa isang bahay sa tabi ng Maharlika Highway sa Barangay Binambang bandang alas-3:30 ng umaga ng Linggo.

Wala namang nasugatan sa mga naninirahan sa nasabing bahay matapos  banggain ng bus patungong Bicol.

Sa pahayag ni Talento sa pulisya, bigla umano siyang nawalan ng kontrol sa kanyang sasakyan na siyang naging dahilan sa naganap na aksidente.

Isinugod sa Gumaca District Hospital ang pitong pasahero ng bus na pawang nagtamo ng bahagyang pinsala sa katawan samantalang si Talento na nagtamo rin ng sugat ay dinala naman sa RAKKK Prophet Medical Center sa kabayanan din.

Sa bayan ng San Narciso ay todas naman ang dalawang sakay sa motorsiklo matapos sumabit ang kanilang sasakyan sa isa pang motorsiklo habang nag-oovertake ang una.

Nakilala ang biktima na sina Jerwin Carabot (driver) at back rider na si Mark Jovel Abejuela.

Sa report, tumilapon ang dalawang biktima sa provincial road sakop ng Barangay Calwit noong Sabado ng umaga resulta ng maling pag-overtake.

Isinugod ang mga duguang biktima sa San Narciso Municipal Hospital subalit hindi na umabot nang buhay sila Carabot at Abejuela sanhi ng grabeng pinsala sa katawan.

Ang isa pang motorcycle rider na si Blademer Culla ay nagtamo rin ng sugat at nagpapagaling sa nasabing ospital.

Napag-alaman na parehong walang suot na crash helmets ang dalawang natodas sa aksidente.

 

Please follow and like us:
Read More

QUEZON NIYANIG NG MAGNITUDE 5.5 LINDOL

phivolcs lindol12

NIYANIG ng magnitude 5.5 na lindol ang lalawigan ng Quezon alas-4:52 Huwebes ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 42 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Jomalig.

May lalim ang pagyanig na 7 kilometro at tectonic ang origin.

Naitala ang sumusunod na intensities:

Intensity IV – Guinayangan, Quezon
Intensity II – Marikina City; Navotas City; Quezon City
Intensity I- Muntinlupa City

Instrumental Intensities:
Intensity IV – Guinayangan, Quezon; Jose Panganiban, Camarines Norte
Intensity III – Pili, Camarines Sur; Mauban, Lopez and Mulanay, Quezon
Intensity II – Marikina City; Malolos City; Gumaca and Dolores, Quezon; Baler, Aurora
Intensity I – Iriga City; Malabon City; San Juan City; Quezon City; Pasig City; Guagua, Pampanga.
Talisay, Batangas; Palayan City

Samantala, marami ang nakaramdam ng pagyanig sa bahagi ng Makati, Pasay at Taguig.

Walang inaasahang pinsala sa ari-arian ngunit posible ang aftershocks ayon sa Phivolcs.

Please follow and like us:
Read More

GINANG BAON SA UTANG, PINATAY

crime55

(NI JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – Isang 52-anyos na babae na umao’y lubog sa utang ang binaril hanggang sa mapatay sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito noong Miyerkoles.

Kinilala ang biktima na si Rowena Manalo, residente ng Sitio Burol sa Barangay Lumingon.

Sa report ng pulisya, kausap ni Manalo ang kinatawan ng isa sa kanyang mga pinagkakautangang lending companies, sa terrace ng kanyang bahay bandang alas-2:25 ng hapon nang bigla na lang sumulpot ang isang lalaking may baril at dalawang beses na pinutukan ang biktima.

Dead on the spot si Manalo na resulta ng dalawang tama ng bala sa katawan.

Tumakas ang salarin pagkatapos ng pamamaslang.

Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na marami umanong utang ang biktima sa iba’t ibang lending companies.

Nakapokus ang imbestigador sa pagkakabaon sa utang ng biktima bilang posibleng motibo sa pamamaslang.

Please follow and like us:
Read More

5 PATAY, 4 SUGATAN SA TRUCK VS TAMARAX FX

(NI JUN V. TRINIDAD)

QUEZON –  Lima ang namatay at apat ang sugatan, kabilang ang isang nasa kritikal na kondisyon, matapos sa banggaan ng dalawang sasakyan sa isang bahagi ng Maharlika Highway, sakop ng bayan ng Gumaca sa lalawigang ito noong Sabado.

Sa report ni Gumaca police chief, Major Rodelio Calawit, dead on the spot sina Jimmy Bron, 42; ang asawa niyang si Razel at anak na si JM; at si Emmanuel Junel Sagrit.

Si Francisco Joel Butardo naman ay hindi na umabot nang buhay sa Gumaca District Hospital sa kabayanan sanhi ng grabeng pinsala sa kanyang katawan.

Ayon sa police report, nagmamaneho si Jimmy ng kanyang Tamaraw FX na may sakay na walong pasahero nang aksidenteng bumangga siya sa kasalubong na cargo truck na biyaheng Maynila na minamaneho naman ni Gerome Villar sa isang bahagi ng Maharlika Highway sakop ng Barangay Bamban, bandang 5:45 ng umaga.

Sinabi sa report na tinangka ni Villar na iwasan ang Tamaraw FX na umano’y tumatakbo na wala sa kanyang linya nang maganap ang salpukan.

Sa imbestigasyon, nakatulog umano ang driver ng Tamaraw FX na siyang posibleng dahilan kaya naganap ang banggaan.

Apat na pasahero ng Tamaraw FX na kinilalang sina Fritcie Joyce Butardo, Fatima Jade Butardo, Eda Butardo at Ulpiano Clores, ang pawang nagtamo rin ng mga sugat sa katawan at isinugod sa naturang ospital.

Sa panayam sa telepono, sinabi ni Patrolman Alejandro Veluz Jr., Gumaca police investigator, na nanatiling nasa kritikal na kundisyon si Clores sanhi ng inabot na mas malubhang pinsala.

 

Please follow and like us:
Read More

GINITGIT, NAMARIL SA ROAD RAGE

(NI JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – Isang tsuper ang binaril at nasugatan dahil sa imbyerna ng kapwa motorista sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito noong Biyernes.

Sa report ng pulisya, tinamaan sa kanang braso si Raymond Fuente, 39, matapos barilin habang nakaupo sa driver seat ng kanyang Izusu Elf close van na nakahimpil sa tabi ng eco-tourism road sa Barangay Bignay 1 bandang alas-4:30 ng hapon.

Mabilis na tumakas ang hindi nakilalang bumaril na sakay ng light brown Toyota Fortuner na walang plate number.

Dinala ang biktima sa Quezon Medical Center sa Lucena City.

Napag-alaman ng mga imbestigador mula sa biktima na nakagitgitan ng kanyang sasakyan ang nasabing Toyota Fortuner sa crossing ng eco-tourism road ilang minuto bago naganap ang pamamaril.

Posible umanong naimbyerna ang sakay ng Toyota Fortuner sa unang naganap na insidente na nagtulak sa gunman para barilin ang biktima, ayon sa pulisya.

 

Please follow and like us:
Read More

TANIMAN NG ‘DAMO’ SA BAKURAN NI-RAID

QUEZON – Isang taniman ng marijuana o ‘damo’ ang sinalakay ng puwersa ng pulisya sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito noong Lunes.

Sa report ni Quezon police chief Colonel Audie Madrideo, nagsagawa ng raid ang mga anti-illegal drugs operatives sa bahay ng isang Emily Abrera sa Barangay Malabanban Norte noong 5:15 ng hapon.

Sa bakuran ni Abrera ay nadiskubre ng mga parak ang 68 puno ng marijuana na pawang bagong ani, siyam na iba pang matataas na puno na nakatanim at mga tuyong dahon na ibinalot sa dalawang peryodiko.

Ang mga nakumpiskang damo ay may kabuuang timbang na 2,100 gramo. Hindi naman nakalagay sa report kung magkano ang halaga ng mga nakumpiskang marijuana sa bentahan ng mga humihitit nito.

Wala si Abrera nang isagawa ang raid dahil sa Maynila na ito naninirahan.

Subalit ayon sa dalawang house keepers na sina Celina Ramos, 45, at ang kanyang anak na lalaking si Rheycel, 22, ang mga puno ng marijuana ay itinanim umano ni Charles Altomonte, kapatid ni Abrera, noong nakaraang buwan ng Hunyo at inani ang mga iligal na tanim nitong unang araw ng September.

Ang raid ay sinaksihan ng mga opisyales ng barangay at mga lokal na mamamahayag.

Ang mag-inang Ramos ay nakakulong sa Candelaria police jail.

 

 

Please follow and like us:
Read More

2 PATAY SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN

(NI JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – Dalawang motorista ang namatay at apat ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Tayabas City sa lalawigang ito noong Huwebes.

Aksidenteng sinalpok ng isang Mazda pick-up ang motorsiklong minamaneho ni Felix Salvan, 59, habang tumatakbo sa provincial road sakop ng Barangay Potol bandang 4:30 ng hapon, ayon sa report ni Lt. Colonel Roderick Tonga, Tayabas police chief.

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang motorsiklo na humampas naman sa isang dumadating na traysikel na minamaneho ni Jermy Lado, 69, na may sakay na apat na pasahero.

Sugatan ang dalawang tsuper at ang mga pasahero ng traysikel na isinugod sa Tayabas Community Hospital sa kalunsuran.

Subalit hindi na umabot ng buhay si Lado at ang isa niyang pasahero na si Josefita Alega, 57, sa nasabing ospital sanhi ng grabeng pinsala sa katawan.

Please follow and like us:
Read More

MOTORSIKLO VS KOTSE: MAG-AMA PATAY, BUNSONG ANAK SUGATAN

motoraccident12

(NI NICK ECHEVARRIA)

HINDI na umabot nang buhay ang isang mag-ama  habang sugatan naman ang isa pang  anak nito nang sumalpok sa kotse ang sinasakyan nilang motorsiklo sa  Candelaria, Quezon, Linggo ng gabi

Dead on arrival ang mag-amang sina Ramilo Dequito, 45, at anak na si Ryan James, 13, samantalang patuloy na ginagamot ang bunsong anak na si Ramsey, 5, sa Peter and Paul Medical Center sa nasabing lugar.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang drayber ng  Toyota Vios na nakabanggaan ng mag-aama matapos ang insidente.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 4-A sa Camp Crame, nangyari ang insidente bandang alas-9:10 ng gabi sa kahabaan ng Candelaria- San Juan, Batangas Road kung saan lulan ang mga biktima ng motrsiklo na minamaneho ng kanilang ama na si Ramilo.

Naganap ang salpukan ng dalawang sasakyan pagsapit sa Barangay Sta. Catalina kung saan tumilapon ang mga biktima ng ilang metro mula sa sinasakyan nilang motorsiklo.

Nabatid na walang suot na helmet kaya grabeng naapektuhan sa insidente sina Ramilo at Ryan James na kaagad isinugod sa nasabing na ospital kasama ang bunsong si Ramsey subalit hindi na umabot pa ng buhay ang dalawa sa pagamutan.

Patuloy na pinaghahanap ng pulisya ang tumakas na drayber ng Toyota Vios habang iniimbestigahan ang insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

AMASONA SUMURENDER SA MILITAR

cppnpa12

(NI DANN RIVERA)

QUEZON-Boluntaryong sumuko sa 85th Infantry Battalion  at 201st Infantry Brigade ang isang dalaga na aktibong miyembro ng New People’s Army (CPP-NPA) sa bayan ng General Luna, Linggo ng hapon.

Kinilala ni Lt.Col Arnold L Gasalatan ang sumukong NPA rebel na si Alexandra Padilla Casalda alias  ‘Ka Cosette/Ka Cris’, 23, tubong Lucena City, miyembro ng Platoon Sol, Sub-Regional Military Area(SRMA) Region 4B, Southern Tagalog  Regional Party Committee(STRPC).

Ayon sa military, nagtapos ng kolehiyo si Pacalda sa Enverga University  sa lungsod ng Lucena sa kursong Mass Communication  at isang aktibong miyembro ng Gabriela Youth and College Editors Guild of the Phils. at
laging kasama sa mga inilulunsad na protesta laban sa gobyerno.

Bago pa tuluyang sumama sa mga armadong rebeldeng NPA sa kabundukan, isinurender din ni Palcada ang kanyang armas na Smith and Wesson na revolver na naglalaman ng 6 na bala.

Samantala, ikinukonsedera naman ni Southern Luzon Command (SOLCOM) Commander Lt. General Gilbert Gapay na isa na namang kabataan na na-recruit ng CPP-NPA mula sa paaralan ang kanilang naibalik sa kanyang mga magulang at sa pamahalaan.

Please follow and like us:
Read More

1 KILONG COCAINE LUMUTANG SA DAGAT 

(NI JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – Isang pakete na naglalaman ng isang kilong hinihinalang cocaine ang natagpuan sa baybaying dagat ng bayan ng Jomalig sakop ng lalawigang ito noong Biyernes.

Ayon kay Maj. Elizabeth Capistrano, Quezon police public information chief, ang pakete ng iligal na droga ay natisod ni Jose Mercado sa dalampasigan ng Barangay Apad bandang alas-5:00 ng umaga.

Agad niya itong dinala kay Konsehal Nelmar Sarmiento at sabay naman nila itong isinumite sa lokal na pulisya.

Kung mapatutunayang cocaine ang laman ng pakete pagkatapos ng laboratory test, ito ay tinatayang nagkakahalaga ng P5 milyon base sa umiiral na presyo sa bentahan ng iligal na droga na P5 milyon kada kilo.

Ang islang bayan ng Jomalig na nasa Pacific Ocean ang pinakamaliit at pinakamalayong isla sa lalawigan ng Quezon. Ito ay matatagpuan sa silangang bahagi ng Polilio island group.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may napadpad na mga pakete ng cocaine sa baybaying dagat ng Quezon sa harap ng Pacific Ocean.

Noong February at July ngayong taon ay nasa walong pakete na naglalamam ng walong kilong cocaine ang natagpuan din sa baybaying dagat ng Mauban.

Noong Abril ng nakaraang taon ay nakarekober din ang isang grupo ng mga mangingisda sa islang bayan ng Perez ng 28 kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng P280 million at 16.5 litro ng likidong kemikal na makakalikha ng 13 kilo ng cocaine.

Kasunod nito ay may narekober din ang mga mangingisda sa lugar ng “sophisticated, high-tech tracking device” na ginagamit sa monitoring ng droga na ibinabagsak sa karagatan.

 

Please follow and like us:
Read More

5 PULIS SUGATAN SA BUMANGGANG PATROL CAR

(NI JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – Sumalpok ang police patrol car sa isang truck isang bahagi ng Maharlika Highway sa bayan ng Gumaca sakop ng lalawigang ito dahil umano sa lindol noong Biyernes.

Sa report ng Gumaca police, kinilala ang mga sakay ng bumanggang patrol car na sina Staff Sergeants Sharon Punongbayan, Mark Anthony Yolores, Gilbert Golimlim, Herbert Pasno at Corporal Eric Gregy Estrell, lahat ay pawang kasapi ng Calauag town police station.

Bumibiyahe pabalik ng Calauag ang patrol car nang maramdaman ng tsuper na si Estrella ang lindol.

Dahil sa pagkagulat ay aksidenteng nawalan ito ng kontrol sa sasakyan hanggang aksidenteng bumangga ito sa isang truck sa tabi ng highway sakop ng Barangay Calumanguin bandang alas-4:30 ng hapon.

Sugatan ang limang pulis na dinala sa Gumaca District Hospital sa kabayanan.

Ayon kay Major Jaytee Tiongco, Calauag police chief, nanggaling ang mga biktima sa Camp Nakar at dumalo sa isang conference at bumibiyahe na pabalik sa kanilang destino nang maganap ang aksidente.

“Hindi lang yun dahil sa lindol. Madulas din kasi ang basang kalye,” ang paliwanag ni Tiongco sa telepono.

Samantala, walang iba pang report ng pinsala sa buhay at ari-arian ang tanggapan ng provincial disaster risk reduction and management council (DRRMC) sa Quezon resulta ng lindol.

Ayon kay Melchor Avenilla, hepe ng Quezon-DRRMC, wala rin silang tinanggap na ulat na nagkaroon ng landslides o abnormal na pagtaas ng tubig sa karagatan kaugnay ng lindol.

Niyanig ng 5.3 magnitude na lindol ang bahagi ng Luzon at partikular na nakasentro sa bahagi ng islang bayan ng Burdeos, Quezon.

Ayon din kay Zander Bautista, residente ng Burdeos, kalmado ang kanilang karagatan noong bago at pagkatapos maganap ang lindol.

Maliban aniya sa maiksing sandali na humampas sa kanilang baybayin ang malakas na alon na may taas na isang piye noong nagaganap ang lindol.

Sa kabuan ay kalmado ang dagat at hindi naman natakot sa lindol ang mga residente. May ilan na nangamba sa tsunami pero napawi naman ng pagdadasal,” ani Bautista sa panayan sa Facebook.

Please follow and like us:
Read More

VICE MAYOR ITINUMBA SA LOOB NG BAHAY

(NI DANN RIVERA)

LUCENA CITY,QUEZON- Pinasok at binaril sa loob ng kanyang bahay ang isang dating mayor at kasalukuyang Vice Mayor ng San Andres, Quezon habang ito ay nakahiga sa sofa, Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Sergio”Popoy”Emprese, 60, at residente ng Phase 5-C Santol St., Calmar Homes Subd. Brgy. Kanlurang Mayao, Lucena City.
Nagtamo ang biktima ng isang tama ng bala ng baril sa kanang bahagi ng ulo.

Ayon sa anak ng biktima na dating vice mayor ng San Andres na si Serson Emprese, dakong alas 7:30 ng Martes nang pasukin ng armadong suspek ang kanyang ama habang ito ay nakahiga sa sofa at kumakain.

Ayon naman sa kasama nito sa bahay na tumangging banggitin ang kanyang pangalan, nasa loob siya ng kwarto nang makarinig siya ng isang putok ng baril at sumisigaw ang kapatid na babae ng biktima.  Agad siyang pumunta sa sala ng bahay at tumambad sa kanya ang duguang bise alkalde.
Nasalubong pa umano ng kasambahay ang suspek sa pintuan ng bahay habang ito ay patakas nakasuot ito ng puting damit at bitbit ang baril na ginamit sa pamamaril.

Sinundan niya ito hanggang sa labas ng bahay at namataan pa niya ang tatlo pang kasama nito na nakatayo sa harap ng kanilang bahay na nagsilbing lookout .
Agad namang isinugod ng kaanak sa MMG Hospital si Emprese, subalit makalipas ang halos mahigit na dalawang oras ay binawian na ito ng buhay.

Blangko pa hanggang sa kasalukuyan ang Lucena PNP kung ano ang motibo ng pamamaril at nagsagawa ng follow up police operation ang mga pulis upang makilala ang mga nasa likod ng krimen at sa posibleng madakip ang mga ito.

Please follow and like us:
Read More

JUETENG, BUHAY SA QUEZON; 9 NA KUBRADORES TIMBOG

jueteng 12

QUEZON – Nagsisimula na ang operasyon ng jueteng sa lalawigang ito resulta ng pagpapahinto sa Small Town Lottery (STL) mahigit dalawang linggo na ang nakalilipas.

Siyam katao na hinihinalang mga kubradores ng jueteng sa bayan ng Calauag ang nasakote ng mga anti-gambling operatives mula sa PNP regional, provincial at lokal na istasyon ng pulisya sa isinagawang raid sa safehouse ng sindikato sa Barangay Doña Aurora bandang 11:30 ng umaga noong Miyerkoles.

Sa report ni Quezon police director Colonel Audie Madrideo, kinilala ang mga nadakip na sina Agusto Esguerra, Lauro Ibatuan, Estelito Nayosa, Wilma Resaba, Racquel Ana, Isabelita Dequilla, Berna Nuñez, Justina Herrera at Helen Ricalde.

Nakatakas naman sa isinagawang raid sina Joy Capilit at isang alias “Boss Beting”.

Natimbog ang mga suspek habang nagrerebisa ng mga taya sa nakumpiskang 98 piraso ng mga ‘lastillas’ (listahan ng taya).

Nasamsam din ng mga awtoridad ang iba’t ibang jueteng paraphernalia at kabuuang nakolektang taya na P7,980 sa iba’t ibang denominasyon.

Ngunit nilawanag ni Madrideo na hindi masisibak ang lokal na hepe ng pulisya sa nasabing bayan sa ilalim ng PNP “one strike policy”.

“Joint operation ang nangyari,” ang paliwanag ni Madrideo sa phone interview na ibig sabihin ay kasangkot ang lokal na pulisya sa operasyon.

Sa ilalim ng nasabing polisiya, agad na sisibakin ang hepe ng pulis kapag nadiskubreng may ipinagbabawal na sugal sa kanyang bayan dahil tumanggap ng suhol ang opisyal ng pulis.

Ayon sa impormasyon ng mga dating kubradores ng STL, magsisimula umano ang operasyon ng jueteng sa iba’t ibang parte ng lalawigan kung mananatiling sarado ang STL.

Noong nakaraang July 26 ay iniutos ni Pangulong Duterte ang pagpapatigil sa lahat ng number games – STL, lotto, Perya ng Bayan at Keno – sa ilalim ng pamamahala ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil umano sa malawak na korupsyon sa nasabing ahensya.

Ngunit pagkalipas ng apat na araw ay muling ibinalik ang operasyon ng lotto.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI NAKIPAGLIBING; TODAS SA HIT AND RUN

hitandrun8

(NI JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – Isang 34-anyos na lalaki na nanggaling sa pakikipaglibing ang hinihinalang biktima ng hit and run sa bayan ng Calauag sa lalawigang ito noong Biyernes.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang biktima na si Joselito Ajero at residente ng Barangay Sabang Uno sa nasabing bayan.

Natagpuan ang sugatang bangkay ng biktima sa isang panig ng Maharlika Highway sakop ng Barangay Sumilang bandang 12:30 makalampas ang hatinggabi ng Biyernes.

Walang nakasaksi sa hinalang pagkakabunggo ng sasakyan sa biktima. Naging basehan lang ng pulisya ang mga sugat ng biktima sa iba’t ibang parte ng katawan at lokasyon ng bangkay.

Napag-alaman ng imbestigador na si Ajero ay dumalo pa sa libing ng isang residente ng nasabing barangay bago natagpuan ang kanyang bangkay sa tabi ng highway.

 

Please follow and like us:
Read More

‘FAITH HEALER’ NA TULAK TIMBOG SA DROGA

(NI JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – Isang kilalang “faith healer” na umano’y isa ring drug pusher ang inaresto ng pulisya sa bayan ng Lopez sa lalawigang ito noong Biyernes.

Sa report ng pulisya, kinilala ang suspek bilang si Reymundo Gatdula, 43, residente ng Barangay Bocboc.

Natimbog ang suspek pagkatapos niyang pagbentahan ng shabu ang isang ahente ng pulis sa iskoran na naganap sa nasabing barangay noong Biyernes ng umaga.

Nakumpiska kay Gatdula ang apat na plastic sachets ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1,360.

Batay sa impormasyon ng pulisya, ang suspek ay isang kilalang manggagamot o faith healer sa nasabing lugar.

Subalit napag-alaman ng awtoridad mula sa ilang residente at nakumpirma ng lokal na “asset” ng pulisya na ang suspek ay nagbebenta rin ng shabu kasabay sa kanyang panggagamot.

 

Please follow and like us:
Read More

5 STUDENTS NAG-SWIMMING, NALUNOD SA TAYABAS BAY

(NI DANN RIVERA)

MULANAY, QUEZON –Limang estudyante ng Bondoc Peninsula Agricultural High School(BPAHS) ang tinangay ng malakas na alon habang ang mga ito ay nagsu-swimming sa dagat, bahagi ng Brgy. Sta. Rosa, nabanggit na bayan Huwebes ng umaga.

Kinilala ng Mulanay PNP, ang mga biktima na sina Edgar De Villa, 15, Grade 8 residente ng Brgy. Anonang, Richard Rapia, 15 Grade 8, Roiel Remo,13, Grade 8, na kapwa residente ng Brgy. Burgos at ang magkapatid na kambal na sina Jamewill Buesan at Jaymar Buesan, 15, Grade 9 at residente naman ng Sitio Inawitan, Brgy. Burgos.

Batay sa report ni Police Major Joselito Araja, hepe ng pulisya, dakong alas 10:00 ng umaga ng magkayayaan ang mga estudyante na maligo sa dagat, at sa kasagsagan ng paglalaro ng mga ito sa tubig ng tangayin ng malakas na alon patungo sa malalim na bahagi ng karagatan.

Nagsagawa ng retrieval and rescue operation ang Mulanay PNP, Mulanay MDRRMO at barangay officials na nagresulta ng pagkakasagip sa dalawang estudyante na sina Rapia at Remo, habang ang kambal at isa pang estudyante na si De Villa ay hindi pa natatagpuan at patuloy pa rin ang isinasagawang paghahanap ng mga awtoridad sa tatlo pang estudyante.

Please follow and like us:
Read More

MAGKALAGUYO NAHULING NAGSE-SEX

(NI JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – Dahil sa ginawang pagtataksil ng kanyang asawa, hindi na nakatiis ang isang 57-anyos na lalaki na isumbong ang panonorotot ng babae sa pulisya ng bayan ng Calauag sa lalawigang ito noong Biyernes.

Sa salaysay ng biktimang si Nonito, residente ng Barangay Kinalin Ilaya, sa istasyon ng pulisya Biyernes ng tanghali, noon umanong nakaraang Mayo 8 bandang 4:00 ng madaling-araw ay nahuli ng mga opisyales ng barangay ang kanyang asawang si Jenelyn, 32, at ang sinasabing kabit nito na si William, 38, na parehong hubo at hubad na naglampungan.

Una rito ay nakita muna ng anak na lalaki ni Añir ang kanyang nanay na nakikipagpupugan ng halik kay William.

Tinangka ng bata na gisingin ang kanyang natutulog na tatay upang isumbong ang kahalayang ginagawa ng ina subalit hindi niya ito mapukaw sa pagkakahimbing.

Sumugod ang bata sa kanyang tiyuhin na barangay captain sa nasabing lugar na kasalukuyan noon na nagdaraos ng fiesta at doon siya nagsumbong.

Kasama ang ilang kagawad at barangay tanod, mabilis na pinuntahan ng opisyal ng barangay ang lugar na itinuro ng kanyang pamangkin.

Huli sa akto ng mga opisyales ng barangay ang parehong nakahubadna magkalaguyo na nasa kainitan ng kanilang pagtatalik sa lupa na ang lalaki ay nasa ibabaw ng babae, ayon sa report ng pulisya.

Nang pasinagan ng flashlight ay mabilis na tumindig ang magkabit at tumakbong parehong walang saplot sa katawan.

Inihahanda na ng pulisya ang kaukulang demandang adultery laban sa magkalaguyo.

 

Please follow and like us:
Read More

P35-M COCAINE, NALAMBAT NG NAGPI-PICNIC NA PAMILYA

(NI JG TUMBADO)

TINATAYANG nagkakahalaga ng P35milyon ng cocaine ang narekober ng mga awtoridad sa bayan ng Mauban, Quezon Linggo ng hapon.

Pitong bloke ng cocaine na humigit-kumulang sa pitong kilo ang natagpuan sa baybayin ng Sitio Bulwagin sa Barangay Cagsiay Uno.

Ayon kay Police Lt. Col. Julio Reyes Go, hepe ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), unang nadiskubre ang mga ilegal na droga ng isang mangingisdang si Ruel Sendon Perez, 44, residente sa lugar habang nagpi-picnic ito kasama ang kanyang pamilya bandang alas-12:30 ng tanghali. Agad itong ipinaalam sa mga awtoridad ang insidente.

Ang naturang mga kontrabado ay nakabalot sa packaging tape nang matagpuan at dinala na sa Quezon Crime Laboratory para isailalim ang mga ito sa pagsusuri.

Please follow and like us:
Read More

MAGSASAKA PATAY SA TAGA NG MAGTATAY

crimebolo123

QUEZON – Parang puno ng saging na pinagtataga hanggang sa mamatay ang mag-ama ng nakaalitan nilang magsasaka sa bayan ng Lopez sa lalawigang ito noong Biyernes.

Sa report ng pulisya ay kinilala ang biktima na si Lito Jariño, 47, residente ng Barangay Jongo sa bayang nabanggit.

Bandang alas-6:30 habang patungo ang biktima sa isang tindahan para bumilina ng hapunan hapunan ay bigla na lang sumulpot sa daan ang naghihintay na si Anthony Ayana kasama ang anak na si Christian na parehong may hawak na itak.

Bigla na lang umanong sunud-sunod na pinagtataga ng dalawang suspek si Jariño.

Naliligo na sa sariling dugo ang biktima nang tantanan ng dalawa na agad na tumakas.

Mabilis na isinugod ng mga taga-barangay ang biktima sa Magsaysay Memorial District Hospital sa kabayanan subalit hindi na ito umabot nang buhay sanhi ng mga tinamong grabeng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa follow-up operation ng pulisya sa bahay ng mga nakilalang suspek ay natagpuan ang dalawang kaluban subalit wala ang mga itak na pinaniniwalaang ginamit sa pagpatay sa biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na ilang araw na ang nakalilipas ay nagkaroon ng alitan at pag-aaway ang mga suspek at si Jariño na posibleng siyang naging motibo sa pamamaslang.

Please follow and like us:
Read More

MAGSASAKA TINAGA SA LEEG

(NI JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – Isang magsasaka na nakatulog sa kalasingan ang pinagtataga sa leeg na parang manok hanggang sa mapatay sa Lucena City noong Huwebes.

Sa report ng pulisya, pagkatapos nang matagal na inuman sa Barangay Dalahican ay nakatulog ang langung-lango na si Julio Estimo, 56, residente ng Barangay 7 sa siyudad na ito.

Nang malasing ang biktimang dayo sa nasabing barangay ay nakatulog na lang ang biktima sa lamesang pinag-iinuman, bandang ala-1:30 ng madaling araw.

Ayon sa mga nakasaksi, habang nasa kasarapan ng tulog ang biktima dulot na rin ng malamig na simoy ng hangin mula sa Tayabas Bay ay bigla na lang itong sunud-sunod na tinaga sa leeg ng mangingisdang si Efren Orquia.

Dead on the spot ang duguang biktima. Tumakas ang suspek at hinahanting ngayon ng pulisya.

Nagsasagawa rin ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang alamin ang posibleng motibo ng suspek sa ginawang walang habas na pagtataga sa biktima.

Please follow and like us:
Read More

BABAE BINARIL NG TANDEM

crime43

(NI JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – Isang 40-anyos na babae ang bigla agad binaril sa mukha habang nagbubukas ng gate ng kanyang tahanan sa lungsod na ito, nitong Miyerkoles.

Kinilala ang biktima na si Jaclyn Kate Koo Tan, ng AV Marquez Subdivision sa Barangay 6.

Sa report ng pulisya, aktong nagbubukas ang biktima ng kanilang gate nang biglang lumapit ang dalawang hindi nakikilang suspek na nakasakay sa isang motorsiklo.

Nang makadikit na ang dalawa ay bigla na lang inilabas ang hindi pa nalalamang kalibre ng baril ang isa sa mga suspek at binaril sa mukha ang biktima.

Pagkatapos barilin ay mabilis na tumakas ang dalawang kriminal.

Isinugod naman ang biktima sa MMG Hospital at patuloy na nakikipaglaban sa kanyang buhay.

Si Koo Tan ay pang-anim sa rekord ng mga basta na lang binaril – lima na ang napapatay – ng mga hindi pa nakikilang mga gunmen sa magkakahiwalay na insidente pamamaril sa siyudad na ito, bayan ng Tiaong at Sariaya simula noong Martes.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang makilala ang mga suspek at alamin din ang mga motibo sa mga naganap na pamamaslang.

 

Please follow and like us:
Read More

15 SUGATAN SA SALPUKAN NG TRUCK, JEEP

(TEKSTO/PHOTO BY JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – LABING-LIMA ang sugatan sa aksidenteng banggaan ng cargo truck at pampasaherong jeep sa Maharlika Highway sa bayan ng Pagbilao, noong Sabado.

Batay sa ulat ng pulisya, nag-overtake sa unahang sasakyan ang cargo truck na minamaneho ni Edward Garay sa isang bahagi ng Maharlika Highway sakop ng Barangay Silangang Malicboy, bandang alas-2:00 ng hapon.

Dahil pumasok sa kabilang linya, huli na nang makita ni Garay ang kasalubong na pampasaherong jeep na minamaneho naman ni Fernando Arevalo na nagresulta sa direktang salpukan ng dalawang sasakyan.

Nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang tsuper at 13 pasahero ng jeep.

Dinala ang mga biktima sa MMG Hospital, Saint Anne Hospital at Quezon Medical Center sa Lucena City.

Please follow and like us:
Read More

2 PATAY SA QUEZON ROAD RAGE

(NI JG TUMBADO)

PATAY ang dalawang motorista makaraang barilin sa gitna ng alitan sa trapiko sa bayan ng Candelaria, Quezon, Sabado ng gabi.

Batay sa impormasyon mula sa Candelaria Police, dakong alas-6:50 ng gabi nang masangkot sa sagian ang isang Hyundai EON at Toyota Fortuner sa Candelaria bypass road sa Barangay Masin Sur.

Habang nag-uusap umano ang mga drayber ng dalawang nasangkot na sasakyan, nairita ang drayber ng Toyota Fortuner.

Kinuha umano ng suspek ang baril mula sa kotse at pinuntirya si Marvin Domenden, 35, drayber ng Hyundai EON; at si Domingo Dialino.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Bagama’t naisugod sa Peter Paul Medical Center ang mga biktima, hindi na umabot nang buhay si Domenden at pumanaw si Dialino habang ginagamot.

Patuloy nang tinutugis ng mga otoridad ang suspek at ang pagkakakilanlan nito.

Please follow and like us:
Read More